Tulang Malaya

"Mundo'y Aking Ipagmamalaki"
ni: Daveson E. Torculas




Ang mundong taglay ko ngayon
Ay ang ninais ko noon, 
Hindi kaning isusubo
At hindi gawaing biro.

Sa iba man ay mapait
Saki'y ikapitong langit,
Aking naging karanasan
Talento ko'y natuklasan.

Ito ang dalawang bagay
Nagbigay kulay sa buhay,
Itong sining at kultura
Na dapat bigyang-halaga.

Bilang isang Pilipino
Isip ko ay napupuno,
Na sana ay balang araw
Dal'wang bagay ay iilaw.



"Ikaw ang Pipiliin" 
ni: Mary Coleen Ingking


Image result for love


Ikaw lamang ang nais na makatabi
Sa aking malalamig na mga gabi
Ibig masilayan, malambot mong labi
At ngiti mong sintamis ng tsokolate.

Ikaw lamang ang nais ko na makamtan
Ngunit ang abutin kay 'di gawang biro
'Di ito parang kanin na isusubo
Tila ito'y bagyong mahirap lagpasan.

Landas na matinik ay tatahakin
Malalim na nag-iisip, nangangarap
'Pag ikaw ay maabot at makasama 
Ako'y tila nasa ikapitong langit.

Mahal, ako man ay hindi mo pilitin 
O, ikaw parin ang aking pipiliin
Ipapangako ko sa iyo aking mahal, 
Na ikaw lamang ang aking iibigin.


Magulang
ni: Jenissa Orongan


Image result for magulang

Ang aking magulang Sila ang aking lakas Salamat sa inyong pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana lagi kayong masaya Sa piling ng inyong mga anak Sana hindi kayo magsawa sa pagmamahal Laging sumuporta at umalalay sa mga problema. Salamat sa inyong sakripisyo Sana bigyan kayo ng malakas na pangangatawan Para maibalik ko ang inyong sakripisyo Alam ko ang pagmamahal ng magulang ay hindi kukupas.


“Matatamis na Ngiti sa Sitio Babo”
ni: Joan Lopena

Related image


Habang ako’y paalis ay tanaw ko sa kanila ang saya
Ang saya na sa lahat ay kaaya-aya
Mga batang tumatakbo at umaasa na kami’y babalik pa
Wala ng mas gagalak pa at sasaya sa aking nadarama.

Bago pumunta sa lugar ng Sitio Babo
Ang sayang nangingibabaw sa lahat ng bago
Ang tunay na malasakit ay wala sa mga mahal na gamit
Ito ay nasa puso mong tunay na nagmamahal.

Ang mga ngiti nilang sobrang tamis 
Tunay at walang pagmamalabis 
Mga matang kumikisap
Para bang mga bituin sa langit na nakikiusap.

Habang buhay kong babaonin
Ang pagmamahal na isinusukli nila sa akin
Salamat mga munting anghel ng Sitio Babo
Pag-ibig namin para sa inyo’y di magbabago.


Magigiting na Mandirigma
ni: Pauline Faith P. Luz


Image result for parents

Pawis at pagod ang kanilang hinarap
Lahat inaalay kahit na mahirap
Pati digmaan ay kanilang tinangap
Matupad lang ang aming mga pangarap.

Tayong anak ang isa sa mga rason
Kaya sila ay naryan at bumabangon
Sa lungkot, ligaya sila’y naroroon
At nandyan sa anumang pagkakataon.

Nilusob pati malalakas na alon
At silay sumisikap mula pa noon
Kaya sila ay matibay hanggang ngayon
Upang ang mga anak ay maiahon.

Aking magulang hayaan niyong malasap
Ang Pagpapala ng iyong pagsisikap
Mabigay ang isang mahigpit na yakap
At pagmamahal na abot hanggang ulap.


“Tropa”
ni: Sheila Mae C. Penaso




Tuwing magkakasama'y hindi masusukat ang kaligayahan
Kahit saan palaging naghihiyawan,
Hanggang sa ang lahat ay gutumin
 Kwek-kwek, isaw, siomai 'di palalampasin.

 Kahit na may mga araw na di magkikibuan
 Nangingibabaw pa rin ang aming pagmamahalan
 May mga galang hindi malilimutan 
Walang pake kung sa magulang ay mapagalitan.

Hindi man gustohin, pero kailangang magkawalay 
At isa-isang sulongin ang pagsubok ng buhay 
Makakatagpo ng mga bagong kaibigan 
Pero ang aming ala-ala'y hindi matutumbasan. 

Ngayo'y 'di na gaya ng dati na
 kompletong naghihiyawan
 Hindi na naranasan muli ang dating pagtatawanan 
Mga ala-ala'y iniisip habang nakatulala sa kawalan
 Nakakamiss ang dating samahan.


"Ano Ba Talaga Tayo?"
ni: Rasheed Wallace Suello




Naramdaman mo na rin ba?
Pag-ibig na pinadama,
Na para bang mahalaga,
Kaibigan lang naman pala.

Nalilito na nga ako,
Kung minahal mo ba ako.
Maling akala ba ito?
O dahil sa motibo mo.

Di ko na kayang pigilan,
Ang aking nararamdaman.
Ang puso koy nasasaktan,
Nu’ng ako’y iyong nilisan.


"Ang Mundo Sa Isang Libro"
ni: Jessa Mae Vilano 



Isa ka lamang maliit na bagay,
Wala ka mang halaga sa iba,
Hindi ka man nagugustuhan ng ilan,
Pero isa ako sa mga taong naliligaya saiyo
‘Yung amoy mo kasi ay tila isang bulaklak.

Sa tuwing nasa kamay na kita, 
At aking binabasa ang bawat letra,
Akin itong idinadama.
Ako’y iyong dinadala sa ibang mundo
At ako’y parang napupunta sa istorya
Lahat kasi ng kaganapan ay tila imahinasyon.

Ikaw ‘din ay tila isang kaibigan,
Nagbibigay ng saya at umaalis ng problema
Kahit na minsan hirap akong bilhin ka,
Sulit naman sapagkat ika'y walang katulad.
Nagbibigay ka ng kasiyahan na parang 
Pang ikapitong langit na.


"Biyaya"
ni: Angelica Namoc


Dumating na ang araw na hinihintay nila
Pinanganak sabay ang pagsikat ng umaga, minahal at pinagpala, walang sawang inaruga
Ang sanggol na nagbigay sa kanila ng ligaya.

Laro dito, laro doon
Laro sa buong maghapon
Iyak dito, iyak doon
Iyak buong dapit-hapon.

Paghubog ng aking kakayanan
Nagsimula sa aming tahanan,
Aking mga magulang, nagturo sa tamang daan,
Daan tungo sa magandang kinabukasan
Natutong magbilang at magsulat.

Natutong makisabay at maki-uso
Natutong umibig, natuto't nasaktan
Natutong kalimutan ang nakaraan.


"Sandalan"
ni: Jeziel Mae Caduyac


Ikaw ang naunang sandalan
Tuwing ako'y nasa kapahamakan
Araw't gabi kitang kinukuwentuhan
Kahit 'di mo ako naintindihan.

Lagi tayo'y  naglalakad kung saan-saan
Minsan nga'y umabot pa sa dalampasigan
Sabay ng ihip ng hangin
Parati kitang kinakantahan.

Sa tuwing ako'y nasa kalungkutan
Sinapit ay nababawasan
At napapalitan ng kasiyahan
Dahil mata mo'y kumikinang na parang bituin.

Sa pag-alis ko ng bahay
Ikaw ang aking nayayakap
At sa pagdating ko'y 
Ikaw ang hinahanap.

Subalit paglipas ng panahon
O, kay bilis ng mga araw
Balitang mahirap na tanggapin
Lumisan kang walang pasabi.

Alam kong 'di ka na babalik
O, aking munting aso
Hinding-hindi kita kalilimutan
At ika'y aking alaala na lang.


"Ano ang Mundo kung Walang Pananampalataya"
ni: Khrystal Colen Trangia



Hindi mo ba alintana?
Ang mundo ay tila mahiwaga.
Sa paglakbay ng kasaysayan,
Nababalot na ito ng kasakiman.

Paano na lang kung wala,
Wala kang pananampalataya?
Pananampalataya sa iyong paniniwala
Na siyang sagot sa mundong mahiwaga.

Paano na lang kung wala ka,
Wala kang katatagan sa iyong pananampalataya.
Sasali ka ba sa apoy ng kasakiman?
Na dito sa mundo ay naghari na.

Sa pag-asa, ika'y 'wag mawalan kaibigan
Isipin mo na lang
Ano ang mundo kung wala
Wala kang pananampalataya?


"Sinisinta"
ni: Louell Ampo



'Di ko mapigilan
Ang ikaw ay tignan
Mata mong kay pungay
Kay sarap titigan.

Tinig mo pag naririnig
Ako agad ay kinikilig
Halimuyak ng iyong amoy
Tila ba nagpapainit sa akin na apoy.

Isa kang hulog ng langit
Anghel na nais kong makamit
Ngayon, lakas loob kong sasambitin
Sinta, pwede bang ika'y maging akin?



“Panaginip”
Ang Kabaliktaran ng Katotohanan
ni: Jedidiah Quime Agayan


Humiga, huminga dahan-dahang
Ipikit ang mga mata
 Lumikha, tumula dahan-dahang
Ibukas ang mga mata.

Sa mundong walang hugis
At may iba't ibang tunog
ay mundong walang lapis
Ay ang mundo pag-ikay tulog.

Lumipad lumangoy
Ngunit wala kang maamoy
Ilahad at tumukoy
 ng problemang gusto mong itaboy.

Walang bawal, walang batas
Walang gutom, walang uhaw
Puro sulong, walang atras
Bitin ka 'pag ika'y pinukaw.

Tumugis ng kawatan
Sa mundong walang presohan 
Lumihis man ang daan

Marami kang paroroonan.


"Akoy Lumayo"
ni: Jenelyn Buma-at



  Tuwang-tuwa sa pangako,
 Na ikaw't ako'y may tayo
Malalambing na salita 
Sa maaamong mukha.

Sa tuwing ika'y nakikita 
Lamunin mo ako lupa
Daig pa ang nagkasala,
Sa nararamdamang hiya.

Storyang nalipasan ng panahon
Tuluyang inanod  ng alon
Umasang babalikan,
Naghintay at napagod na rin.

Ako'y lumayo 'di dahil ayoko na
Ako'y lumayo dahil tayo'y wala na
Ako'y lumayo 'di dahil susuko na
Ako'y lumayo dahil, ako'y nagparaya at ito ang tama.

Tuluyan nang lalayo 
Alam kung masakit ito,
 Ngunit kakayanin ko
Lilisanin ang dating tayo.


“Sagutin Mo Na”
ni: Alex Pelayo




Noong ika’y makilala
Ngiti ay di na mawala
Pagpapasok sa eskwela
Bitbit ang 'yong ala-ala.

Ika’y naging inspirasyon
Para sa aking ambisyon
Sana’y may pagkakataon
Na makuha ang atensyon.

Upang ako’y maka-amin
Kung anong na sa damdamin
Sana ay iyong sagutin
Ang nais kong sabihin.

 Sobrang minahal na kita 
Mula nang tayo’y magkita
Kaya ang hiling ko sana
Ako’y sagutin mo na.


"Pait ng Pag-ibig"
ni: Regine Eballena


Tamis ng unang pag-ibig 
Sadyang nakakakilig, 
Mga matang nakatitig
Parang Lindol kong yumanig. 

Ang ating sumpaan sa loob ng simbahan 
Ay pagmamahalan na walang hangganan, 
Hinding hindi malilimutan
Ito'y dadalhin hanggang kamatayan. 

Ngunit  sadyang mapaglaro ang tadhana
Tayo ay pawang hindi itinakda, 
Ikaw ay lumisan tungo sa ibang bayan
Ako nama'y naiwan ng landas na matinik.

Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon
Ikaw ay nagbabslik sa ating nayon, 
Puso ko'y nagdiwang at tumalon
Ngunit lungkot ang nadama nang

Ika'y nakitang nasa lupang payapa.













Comments

Popular posts from this blog

Tulang Di-Malaya (Isyung Panlipunan)

Tula (Karanasan sa Buhay)

Maikling Kuwento (Karanasan sa Buhay)