Maikling Kuwento (Karanasan sa Buhay)

Dula ng Tagumpay
ni: Daveson Evediente Torculas

             Kadiliman, ang una kong nakita sa mundong ibabaw. Musmos pa lang ako ng simulang mangarap.
"Inay, gusto ko pong manalo sa iba't ibang kompetisyon balang araw at makapunta sa iba't ibang dako ng Pilipinas", sabi ko sa aking nanay habang kami ay kumakain sa hapagkainan.
"Hindi naman masamang mangarap anak basta't huwag ka lamang manapak ng reputasyon ng iyong kapwa", tugon naman ng aking nanay. "Pagbutihan mo ang iyong pag-aaral para ang lahat ng mga pangarap mo'y maging katotohanan balang araw."
"Opo Inay, pagbubutihan ko po talaga at gagawin ang lahat sa abot ng aking makakaya para ang lahat ng mga pangarap ko'y matutupad", sabi ko naman.
Tumingin sa akin ang nanay at ngumiti. Alam kong masaya ang nanay sa akin dahil sa mga pangarap ko. Habang nagliligpit si Inay sa mga pinggan na aming pinagkainan, ako naman ay pumanhik sa kwarto para magpahinga na. Maya-maya ay nadama ko ang haplos ng aking ina sa akin habang binibigkas niya sa kanyang mga labi ang mga katagang hindi ko makakalimutan kailanman. Iyon ang gagawin kong instrumento upang magtagumpay sa buhay at matupad ang inaasam kong tagumpay.
Hatinggabi na ng ako'y mahimbing na nakatulog.
"Para sa kategoryang Manik-Aninong Dulaan, ang nakakuha ng pinakamataas na puntos ay walang iba kundi ang… T…agbi…la…ran City Division.''
Nagising ako at bumangon, panaginip lang pala ang lahat akala ko'y katotohanan na at matutupad na ang mga pangarap ko.
"Baka iyon ang senyales na mananalo kami sa laban namin sa Cebu sa nalalapit na Regional Festival of Talents sa susunod na buwan", ang sabi ko sa aking sarili.
Kinaumagahan, habang ako ay naghihintay sa anunsyo ng aking guro kung sino ang makakasama ko sa pangkat para sa Manik-aninong Dulaan, iniisip ko pa rin ang aking panaginip kagabi.
"Daveson, ang makakasama mo sa pangkat ay sina Marrian Tapa, Mercy Visto, Jessa Migrino, Rapunzel Visario, at Mercedes Cubelo", ang naging anunsyo ng aking guro.
Masayang-masaya ako dahil kilala ko na ang aking mga kasama at mga kaibigan ko pa.
Nagpulong kami at pinag-usapan ang gagawing kakaibang mga estratehiya upang manalo. Lahat kami ay nangangarap na maipasa namin ito upang makapunta sa nasyonal na paligsahan.
Dumating na ang oras ng paghuhukom kung sino ang nagsipagwagi sa iba't ibang mga kategorya. Ginanap ito sa Eco-Tech, Sudlon Lahug, Cebu City.
"Para sa kategoryang Manik-Aninong Dulaan, ang nakakuha ng pinakamataas na puntos ay walang iba kundi ang… Bais City Division."
Nang narinig namin ang anunsyo parang nabagsakan kami ng sangkatutak na semento. Naging matamlay at malungkot ang aming pag-uwi sa Bohol.
"Akala ko panalo na, akala ko matutupad na ang isa sa mga pangarap ko dahil sa lintik na panaginip na iyon. Pinaasa lang ako sa wala. Panaginip lang pala ang lahat at kailanman ay hindi katotohanan ang pangarap", ang pumasok sa aking isipan habang naglalakad.
Lumipas ang isang taon, Regional Festival of Talents na naman at sa puntong ito, ito ay magaganap sa sariling lupa, Tagbilaran City.
Katulad pa rin ng dati, kami-kami pa rin ang miyembro ng pangkat. Bumalik sa akin ang lahat ng sakit ng nakaraan.
"Kailangan magtagumpay tayo ngayon lalong-lalo na at ito'y magaganap sa ating sariling lugar", ang naging sermon ko sa pangkat. "Planuhin natin ito ng maayos at paghandaang mabuti." 
"Dapat lang", ang tugon naman ng aking mga ka-pangkat.
Dumating na ang araw ng pagsisimula ng Regional Festival of Talents. Maulan ang araw na ito ngunit naging matagumpay ang pagbubukas ng kompetisyon lalong-lalo na sa Bayle sa Kalye na patimpalak.
Pangalawang araw ng kompetisyon at ito ang araw ng aming paligsahan. Kabadong-kabado kami dahil pursigido kami na makuha ang unang gantimpala. Lalong-lalo na at ito ang isa sa aking mga pangarap. Maganda at maayos naman ang pagpresenta namin sa aming obra pero nandiyan pa rin  ang kaba.
Kinagabihan, pumunta kami sa Bohol Cultural Center dahil doon gaganapin ang pagsasara at Awarding Ceremony sa dalawang araw na kompetisyon. Ito na, ito na ang pinakahihintay ko, ang pag-anunsyo ng mga nanalo.
Pumanhik ang tagapag-anunsyo sa bulwagan.
"Handa na ba kayong malaman kung sino ang nagsipagwagi?" ang naging tanong ng tagapag-anunsyo.
"Oo, handang-handa na", ang tugon naman ng lahat.
"Ngayon, para sa kategoryang Manik-Aninong Dulaan, ang nakakuha ng pinakamataas na puntos at magkakamit sa unang gantimpala ay walang iba kundi ang… Tagbilaran City Division."
Nang narinig namin na tinawag ang aming dibisyon, walang masidlan ang aming kaligayahan. Tumakbo kami papunta sa bulwagan upang kunin ang mga medalya at sertipiko. Naging emosyonal kami sa mga pangyayari.
Kinaumagahan, pinulong ulit kami ng aming guro dahil ang paligsahan para sa nasyonal ay sa susunod na Linggo na, ngunit wala pa kaming badyet at nanganganib na hindi makasali sa nasyonal. May mga spekulasyon din na kaya nanalo kami dahil may isang hurado na matalik na kaibigan ng pangkat.
At iyon ang simula at ugat ng hindi pagkakaunawaan ng pangkat. Ang iba ay nawalan na ng gana dahil sa mga komento sa labas, ang iba naman ay nag-aaway dahil ang iba'y walang gana at walang pokus  sa mga ginagawa. Habang palapit ng palapit ang kompetisyon unti-unti na ring gumuguho ang aking pangarap. Wala pang pera at hindi pa nagkakaunawaan ang pangkat. Umabot din sa punto na na may bumitaw na sa lubid.
Dahil sa mga sitwasyong iyon, pinulong ulit kami ng aming guro.
"Maraming mga tao ang nangangarap at gustong maabot ang nakamtan ninyong tagumpay. Hanggang dito na lang ba tayo? Hahayaan niyo bang guguho ang lahat? Hahayaan niyo bang basta-basta lang kayong husgahan ng iyong kapwa? Hindi ito solusyon, iyang inaasal ninyo hindi iyan makakatulong sa mga suliranin bagkus lalong bibigat ang ating mga dinadala. Magtulungan tayo, ipakita natin sa mga humuhusga o mapanghusgang lipunan na walang makakapagpatibag sa ating mga pangarap. Ipakita natin sa kanila na nararapat sa atin ang gantimpala at hindi dahil sa hurado na kaibigan ng ating pangkat kung bakit tayo nanalo," ang naging mensahe ng aming guro.
"Oo nga, dapat huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil alam kong tutulungan tayo ng Poong Maykapal", ang naging tugon ko.
Sumang-ayon ang lahat. Napagtanto namin na dapat magtulungan kami dahil iisa lamang ang aming minimithi. 
Lumipas ang isang araw, nakakuha na si Ma'am Farrah ng badyet para kami ay makasali sa nasyonal. Naging maayos din ang aming pag-eensayo at paghahanda para dito.
Pagkaraan ng dalawang araw, ay bumiyahe kami papuntang General Santos City. Nagagalak ako dahil natupad na talaga ang aking panaginip at ang aking naging pangarap. Nakipagsapalaran kami ng halos isang linggo sa GenSan hanggang sa araw ng aming kompetisyon.

Tinawag ang aming rehiyon at sinimulan naming ipakita ang aming naiibang obra sa lahat ng manonood na nanggaling sa iba't ibang pulo ng Pilipinas. Masayang-masaya kaming ipagsigawan ang kulturang Boholano na naging pokus ng aming obra. Pagkatapos, tumayo ang lahat at nagsipalakpakan. At doon nahulog ang tabing ng bulwagan at nagdilim ang buong lugar.

Alon Ng Alaala
Ni: Mary Coleen Ingking

  Hanggang sa dumating ang araw ng bakasyon. Napag-isipan ko na doon na muna tumambay sa aking tiyahing si Emcy na kapatid ng aking ama. Ang asawa niya ay si Luisito na siyang direktor ng plantasyon ng Coca-Cola sa Misamis Oriental. Ang mga anak naman nilang sina Shelsey at Bea, ang aking mga pinsan na para ko na ring mga kapatid. Napagdesisyonan ko na doon magbakasyon dahil alam kong magiging masaya doon at marami akong mapupuntahang mga lugar. 

  Ang byahe patungo Cagayan ay 10 oras at ito ang unang pagkakataon na bumyahe ako ng mag-isa. Nakakatakot man, masaya pa rin, dahil sa kasabikang makita ang mga pinsan at mga kaibigan doon. 

  Ingay ang sumalubong sa akin sa pag-apak ko ng Cagayan. Puno ng kwentuhan, tawanan at biruan ang bahay. 

  Bukas agad ay nagpunta kami sa cake shop na pag-aari ng aking tiyahin. Walang limit ang aking kinakaing nasasarap na pagkain doon. Pagkatapos ay pumunta kami sa Devine Mercy, na kung saan may nakatayong malaking estatwa ni Hesus. 

  "Akyat tayo do'n", sabi ni Bea sabay turo sa may hagdan kung saan maraming dumadaan doon para makapunta sa tuktok ng Hesus. 

  Umakyat kaming tatlo doon. Ilang beses na akong nakapunta sa Devine Mercy ngunit ito ang unang beses na umakyat kami sa pinakataas. Napakasarap sa damdamin na natupad na ang isa sa mga pinangarap ko noon. 

  Kasunod naming pinuntahan ang Monte Reche kung saan may dagat at pool. Natulog kami sa hotel doon ng isang gabi. Gumawa kami ng palasyo sa buhangin, naghabulan kami ng aking mga pinsan na parang mga bata at walang kupas na tawanan dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita-kita.

  "Mag-reunion tayo sa Samal.", sabi ng isang tiyahin namin sa Davao sa telepono. Pagkarinig namin ay para bang masisira ang higaan sa aming pagtalon. 

  "Mababait kaya ang ating mga pinsan doon?", tanong ni ate She habang nag-aayos ng mga damit. 

  "Hindi natin alam, nagpunta naman sila dito sa atin diba?", tanong ko rin habang nag-aayos ng sariling gamit.
  "Oo, pero sobrang tagal na noon.", sagot naman ni Bea.
  "Ah basta ako, gusto ko ng maligo sa Samal Island. Yohoooo!", masiglang sigaw ni ate She sabay talon.

  "Matulog na kayo dahil maaga tayong ba-byahe bukas.", sabi ng aking tiyahin sabay bukas ng pinto sa kwarto. 

  Palagi kaming matagal natutulog dahil hindi namin sinasayang ang panahon na kami ay magkakasama kahit kami ay pagalitan. Ngunit ngayon ay para bang isang malaking himala ang dumalaw sa amin dahil maaga kaming natulog. 

  "Gising na!", sabi ng tiyahin ko kinaumagahan.

  Mabilis naman kaming nagising para maghanda. Nagbyahe kami galing Cagayan patungo Davao gamit lamang ang sasakyan ng aking tiyuhin. Sa loob ng pitong oras na byahe ay napuno ng ingay ang sasakyan. Nagpatugtog kami ng iba' ibang kanta, nag kwentuhan kami sa aming mga karanasan noong kami'y bata pa, tawanan dito, tawanan doon. 

  Pagsapit ng alas dose, bumaba kami sa isang kainan. Napakaganda ng lugar. Para lang isang luma ngunit sosyal na kainan. Napakasarap din ng pagkain nila, na naging rason kung bakit parang puputok na ang aming tiyan. 

  Pagkatapos naming kumain ay bumyahe na naman kami. At dahil sumakit na ang aming tiyan sa dami ng aming nakain ay wala na kaming nagawa kundi natulog lamang habang nakikinig ng mga tugtugin.

  Nagising na lamang kami sa lakas ng ulan. 

  "Tito, sa'n na po ba tayo?", tanong ko habang tinitingnan ang relo. 
  "Alas 6 na po. Davao na po ba ito?", tanong ko ulit. 
  "Oo iha, Davao na ito", sagot ng aking tiyuhin habang nagmamaneho. 

  Grabe talaga ang lakas ng ulan, bumaha na sa ibang lugar ng Davao. Gabi na ng makarating kami sa bahay ng aking lola. Kumain muna kami doon at nagkumustahan. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa hotel na aming tutulogan sa unang araw namin doon. 

  Pagsapit ng araw, agad kaming naghanda papuntang Samal. Kumain muna kami sa hotel at tumulak na. Sa papuntang Samal ay huminto muna kami sa bahay ng aming lola dahil sasabay sila sa amin. Ang kasama ni lola Blessy ay ang kanyang apo na sobrang maldita. Siya si Alexa, siya ay 7 taong gulang at pinsan din namin siya. 

  "I don't believe we're cousins" pag e-englis n'ya sa amin. 

  Hindi na lang namin siya pinansin dahil bata pa lamang siya. 

  Papalapit na kami at bumibilis ang tibok ng aming puso. Hindi namin wari kung ito ba ay dahil sa kasiyahan o sa aming pagiging kabado dahil hindi namin alam kung paano makisalamuha sa aming mga pinsan. Hanggang sa sumakay na kami ng barko papuntang Samal Island. Napakaganda ng Samal lalo na sa aming pinuntahang resort, para kaming nasa paraiso. Sa resort ay nandoon na ang aming mga pinsan. Kung gaano kaganda ng lugar ay ganun din kapangit ang pagkikita namin ng aming mga pinsan.

  Si Alexa na napakamaldita ay naging kaaya-aya na para bang anghel na hinulog galing sa langit, dahil nga wala siyang kasama. 

  "Ano ba kayo! Para kayong hindi magpinsan? Ba't hindi kayo nag-uusap?!", sabi ng isa naming tiyahin. Ngiti lang ang sinagot namin. 

  Lumipas ang ilang araw ay hindi pa rin kami nag kikibuan. 

  "Magkakaroon tayo ng laro!", sigaw ng tiyahin namin. 

  Marami kaming nilaro na nakatulong upang mas makilala namin ang isa't isa. Kaya unti-unti na kaming nakabuo ng samahan. Isang masayang samahan. 

  Nang sumapit ang gabi ay matagal kaming natulog sa pagpaplano kung ano ang gagawin namin sa huling araw namin doon.

  "Gusto ko maligo tayo sa dagat, mag laro ng beach bolleyball, gumawa ng mga bagay-bagay gamit ang buhangin, maghabulan at iba pa.", sabi ng pinsan namin sabay galaw ng mga kamay. 

  "Dami mo namang plano, huling araw na natin bukas dito. Hindi na sapat ang ating oras.", sagot ko naman. 

  At patuloy na kamingking naglaro ng baraha. 

  Pagkabukas agad ay nagbihis na agad kami ng panligo sa dagat. Pagbaba namin ay kaysarap na hangin ang sumampal sa aming mukha, at ang dagat ay para bang tinatawag kami kaya agad kaming naligo doon. Gaya ng sinabi ng aming pinsan, naglaro kami ng beach bolleyball, nag-laro kami sa buhangin at naghabulan sa dalampasigan. 

  Palagi akong naliligo sa dagat ngunit ngayon ay iba. Ito ang pinakamasayang pag ligo sa dagat na naranasan ko. 

  Kasabay ng paghampas ng alon sa aking katawan ay kasabay rin ng pag hampas ng alon sa barkong aking sinasakyan. Unti-unting lumiliit ang mga ilaw sa pier at unti-unting kumukupas ang mga alaala sa aking isipan at unti-unting bumabalik sa realidad.

“Katapusan ng Bagong Simula”
ni: Joan Lopena

  Habang nakaupo ako sa weyting area sa paliparan ng NAIA Terminal 2 ay may isang babaeng may bitbit- bitbit na batang lalaki ang lumapit sa akin at kinausap ako, nawala ako sa pagkatulala sa kanyang tanong.
  “Saan ang lipad mo ining? Kay gandang bata mo naman, napakaganda ng iyong kutis” matamis na sabi ng babae sa akin tanging tango at ngiti na lamang ang aking nagawa sa kanya bilang tugon. Sa bawat paglapag at pag-lipad ng mga eroplano at sa patuloy na pagtakbo ng oras ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman kong lungkot.

  Umaga ng Pebrero 10,2016, masayang masaya ang lahat dahil sa intrams noon sa aming paaralan at lahat ay nagdidiwang sa naturang selebrasyon, sari-saring paninda ang makikita sa paligid, mga kandidata para sa kontest ng Mr.&Mrs. Intrams, may mga atletang nakasuot ng kanilang uniporme naka-grupo sila ayon sa paligsahang sinalihan. Habang naka-upo ako at naghihintay ng mga kateammates ko at para ko na sila sa unang laro namin mamaya ay biglang napukaw ang aking atensyon sa pagtunog ng aking selpon at pagkabukas ko noon ay isang mensahe ang aking natanggap, isang mensahe na sumira sa aking araw, sa isang  mensahe na alam kong babago sa takbo ng aking buhay. Napag-desisyonan na ng kaptid ko na sa Bohol na ako magpatuloy sa pag-aaral.

  “Joy kailan ang bakasyon mo? Para makuha na kita ng tiket pauwi dito, dito ka nalang mag-aral” mensahe galing sa aking kapatid.
Hindi ko alam kong paano ko iyon tatanggapin o kung tatanggapin ko ba dahil itong buhay ko na ito ang aking kinasanayan. Araw, lingo at buwan ang lumipas at papalapit na ang bakasyon at alam ko rin na malapit na ang araw ng aking pag-alis.

  “Huwag muna kaya ituloy ito anak kung hindi ka naman masaya, mahihirapan ka lang mag-adjust doon.” Sambit ni Tita Gina habang hinihipak ang yosi.

  “Kahit naman ako po ayaw ko talaga, kaso lang po may tiket na ako at nakakahiya naman kung tatanggi ako sa kaptid ko dahil siya ang magpa-paaral sa akin tita” sagot ko naman kay Tita Gina.

  Sobrang hirap para sa akin ang desisyon na iyon dahil sobrang dami kong mamimiss, maiiwan at sobrang dami kong alaala sa lugar na ito na kung saan humubog sa akin kung ano ako ngayon. Habang papalapit na ang araw ng pag-alis ay mas pinili kong kakaunti lamang sa mga kaibigan ko ang makakaalam ng pag-alis ko.

  Kaarawan ng isa sa mga barkada ko noon, dalawang lingo bago ang nakatakdang pag-alis ko habang papasok ako sa loob ng bahay nila para iabot ang dala kong keyk at regalo ay tinawag ako ng isa sa mga barkada ko.

  “Oy! Joy, aalis kana pala ha! Bat di mo sinasabi sa amin?” tanong ni Ara.
  
  “Ah. Eh. Wala pa naman kasiguraduhan iyon e.” Sagot ko sabay gawad ng hilaw na ngiti.

  Habang kumakain ako ay iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol dito, hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag at kung saan ako mag-uumpisa sa pagpapaliwanag. Pagkatapos kong kumain ay naupo na ako sa labas. Nagkakasiyahan na ang lahat at medyo nakainom na rin sila, pinagmasdan ko silang lahat at nasabi ko na lang sa sarili ko na mamimiss ko ito lahat pag-alis ko, itong mga tao na nakasama ko sa kalokohan, sa saya at lungkot. Sobra ko siang mamimiss.

  “Anak mag-iingat ka ha?” naiiyak na boses ni Tita Gina. “Opo Tita kayo din po ha? Dadalaw nalang po ako dito” sa pagkasabi ko ng mga katagang yon ay parang sinasaksak ang puso ko ng ilang beses. Sinundo ako ni papa kaya magkasama kami papuntang Manila, mahaba-haba ang biyahe nagising nalang ako sa paghinto- hinto ng bus at napagtanto kong nasa Mania na pala kami. Maingay, mausok at maraming mga sasakyan at tao kumpara sa Pampanga. Pagkarating sa bahay ay nagpahinga na agad ako at dumiritso na sa kwarto para makapag- pahinga na ako, hindi na ako kumain ng hapunan at bunuksan ko kaagad ang aking selpon at doon ko nakita ang mga mensahe galing sa mga kaibgan ko. Kumatok si papa sa aking kwarto para mkapag-usap kami.

  “Sigurado ka a talaga  diyan anak? At parang noong una’y ayaw ng kapatid mo na doon nka ma aral pero bakit ganito?” tanong ni papa.

  “Ayaw ko naman talaga pa, di ko na kailangan pang sabihin ang sagot dahil alam kong di niyo naman ako maiintindihan at saka kahit umayaw ako rito, wala naman na itong magagawa” sabi ko habang nakatingin ako sa kanyang selpon.

  Eksaktong 9:00 ng umaga ng naka check-in ako sa airport. Hapon pa ang biyahe ko pero hinatid ako ni papa ng maaga dahil baka matraffic pa kami. Nakaupo lang ako sa isang tabi at pinag-mamasdan ang pagdating at pag-alis ng mg eroplano at sinasabi na lang sa sarili na to ang simula ng king bagong buhay.  

Ang Sakit ng Nakaraan
ni: Jenissa Orongan 

          "Pasensya na mga anak ito lang muna anag kakainin natin ngayon.",'Yon ang sabi sa amin ni itay habang inihanda ang kape at tinapay para sa hapunan
   
           Sa araw na iyon doon ko inisip na gusto ko talaga makapagtapos ng pag-aaral, para maabot ko ang aking pangarap na inaasam araw-araw.Para hindi na kami makaranas na ang hapunan ay tinapay at kape lamang dahil sa hirap ng buhay. Ang mama ko'y walang trabaho. Poor, galing ako sa hirap pero hindi iyon ang dahilan para mawala ang aking pangarap at makapag-aral.Ang sabi ko lang sa sarili ko, "Ewan ko ba sa tatlo kong kapatid bakit sila huminto sa pag-aaral. Ayan tuloy wala pa silang trabaho hanggang ngayon."

             Ang papa ko lang naghahanapbuhay sa amin para maibigay ang pang araw-araw naming gastusin. Hindi ko talaga maiwaksi sa aking isipan kung bakit kami mahirap. Habang nasa dalampasigan ako napasok na lang ito sa aking isipan, "kasalanan ito ng aking mga kapatid kung bakit mahirap kami ngayon."

       "Kung nakapagtapos lang sana sila, E'di sana maayos ang buhay namin.",kinakaausap ang sarili habang nakatingin sa mga alon. 

      Noong gabing iyon ang mama ko ay nanghiram ng pera sa aming kamag-anak, ngunit hindi namin malalaman iyon kung hindi niya sasabihin. 

          Tinanong ko siya, "Ma, saan ka galing?" Tumingin siya sa akin na may halong lungkot ang kanyang mga mata. 

           "May kunti naman akong ipon dito ma." At binigay ko kay mama ang unting ipon ko para pang dagdag sa gastos. 

           Sa panahon iyon nag-iba ang simoy ng hangin sa dalampasigan. Ang dagat ay galit halos hindi mo makita ang mga bituin sa langit. Dahil doon hindi na nakapunta sa dagat si itay at iyon ang kadahilanan na hindi kami nakakain.

            Alam ko na pagsubok lamang ito nananalig talaga ako sa aking sarili na makakabangon kami. Makalipas ang ilang araw si Junil ay nakahanap ng trabaho sa ginawang resort kung saan doon nagtatrabaho ang tito ko. Sumunod ang ate ko na si Jinky at Judel. Si Jinky naman ay isang serbidora sa Italian Restaurant sa aming lugar. Si Judel naman ay isang "tour guide" sa mga turistang dumadayo sa aming lugar. Hindi sila tumigil sa kanilang mga pangarap na makatulong at makabawi sa aming pamilya. Unti-unti kaming nakaahon sa hirap sa mga pagsubok na aming natanggap noon dahil sa kanilang pagsisikap ng aking mga kapatid. Napaayos namin ang sira naming bahay, nakakain na din kami ng tatlong beses sa isang araw. Tinulungan din nila ako sa aking pag-aaral nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil masaya at maayos na ang aming munting tahanan. 



              Ito na ang unang hakbang para sa aking mga pangarap. Pinapangako ko na hindi na kami maghihirap at sisikapin kung makapagbigay ng tulong sa aming pamilya.


Ang Tunggak na Umasa sa Paasa
ni: Pauline Faith Luz

Gumising siyang dala-dala ang ligaya na nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa. Habang nakatingin sa bintana ng kanyang kwarto ay nasa isip pa rin niya ang mga pangyayari sa nakaraan. Ngunit siya’y umaasa na balang araw babalik rin sa kanya ang taong matagal niyang hinihintay.

“Kahit na sa panaginip lang. Masaya na ako’t nakausap at nakasama kita," binigkas niya ito habang nakatingin sa sinag ng araw. 

Gising na ang buong mundo. Nag-aawitan na ang mga ibon, at sumasayaw na ang mga bulaklak sa hardin. Maririnig mo na rin ang mga ugong ng kotse at busina ng mga dyip. Ngunit si Bok ay tulog-mantika pa rin.

“Anak alas sais na! Ang guro pa ba ang maghihintay sayo?”, ginising ng kaniyang ina si Bok na parang binibiro niya pa ito.

Yumanig ang buong bahay. Nagising lahat pati na ang mga natutulog na espiritu sa sigaw ni Bok. 

“ahhhhhhh… Ma naman! Bakit ngayon niyo pa lang ako ginising? Eh….Kanina pa naman kayo gising,” pasigaw niya itong sinabi habang tumatakbo patungo sa sala.

Hindi niya alam kung anong uunahin niyang gagawin. Maliligo pa ba siya? Kakain pa ba siya? O mag-aayos pa siya ng mga gamit niya? “Ehh.. Kung hindi nalang kaya ako maligo? Wala namang aamoy sa akin,” nasa isip niya ito habang nasa sala pa siya at nakatayo.

Mabuti nalang ay hinintay siya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Mea papunta sa paaralan kahit palaging matagal gumigising si Bok. Matalik niya itong kaibigan dahil magkapareho sila ng estado ng pag-iisip kaya palagi silang nagkakaintindihan lalo na sa mga kalokohan.
Habang naghihintay sa sasakyan. Nagulat siya dahil bigla siyang hinila ni Mea. Sabay sabing, “ ehhhhh… Bok? Papunta si A…ldrec..!” 

Nang siya ay lumingon kita niya agad ang maperlas nitong balat na kumikinang at ngiti na unti-unting kang tinutunaw. Tila ba’y kahit naglalakad ay ang gandang-ganda tignan para siyang naglalakad sa hardin at may nagbabagsakan na bulaklak. 

“Papalapit na siya! Magtatabi pa kayo,” Tinukso ni Mea si Bok habang hinihila niya ang kamay nito pababa dahil sa tuwa.

“Huwag! Hindi ako naligo! Inaasar talaga ako ng tadhana,” sabi ni Bok habang nagtatago sa likod ni Mea.

“Bok! Taba mo na,” ang pabiro na sabi ni Aldrec habang katabi niya si Bok. “Sakay na tayo, baka maunahan pa tayo ng iba.” 

  Kung nakikita niya si Aldrec bumabalik lahat ng alaala niya noong nasa Elementarya pa sila. Matagal na talaga siyang may pagtingin kay Aldrec simula pa noong elementarya hanggang hayskul. Lahat ng mga masasayang pangyayari na kasama niya si Aldrec ay nasa loob ng puso’t isipan niya kahit matagal na ito.

“Oyy… Tigil mo nayan. Maghahalos limang taon na,“ ang wika ni Shailyn kay Bok.

“Ewan ko, hindi ko siya makalimutan eh,” tugon niya naman habang nakangiti at nakatunganga.
“Kanina kapa talagang ngumingiti dyan. Hindi ka pa ba napapagod? Wala ka ng pag-asa sa kaniya,” ang sabi naman ni Jerika kay Bok.

“Oo nga, ang taba mo kaya at pangit ka pa. Ang dami kayang magaganda na nagkakagusto kay Aldrec,” ang sabi ni Shailyn habang tumatawa.

“Wala namang masamang humanga sa isang tao. Teka? Kaibigan ko ba talaga kayo? Sakit ng sinasabi niyo ha,” pabiro niyang sinabi ito ngunit sa totoo ay nasasaktan siya sa katotohanan.
  
  Uwian na iyon mag-aalas singko na sa hapon. Mabuti nalang ay meron pang masasakyan at hindi pa puno ito. Pagsakay niya sa pampasaherong sasakyan, merong kumalabit sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Aldrec at nakangiti sa kaniya. Gusto niya talagang bumaba at tumakbo dahil alam niya na aasarin nanaman siya ni Mea. Nakaupo si Aldrec sa huling upuan ganun din si Bok. Laking iwas niyang tumingin kay Aldrec dahil baka mahalata siyang kinikilig ito.

“Takpan mo nga ang hita mo kitang-kita sa labas,” ang sabi niya kay Bok dahil maiksi ang suot-suot nitong uniporme.

Wala siyang na sabi dahil ang nasa isip niya lamang ay mas lalo siyang humanga kay Aldrec. Pinipigilan niya talagang mamula sa kilig. Hindi niya ito naiwasan kaya napangiti siya habang nakatingin kay Mea. 

“Ganda talaga ng ngiti mo,” sabay hawak sa pisngi ni Bok at nakangiti.

“Huwag mo nga akong hawakan!”, pakunwaring nagalit at umaksyon itong susuntukin si Aldrec. Ngunit hindi niya ito nasuntok dahil kinuha ni Aldrec ang kanyang kamay. Matagal ang kanilang pagtatalo at kulitan sa sasakyan. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na niyang bumaba. “Ako na lang babayad ng pamasehe mo,” Ang huling sabi ni Aldrec habang pababa na sila,” pagbaba nila ay agad siyang tinukso ni Mea.

Sa pag-uwi sa bahay bigla siyang kumanta ng “Ayoko ng pumara kahit sa pumunta, Ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama,” kinakanta niya ito habang nasaloob ng kanyang kwarto.  Simula sa pagkikita na iyon, nagbalik ang kanilang dating samahan. Palagi na silang nagkukulitan, nag-aasaran,at nagkwekwentuhan. 

Hapon ulit iyon ng alas sinko at dating gawi mag-aabang ulit sila ng pampasaherong dyip. Sa hindi inasahan nagkita nanaman sila ulit. Sa karami-rami ng pasahero, sa tingin niya lang ay sila lang dalawa sa loob ng dyip. Sa bawat minuto hindi niya sinasayang ang pagkakataon na magkasama sila. Kahit hindi pareho ang pinapasukan nilang eskuwelahan, makikita mo pa rin na malapit na malapit talaga sila sa isa’t-isa. 

Habang nag-uuasap sila may sinabi si Aldrec. 

“Alam mo gusto kita,” hindi masyadong marinig ito dahil sa sobrang ingay sa dyip.

“Ano? Anong sabi mo?”, narinig niya ang sinabi ni aldrec ngunit hindi siya sigurado.

  Hanggang sa pag-uwi niya nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Aldrec. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at kitang-kita mo sa kanyang mata ang saya ng kaniyang nadarama. Halos hindi siya makatulog dahil ang kaniyang isip ay gising pa. 


  Sa mga araw na nagdaan tila nawalan na ng ilaw si Bok, dahil ang araw na iyon ang huli nilang pagkikita at hindi na rin sila nagkakausap. Wala ng paramdam si Aldrec sa kaniya at naglaho nalang siya parang bula. Sa pagwala ni Aldrec walang oras na hindi siya kumakain kaya mas lalo pa siyang tumaba. Kahit sa terminal ay hindi niya na rin ito nakikita kahit anino man lang ni Aldrec. Talagang sabik na talaga siyang Makita ito kahit na saglit lang.

Nagmukmok siya sa kwarto at pa tingintingin sa kaniyang cellphone.

“kring…kri…ng…kring..,” tumunog ang telepono ni Bok. Kinuha niya ito agad dahil baka iyon na ang hinihintay niyang tawag.

“Mea? Ikaw pala yan? Akala ko naman si…..,” sabi ni Bok habang kausap niya si Mea sa telepono.

“May sasabihin ako sayo. Tumingin ka sa Facebook ni Aldrec,” ang matamlay na sabi ni Mea.

Kinabahan si Bok sa boses ni Mea. Agad niyang binuksan ang facebook niya at may nakita siiyang isang litrato. Litrato ng isang babae daladala ang magagandang bulaklak at may nakasulat na “Salamat sa bulaklak Aldrec.”

Napangiti lang siya. Napangiti lang siya sa sarili niya dahil umasa siya na masusuklian siya ng pagmamahal.

“Kaya pala. Kaya pala nawala siya bigla. Ang tanga ko talaga!”,sinabi niya ito habang nakatingin sa litrato habang umiiyak.

Napahiga nalang ito sa kaniyang kama at umiyak ng umiyak hanggang siya ay nakatulog.

“Musta Bok? Usap mo na tayo?”, ang sabi ni Aldrec habang pinapaupo siya sa tabi niya.

“Naalala mo ba yung araw na magklaklase pa tayo? Malapit sa akin ang sinag ng araw at nagulat nalang ako’t nawala ito. Alam mo ba bakit?” ,ang tanong niya kay Aldrec habang nakangiti sa harap niya.

“Noong nasa Elementarya pa tayo?” ,ang tanong ni Aldrec.

“Tinakpan mo ang sinag ng araw para hindi ako mainitan. Doon ako unang humanga sayo,” ang sabi naman ni Bok.

Puno sila ng kwentuhan ulit doon. Lahat ng masasayang panahon na magkasama sila ay pinagusapan nila muli. Hanggang sa niyakap niya ng mahigpit si Bok. Dumilat ang kaniyang namamagang mata. Pinunasan lahat ng natitirang luha at bumangon.


“Kailangan ko na sigurong magising sa matagal kong panaginip. Ako lang ang pinaglalaruan ng sarili kong utak,” sinabi niya ito habang binubuksan ang kaniyang bintana sa kwarto.

“Ang Huling Paglilibang”
ni: Sheila Mae C. Penaso

      Pagkatapos ng Graduation, masayang nagsiuwian ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang. Habang kami ng nanay ko'y kumain muna kasama ang iba kong pinsan. Masayang-masaya ako kasi nakapagtapos na ako ng hayskul. Bago pa dumating ang araw ng Gradwesyon ay nakapagpasya kami ng mga kaklase ko na magkakaroon kami ng "Farewell Party".
     
    "Dapat tayong lahat ay dadalo para masaya naman", sabi ni Chariz. 
    
     Siya ay isa sa mga namuno sa nasabing party. Napagdesisyonan namin na sa Abril 6 ng umaga at dagat ang aming tutungohan at ito'y sa Amarella Beach sa Panglao.
 Hanggang sa dumating na ang araw ng aming "Farewell Party", isa-isa kaming sinundo sa sasakyan namin na dyip at ito'y pagmamay-ari sa Tito ng kaklase ko na si Daveson.
         
     "Oy Philip! Dahan-dahan naman diyan, ang sikip na namin dito oh ang laki mo naman kasi!", angal ni Judy.
         
   "Pasensya na, ayoko kasing pinaghihintay ang drayber baka magalit", sabi ni Philip. Naglungkot-lungkotan pa ang mukha ni Philip, natawa kaming lahat kasi hindi bagay sa kanya ang maglungkot-lungkotan.
        
    "Aira wag mo naman masyadong ilabas ang ulo mo, para kang bata eh", patawang sabi ni Mikko. Sinapak siya ni Aira at sinabing,
       
     "Bata pa naman talaga ako ah". Habang bumabiyahe ang lahat ay nagkakantahan at nagtatawanan. 

     Nang dumating na kami sa dagat, lahat ay masaya kasi walang ibang tao, kami lang ang naliligo at parang inangkin na talaga namin ng buong resort. Isa-isa naming inilapag sa mahabang lamesa ang aming dalang pagkain, ang iba nama'y hindi na nakapigil at lumusong na agad sa dagat. Agad kaming nagkuha ng mga litrato at lumusong na din kami. Nagkakasiyahan ang lahat sa dagat hanggang sa nakadama kami ng gutom kaya't umahon muna kami para kumain. 
Nagdasal muna kami bago kumain at saka'y kanya-kanya na kaming kumuha ng mga pagkain at naghanap na mauupuan para kumain. Kahit kumakain ay palagi pa ring nagtatawanan ang lahat. 
          
   "Tingnan niyo ang pinggan ni Philip, punong-puno, hahahaha! Baka sasabog na iyang tiyan mo",panunukso ni Steven kay Philip. Hindi na nakapalag si Philip dahil pinagtatawanan na namin siya. Hindi muna kami bumalik kaagad sa dagat kasi busog pa kaming lahat. 
         
   "Ba't wala si Chariz?", tanong ni Benna habang umiinom ng coke. 
       
    "Ewan ko dun! Di ba siya yung palaging nagpaplano? Bakit wala siya dito?", tanong ni Aira. 
          
   "Baka naman hindi pinayagan. Hayaan na natin yun, may paplano-plano pa siyang nalalaman pero hindi naman pala darating. Nakakaloka!", sabi naman ni Cristine. 

   Wala rin kaming ideya ni Norimar kung bakit wala si Chariz kaya hindi na lang kami umimik. Maya-maya ay bumalik na kami sa dagat, nagtatawanan at naghahabulan. Hindi namin ininda ang init ng araw. Nagpiktyur din kami na kaming lahat, alam namin na ito na ang huling paglilibang namin kasi hindi na magkakapareho ang papasukan naming paaralan at ang iba'y pupunta na ng Cebu. Umahon na kami at naghanap ng tubig para makabanlaw, pero walang tao, walang nakabantay kaya kinabahan kami kasi hindi pwedeng uuwi kaming basa, baka magalit si Manong na mabasa yung upuan at saka giginawin na rin kami. 
         
   "Asan na ba kasi yung tagabantay? Giniginaw na ako!", pagalit na sabi ni Nino.
          
   "Oo nga, malapit na ring dumilim oh, babyahe pa tayo", sabi naman ni Paulo. Hinanap namin, kinabahan kami kasi baka hindi na siya babalik, hindi maaari yun.

  Maya-maya ay may dumating, nasiyahan kami kasi iyon ang tagabantay. Humingi naman siya ng paumanhin, meron lang pala siyang nilakad. Agad naming tinanong kung saan kami makakabanlaw at tinuro niya kung saan. 
          
    "Hala! Ba't konti lang ang tubig?", tanong ko.
          
   "Ah paghatian niyo nalang po kasi nasira po ang gripo namin dito eh", sabi naman ng tagabantay. Wala kaming ibang nagawa kaya pinaghatian nalang talaga namin. Magbabanlaw nalang ulit kami pagdating sa mga bahay namin. Nakapagbihis na kaming lahat, mabuti naman at nagkasya ang tubig sa amin. Papauwi na kami at inihatid na naman kami ni Manong drayber. 

    Nagkakatuwaan na naman kami sa gitna ng byahe. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na nag-Farewell Party kami. Umaasa akong magkakatipon-tipon ulit kami sa tamang panahon.

Panahong 'Di Mahagilap
ni Jeziel Mae A. Caduyac

     Nakaupo ako sa harapan ng baybayin damang-dama ang mga hampas ng alon sa aking paa. Tanaw ko ang kabilang isla sa malayo at bigla akong napaisip sa panahong akala ko na ay huling araw na namin.

      Katapusan yun ng Marso, gumising ako ng maaga dahil hindi ako makapaghintay na pumunta sa isla. Dali- dali kong kinuha ang aking mga gamit at lumabas ng bahay. Ilang minuto ay lumubas na rin sila Mama,Papa at ang aking dalawang kapatid. Sumakay na kami sa aming sasakyan papunta sa aming mga pinsan at nang dumating kami ay tumakbo ako at kinatok ang pintuan ng kanilang bahay.

     “Tao po! Tao po! Gumising na kayo mag-aalas singko na nang umaga".

     “O, ba’t ang aga niyo?.” Sabi ng aking pinsan.

    “Excited na kaya kami  sa dolphin watching!.”sagot ka naman sa kanya.

     “Sige, pasok na kayo.”sambit niya.

    Pagkalipas ng ilang oras ay umalis na kami at pumunta sa Baclayon, Buluarte. Nakita ko na ang  aming sasakyang bangka patungong Pamilakan Island at mag dodolphin watching. Lahat kami ay nasa loob nang bangka kaya sinabihan kami ni Tita Madel na dapat hindi kami mag-iingay sa loob ng bangka. Habang nasa laot na ay hindi kami umimik, walang boses na maririnig kundi ang ugong lang ng makina sa bangka at ang mga hampas ng alon. Nang nasa kalagitnaan na ng dagat ay biglang lumakas ang alon kaya walang lumba-lumba ang nagsilabasan kaya pumunta nalang kami sa Pamilakan Island at doon na nananghalian. Maya-maya pa’y dumating na kami sa isla kaya kumain na kami at nagkwekwentuhan. Nang matapos kaming kumain nina Prajell, Myca at Joe Mari ay naglaro kami ng sirena-sirena sa dagat. Namangha ako sa kulay ng tubig sa isla dahil malinaw ito daig pa ang tubig ng isang swimming pool. Noong oras na yun ay naglalaro kami at naghahagisan ng buhangin sa dagat pero sa di inaasahan  nahagis ni Joe Mari ang buhangin sa aking tenga, kaya nagalit ako at siya rin ay nagalit sa akin habang ang aming Kuya Joshua naman ang nagsilbing reperi sa amin.

     “Bakit tinamaan mo yung aking tenga?.” Ani ko kay Joe Mari.

     “Diko naman sinasadya ehh.”sagot niya sa akin.
  
     “Hindi ka kasi marunong maglaro ng buhangin.”

   “Baka ikaw, kasi natamaan ka nung buhangin. Booo! Di marunong!! di marunong!.”kantiyaw niya sa akin.

     “Gusto mo mag-laban tayo dito?.” Sabi ko sa kanya.

   “Oyy! Mga bata tigilan nyo na ang away baka magkasakitan kayo.”sabi ni Kuya Joshua sa amin.

   “Tse!, bahala kayo dyan.”umahon ako sa dagat at tumakbo patungo sa aming cottage.

    Sumapit na ang alas dos ng hapon, naisipan na ni Tita Arlyn na umuwi na kami baka raw  maabotan kami ng dapit hapon sa laot. Nang pabalik na ay di naming inasahan na lalakas ang alon kaya patuya-tuya na ang aming sinasakyang bangka. Lalo na nung nasa kalagitnaan na kami ng laot ay lalong lumakas ang alon at bawat hampas ng alon sa bangka ay tumatalsik na sa amin ang tubig kaya unting-unti kaming nababasa. Bigla na lang tumagilad ang bangka dahil sa malalakas na alon. Noong panahon na yun ay putlang-putla na ako dahil kung malulunod man kami ay tiyak na hindi ako makakaligtas dahil sa hindi ako marunong lumangoy. Kaba ang namuo sa aming damdamin, walong taon gulang pa ako noon kaya labis nalang ang takot ko gusto ko nang makita ang lupa dahil nagsasawa na akong tingnan ang dagat. Naisipan ng nagmamaneho ng aming bangkang sinasakyan na magsusuot na kami ng life jacket para sa kaligtasan. Doon ko napagtanto na bumabagal ang takbo ng bangka kapag malalakas ang alon kaya matagal pa kami makakarating sa lupa. Biglang lumakas pa ang alon at damang-dama ko na ang malakas na hangin na dumadampi sa aking katawan. Sa tuwing nasasagi ng bangka  ang alon ay napapasigaw nalang kami sa kaba at takot. Maya-maya kumibo ang aking ina at kinausap niya ang aking pinsan.

    “Prajell, okay ka lang ba? Nagsusuka kana eh”. Sambit ng ina ko.

    “Auntie, nahihilo na ako”. Sagot ng aking pinsan

    “Eto, nguyain mo ang kendi para maibsan ang pagkahilo mo”.

    “Salamat po”.

   Halos dalawang oras kami sa dagat, nakikita ko na ang nagsisiliparang ibon kaya malapit na kami sa lupa. Nang papalapit na kami ay nabuhayan ako. Dumating na kami sa lupa, natapakan ko na ito at tumakbo ako. 

    "Miss ko na itong  lupa”. habang nagsasalita ay napatingin ako sa dagat. 

    “Muntik na yun, akala ko hindi na kami makakaligtas. Salamat Panginoon”.

    Nang dahil sabik kaming makakita ng lumba-lumba ay pumunta kami at sumakay ng bangka pero ni isa wala kaming nahagilap dahil sa malalakas ang alon. Nagkataon siguro na yun yung panahong di mahagilip ang kinasasabikan naming lumba-lumba.


Ligaw na Landas
ni: Rasheed Wallace C. Suello

      Isang araw, habang kami ay naglalakad, may nakita kaming isang kakaibang bagay na bumighani sa aming magpinsan. Ako nga pala si “Rasheed” at may pinsan na sina Arbee at Steve. Si Steve ay isang tanyag na magnanakaw kaya nadamay na rin kami. Nang Makita ni Steve ang nasabing bagay, agad na kinuha niya ito at tumakbo.

Matapos maibenta ang nakuhang gamit, ditto na nagsimula ang tension naming magpinsan.

      “Ako dapat ang may malaking hati kase ako ang nakakita!”, ani ni Arbee. “Ako kaya ang unang nakakita.”sabi ko naman. “Eh sino ba ang kumuha? Ako lang naman ang kumuha eh palibhasa mga bakla kayo!” pasigaw sabay suntok samin ni Steve.

Sa patuloy na pakikipagtalo, biglang dumating ang mga Badjao at pinagbabato kami. “Aray! Aray!” sabi ko sabay kamot sa ulo. Hinablot ni Steve ang isa at sabay naming pinagtatadyakan ito. “Buti yan sa’yo!”Pasigaw nasabi naming. Sa hindi inaasahan,biglang rumesponde ang mga pulis at hinuli ang mga Badjao. Imbes na kami ang nanggulpi, eh kami naman ang hinayaan lang. Nagsilbing leksyon ito sa’min pero hindi ito tumalab kay Steve kasi nga nakasanayan na niya ito.

       Sa kasunod na tagpo, imbes na magnakaw ay naglaro nalang kami sa Boholand, mangalakal, manghuli ng ibon na lang ang inaatupag. Mula noon, hinayaan na naming si Steve mag-isang magnakaw.


"Sino ang Mahina?"
ni: Khrystal Colen Trangia

“Mahina ka! Hindi ka marunong lumaban! Kaya ka lang naman nagpapanggap na kaibigan ko kasi gusto mong may nagtatanggol sayo kasi mahina ka!”. 

        Pabalik-balik saaking isipan ang mga katagang binitawan ni Sue kahapon. Mga katagang hindi ko akalain na kaya niya pa lang sabihin sa akin. Matalik naman kaming magkaibigan. Ni minsan hindi ko naisip na makipagkaibagan sa kanya dahil lang gusto kong may nagtatanggol sa akin.  Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ang nagging kasalanan ko para magalit sila sa akin. Sila ni Hannah. Sa pagkakaalala ko sila dalawa ni Hannah ang may alitan, pumagitna lang ako sa kanilang dalawa kasi ayokong may kinakampihan ako kasi pareho ko sila kaibigan. Nagulat na lang ako nang bigla silang nagpansinan at ako naman ang kanilang inaway. Pati mga kaklase ko hindi narin ako pinapansin. Bakit ba? Anong nagawa ko? Malapit na matapos ang pasukan ay ito naming simula ng aking kalbaryo ditto sa paaralan. Naglalakad ako habang nakayuko ayokong Makita nag mga mata nila na matatalim ang tingin sa akin. Parang gusto ko ng matapos ang araw na to. Pero wala akong magawa kundi pumasok sa silid aralan. Gaya ng inaasahan ko, masama ang tingin nila saakin pero nagpapsalamat narin ako na hindi nila ako pinapansin kaysa naman awayin nila ako. Hindi ko kayang lumaban. Siguro nga tama si Sue ang hina ko. 

      Para akong multo na nilampasan lang ng mga noon ay matatalik kong kaibigan habang papunta sila sa kantina. Sina Sue, Hannah, Faith at Cindy. Hindi nila ako pinansin. Habang nakatitig ako sa kanila na nagtatawanan, naisip kong sana kasama ako sa kanila ngayon. Kasali sa pagtatawanan nila. Pero parang bolang naglaho nalang ang mga kaibigan ko. Bakit? Ano bang nagawa ko? Pumanhik na lang ako sa silid aralan, hindi pa ako nakapasok ay kinalabit ako ni Franciska at Ramon. Mag aaral sila sa kabilang seksyon. Naging kaibigan ko na rin sila dahil magkaklase kami tuwing Music Time.

     “Hoy! Bakit ganyan ang mukha mo?”, tanong saakin ni Franciska. Sasagot na dapat ako nang sumagot si Ramon. 

       “Hindi mo ba alam? Nag away kahapon si Sue at Khrystal. Sinisigawan nya nga eh. Kawawa tuloy si Khrystal kasi pinagtitinginan sila ng mga tao.”, ulat ni Ramon. 

        “Ha?! Bakit? Anong nangyari Khrystal?”, gulat na tanong sa akin ni Franciska. 

      “Hindi ko alam, bigla nalang nya akong hindi pinansin kahapon tapos nung kausapin ko bigla nalang akong sinigawan.” Lungkot kong sabi habang saglit na napatingin sa kinaroroonan ng noon ay matatalik kong kaibigan. Napatingin din doon si Franciska.

        “Teka, balita ko magkaaway ang dalawang ‘yan ah? Sina Sue at Hannah? Diba?” tanong ni Franciska. Tumango na lang ako.
“Talaga namang walang hiya ‘yang Sue na yan? Pinaglalaruan lang ata kayo nyan eh. Maldita talaga. Tapos ngayon ikaw naman ang aawayin niya?” nanggigil na  saad ni Franciska. 

       “Palibhasa kasi walang kumakalaban d’yan eh! Kaya lumalaki ang ulo.”, tugon naman ni Ramon. 
“Hayaan na natin siguro bukas papansinin na nila ako.”, sabi ko nalang. 

      Biglang may tumunog, ang hudyat na nagtatapos na ang recess. Kaya nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin sina Sue. Balak ko na sanang pumasok din pero pinigilan ako ni Franciska. 

      “Halika Khrystal, kausapin natin ‘tong babaeng to.”, nagulat ako sa ginawa ni Franciska kaya hindi ko s’ya agad pinigilan. 

        “Sue, mag-usap nga tayo.” Biglang tugon ni Franciska kay Sue na ‘sya namang ikinukunot ng noo niya. 

        “At bakit ako makikipag-uusap sa’yo?” sagot ni Sue. Pilit kong pinipigilan si Franciska para walang gulo na magaganap pero ayaw nyang paawat. 

      “Kaibigan ko lang naman ang inaargabyado mo. Kaya dapat lang na makipag usap ka sakin. Ano bang nagawa sayo ni Khrystal para ganituhin mo sya? Magkaibigan kayo diba?” napataas bahagya ang boses ni Franciska kaya parang may nabubuong tensyon. Unti unti namang lumalapit ang mga tao para makiusisa. 

        “Franciska, halika na.”, pakikiusap ko sa kanya. 

    “Kaibigan ka niya? Nakahanap na pala siya ng bagong tagapagtanggol. Alam mo kung ako sa’yo lumayo ka sa babaeng ‘yan kasi manggagamit ‘yan.”, galit na turan ni Sue. 

      “Ikaw ang manggagamit. Kaya ka nga lang nakipagkaibigan kay Khrystal dahil matalino siya di ba? May kokopyahan ka ng mga assignments at test. Di ba? Matapang ka nga wala ka namang utak. Yan ang totoo Sue!” sagot ni Franciska. Nabigla nalang ako ng biglang sinabunutan  ni Sue si Franciska. Hinatak din ni Franciska ang buhok ni Sue kay nagkasabunutan sila. Pinalibutan na kami ng mga tao. Walang umaawat. Nagtataka ako kung bakit wala pang guro ang aawat sa kanila? Asan ba sila? Namayani na ang kaba sa puso ko. Hindi ko kayang lumaban. Nagsisigaw na lang ako ng “Tama na!” pero hindi sila nakinig. Pilit naman silang pinaghihiwalay ni Ramon. Salamat naman at nandito si Ramon. Nagtaka ako kung bakit hindi tinulungan nila Hannah si Sue. Nanonood lang sila.

       “Tama na please!”, sigaw ko. Sa wakas ay napahiwalay din sila ni Ramon. 

      Gulong gulo ang buhok nilang dalawa. Namumula ang mga pisngi siguro sa galit o kalmot ng kanilang mga kuko.

“Franciska tama na. Okay ka lang ba?” alalang tanong ko kay Franciska. 

      Nakatingin lang siya kay Sue na galit na galit. Si Sue naman ay hinawakan ni Ramon sa braso para hindi makalapit kay Franciska.

     “Alam mo Khrystal bwesit ka talaga eh!”, sigaw ni Sue. Ramdam ko ang galit sa tono ng boses n’ya.

“Bwesit ka sa buhay ko noong una pa lang. Oo tama si Franciska! Kaya lang naman ako nakipagkaibigan sayo kasi matalino ka! Kasi ni minsan hindi hindi ako makikipagkaibigan sa mga taong katulad mo! Mahirap! Pabibo masyado. Simula ng lumipat ka sa paaralang ito nasa sa iyo na lahat ng dapat ay sa akin. Nagtaka nga ako eh, ano bang meron sayo? Isa ka lang namang hamak na dukha. Anak ng isang mahirap. Ni wala ka nga tatay diba? Sinong gustong makipagkaibigan sayo? Pulubi ka! Wala kang kwenta! Mahina ka!” 
Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit ng mga sinabi niya. Una palang nagging totoo na ako sa kanya, sa kanila. Pero ganun pala ang tingin nila saakin. Tinignan ko sila Hannah, pero imbis na pagkamuhi ang mkaikita ko sakinlang mga mata. Awa at lungkot. Naging kaibigan ako sa kanila. Pagpapanggap lang pala ang lahat ng mga pinagdaanan naming bilang magkakaibigan. Inaamin ko mahirap lang ako pero hindi iyon sapat na dahilan para ganituhin nila ako. Ano bang nagawa ko? Tama na. Ayoko na. 

        Hindi ka namalayan na unti unti akong lumalapit kay Sue. Tumingin ako sa kanya ng masama. Lumapit pa ako at tinignan ko siya sa mata atsaka ko sinampal. Malakas na sampal. Kasama ng sampal na iyon ang mag hinanakit ko at lahat ng sama ng loob. Tama na ang pagiging mahina Khrystal. 

        Nagulat siya na hindi niya manlanng nagawang maghiganti. 
“Mula ngayon hindi na kita kaibigan. Kung mahirap ako, plastik ka. Mayaman ka nga pero masama naman ang ugali mo. Ni minsan hindi ko naisip na ganyan ka, ni minsan hindi ko sinubukang kunin lahat sa’yo. Naging totoo ako Sue. Pero ikaw? Nagtapang tapangan ka lang naman kasi gusto mong matanggap ka ng mga tao. Pilit mong pinapalabas na wala kang kinatatakutan pero mahina ka. Ang pagpapanggap ay palatandaan ng pagiging mahina. Dahil hindi mo kayang tanggapin ang totoong pakikitungo sayo ng mga tao. Kita mo sina Hannah? Nakikipagkaibigan lang din naman ‘yan sila sa’yo kasi natatakot sila sa’yo. Wala kang kaibigan Sue. ‘Yan yung totoo. Kinatatakutan ka lang nila kaya kumakaibigan sila sa’yo kahit na nagpapanggap ka lang naman na matapang. Ngayon, sino ang mahina?” 

"Dahil sa Bisikleta"
ni: Jessa Mae Vilano

Araw ng Sabado, at walang pasok. Nakasanayan na ni Jessa na matulog sa bandang hapon ‘pag ganitong walang pasok. Sapagkat, medyo umulan at malamig ang panahon, talagang masasarapan ang pagtulog. Tumila ang ulan, at nagising si Jessa sa tawag ng kanyang Lolo.
   “Jessa, apo, may naghahanap sa iyo, bumangon ka na.”, sabi ng kanyang Lolo.
   “Opo”, sagot ni Jessa habng napabalikwas.
   Inayos niya muna ang kanyang higaan bago bumaba. Nakita niyang si Gemma pala ang naghahanap sa kanya. Ang kanyang matalik na kaibigan ngayon at ang palagi niyang kasa-kasama sa eskwela. Nagtaka pa siya kung bakit nandun si Gemma pero di kalauna’y naalala din niya.
  “Oo. Gising ka na pala. Tara na. kumuha na tayo ng mga alimango.”, ngiting sabi ni Gemma.
   “Teka, bakit parang ayaw ko.”, pagrereklamo ni Jessa sapagkat tinatamad siya. 
   “Ano ka ba, magbibisikleta naman tayo.”, nakasisiguradong sabi ni Gemma.
  “At saka ako naman ang magmamaneho, eh.”, dagdag pa ni Gemma.
  Pumayag na lang  si Jessa dahil ayaw rin niyang biguin ang kaibigan. Napag-usapan pa naman nila na pupunta sila at aalis pag walng pasok. Kinuha na ni Jessa ang bisikleta ng kanyang Lolo habang dala-dala ang isang supot. 
   “Asan ka na naman pupunta?”, tanong ng kanyang Lola.
  “May kukuhanin lang po kami, la.”, sagot niya. Pero hindi na sumagot ang kanyang Lola.
   “Aalis na po kami, lo, punta kaming dagat.”, pabulong na sabi ni Jessa. 
      Pagkatapos mag paalam ay umalis na sila. Nagtatawanan pa silang dalawa sa gilid ng daan. Hindi man nila alintana ang init ng panahon. At salit-salitan pa sila sa pagmamaneho. Habang masaya silang dalawa, hindi nila namalayan na malapit na pala sila sa kanilang destinasyon.
    “Ako na naman ang magdrive.”, sabi ni Gemma kay Jessa.
   “Huwag ka ng magdrive, aakayin nalang natin ‘tong bisikleta.”, sabi naman ni Jessa.
  “Ano ka ba. Ako naman ang magda-drive eh.”, tugon ulit ni Gemma.
   “Sige.”, ang tangi na lamang naisagot ni Jessa at sumakay na.
   Padausdos sila ng padausdos at nang malapit na sila sa dulo ng kalsada, biglang gumewang ang bisikleta at hindi ito kayang kontrolin ni Gemma sapagkat wala itong taglay na pang preno o brake. Nakaalis agad si Jessa sa likuran sa pagkakaangkas at tumakbo upang mahawakan ang bisikleta. Sumisigaw pa silang dalawa noon, at nang natumba na ang bayk mabilis na lumapit si Jessa kay Gemma at tiningnan ito. 
   “Nagkasugat ka.”, sabi ni Jessa habang tinitingnan ang sugat sa baba ni Gemma.
   Biglang nagluwa si Gemma ng dugo. Nabigla si Jessa at tiningnan niya ulit si Gemma at nagulat siya. 
    “Anong nangyari sa ngipin mo?”, nag-aalalang tanong ni Jessa.
    “Papagalitan talaga ako ni ate ko nito.”, umiiyak na sabi ni Gemma.
   Walang katao-tao noong mga oras na iyon. At nang wala pang isang minuto, may motor na paparating at nakita sila nito at tinulungan. 
   “Tara mga iha, ihahatid ko kayong dalawa.”, sabi nung lalaki ng makita sila at naintindihan niya agad kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.
    Sumakay sila sa motor at ramdan ni Jessa na papagalitan sila, kaya malakas ang pag pintig ng kanyang puso. Hindi mawala ang kaba. Unang inihatid ay si Gemma.
    “Oh, napano ka?”, tanong ng ate Joy niya. Pumasok lamang agad ito. Hindi sumagot si Gemma. At doon, pinagalitan si Jessa at sakanya ipinamukha ang kasalanan. Umiiyak pa nga si Jessa nun. Nahihiya pa siya dun sa lalaking naghatid sa kanila. Ilang saglit pa’y inihatid na rin si Jessa sa bahay niya. 
   “Na aksidente po sila nang kaibigan niya”, sabi nung lalaki nang dumating na sila. Tapos ay umuwi na. nagpasalamat pa ang Lolo ni Jessa sa kanya.
    “Tingnan mo, hindi ka kasi nagpaalam.”, sabi ng Lola niya.
    “Nagpaalam naman po ako kay Lola, ah.”, tugon ni Jessa.
    “Hindi ka daw nagpaalam.”, sabi ulit ng Lola niya. 
    Hindi na sumagot si Jessa bagkos naisip niya na baka hindi siya nadinig ng kanyang Lolo kanina. Ginamot ng Lola niya ang gasgas at sugat niya sa tuhod at sa paa. Habang ginagamot siya naisip niya si Gemma. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa kanilang dalawa. Dumaan ang mga araw at may pasok na. nahihiyang pumasok si Jessa sapagkat alam ng mga taga barangay nila ang nangyari, sapagkat ang bilis kumalat ng tsismis. Nabigla si Jessa dahil hinmdi na lumalapit si Gemma sa kanya pati na rin ang kapatid nitong si Jessie ay ayaw ng makipag-usap sa kanya. Pinagbawalan daw silang dalawa kaya ganun na lamang sila. Nalungkot si Jessa sapagkat ang kaniyang matalik na kaibigan ay nagbago na lang bigla. Nagbago dahil lamang sa desisyon nilang dalawa, nagbago ang lahat sa kanila, nagbago na rin si Gemma.



"Tago-taguan Tayo"
ni: Jedidiah Quime Agayan

             "Sige Jake, ingat ka", nag-aalang sinabi ko sa kanya. Pagkatapos naming pinag-usapanang mga pangyayari sa inabandonang paaralan, (Holy Spirit School) halos di ko na malarawan ang mga pangyayari ng gabing iyon. Ika-21 ng Setyembre ng hapon ay napag-usapan naming magbarkada ang tungkol sa mga multo at bigla kung naisip ang lugar na tiyak ko'y may kababalaghan, ang HSS ito ay isang paaralang inabandona. "Try kaya nating pasukin ang inabandonang paaralan ng HSS?" Pabiglang sinabi ko. "Tara g!" sabi ni Giordale at Amper. "Ngunit bawal tayong pumasok doon, pinagbabawalan ang pagpasok doon diba?" Ani ni Jake. "Oo nga, baka mahuli pa tayo" dugtong ni carbonel. "Teka baka ay takot lang kayo? Hahaha" pahalakhak na sabi ni Tinong. "Wala naman sigurong hindi susunod pag inunahan ko na?" Sabi ko. At doon wala ng hindi sunmangayon. Nagsimula na kaming mag lakad papuntang HSS mula sa kanto ng Maria Clara.
          
            Alas otso ng gabing iyon ay inunahan ko nang pasukin ang inabandonang paaralan, sinundan ito ni Mellijor at Amper, Tumigil si Carbonel at sinabing ,"Ayaw ko ‘tol, Masama ang pakiramdam ko Babalik na lang siguro ako sa internet shop", sabay lakad paalis. Nang nakapasok na kaming lahay, kinuha Ko ang cellphone at nagsimula akong mag-video, Sa kalagitnaan ng madilim na daanan at hagdanan ay may nakita kaming pinto gumagalaw at ito’y aking binuksan, malamig na hangin ang sumalubong sa amin at sila'y nagtakbuhan. Nagka watak-watak kami sa pangyayaring iyon, sabay ang pag ka-lowbat ng aking cellphone. Walang ilaw kaming makita at tanging si Giordale at Zack lang ang tanging kaibigan kong natira sa kalagitnaan ng pangyayari. Naramdaman kong may masamng mangyayar sa iba kong kasama. Madilim ang lugar pero walang kailaw-ilaw, kaya pumunta ako sa rooftop sabay ang dalawa kong kasama upang makita namin ang lahat ng kaganapan sa ibaba, upang mas mapadali namin ang paghahanap na para bang nagtatago-tagoan.
                 
            Wala akong nakitang tao sa ibaba ngunit may nakita akong taong lumabas sa gate at sinundaan pa ito ng mga taong naka motorsiklo at tila sila ay may planong pumasok. May ilaw akong nakita sa ibaba dalawang ilaw may malakas at may mahina kaya minadali namin itong pinuntahan sapagkat alam kong ang isa sa mga ilaw na yun ay nanggaling sa kasama ko, si Tinong sapagkat parati siyang may dalang lighter para sa sigarilyo. Pagpunta ko sa pangatlong palapag ay nakita ko sila. "Buti ligtas kayo", sabi ko "Kailangan nating magtago, nandito ang kasamahan ng Hudas", sabi ni Tinong na ikinainis ni Lim "ikaw kasi dahil to sa’yo". Wala sa kanila si Jake pero kasama naman nila si Mellijor kaya napanatag na ang aking loob.
               
          Nagtago kami sa isang madilim at makalat ng room, may dumaan na mga lalaki mahigi't kumulang siyam ka tao ang aking nabilang at nakita ko si Jake na kasama nila, Ito ay aking ikinabigla, "sigurado akong may masamang mangyayari" sabi ko sa sarili ko. Si Jake Cortes ay isang gangster,na hindi titigil kundi niya makukuha ang kanyang gusto. Nakita namin muli ang isang ilaw malakas ito mas malakas sa ilaaw ng isang cellphone o lighter, Sinundan ko ito, at ng malapit na ako sa ilaw nabigla ako sa aking nakita, "Hoy! Anong ginagawa niyo dito?", pasigaw na tanong ng gwardya. "Tae na" sabi ko sabay takbo. Nakita ko si Tinong habang tumatakbo kaya dinali ko siya, ngunit di na kami bumalik sa room. Kami ay tumakbo na para bang nag sho-shooting sa isang penikula na puno ng aksyon. Sa bawat tunog ng paa ng gwardya kasabay rin nito ang lakas ng tunog ng aming dibdib ng nasa hagdanan na kami ay napatalon kami palabas. Nagtago kami sa dulo ng bilding ang tanging hinahawakan namin ay ang mga bakal na nasa pina kadulo na nga bilding.
         Nang makalayo layo na ang gwardya, "Bro, pasensya na plinano naming ipa-bugbog kayo, kaso  nagbago ang isip ko." Pagpapa-umanhin ni Tinong. " Ok na gets ko bro, alam na ba ito ng iba nating kasama? Kailangan natin silang balikan." Nag-aalalang sinabi ko Sa pangyayaring iyon bigla akung napa sigaw, "GUARRRD! Nasa rooftop pa ang ibang kasama ko.","Anong gingawa mo bro?", nalilitong tanong ni Tinong. Bumalik kami pababa at hinanap ang iba naming kasama. "Bakit nga ba mas pinili ng gwardya na pumunta sa rooftop? Kaysa habulin kami" tanong ko sa sarili ko.
                 
           Nang makabalik na kami sa madilim na room sinabi ko kay Tinong. "Wala na silang matatakbuhan doon dahil alam kung dead end na ‘yon doon kami nang galing kanina.","Ayos bro, kailangan na nating umalis bago pa tayo maabutan" sabi ni Tinong. Ng kami lahat ay nakalabas na sinalubong kami ni Amper at ni Carbonel,"Ano na bro? Nasaan sila?" tanong ni Carbonel." "Ang gwardya na ang bahala sa kanila tol" ang sagot ko. " Paano niy’o nalaman na mayroong kaguluhan dito? tanong ni Giordale,"
                       
            Nang malaman kung ipapabugbug kami ay nagmadali kaming lumabas upang magsumbong sa ibang kasama." sabi ni Amper. At ng kami ay paalis ng sa inabandonang paaralan ay sinipa namin ang mga motorsiklo ng mga kasamahan ni Jake.

                         
            Makalipas ang tatlong araw mula sa araw ng pangyayari ay nabalitaan naming hinahanap si Jake ng kangyang sariling gang sa pag-aakalang sila'y pinagtaksilan ni Jake.



"Pinagka-isa ng Panahon" 
ni: Angelica Namoc

            "Rrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnngggggg", ang alingaw-ngaw  na tunog ng bell. Isang hudyat ng mga estudyante na magsipuntahan na sa gym nila para sa gagawing flag raising ceremony. Ito ang unang araw kung pumasok sa hayskul. Pagka dating ko pa lang sa may geyt grabe na ang siksikan ng mga estudyante. Ang Dr. Cecilio Putong National High School ang pinakamalaking pampublikong paaralan sa Syudad ng Tagbilaran. Kaya hindi na ako mabibigla kung makikita ko ang kalahati ng aking kaklasi sa elementarya. Pagpunta ko sa gym doon ko nakita ang mga freshmen ang aking maging ka batchmates. Siniksik ko ang sarili ko sa may bulletin board para hanapin ang pangalan ko. Nakita kung nasa seksyon ako ng Special Program In The Arts.
               
             Nakita ko ang aking dating kaklase na s’yang nagturo sa akin patungo sa linya namin. Pagkatapos ng flag ceremony pumunta na kami sa aming mga silid at nagpakilala ang isa't isa.  Galing kami sa iba't ibang paaralan  publiko man o pribado. "Hi, ano pala pangalan mo?" tanong ko sa katabi ko. "Ako pala si Daveson", sagot niya. "Ah, saang elementary aka galling Daveson?", tanong ko ulit. "Sa Paaralang Elementarya sa Lungsod ng Maribojoc.", sagot niya. "Ahhhhhh, ako pala si Angelica galing sa paaralan ng Tagbilaran City Central elementarya sa lungsod ng Tagbilaran nagagalak akung makilala ka. Mula noon naging malapit na kaibigan ko si Daveson. Mas naging malapit kami ni Daveson dahil kapareho kami ng major. Isa din sa napalit sa akin ay sina Alexandra, Patrice, Jennifer,Dreka, Chai, at Love. Araw-araw, isa isa kung nakikilala ang aking mga kaklasi mayroon kaming iba't ibang uri ng talento ng syang nag iisa sa amin. 
              
            Unang taon ng aming hayskul na s’yang unang hakbang sa amin tungo sa aming mga pangarap. Di pa namin masayadong kilala ang sarili. Pagsapit ng taong ikawalong baiting namin doon na buo ang pagkahati-hati ng aming sekyon. Nagkaroon ng iba't ibang grupo nakabuo ng mga barkadahan. Kagrupo ko pa rin sina Daveson, Alex, Patty, Love, Jenz, Chai at Dreka pero kaming bagong myembro sa grupo sina Arzel, Marrian, Kisshia at Jl. Pinangalanan namin ang aming grupo na barney and friends. Masayahin kami na grupo isa sila sa dahilan kung bakit ako may gana sa araw araw na pag pasok ko. Chika doon chika dito di namin alam kami na pala ang pinag-uusapan ng aming mga kaklasi. Naging sapat na sa amin ang sabi ni chai na " Di n’yu ba alam na sabi ng mga kaklase natin na pasosyal na daw tayo ng sobra". "Wow, saan ka naman galing nyan chai" Pagulat na tanong namin. "Basta may nag sabi lang din sa akin", sambit niya. Tila kami'y nagtataka dahil wala naman kaming ginawa sa mga kaklasi namin. Dahil sa pagtataka nag pag pasyahan namin na mag tanong sa kaklasi namin. Ngunit iba ang aming nalaman dahil karamihan sa kaklasi namin ang nagsaasabi na si chai lang pala ang nagkakalat at naninira sa amin. Di namin inaasahan ang nagawa ni chai kina usap namin siya pero sa huli pina tawad parin namin siya. 
               
             Nag Gr.9 na kami pero iisa pa rin kami sa aming grupo (BAF) Nagpapasalamat kami dahil walang nawala dahil pag SPA na estudyante ka, pag bumaba ang average mong 85 ililipat kana sa regular class. Nasiyahan ako pero nalungkot din dahil may iba akong kaklase na nalipat sa regular class kahit papaano napamahal na din ako sa mga kaklase. Sa pagsapit ng taon mas nakilala ko ang kaklasi ko mas humigpit ang aming mga pagsasamahan. Pero di namin inaasahan na paglabas ng iba't ibang uri ng aming mga kaugalian. Doon ko nakilala kung ano at sino talaga sila, pero kalaunan kami'y ulit nagkaisa at nagkapatawaran dahil kami'y iisang pamilya na. 
                 
             Ng nag Gr.10 na kami grabe ang laki na  ng pinakaiba, Apat na taon na kaming magkaklase malapit na kami sa isa't isa. Halos lahat ng kaklase ko’y napalapit sa puso ko dito ko nakita kung paano kamiy hinubog ng panahon. Pero kami'y ulit hinamon ng panahon subalit ngayon'y hinamon bilang iisang seksyon. Umaga noon ng inanunsyo ng aming guro sa MAPEH na magkakaroon ng paligsahan sa bawat seksyon ng MAPEH JINGLE . Ang mananalo ang syang tatanghal sa ibabaw ng intablado sa paparating MAPEH day. Nung nalaman namin iyon, naghanda kami nag insayo kami ng maigi ng kanta na aming ginawa, may props pa kaming gawa2 at musical instruments. Pag sapit ng byernes, yun na ang araw na pinaka hintay namin. Maaga kaming pumunta sa paaralan para mag handa, nagsi datingan na din ang mga kalaban. Isa isa na kaming sumabak sa paligsahan at isa isa din naming nasasaksihan ang aming mga kalaban. Sa pagtatapos isa isa din naming natanggap ang hatol ng mga hurado at hindi kami nasiyahan sa resulta. Dahil kami'y natalo, di namin natanggap ito'y ikinasama ng aming mga kalooban. Umuwi kaming talunan na di kinasanayan na aking mga kaklasi. Sa pag uwi kuy akuy napahiga at binuksan ang aking messenger nabasa ko ang mga hinanakit sa chat ng aking mga kaklasi sa aming group chat doon nila ibinuhos ang kanilang galit, gayun din akuy nagbuhos ng hinanakit sa na uwing ka biguan ng aming seksyon. "Parang wala namang ka effort-effort ang nanalo" chat ni JL. "Oo nga parang may aamoy akung hindi ka aya aya talaga" wari ko. "Hindi naman talaga sila dapat manalo! Guro lang talaga nila lahat ang naging hurado" sumbat ni mikko. Dumami na ang mga reaskyon ng aking mga kaklse at gumamit na ng masasamang salita. "eh dadag ko na lang sila dito sa gc natin" pabirong chat ni mikko. Pero di namin ikinalang tutuhanin talaga ni mikko. 
              
            Pagkalunes ay di namin inaasahan ang mga sumunod na pangyayari, lumaki ang aming problema. Pinatawag ang aming Presidente at Bise presidente ang aming klasi at doon sa guidance nahalungkat lahat pero wala kaming magawa kalat na sa boung paaralan ng dahil sa isang kamalian damay lahat. "Dahil yun sayo mikko!" Pagalit na sabi ni Arzel. "Oo nga, kung hindi mo ginawa yun walang mangyayari na ganito" dugtong ni Jl. " Sorry mga kaklase di ko alam na lalaki ito ng ganito" pagmamaka-awa ni Mikko. Nagsisihan pero kalaunan nagpatawaran, alam namin kami lahat ay nagkasala, pero sabi nga nila nasa huli ang pagsisi. Kami'y tumanggap ng kaparusahan at humingi ng patawad sa isa't-isa. Kahit ano at saan mang paligsahan, manalo matalo alam na naming matatanggap na namin ng buong puso and decisyon ng hurado. Lumipas ang mag buwan iba't ibang uri ng paligsahan ang aming nadaluhan, manalo matalo basta't iisa tayo yun ang aming batayan. Halakhak, iyakan at kadramahan yan ang aming pinagsamahan. Marami na kaming natutunan sa isa't-isa, di lang isang seksyon kami'y pamilya na. Dahil sa paparating na Marso ay magkakahiwalay na. "Paalam mahal kung mga kaklasi" iyak ko habang minamasdan sila.




      "Anghel na Kinain ng Apoy"
          ni: Jenelyn B. Buma-at

             Ngayon sino ang makapagbibigay sa akin ng kaniyang karanasan sa buhay? "Si Jenelyn Mam" "Okay Miss Buma-t pumunta sa harapan at magkuwento ng di mo makakalimutan na pangyayari sa buhay.          
            Nasa paaralan ako noon. Nong mangyari ang sunog kung saan kasalukuyan kaming kumukuha aming ikatlong markahang pasulit  sa kataas-taasang paaralan ng Cogon. Alas 5:30 pa lang ng umaga'y gising na ako para maghanda sa pagpasok, natupi ko na ang aking higaan, kumain na ako ng almusal, nakaligo na at saka naka uniporme na. Malinis na ang buong kwarto ko kaya maaari na akong umalis ng bahay. 
Ako kasi iyong tipong ayaw sa makalat na gamit. Gusto ko nakalagay sa maayos ang lahat para pag-uwi ko deretso na ako sa pagsisyesta.
 "Uyyyy walang iyakan, nagkukuwento ka lang", kantsaw ng mga kaklase. Class 'wag magingay, ipagpatuloy Bb. Buma-at", sabi ng guro. So 'yun pumasok na ako sa paaralan na pinapasukan ko, masaya akong sinalubong ng mga kabarkada ko at naghanda para kumuha ng pasulit. 

    Masaya ako ng matapos ko ang pasulit dahil alas diyes pa lang at malayo pa ang uwian.
 "Uyy san tayo mga brad??" sabi ng kaibigan ko.                   "Kain tayo!", sambat ng isa.                                     "Dating gawi na lang, sharing problems tayo", sabi ni radel.     "Sige tara!", pagaapruba naming lahat.                            Nasa bench kaming magkakaibigan Mam nagtatawanan, nagbibiruan, at nagkukuwentuhan ng kanya-kanyang poblema "Ikaw Jene magkuwento ka naman di ka pa nagkakukuwento ah" " ha ako!!" sabay turo sa sarili ko "Oo ikaw nga" sabay nilang sabi na nagtatawanan "Ako kagaya pa rin nong dati tatay ko pa rin ang poblema ko. Di pa rin tumitigil sa pag dadrugs, tsaka dami pang mga babae di naman nagbibigay ng pera kay mama para sa pangangailangan namin pang araw-araw tapos ngayon nangungulit siya kay mama na makipagbalikan, Eh ayaw ni mama kasi nga sa nakuwento ko sa inyo sinasaktan siya nito. Minsan nga naisipan ko na iparaid ang bahay niya o di kaya ereport ko siya sa mga pulis para matapos ba yang mga illegal na ginagawa niya" "Pero kahit ganon siya tatay mo pa rin siya diba mga brad" "Oo noh" "Kahit nga iniwan at diko nakita ang tatay ko sabik pa rin makita siya kahit inabando niya ako nong nasa tiyan pa ako ng nanay ko" pagkukuwento ni radel sa amin tungkol sa tatay niya "Pero may tama rin kayo kasi kahit nga nanay ko hindi siya kinasuhan ng begamy kahit may anak siya sa labas, Hindi pa rin siya pinakulong kasi daw kawawa daw kami pagnakulong ang tatay yun ang sabi ng nanay sa amin" Kuwento-kuwentuhan lang kami ng mga oras na yun Mam hanggang sa di namin namalayan umabot na pala ang oras ng labasan sabay pa rin kaming lumabas sa gate hanggang sa sakayan.  Niyaya pa nga nila ako non Mam na mamasyal kaao tumangge ako kasi gusto  ko ng  umuwi at magpahinga "Hala brad oh may sunog ang kapal ng usok" sabi ni Joan "Parang banda sa inyo" sambat ni Beneath "Oo nga noh!! pero parang malayo lang yan sa amin sa kabilang baryo siguro yan, sa urban 4" sabi ko "Ayan kasi di nagiingat disgrasyada siguro may ari ng bahay na yan" sa sinabi ng kaibigan kung si beneath Mam parang nabunutan ako ng tinik, nasaktan ako pero diko naman alam kung bakit" "Hoy wag ka ngang ganyan di mo naman ang pangyayari masakit kaya ang mawalan ng bahay" pagdedepensa ko sa kanya "kung sa bagay" wika niya. 
          Noong nakasakay na ako pauwi sa amin 'di pa rin mawala sa isipan ko kung sinong bahay ang nasusunog sa mga oras na yun  'Di ko alam ang nararamdaman ko para bang kinakabahan ako at natatakot lalo na ng may nag-over take na sasakyan ng bombero bumilis ang tibok ng dibdib ko parang diko mahabol. Sinilip ko ang banda ng pinangalingan ng usok hindi na ito masyadong kaya pinahinto ko ang sinasakyan kong trisikel sa isang kalye malapit sa amin, Nakita ko rin dun lumiko ang sasakyan ng bombero pa puntang Basketbolan sa Barangay namin. Dali- dali akong naglakad na halos ayaw ko nang huminto na para bang may tumulak sa akin na tumakbo na lang. Nong malapit na ako sa Basketbolan may nakita akong estudyante na tumatakbo, tinanong ko siya "Bata bakit ka ba tumatakbo???" "Kasi po pupunta ako sa may sunog" "Ah ganon ba! Saan ba banda ang may sunog bata?" " don po malapit sa bahay ni Gng. Eufe yung maliit na bahay sa tapat nila" Nagulat ako sa sinabi ng bata, Nanglaki ang dalawang mata ko naluluha na ang tanging sinasabi sa isipan ko "Wag lang yung sa amin, Hindi yon sa amin biglaang lumabas ang mga detalye na yun sa bibig ko. Kaya kagaya ng bata Mam napatakbo ako ng mabilis hangang sa hinihingal na ako at diko na mahabol ang hininga ko.
          Sa katatakbo ko ay nakarating ako sa bahay ni Nanay Liza ang matalik na kaibigan ng Mama. Don sa bahay nila tanaw ko na ang bahay namin mga 20 lakad lang ng paa makakarating kana sa bahay. Tanaw ko ang dami ng tao tumitingin sa umuusok na bahay  na tanging abo na lang ang natira. Napatulala ako sa nakita ko, Sa pagbagsak ng mga luha ko ay siya ring pagbagsak ng mga tuhod ko sa mabatong lupa ni wala man lang akong nararamdamang sakit kahit nasugatan na ako, tanging naramdaman ko lang non Mam ay ang patuloy na pagbagsak ng mga luha ko. Ang bilis ng pangyayari Mam nakatirik at nandon pa yun nung umalis ako nong umaga bat nong pagbalik ko naglaho ng parang bula. Iyak ako ng iyak non, hindi ko inaasahan ang pangyayari Mam. Nilapitan na ako ng papa kot pinapatahan ata sinabihan " Anak tana!!! wala na tayong magagawa" Wala na!! Parangnabibingi ako Mam, Galit na galit ako gusto kong maghiganti sa taong maysala at maypakana ng lahat malahayop tanging tinira lang ay inidoro at kalansay ng motor, Wala kaming naisalba tanging ang suot lang namin ng araw na yun ang natira. Bumagsak na naman ang mga luha ko ng marinig kung umiiyak si mama kaya nilapitan ko siya "Ma pano nangyari to? Sinong may gawa nito? Ma papaano na tayo ngayon Ma?" Ang mga tanong na nasa isipan na gustong-gusto kong marinig ang kasagutan "Ang papa mo" Iyon lang ang narinig na salita na lumabas sa bibig ng nanay ko, kaya tinanong ko ang ate ko " Anong ibig sabihin ni Mama ate?"
           
         Lumuluhang, humihikbi kong tinatanong siya "Sinunog niya ang bahay, siya ang dahilan ng lahat ng to kasama niya sina Nestor at Boyet ng ginawa ang krimen" Ang Mam sarili kong ama ang dahilan ng pagbagsak ko Mam sa mga oras na iyon sinabi ko sa sarili ko na wala na akong tatay na kikilalanin, wala akong tatay na adik.
         Ilang  araw na akong hindi pumasok sa paaralan non sa mga araw na lumiliban ako ay wala tigil ang mga tao na nagbibigay sa amin at nagaabot ng tulong mga damit, pera, pagkain, at iba't-iba pang mga kasangkapang pangbahay ang inaabot. Sa lumang sasakyan lang nga ng kapitbahay Mam kami natutuulog at nagsisikan kumain. Awang-awa ako sa sarili ko Mam pati na rin sa kinahinatnan namin nong mga panahon na yun kaya pinagpasiyahan namin magkapatid na kasuhan ang Papa ng arson pero tumanggi siya gusto lang daw niyang makipagkasundo, Akalain mo Mam makipagkasundo lang, gusto ko siyang ipakulong Mam pero ayaw ng Mama ang gusto lang  niya ay gawan kami ulit ng bahay kasama ng mga kasangkot nito kung hindi tsaka lang daw ipapakulong.
         Isang araw napagpasiyahan kung pumasok sa paaralan dahil ilang araw na akong lumuliban sa klase. Sa pagpasok ko kinausap   ako ng guro namin, nagtanong siya sa akin kung ano ang dahilanat kung sino ang may gawa nito kaya napaluha na naman akong ikinwento sa kanya ang buong pangyayari "Tatay ko na malahayop ang ugali Mam Galdo ang walang hiya na nananira ng bahay namin Mam" nanginginig ako sa galit ng sinabi ko yun Mam sa guro ko "Jenelyn  alam kung nasaktan ka sa pangyayari lalo pa ang dahilan ay ang tatay mo pero  kahit ganon ang pangyayari matuto kapa ring magbigay kahit kunting respeto at wag magtanim ng galit sa tatay mo dahil kahit ganon tatay mo pa rin siya" "Tatay Mam walang-wala nga kami ngayon ng dahil sa kanya ni hindi nga namin alam kung papano na kami ngayon. Oo Ma'am anak niya ako, Ana nga pero bakit ganoon hinila niya ako pababa di ba dapat siya ang susuporta sa akin sa mga pagtatagumpayan ko para Akong Anghel na ipinakain sa apoy. Sa ginawa niya Mam ewan ko lang kung mapapatawad ko siya sa ginawa niya.



"Ang Nawasak Na Kasiyahan"
ni: Regine M. Eballena 

            Sariwa pa sa aking isipan ang malagim na nakaraan, na kahit kailan man ay hindi ko ito inaasahan.  Ang isang kaligayahan na nagdudulot ng magandang samahan ay bigla nalang naglaho na parang bula.  At napapalitan ito ng masidhing karamdaman dahilan upang nawasak ang aming samahan. 
             Nagising ako ng madaling araw,  naabutan ko si ina na nagsasaing sa kusina, habang si ama ay naghahanda ng mga gamit para dalhin sa bukid at ang dalawa kong kapatid ay mahimbing pa ang tulog. Lumapit ako kay ina para tumulong sa kanya upang mapabilis ang handa ng agahan namin,  dahil pagkatapos nito ay pupunta kami sa bukid at para magtanim ng halamang gulay. " Anak tawagin mo na ang ama at kapatid dahil kakain na tayo", sabi ni ina habang kumuha ng pinggan at kutsara. "Opo inay, sandali  lang ito malapit na akong matapos", sabi ko habang nagwawalis.  Pagkatapos kong naglinis ay agad kong pinuntahan si itay. "Itay kakain na daw sabi ni inay", pasigaw kong sabi. Sige anak susunod lang ako", sabi niya. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ng mga kapatid ko. " Oi,, gising na mga kapatid ko..at tayo ay kakain na at pag-di kayo gumising, patay kayo ni inay!. Alam niyo naman pag magalit yon, parang tiger kung umasta", makulit kong sabi. " Ate naman eh... Ang aga-aga nambubulabog ka na,  kita mo naman ang himbing-himbing ng tulog ko,  tapos kung umasta ka parang daug mo pa ang isang ingay ng alarm clock ", nagmamaktol na sabi ni Kimberly.  "Eh.. Ano ang magagawa ko,  inutusan lang naman ako na gisingin kayo", sabi ko habang dahan-dahang nililigpit ang kanilang higaan.  Makalipas ang ilang minuto ay bumangon narin sila at dumiretso sa hapagkainan upang simulan na namin ang kainan. Habang kami ay kumakain ay masaya kaming nagkukuwentohan, ganito kami araw-araw laging nagkukulitan kasama ang buong pamilya sa hirap man at ginhawa, kahit mahirapan ang aming kinagis-nan ay nagawa pa rin namin ang ngumiti sa isat-isa. Lubos akong nagpapasalamat sa buong maykapal sapagkat biniyayaan niya ako ng isang mapagmahal at mabuting magulang, naisip ko na sana ganito lagi ang samahan namin, 'yong walang problema ang isipin. Pero sa madaling salita lahat ng ito ay bigla nalang, naglaho, nakakawatak-watak kaming magpamilya dahilan lamang sa isang karamdaman na natamo ng aking ama. 
             Ang akala ko ay hindi ko na maipagpapatuloy ng pag-aaral,dahil sa hindi sapat ang pera na ipangtustus. Si ina lang ang nagtataguyod sa amin, dahil nga ang ama ko ay may malubhang sakit,  samantala hindi pa sapat ang pera para pambili ng gamot. Sa tuwing nakikita ko ang aking ina na umiiyak ay labis akong nasasaktan, sumagi sa aking isipan ang mga katagang ito " Sana lumaki na ako, para ako nalang ang magtataguyod sa kanila, sana hindi naging ganito ang buhay namin, at sana gumaling na si ama upang hindi na masasaktan si ina".
              Nawalan na ako ng lakas na loob para lumaban dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ako makapag aral muli. Hanggang sa dumating ang araw na napagdesisyunan na ni ina ang nagtatrabaho sa Maynila, pinipilit ko man siyang pigilan " Ina wag kana lang umalis " umiiyak na sabi ko,  habang hawak ko ang kanyang kamay.  " Anak kailangan ko talagang umalis " malungkot na sabi niya. "Eh.. Inay paano kami kung aalis ka?  Sino ang mag-aalaga sa amin? " ang sabi ko, habang tuloy parin ang agos ng luha ko. " huwag kang mag-alala nandyan naman ang ama mo, siya muna ang mag aalaga sa inyo.. Basta ito ang tatandaan mo alagaan mo ng mabuti ang iyong mga kapatid., huwag mo sila pababayaan habang wala pa ako ",umiiyak na sabi niya. Tango lang ang isinagot ko sa kanys. Pilit ko mang ipagsiksikan ang sarili ko na huwag siyang umalis, pero hindi ko na siya mapigilan pa. Oo alam ko naman ang rason kung bakit siya umslis!! ,naiintindihan ko naman siya, pero masakit talaga sa akin ang malayo siya sa amin. 
              Nang lumisan si ina patungong maynila ay siya naman ang pagdating ng kapatid ni ama na galing sa Valencia, nabalitaan kasi niya ang sitwasyon namin, kaya nagpresinta siya na pag-aaralin niya ako,  sa pursigido akong makatapos ng pag-aaral, kaya ayon sumama ako sa kanya, pero bago ako umalis ay sinabihan ko muna ang aking kapatid na. "Kimberly, alagaan mo ng mabuti ang bunso natin.. Habang wala ako dito",malungkot na sabi ko sa kanya. "Opo ate, aalagaan ko siya gaya ng pag-aalaga mo sa amin".
               Ang akala ko sa pagsama ko sa kanya ay magiging ok na ang buhay ko, pero hindi pa pala nagtatapos ang paghihirap ko dahil ang anak niyang babae na si Welyn ay masama ang pakikitungo niya sa akin. "Hoy!!  Mag igib ka nga ng tubig sa paso dahil maliligo ako.. At bilis-bilisan mo ang pag-igib, huwag kang magtatagal doon, at kapag matagal ka malilintikan ka talaga sa akin! I sak-sak mo yan sa kukuti mo, huwag kang pa bobobo!! ", pagalit na sabi niya, habang nakaduro sa akin ang kanang kamay niya. Ganito lagi ang pakikitungo niya sa akin, palaging galit.




Comments

Popular posts from this blog

Tulang Di-Malaya (Isyung Panlipunan)

Tula (Karanasan sa Buhay)