Tula (Karanasan sa Buhay)
"Mundong Ginagalawan"
ni: Daveson Evediente Torculas
Musmos pa lamang ang naging isang ako
Ng makita ang mundong makasalanan,
Ang aking puso at isip ay napako
Kung ano ang buhay na ginagalawan.
Kailangan kung lumipad na parang ibon
Para makamtan ang aking panaginip,
Kaya lumabas ako sa aking kahon
Ng sa gano'y tumalas ang aking isip.
Edukasyo'y aking naging instrumento,
Gantimapala'y aking naging inspirasyon,
Upang pangarap ay hind imaging bato
At ang hirap ng pamilya'y maiahon.
Ako si Daveson Evediente Torculas
Gumagalaw sa mundong makasalanan,
Walang sasayanging panahon at oras
Mabuhay lang na mayroong kabuluhan.
"Buhay ay Biglang Nagbago"
ni: Mary Coleen Ingking
ni: Daveson Evediente Torculas
Musmos pa lamang ang naging isang ako
Ng makita ang mundong makasalanan,
Ang aking puso at isip ay napako
Kung ano ang buhay na ginagalawan.
Kailangan kung lumipad na parang ibon
Para makamtan ang aking panaginip,
Kaya lumabas ako sa aking kahon
Ng sa gano'y tumalas ang aking isip.
Edukasyo'y aking naging instrumento,
Gantimapala'y aking naging inspirasyon,
Upang pangarap ay hind imaging bato
At ang hirap ng pamilya'y maiahon.
Ako si Daveson Evediente Torculas
Gumagalaw sa mundong makasalanan,
Walang sasayanging panahon at oras
Mabuhay lang na mayroong kabuluhan.
"Buhay ay Biglang Nagbago"
ni: Mary Coleen Ingking
Karangyaan sa buhay ay naranasan
Noong ako'y musmos pa lamang
Lahat ng gusto ko'y aking nabibili
Kahit ito man ay hindi importante.
Ito ma'y manika o lutu-lutuan
Kwarto'y puno ng iba't ibang laruan
O kay sarap ng buhay
Kasiyaha'y biglang nawaglit
Tila nasa ikapitong langit.
Ngunit ako'y biglang nagkasakit
Utang doon, utang dito
Ang mabulaklak na landas
Ay tila nawala ng parang bula .
Buhay ay biglang nagbago
Ang buhay noon ay tila patikim lamang
Mga gusto'y hindi na nabibili
Naging mahigpit ang hawak sa bulsa .
Mga kahirapan o pagtitiis
Ngunit, pagsubok na to'y dapat malagpasan
Ngayon, lahat ay naranasan
Ngunit, pagsubok na to'y dapat malagpasan.
“Iba’t- ibang Kulay ng Buhay”
ni: Joan Lopena
Ang buhay ay puno ng iba’t- ibang kulay Sa bawat kulay ay may ipinipresentang estado sa buhay Ang masakit na katotohanan ay ito ang naging sukatan sa ating lipunan Sa antas ng ating lipunan, angat ang mayayaman Samantalang ang iba nama’y lumpo sa kahirapan. Sa kabilang banda ang timpla ng buhay ko ay naging mapakla Tamis, alat, pait, asim at iba pang pampalasa Madalas hindi malasahan ang tamis at puro lamang pait Pero hindi ba ito naman ang nagpapatingkad sa mundong ibabaw Isabay mo lang ito sa indak ng isang sayaw. Ang buhay ay kompetisyon ng patatagan Matirang matibay sa labanang susukat sa iyong katatagan Ang laban mo ay para lang sa din sa sarili mo Timplahan mo ang iyong sariling buhay ng naayon sa iyong gusto Namnamin mo ang bawat dulo ng iyong tagumpay.
Kung Bakit Ako Napili
ni: Pauline Faith P. Luz
Sa isang milyong kambal ko
Ako ang tanging nanalo
Pinagmamalaki’t nagwagi
Unang pagsubok ko ito.
Ako’y lumaki ng buong-buo
Ngunit hindi perpekto,
Pero kahit kailan hindi sumuko
At kahit matalo hindi hihinto.
Oo, nagkamali nang minsan
Ngunit hindi naman talunan
Kahit ako’y binabatuhan
Gagawa pa rin ng kabutihan.
Mahiyain man akong tignan
Sa puso’y malakas naman
Kahit sa anumang laban
Hindi ko ito uurungan.
Pinapangarap ay magtagumpay
At sa iba’y magbigay ng kulay
Ito yata ang aking pakay
Kaya binigay aking buhay.
"Karanasan"
ni: Sheila Mae C. Penaso
Hindi ko malilimutan ang mga alaala noon
Ang pera'y mga piraso ng dahon
Paboritong laro ay bahay-bahayan
Hindi rin mawawala ang lutu-lutuan.
Mga dahon at bulaklak ang ginagawang ulam
Kunwaring kinakain na para bang ito'y malinamnam
Tumbang preso at tagu-taguan ay nilalaro din
Gumagawa ng saranggola at ito'y pinapalipad sa hangin.
Diko namalayan ang takbo ng oras at panahon
Pagdating ko ng hayskol ay hindi na naglalaro katulad noon
Kompyuter at celpon na ang nilalaruan
Hindi na magawang pumunta sa mga kalaro at makipagkwentuhan.
Nagkaroon ng maraming kaibigan at kung saan-saan na din gumala
May mga kaibigang lumisan at meron ding nanatili
May mga taong nang-iwan at meron ding ako ang pinili
Habang tumatagal, marami akong natutunan sa buhay.
Hindi katulad noon na wala pang kamalay-malay
Natutunan kong labanan ang lupit ng buhay
Natutunan kong tumayo mula sa pagkabagsak
Natutunan kong ngumiti habang pinipigilan ang pag-iyak.
At ngayo'y tutungo na sa kolehiyo
Panibagong karanasan naman ang mabubuo
Sabi nila'y ito ang pinakamahirap na pagsubok na mapagdadaanan
Magkakaroon ulit ng mga bagong kaibigan.
Konting tiis nalang at malapit ko ng matupad ang aking mga pangarap
Lalaban ako kahit gaano man ito kahirap
Gusto kong bumawi at makatulong sa aking pamilya
Gusto kong maramdaman nila ang ang buhay na maginhawa.
“Ang Buhay Bata at Ngayon”
ni: Rasheed Wallace Suello
Mula nang imulat ang mga mata,
nasilayan agad si ama at ina.
Binantayan ng maigi at inaruga,
Para kaligtasan ko nasisiguro nila.
Umabot ako sa elementarya,
ginising at pinakain ng maaga,
uniporme ay plantsado,
para desente tingnan at pormado.
Hanggang sa nag-hayskul,
kung saan laging nagbubulakbul.
puro gala lang at laro
kaya pag-uwi ay puro palo.
Kahit ganito lang ako,
May natutunan din ako.
mga pagkakamali ko noon,
maitutuwid ko na ngayon.
"Daloy ng Buhay"
ni: Jessa Mae Vilano
Tahimik lamang kung siya’y iyong titingnan,
Ngunit di n’yo alam ang pinagdaanan.
Minsan ay hindi niyo ito napapansin,
Malalaman niyo kung siya’y kikilalanin.
Lumaking alaga ng lolo at lola,
Sapagkat siya’y iniwan ng kanyang ina.
Sinlungkot ng awitin ang kanyang buhay,
Pero ito naman ay naging makulay.
Nagkaroon siya ng mga kaibigan,
Handang makinig sa kaniyang problema,
Ito man ay gulo’t away sa tahanan.
At malaki ang kanyang pasasalamat talaga,
Lumaki din siyang may galit at inggit,
Pero ito ay kaniyang winawaglit.
Maging pamilya ay sentro ng estoryang bayan
Nagsilbi ang lahat ng 'yon na gabay.
Yan ang naging daloy ng kaniyang buhay,
Dapat pa rin niya itong iwagayway.
Sapagkat natuto siya sa lahat ng 'yon.
Matatag siya tulad ng isang kawayan.
“Sino nga ba Ako”
ni: Angelica Namoc
Isang batang babae, batang makulit
Angelica ang pangalan hindi naiinggit
Ang ugali ko’y medyo mabait
‘Wag lang unahan ng lait.
Mula ng ako’y nag-aral
Hanggang hindi tatagal
Ang oras ng pagbabawal
Ay naging oras na ng pagwawalwal.
Kasama ang barkada
Na tila 'di sila nauubusan ng pera
Akala n’yo may taglay silang mahika
Pero paghihirap 'yon ng magulang nila.
Unti-unti kong naiintindihan
Ang sistema ng kakulangan
Sa pera, sa oras, sa mga kaibigan
Magbigay ka ng oras sa sarili mo paminsan-minsan.
At ngayon ako’y teenager na
Tila tama nga ang sinabi nila
Sulitin mo ang oras na meron ka
Baka dumating ang araw na walang-wala ka na.
Sa lahat ng bumabasa ng tulang ito
Simulan niyo nang gawin ang mga gusto niyo
Baka isang araw na lang maiisip mo
Na sana sinimulan mo na lahat sa oras na nabasa mo 'to.
"Madilim na Kahapon"
ni: Jeziel Mae Caduyac
Nagising sa kalungkutan
'Di alam kung ano'ng dahilan
Pilit man ako'y lalaban
Ngunit lungkot ay 'di tinatablan.
Nilason ang isipan
Isip ay laging naghahabulan
Sinikap at sinubukan
Depresyon ay dapat kong iwasan.
Noon ang nagbibigay saya sa damdamin
Ngayo'y wala ng halaga
Panahon ay naging madamot
Buhay naging masalimuot
Lubos na hindi maintindihan
Bakit parang ako'y pinag-iwanan
Hanap ko ay solusyon
Pero nakita'y maling solusyon.
Sarili'y nahihirapan
Dapat ko nang wakasan
Ang nagbibigay kapighatian
Panginoo'y naging sandalan.
Kahit ako'y nasasaktan
Idinaan na lang sa dasalan
Gabay niya'y kailangan
Para ang pagsubok ay malagpasan.
"Ang Aking Buhay"
ni: Khrystal Colen Trangia
Unang pagdilat ng mga mata
Nasilayan ang ngiti ng kanyang ina
Turan nila'y isa siyang biyaya
Sa kabila ng 'di kompletong pamilya.
Lumaki siyang walang ama
Kasama niya lang ay ang kanyang ina’t lola
May kapatid siyang dalawa
Lalaki at mas bata sa kanya.
Sila ay namuhay ng simple
Hindi mayaman, pero hindi namumulubi
Lumaki siyang may respeto sa mga tao
At sa mga opinyon at pananaw na nakapalibot sa mundo.
Lumaki siyang may lakas na loob at matapang
Sa lahat ng problema na sa kanila’y gumagapang
Sa kabila ng bumabadyang bagyo
Sila’y nanatiling matatag at nakatayo.
Ngunit sila’y tao lang din
Nahihirapan at napapagod din
Lalo na’t kalbaryo sa buhay nila’y dumating
Sa awa ng Diyos ay nalagpasan rin.
Ngayon siya’y nag aaral sa Dr. Cecilio
Pilit nilalampasan ang taong tila magulo
Pero alam niyang sa dulo nito
Makakapagtapos siyang may galak sa puso.
"Huling Mensaha sa Marso"
ni: Louell Ampo
Ako'y naging makata, gising sa pagkakaidlip
Lumikha ng isang tula na hindi tungkol sa pag ibig
Ito ay tungkol naman sa pagiging buhay estudyante
Na malapit nang magkahiwalay at hindi na magkakaklase.
Sa mga unang araw ng ating pinagsamahan
Ay mabilis tayong nagkasundo at nagkaunawaan
Ngunit minsa'y hindi talaga natin maiiwasan
Ang pagkakagulo at hindi pagkakaunawaan.
Kung nababatid niyo'y lagi tayong nasesermonan
Dahil sa napakarumi nating silid aralan
Hindi na flofloorwax-an at nabubunutan
Dahil laging umuuwi ang cleaners tuwing tanghalian.
Dahil huling buwan na at ngayo'y buwan ng Marso
Kalimutan na ang sakit na dinulot ni Pebrero
Ating suliting ang mga natitirang segundo
Na tayo'y magkakasama pang lahat at buong buo.

“Nakaraan”
ni: Jedidiah Quime
Agayan
Ako'y di sinasadyang
ibinuntis
Ng dalawang taong magkapares
Isang dalagang nabuntis
Ng lalaking mabait
ngunit ang mukha ay salbahis.
Hanggang sa ako'y
isinilang
At naghasik ng
kagwapohan
Este kaligayahan
Sa aming kyut na
tahanan.
Lumaki akong puno sa
pagmamahal
Kahit lamok ay
makakatikim ng sampal
Kahit pa man ako'y puno
ng daldal
'Di sila makatulog sa
bunganga kong sagabal.
Hanggang sa ako'y
nagbinata na
'Di anlintana nagmana
kay mama
'Di man ako wanted
ngunit hinahabol ng kababaihan
Pero joke lang 'yong
sinabi ko ba't kayo nagrereact jan?
" Tungo sa Hinaharap"
ni: Jenelyn B. Buma-at
Sinuyod ko ang mundo ng kaytagal
Upang makarating sa kasalukuyan,
Sa kabataang nakaraan, sa akin nagbigay daan
Patungo sa kasalukuyang pinaglalaanan.
Mga pinagdadaanan sa aking kabataan
Ninais kong balikan saya't, lungkot, kakulitan
Tanging ala-ala na lang ang pinanghahawakan
Ala-alang nagbigay ng kaalaman.
Ngunit kailangan ng bitawan
Ang kabataang ninais balikan
Sapagkat sa mundong kinagagalawan
Maayos na pag-iisip ay kinakailangan.
Tungo sa kasalukuyan maraming pagbabago
Isa na rito ang katatagan ng sarili ko
Dahil dito ko napagtanto, ang ugat ng pagsubok
Pagsubok na haharapin ko tungo sa hinaharap.
“Ala-ala”
ni: Alex Pelayo
Sa iyong pagkawala
Ako’y sobrang nagdusa
Ang iyong mga pangako
Ngayon ay napapako.
Sabi mo walang iwanan
Pero ikaw ang unang lumisan
At sa aking paghihintay
Hindi nawawala ang mga ala-ala.
Noong tayo’y masaya
Ngayo’y nasaan na?
Lungkot na lamang ang natira
Dahil sa aking pag-iisa.
Sana di mo makalimutan
Kung ano ang ating nakaraan
Kahit ako’y sobrang nasaktan
Hindi ka makakalimutan.
"Magulang"
ni: Jenissa Orongan
Ang aking magulang
Sila ang aking lakas
Salamat sa inyong pagmamahal at pagsuporta sa akin.
Sana lagi kayong masaya
Sa piling ng inyong mga anak
Sana hindi kayo magsawa sa pagmamahal
Laging sumuporta at umalalay sa mga problema.
Salamat sa inyong sakripisyo
Sana bigyan kayo ng malakas na pangangatawan
Para maibalik ko ang inyong sakripisyo
Alam ko ang pagmamahal ng magulang ay hindi kukupas.
"Abot-tanaw"
ni: Regine Eballena
Nagmula ng masilayan kita
Pintag ng puso ko'y kakaiba,
Kahit na ikaw ay bagong salta,
Atat na atat akong makilala kita.
Hindi ko akalain
Ito'y hahantong sa akin
Tumitibok ang puso
At sumisinta sa taong tulad mo.
Sa iyong titig mundo ko'y nawindang
Sa ngiti mo, ako'y natutunaw,
Ngunit para kang ulap,
Na hanggang tanaw nalang masisilayan.
Nais kong minsan mapansin mo,
Makausap at kung pwede mahalin mo.
Alam kong may ganap
Na pilit tinatago.
Hanggang tanaw na lang ba tayo,
Mata man natin nangungusap,
'Di lang sana magtatapos lang sa tanaw
At sana abutin mo din ako.

Comments
Post a Comment