Tulang Di-Malaya (Isyung Panlipunan)
"Droga Iwaksi"
ni: Daveson E. Torculas
Payapa ang nangingibabaw
Kasiyahang umaapaw,
Katulad ng isang ibon
Pangarap nating umahon.
Subalit sa isang dulo
Parang bula na naglaho,
Panaginip na kay tagal
Unti-unti ng bumagal.
Bawal na gamot nagbigay
Nitong maitim na kulay,
Ang 'sang paa nasa hukay
Ang isa naman ay buhay.
Krimen doon, krimen dito
Dahil sa gamot na ito,
Sanlibutan ay nasira
Walang mabuting natira.
Tayong mga kabataan
Ang pag-asa nitong bayan,
Kaya dapat nang ilaban
Itong mga kasamaan.
"Droga ay Iwasan"
ni: Daveson E. Torculas
Payapa ang nangingibabaw
Kasiyahang umaapaw,
Katulad ng isang ibon
Pangarap nating umahon.
Subalit sa isang dulo
Parang bula na naglaho,
Panaginip na kay tagal
Unti-unti ng bumagal.
Bawal na gamot nagbigay
Nitong maitim na kulay,
Ang 'sang paa nasa hukay
Ang isa naman ay buhay.
Krimen doon, krimen dito
Dahil sa gamot na ito,
Sanlibutan ay nasira
Walang mabuting natira.
Tayong mga kabataan
Ang pag-asa nitong bayan,
Kaya dapat nang ilaban
Itong mga kasamaan.
"Droga ay Iwasan"
ni: Mary Coleen Ingking
Tayo'y dapat magtulungan
Lipunan pangalagaan
Tila perlas ng silangan
Dapat ay ating ingatan.
Droga ay iwasan
Ito rin ay para sa'tin
Sarili ay respetuhin
Makamit lang ang mithiin.
Tayo'y manampalataya
Sa Diyos tayo magtiwala
Ang Diyos natin ay may awa
At hindi nagpapabaya.
Ang Mundong Ginagalawan
ni: Pauline Faith Luz
Mundo na ginagalawan
Nasira na ng tuluyan
Puno ay nagiiyakan
'Nawa sana’y maramdaman.
Ang ibon at ang halaman
Rinig ay nagiiyakan
Sa nasira ng tahanan
Sana ay maintindhan.
Ngayon ay kabaliktran
Hayop ang nagdadamayan,
Tao ay nagsasakitan,
Halama’y nagmamahalan.
Tala sa langit tumingin
Nangamba sa ating tanawin
Dapat ngayon ay isipin
Pagbabagong dapat gawin.
Pangalagaan ang atin
Mga dalubyo’y sirain
Kalikasan pagyamanin
Dapat ating pagsikapin.
“Ang Ating Lipunan”
ni: Sheila Mae C. Penaso
Gastusin di mapigilan
Presyo di maunawaan
Tao'y lalong nahirapan
Wala ng katahimikan.
Mundo'y lalong nagkagulo
Kahit saan mang anggulo
Oh! Mahal na pinuno
Tulungan ang mga tao.
Mga kurakot dumami
Ang Pinas lalong marumi
Dapat ibalik ang ngiti
Biglang nawala sa labi.
Paano ba mawawala
Ang sakit ng ating bansa
Anong gamot ang mabisa
Saan ito makikita?
Sayang ang luha ng tao
Pagdasal lang ang magawa
Kesa walang ginagawa.
"Polusyon"
ni: Jessa Mae Vilano
Oh Polusyon, Oh Polusyon
Polusyon ay kahit saan,
Ito’y di maiiwasan
Problema na may solusyon.
Tayo ang mga may sala,
Tayo na rin ang kawawa
Di dapat ibalewala,
Di natin ipagbahala.
Hindi natin isusuko,
Gawan natin ng paraan,
Lahat ay dapat subukan
Upang masakatuparan.
Ang polusyon sa hangin
At ang polusyon sa tubig
Ang polusyon sa lupa
Ang dami ng polusyon.
Magkaisa tayong lahat,
Magtulungan na rin lahat,
Dahil mundo ay maganda
Ito’y handog at biyaya.
“Pinagkaitan”
ni: Angelica Namoc
Mayroong isang hangarin
Uunlad ang bayan natin
Iisa ang panalangin
Dinggin na nga Ama namin.
Bakit ba nahihirapan?
Kung kaya nating sarapan
At kaya namang timplahan
Ang buhay na kayamanan.
Ba't tayo pinagkaitan
Magandang buhay matikman
Bakit nila hinawakan
Ang mga pera sa kaban
Saan ba tayo papunta?
Ni daan ay 'di Makita
Ba't tayo pinagkaitan
Ng ating karapatan.
Kahirapan 'di maibsan
Edukasyon 'di maranasan,
Pangarap 'di makamtan
Kasagahan 'di matikman.
"Korapsyon"
ni: Jeziel Mae Caduyac
Bayan na iniingatan
Ngayon ay napabayaan
Tao ay pinaikutan
Sa isang maling paraan.
Namuno'y naging mayaman
Tao ay nahihirapan
Unti-unting sinasaktan
Parang walang katapusan.
Ang sanhi ng kaguluhan
Sekretong bulsa'y nilagyan
Pagsakripisyo'y nilaan
Na walang patutunguhan.
Bayan tuluyang nawalan
Labis na nilapastangan
Inaabuso't naiwan
Iginipit ng lubusan.
Namayaning kasamaan
Darating sa kasukdulan
Ang hustisyang nakalaan
Pagkakaisa'y kailangan.
"Mahal Kong Mga Tao"
ni: Khrystal Colen Trangia
Basura’y tila sagana
Kung saan saan ay kita
Mga tao ang may gawa
Sadyang sakim sa planeta.
Ngayo’y naghihingalo na
Ang paligid ay bulok na
Tao’y naapektuhan na
Kalusuga’y dehado na.
Tao ba’y pinarusahan na?
Sa kanilang kagagawan?
Imbis na ay alagaan,
Ito’y inabusaduhan.
Kailan sila matuto?
Kailan sila magbabago?
Hanggang kailan ang ganito?
Kailan tao ang susuyo?
Paano na ang planeta?
Paunti ay nasisira
Mga tao ang may gawa
Tao din ang magdudusa.
Sa mahal kong mga tao
Sana’y magbago na kayo
Pati bukas ng anak niyo
Sinisira’t dinurog niyo.
"Tunay na Bobo"
ni: Louell Ampo
Sabi nila walang bobo
Lahat tayo matalino
Bagamat may salitang bobo
Para kanino ba ito.
Para ba 'to sa bagsak
O sa mga di nagsikap
Para ba sa 'di nag aral
O taong kulang ng aral.
Kung ayaw mong maging bobo
Huwag kang magpakalumpo
Itingala ang yong ulo
At gamitin ng matino.
Tunay nga na walang bobo
Depende lang ito sayo
Dahil ang tunay na bobo
Ay yung 'di nagpakatino.
Ang Mundong Ginagalawan
ni: Pauline Faith Luz
Mundo na ginagalawan
Nasira na ng tuluyan
Puno ay nagiiyakan
'Nawa sana’y maramdaman.
Ang ibon at ang halaman
Rinig ay nagiiyakan
Sa nasira ng tahanan
Sana ay maintindhan.
Ngayon ay kabaliktran
Hayop ang nagdadamayan,
Tao ay nagsasakitan,
Halama’y nagmamahalan.
Tala sa langit tumingin
Nangamba sa ating tanawin
Dapat ngayon ay isipin
Pagbabagong dapat gawin.
Pangalagaan ang atin
Mga dalubyo’y sirain
Kalikasan pagyamanin
Dapat ating pagsikapin.
“Ang Ating Lipunan”
ni: Sheila Mae C. Penaso
Gastusin di mapigilan
Presyo di maunawaan
Tao'y lalong nahirapan
Wala ng katahimikan.
Mundo'y lalong nagkagulo
Kahit saan mang anggulo
Oh! Mahal na pinuno
Tulungan ang mga tao.
Mga kurakot dumami
Ang Pinas lalong marumi
Dapat ibalik ang ngiti
Biglang nawala sa labi.
Paano ba mawawala
Ang sakit ng ating bansa
Anong gamot ang mabisa
Saan ito makikita?
Sayang ang luha ng tao
Pagdasal lang ang magawa
Kesa walang ginagawa.
"Polusyon"
ni: Jessa Mae Vilano
Oh Polusyon, Oh Polusyon
Polusyon ay kahit saan,
Ito’y di maiiwasan
Problema na may solusyon.
Tayo ang mga may sala,
Tayo na rin ang kawawa
Di dapat ibalewala,
Di natin ipagbahala.
Hindi natin isusuko,
Gawan natin ng paraan,
Lahat ay dapat subukan
Upang masakatuparan.
Ang polusyon sa hangin
At ang polusyon sa tubig
Ang polusyon sa lupa
Ang dami ng polusyon.
Magkaisa tayong lahat,
Magtulungan na rin lahat,
Dahil mundo ay maganda
Ito’y handog at biyaya.
“Pinagkaitan”
ni: Angelica Namoc
Mayroong isang hangarin
Uunlad ang bayan natin
Iisa ang panalangin
Dinggin na nga Ama namin.
Bakit ba nahihirapan?
Kung kaya nating sarapan
At kaya namang timplahan
Ang buhay na kayamanan.
Ba't tayo pinagkaitan
Magandang buhay matikman
Bakit nila hinawakan
Ang mga pera sa kaban
Saan ba tayo papunta?
Ni daan ay 'di Makita
Ba't tayo pinagkaitan
Ng ating karapatan.
Kahirapan 'di maibsan
Edukasyon 'di maranasan,
Pangarap 'di makamtan
Kasagahan 'di matikman.
"Korapsyon"
ni: Jeziel Mae Caduyac
Ngayon ay napabayaan
Tao ay pinaikutan
Sa isang maling paraan.
Namuno'y naging mayaman
Tao ay nahihirapan
Unti-unting sinasaktan
Parang walang katapusan.
Ang sanhi ng kaguluhan
Sekretong bulsa'y nilagyan
Pagsakripisyo'y nilaan
Na walang patutunguhan.
Bayan tuluyang nawalan
Labis na nilapastangan
Inaabuso't naiwan
Iginipit ng lubusan.
Namayaning kasamaan
Darating sa kasukdulan
Ang hustisyang nakalaan
Pagkakaisa'y kailangan.
"Mahal Kong Mga Tao"
ni: Khrystal Colen Trangia
Basura’y tila sagana
Kung saan saan ay kita
Mga tao ang may gawa
Sadyang sakim sa planeta.
Ngayo’y naghihingalo na
Ang paligid ay bulok na
Tao’y naapektuhan na
Kalusuga’y dehado na.
Tao ba’y pinarusahan na?
Sa kanilang kagagawan?
Imbis na ay alagaan,
Ito’y inabusaduhan.
Kailan sila matuto?
Kailan sila magbabago?
Hanggang kailan ang ganito?
Kailan tao ang susuyo?
Paano na ang planeta?
Paunti ay nasisira
Mga tao ang may gawa
Tao din ang magdudusa.
Sa mahal kong mga tao
Sana’y magbago na kayo
Pati bukas ng anak niyo
Sinisira’t dinurog niyo.
"Tunay na Bobo"
ni: Louell Ampo
Sabi nila walang bobo
Lahat tayo matalino
Bagamat may salitang bobo
Para kanino ba ito.
Para ba 'to sa bagsak
O sa mga di nagsikap
Para ba sa 'di nag aral
O taong kulang ng aral.
Kung ayaw mong maging bobo
Huwag kang magpakalumpo
Itingala ang yong ulo
At gamitin ng matino.
Tunay nga na walang bobo
Depende lang ito sayo
Dahil ang tunay na bobo
Ay yung 'di nagpakatino.
“Ang
Presidente at Kahirapan”
ni: Jedidiah Quime
Agayan
Nananatili ka pa ba
Sa isyu ng kontra droga
O wala ka ng balita
Lumabas ka sa kuweba.
Lumuwas ka at maghanap
Subukan mong maging
ganap
Makinig ka at tumanggap
Ang mahirap ay masaklap.
Tumayo ka at maglakad
Sawa na sa pagtutulad
Mahabang paglalahad
Ang pangako ba'y
tinupad?
Kung ang meron ay wala
na
San pa ba tayo aasa
Kung ang puno ay ubos
na
Eh, walang magawa.
Distansya ba ang
problema
Kung kapalit nito'y
pera
Kung pera ba ang
kapalit
Problema ba ang
distansya?
"Pinagmamasdan"
ni: Jenelyn B. Buma-at
Sa tuwing
pinagmamasdan
Mundong
kinagagalawan
Parang
umakyat ng hagdan
Magandang
tanaw pagmasdan.
Ba't ngayoy
napabayaan
Mundong kinagagalawan
Hindi kakanin
ng apoy
Basura na
lumalangoy.
Paligid na
malalangit
Turistang
nagkakainggit
Paglilinis
pinagkait
Ang
malalangit moy yagit.
Bigyang
pansin ang paligid
Linisin ang
bawat gilid
Para bumalik
sa dati
Umalis na
kalapati
Ngayo'y pagmasdan ang gilid
Babalik sa
dating ganda
Gumagandang
gilid-gilid
Muling tingnan ay handa na.
“Kalikasan”
ni: Alex Pelayo
O kay sarap pagminamasdan
Ganda ng ating kalikasan
Napuno ng mga halaman
Na palaging inalagaan.
Ngunit bigla itong naglaho
Napalitan ng dumi’t baho
Ang ganda nitong pinagyabang
Ngayo’y na sa isip na lamang.
Ang magandang bulaklak
Nawala na ang halimuyak
Ang batis na pinaglaruan
Ngayo’y ginawa ng tapunan.
Gumawa tayo ng paraan
Tayo’y dapat magtutulungan
Upang ang kanyang kagandahan
Maibalik sa kalikasan.
"Basura Basura Basura"
ni: Rasheed Wallace Suello
Ako ay nagtataka na,
Kung ba't naging ganito na.
Basura na malabundok,
daga,ipis nakapundok.
Ano ba ang dapat gawin?
Basura'y agad pulutin?
O ito'y balewalain?
Polusyon ay aalis rin.
Anong nangyari sa mundo?
kung bakit nagkaganito,
giyera doon baha dito.
Sinumpa na tayo neto.
Sing laya nang kalapati,
babalik ito sa dati.
noo'y pinakamarumi,
ngayo'y ulap na maputi.
"Pamahalaan"
ni: Joan Lopena
Sila ay walang makain
Lumalanghap na ng hangin
Sikmura nya’y kumakalam
'Di daing ang kagutoman.
Gobyernong walang magawa
Pangakong walang nagawa
Gobyernong puro salita
Ambag nila'y 'di makita.
Gising mga katauhan!
Tayo ay nahihirapan
Mundo ay kaawa-awa
Opisyal na walang-awa.
Kamay na bakal ang dapat
Sa opisyal na 'di tapat
Bulag sa katotohanan
Bingi sa daing ng bayan.
Ang sa bayan ay sa bayan
Huwag itago ang kaban
Iambag ito sa bayan
Aking lupang sinilangan.
"Basura"
ni: Jenissa Orongan
Maraming basura ngayon
Nagkalat sa mga nayon
Ba't hindi nila maisip
Kahit man sa panaginip.
Ba't hindi nila inipon
At itapon kung sa gayon
Maayos ang lugar sana
Kung wala ang basura.
Sana ganito ang tao
Inisip bago itapon
Para maayos ang nayon
Sa tamang lugar itapon.
Ok, maraming nagkasakit
Sa mga taong malulupit
Ang malulubha pa dito
May namamatay pa nito.
'Wag itapon kung saan
Tayo lang ang mahihirapan
Wala sana ang basura
Kung walang taong pasaway.
“Kalikasan”
ni: Alex Pelayo
O kay sarap pagminamasdan
Ganda ng ating kalikasan
Napuno ng mga halaman
Na palaging inalagaan.
Ngunit bigla itong naglaho
Napalitan ng dumi’t baho
Ang ganda nitong pinagyabang
Ngayo’y na sa isip na lamang.
Ang magandang bulaklak
Nawala na ang halimuyak
Ang batis na pinaglaruan
Ngayo’y ginawa ng tapunan.
Gumawa tayo ng paraan
Tayo’y dapat magtutulungan
Upang ang kanyang kagandahan
Maibalik sa kalikasan.
"Basura Basura Basura"
ni: Rasheed Wallace Suello
Ako ay nagtataka na,
Kung ba't naging ganito na.
Basura na malabundok,
daga,ipis nakapundok.
Ano ba ang dapat gawin?
Basura'y agad pulutin?
O ito'y balewalain?
Polusyon ay aalis rin.
Anong nangyari sa mundo?
kung bakit nagkaganito,
giyera doon baha dito.
Sinumpa na tayo neto.
Sing laya nang kalapati,
babalik ito sa dati.
noo'y pinakamarumi,
ngayo'y ulap na maputi.
"Pamahalaan"
ni: Joan Lopena
Sila ay walang makain
Lumalanghap na ng hangin
Sikmura nya’y kumakalam
'Di daing ang kagutoman.
Gobyernong walang magawa
Pangakong walang nagawa
Gobyernong puro salita
Ambag nila'y 'di makita.
Gising mga katauhan!
Tayo ay nahihirapan
Mundo ay kaawa-awa
Opisyal na walang-awa.
Kamay na bakal ang dapat
Sa opisyal na 'di tapat
Bulag sa katotohanan
Bingi sa daing ng bayan.
Ang sa bayan ay sa bayan
Huwag itago ang kaban
Iambag ito sa bayan
Aking lupang sinilangan.
"Basura"
ni: Jenissa Orongan
Maraming basura ngayon
Nagkalat sa mga nayon
Ba't hindi nila maisip
Kahit man sa panaginip.
Ba't hindi nila inipon
At itapon kung sa gayon
Maayos ang lugar sana
Kung wala ang basura.
Sana ganito ang tao
Inisip bago itapon
Para maayos ang nayon
Sa tamang lugar itapon.
Ok, maraming nagkasakit
Sa mga taong malulupit
Ang malulubha pa dito
May namamatay pa nito.
'Wag itapon kung saan
Tayo lang ang mahihirapan
Wala sana ang basura
Kung walang taong pasaway.
Comments
Post a Comment