Maikling Kuwento
Larawan
Ni: Daveson Evediente Torculas
"Hiling"
Ni: Daveson Evediente Torculas
Bawat tao ay naghahangad ng isang masaya at masaganang pamilya. Pamilya na naglalayong damayan at mahalin ang isa't isa. Mayroong ilaw ng tahanan, haligi ng tahanan, at ang mga huwarang anak, iyan ang bumubuo ng isang payak ngunit masayang pamilya. Pero sa kabilang banda, marami pa ring mga indibidwal at mga pamilya na salungat sa mga pahayag na yaon. Kaya naman, samahan ninyo akong tuklasin ang mundo ng pamilya Spabulosa at ang kanilang anak na si Miracle.
Sa bayan ng Lincod may nakatirang mag-asawa, sina Dina at Juanito. Sa simula pa lamang ng pagpasok nila sa mundo ng pagpapakasal, hinangad na nilang magkaroon ng anak upang matawag sila na buong pamilya.
"Mahal, kailan kaya tayo makakabuo?" ang naging tanong ni Juanito habang sila ay nasa sala.
"Oo nga Mahal eh, matagal-tagal na tayong nagsisiping ngunit wala pa rin", ang naging sagot naman ni Dina.
"Pumunta kaya tayo sa isang espesyalista baka doon na natin madidiskubre kung ano ang mali", ang pakiwari ng asawa.
"Oo nga Mahal, baka isa sa atin ay may problema."
Pumunta ang mag-asawa sa pinakamalapit na klinika sa kanilang bayan at doon nagpasuri sila sa isang espesyalista tungkol sa kanilang sitwasyon.
"Magandang umaga po sa inyo, G. at Gng. Spabulosa! Ano po ba ang maililingkod ko po sa inyo?" ang naging bati at tanong ni Dr. Collins.
"Mayroon po kasi kaming malaking katanungan kung bakit hindi pa rin po kami nakakabuo, na halos dalawang taon na kaming nagsasama", ang malungkot na sabi ni Gng. Spabulosa. "Ano po ba ang maipapayo ninyo sa amin?" dagdag na sabi ni Dina.
"G. at Gng. Spabulosa bago po ako makakapagbigay ng payo sa inyong mag-asawa, mayroon pa po muna tayong mga proseso na dapat tapusin", ang naging malumanay na tugon ni Dr. Collins.
"Sige po Doktora, simulan na po natin para malaman na po namin kung may problema nga ba ang pagbubuo naming mag-asawa!"
Sinimulan ng espesyalista ang pag-eeksamin sa mag-asawa. Habang isinasagawa ang mga pagsusuri, kabadong-kabado naman sina Dina at Juanito. Kinakabahan sila sa kahihinatnan ng kanilang pagpunta sa klinika.
Pagkalipas ng tatlong oras, natapos na din ang lahat. Muling tinawag ng doktora ang mag-asawa upang ibahagi ang naging resulta ng mga pagsusuri. Agad naman na pumunta ang mag-asawa sa opisina na halatang may kaba na dumadaloy sa isa't isa.
"Ano po ba ang naging resulta, Dok?" ang nauutal na tanong ni Juanito.
"Base po sa pagsusuri at resulta na hawak ko ngayon, ikinalulungkot ko pong sabihin na may problema po si Misis sa kanyang sinapupunan, malabo na po siyang makakapagdala ng bata", ang naging mensahe ni Dr. Collins sa mag-asawa.
"Paano po nangyari 'yun Dok?", ang paiyak na tugon ni Dina.
"Baka sanhi po ito sa iyong mga gawi noong kabataan niyo po. Iyan po kasi ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaproblema ang isang babae sa kanyang sinapupunan", ang naging malungkot na sagot ng doktora.
Kahit parang sinakluban sila ng langit, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mag-asawa, matatag pa rin ang kanilang loob na magkakaroon sila ng anak.Ginawa na nila ang iba't ibang gawi na sabi ng mga matatanda, nariyan iyong hinihipo ni Dina ang tiyan kung sinuman ang kilala nilang buntis, sumasayaw sa iba't ibang piyesta, at higit sa lahat ang pagpapanalangin kay Birhen Maria.
Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang hindi nila inaasahan.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo Mahal, palagi ka na lang nahihilo, nasusuka, at masyado kang antukin?" ang naging kabadong tanong ni Juanito.
Sa hindi malamang kadahilanan nabigkas na lamang ni Dina ang mga katagang, "Mahal, pumunta kaya tayo ulit sa espesyalista.''
"Sige Mahal, baka ano ng nangyari sa iyo."
Agad-agad namang pumunta ang mag-asawa sa klinika na kanilang pinuntahan tatlong taon na ang nakakalipas.
"Magandang umaga po sa inyo, pasok po kayo," ang bati at alok ng doktora sa mag-asawa.
"Magandang umaga din po sa inyo Doktora!"
"Parang natatandaan ko po kayo. Kayo po ba 'yung mag-asawa na pumunta dito tatlong taon na ang nakakalipas?" ang hindi siguradong pahayag ni Dr. Collins sa mag-asawa.
"Opo Doktora, kami po iyon", ang sambit naman ng mag-asawa.
"Ano ulit ang maililingkod ko sa inyo?" ang tanong ni Dr. Collins.
"Ganito po kasi iyon Doktora, halos tatlong linggo na pong palaging nahihilo, nasusuka, at masyadong antukin itong aking pinakamamahal na Misis. Gusto lang po sana naming na masigurado kung tama po ba ang aming hinala at kung ano talaga ang kalagayan ng aking Misis", ang paliwanag ni Juanito.
Pagkatapos ng pagsusuri kay Dina doon nila nalaman na tatlong linggo ng may dinadala ang asawa ni Juanito. Walang makakapantay sa kaligayhan na labis na pinakahihintay ng mag-asawa. Abot-langit ang kanilang nadarama ng sa wakas ay isa na silang buong pamilya.
Simula ng nalaman ni Juanito ang napakagandang balita, doble-ingat siya sa pag-aalaga sa kanyang asawa, siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at kung ano ang gusto ni Dina agad-agad niya itong ibinibigay at higit sa lahat mas lalong minahal niya ang kanyang asawa.
"Ako na diyan Mahal, magpahinga ka muna", ang pag-aalalang sambit ni Dina.
"Huwag na Mahal, simula ngayon ang tanging gagawin mo lang ay mag-ehersisyo at magpalakas para sa ating anak at para din sa iyo Mahal", ang malambing na sabi ni Juanito.
Kung nagagalit o nababagot man si Dina, pinagpapasensiyahan at palaging nasa baba si Juanito, gusto niyang makabuluhan ang pagbubuntis ng kanyang Misis at maging malusog ang kanyang anak. Pagdaan ng pitong buwan, pumunta uli sila sa klinika upang malaman ang kondisyon ng mag-ina at ang kasarian ng kanilang anak.
"Magandang tanghali po Doktora!" ang bati ng mag-asawa.
"Magandang tanghali din sa inyo G. at Gng. Spabulosa! Simulan na natin ang pagsusuri ng iyong sinapupunan Misis para malaman natin ang kondisyon ninyong mag-ina at malaman natin ang kasarian ng inyong dinadala."
Pumasok si Dina at Dr. Collins sa isang silid at sinimulan ang pagsusuri nito.
"Nakikita niyo ba ang inyong anak Gng. Spabulosa?" ang tanong ni Dr. Collins kay Dina.
"Opo, Doktora!" ang masayang sagot ni Dina.
"Ang lusog ng inyong dinadala at ang likot pa", ang patawa na dagdag ni Dr. Collins. "Gusto niyo na po bang malaman ang kasarian ng inyong anak?" ang dagdag na tanong ni Dr. Collins.
''Oo naman Doktora, gustong-gusto ko na po!''
"Magkakaroon kayo ng isang prinsesa Misis. Isang babae po ang iyong anak", ang masayang sambit ni Dr. Collins.
Muli na namang namukadkad ang hardin sa kaloob-looban ni Dina dahil sa narinig na balita. Matagal na kasi nila na inaasam ang pagkakaroon ng isang babaeng anak. Nang matapos ang pagsusuri, nagpasalamat siya kay Dr, Collins at agad na pumunta sa kanyang asawa na naghihintay sa labas. Ibinalita niya ang naging resulta ng kaniyang pagsusuri. Abot langit din ang kaligayahan ni Juanito sa narinig na magandang balita.
Pag-uwi nila sa bahay, sumagi sa isip ng mag-asawa kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang prinsesa, nagsabay sila sa pagsasalita at nag-awayan kung ano ang magandang pangalan.
"Milagros ang ipapangalan natin sa ating anak Mahal", ang suhestiyon ni Juanito.
"Ang tandang pangalan naman niyan Mahal, pumili ka naman ng makabago. Ang tanda talaga ng panlasa mo", ang patawa ngunit maseryosong sambit ni Dina.
"Mahal naman eh, alam ko na, ang ipapangalan na lang natin ay kombinasyon ng pangalan natin Mahal", ang suhestiyon ulit ni Juanito.
"Mahal, masyado namang ordinaryo ang kombinasyon ng pangalan natin. Ganito nalang, Miracle ang ipapangalan natin sa ating prinsesa. Si Princess Miracle", ang may ngiting sabi ni Dina.
Sumang-ayon naman si Juanito sa pangalang Miracle dahil maganda naman ito at may malalim pang kahulugan para sa kanila.
Hanggang sa dumating ang kabuwanan ni Dina. Habang si Dina ay nakaupo sa kanilang silid, bigla na lamang siyang nakaramdam ng sakit sa kaniyang tiyan. Hanggang sa ang sakit ay hindi na niya nakayanan.
"Mahal… Mahal… Mahal… Manganganak na yata ako! Mahal…" ang pasigaw na sambit ni Dina.
Dali-dali namang pumunta si Juanito sa kanilang silid na abalang naghahanda ng agahan ng mga oras na yaon. Ikinarga niya si Dina papunta sa kanilang kotse at humarurot ng takbo papunta sa pinakamalapit na ospital. Diniretso agad ng mga nars si Dina sa silid at tinawag si Dr. Collins upang simulan na ang panganganak.
"Sige pa… Umire ka pa", ang sambit ng doktora.
"Ahhh… Ahhh… Ahhh…"
"Sige pa, malapit ng lumabas, umire ka pa Dina…"
Dito na lumabas ang isang napakagandang nilalang na ginawa ng Diyos, umiyak ito ng umiyak at pagkatapos ng lahat, inilagay ng isang nars ang sanggol sa tabi ng kanyang nanay. Walang makakatumbas sa kasiyahan ng mag-asawa lalong-lalo na si Dina na nasa tabi na niya ang matagal na nilang panaginip.
Pagkaraan ng tatlong araw, umuwi na ang mag-asawa sa kanilang bahay. Habang tumatagal din, mas nangingibabaw na ang pagmamahal at kasiyahan ang kanilang tahanan na dati ay puno lamang ng mga pangarap. Minahal nila ng husto ang kanilang itinuturing na prinsesa na kahit kailanma'y hindi nila ito iniiwanan. Kailangan may katabi si Miracle kung anuman ang kanyang gagawin. Sa madaling salita, umiikot ang kanilang buhay sa kanilang anak na kapwa naman naiintindihan ng mag-asawa kahit wala na silang oras sa isa't isa.
Hanggang sa lumaki na ng lumaki si Miracle, marunong na itong lumakad, magsalita, at gumapang. Lumaki siyang luho sa lahat ng bagay, binibili ang lahat ng gusto at ipinapasyal sa iba't ibang lugar.
Ngunit sa kabila ng mga iyon ay hindi alam ng mag-asawa na unti-unti na ring humihina ang katawan ng kanilang prinsesa. Isang gabi, habang sila ay naglalakad pauwi galing sa pamamasyal biglang nahimatay ang kanilang anak.
"Mahal, si Miracle!" ang kabadong sambit ni Dina.
Dali-dali nila itong sinakay sa kotse at hindi maitatago sa mukha ng mag-asawa ang kaba at kalungkutan. Humarurot ng takbo si Juanito papunta sa pinakamalapit na ospital. Dali-dali nilang tinawag ang mga tauhan ng ospital at diniretso ang pasyente sa 'emergency room'.
"Gawin niyo po ang lahat Dok, huwag niyo pong sayangin ang buhay ng anak ko", ang magkahalong negatibong emosyon na sabi ni Dina.
"Huwag po kayong mag-alala G. at Gng Spabulosa. Gagawin po namin ang lahat", ang sabi naman ng doktor.
Kabado pa rin ang mag-asawa na sa mga oras na iyon ay nasa labas ng silid habang hinihintay ang paglabas ng doktor upang malaman ang kalagayan ng kanilang anak.
"Panginoon tulungan niyo po ang aking anak. Alam ko pong isang pagsubok lang ito para sa aming pamilya. Huwag Niyo po siyang pababayaan", ang maiyak-iyak na panalangin ni Dina.
Habang si Juanito naman ay parang wala sa sarili, minsan uupo, minsan tatayo. Hanggang sa nakarinig sila ng pagbukas ng pinto ng silid, doon na sila tumigil sa kanilang pinagagawa at sabay na tumingin sa pintuan. Nang nakita nila ang doktor nga iyon ay dali-dali naman silang tumungo sa may pintuan.
"Kumusta po ang kondisyon ng aming prinsesa Dok?" ang kabadong tanong ni Juanito.
"Hindi pa namin alam sa ngayon kung bakit biglang nahimatay ang bata. Ikinalulungot ko pong sabihin sa inyu na kritikal ang bata, kailangan pa namin ang masusing pagsusuri kung ano nga ba ang sanhi nito at kung may sakit ba ang inyong anak na si Miracle", ang malungkot na balita ng doktor sa mag-asawa.
Humagulhol sa iyak ang mag-asawa, isa na namang pagsubok ang dumating sa kanilang pamilya. Para bang pinaparusahan ulit sila, walang humpay ang pagdadamdam ng mag-asawa sa mga pangyayari. Kasabay ng mga iyon, unti-unti na ring bumabalik sa dati ang kalungkutan ng mag-asawa at unti-unti ring naglaho ang pagmamahalan ng dalawa sa isa't isa.
Sa paglipas ng mga buwan, natutong magbisyo si Juanito habang ang kanyang anak ay nakaratay pa rin sa ospital. Umuuwi si Juanito gabi-gabi na lasing at palagi na ring nag-aaway ang mag-asawa. Walang araw na hindi sila nagbabangayan at nagsisihan sa nangyari sa kanilang anak.
"Dahil sa iyo Dina kung bakit hanggang ngayon nasa ospital pa rin ang anak ko. Palagi mo kasing pinapakain ng kahit ano ang bata kahit hindi ito nakakabuti sa kanya", ang sermon ni Juanito.
"Oo nga, pinapakain ko nga siya ngunit sino bang may sabi na kung ano ang gusto ng anak ko ay ibibigay, hindi ba't ikaw", ang naging pabulyaw na tugon naman ni Dina.
Habang tumatagal, lumalala rin ang kondisyon ni Miracle at ang kalagayan ng mag-asawa. Ang hindi alam ng asawa ni Juanito na sa gabing hindi ito umuuwi ay nasa bahay ito ng ibang babae, abala sa pagpapaligaya sa kanyang sarili habang si Dina ay malungkot at palaging umiiyak habang nasa kandungan niya ang kanyang anak na si Miracle.
Sa paglipas ng isang taon, patuloy pa rin si Miracle sa pakikipaglaban sa kanyang sakit na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin alam ng mga doktor.
Isang araw, umuwi muna si Dina sa kanilang bahay at iniwan muna niya si Miracle sa ospital upang kumuha ng gamit. Ngunit, nadatnan niya ulit ang kanyang asawa na lasing na naman at papalabas na ng kanilang bahay. Nag-away na naman sila at umalis din si Juanito. Umakyat si Dina sa kanilang silid na para bang pasan ang mundo at wala ng pag-asang makabangon muli. Humiga siya sa kama at doon nagmuni-muni hanggang siya ay nakatulog.
Kinabukasan, nagising si Dina dahil sa tunog ng kanyang telepono, dito niya napansin na limampu't lima na ang napalibang tawag na nanggaling sa doktor ng ospital. Dali-dali siyang bumangon at aksidente naman niyang natapik ang isang larawan ng kanyang pamilya. Nahulog ito at nabasag, agad naman niyang kinuha ang mga pira-pirasong basag, ng dahil sa kanyang kaba at pagmamadali, nasugat ang kanyang daliri ngunit hindi niya ito pinansin kahit dumudugo ito. Pagkatapos malinis ang natapik na larawan agad niyang tinawagan ang doktor ni Miracle.
"Hello po Dok, bakit ka po napatawag? May nangyari po ba kay Miracle? Gumising na po ba siya? Sige po, papunta na po ako diyan Dok, pakisabi kay Miracle na hintayin niya ako", ang masaya ngunit kabadong sabi nin Dina.
"Misis, huminahon ka po sana sa sasabihin ko po, ginawa na po…", ang sabi naman ng doktor.
"Okay lang iyon Dok, ang mahalaga gising na ang prinsesa namin, mabubuhay ulit ang pamilya namin", ang maiiyak na tugon ni Dina.
"Misis, ginawa na po namin ang lahat ngunit talagang hindi na po nakayanan ng anak niyo ang sakit. Wala na po si Miracle", ang malungkot na sambit ng doktor.
"Hindi po iyan totoo Dok, buhay pa po ang ana ko. Buhay na buhay", ang pagalit na sambit naman ni Dina.
Agad niyang binaba ang telepono. Matapos niyang marinig ang isang masamang balita na gumimbal sa kanyang sarili, ang isang pangyayari na ayaw niyang mangyari sa kanilang pamilya at iyon ang iwanan siya nito. Humagulhol si Dina ng iyak, umupo na nanghihina at hindi matanggap ang pangyayari. Agad-agad siyang pumunta sa ospital at doon na niya nasilayan ang walang buhay na si Miracle, na sa pitong taon niyang paninirahan sa mundo ay kinuha na ng Panginoon.
Sandaling tumigil ang mundo ni Juanito dahil sa nabalitaan at agad na umalis sa bahay ng kanyang babae na walang paalam. Dumiretso siya sa ospital at doon nadatnan niya ang kanyang prinsesa na nakabalot na sa isang puting tela. Hindi niya lubos akalain na wala na ang kanilang prinsesa, na dati-dati ay pinapaligaya pa niya ito. Muling bumalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari sa mga nakalipas na taon.
Lumipas ang siyam na araw, inihatid na sa huling hantungan si Miracle kasama ang lahat na mga pamilya at kaibigan ng mag-asawa. Dito bumuhos ang lahat ng sakit na para bang bumagsak sa mag-asawa ang mundo na makasalanan.
Kasabay ng paglipad ng mga puting lobo ay ang pagtahak ng mag-asawa sa landas na kanilang iniwan sa nakalipas na mga panahon.
ni: Mary Coleen Ingking
"Sigurado ako na magiging masaya ang iyong ama sa lahat ng naabot mo ngayon, anak", wika ng nanay ni Kimberly sabay yakap sa kanya.
Si Kimberly ay galing sa mahirap na pamilya. Ang tatay niya ay magsasaka at ang nanay niya ay labandera. 4 silang magkakapatid. Si Kimberly ang panganay, kasunod ay si Kakay na 12 taong gulang, kasunod naman si Khan-khan na 7 taong gulang at ang bunso naman ay si Ken na 4 na buwan pa lamang.
Dahil sa kahirapan ng pamilya ay pinahinto na muna ng pag-aaral ng kanyang magulang si Kakay pati na rin ang kanyang kapatid na si Khan-khan. Si Kimberly lamang ang pinagpatuloy dahil sayang ito kung papahintuin dahil ito ay nasa 4th year hayskul na at malapit ng makapagtapos.
Minsan ay pumapasok si Kimberly sa paaralan na walang laman ang tiyan at wala pang perang pambili ng pagkain. Ngunit kahit nahihirapan na si Kimberly ay pursigido pa rin siyang makapag-aral at makapagtapos upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.
Isang araw habang sumasagot si Kimberly sa tanong ng kanyang guro ay bigla siyang natumba. Dali-dali siyang dinala ng kanyang guro sa klinik
"Iha nagugutom ka ba?", tanong ng nars kay Kimberly ng magising na ito.
Nahihiyang tumango si Kimberly sa nars.
"Sige iha, ito oh kumain ka muna.", sabi ng nars sabay bigay ng pagkain.
Nahihiya man ay tinanggap ito ni Kimberly dahil gutom na gutom na siya.
"Salamat po.", sabi ni Kimberly pagkatapos kumain.
Biglang dumating ang guro ni Kimberly. "Pwede ba tayong mag-usap?", tanong nito.
"Opo ma'am.", sagot naman ni Kimberly.
"Iha, hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay mo, gusto ko lang malaman ang rason kung bakit palagi kang nahihimatay sa klase.", sabi ng guro.
Napayuko si Kimberly. "Namamasukan po kasi ako Ma'am. Binibigyan naman po ako ng pera ng tatay ko pero kulang po iyon sa gastusin sa paaralan, pinahinto niya nga po sa pag-aaral ang aking mga kapatid dahil konti lang ang nakukuha nilang sahod, kaya ko po naisipang magtrabaho.", paliwanag ni Kimberly.
"Minsan po Ma'am hindi ako nakakakain dahil nahihiya po ako sa aking amo dahil palagi po itong galit at hindi ko po alam ang dahilan kung bakit. 'Yung binibigay po na pera sa akin ng amo ko ay tinatabi ko po dahil ibibigay ko po ito sa aking pamilya." dagdag ni Kimberly.
Habang nakatingin sa kawalan si Kimberly ay naalala niya bigla ang naging panaginip niya habang tulog siya sa klinik.
Nakasakay siya sa isang magarang sasakyan na may plate number na 194. Iyon lamang ang natandaan niya. Hindi niya alam ang ibig sabihin non, kaya binalewala na lamang niya iyon.
Palaging humihiling si Kimberly na sana guminhawa at umahon na ang kanyang pamilya. Palagi siyang nagdadasal sa Panginoong Dyos.
Nang minsa'y nahagilap siya ng tingin sa TV ng kanyang amo ay nasa balita ang babaeng nanalo ng loto dahil nanaginip ito ng mga numero. Naisip niya muli ang kanyang panaginip. Kaya sa walang pag-alinlangan ay lumabas siya at tumaya ng loto.
Nang oras na para lalabas ang bagong nanalong mga numero ay bumalik si Kimberly sa tayaan ng loto. Laking gulat niya na tumpak na tumpak ang kanyang numero. Nanalo siya ng kalahating milyon. Napaiyak siya sa saya habang naglalakad, hindi makapaniwalang maiiahon na niya ang kanyang pamilya.
Pumunta siya sa bahay nila ngunit nagtataka siya dahil walang tao doon.
"Nay! Tay! May sorpresa ako sa inyo!", sigaw ni Kimberly.
Sigaw ng sigaw si Kimberly ngunit walang sumasagot sa kanya.
"Iha, wala d'yan ang mga magulang mo.", biglang sabi ng kapitbahay nila.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kimberly.
"Pumunta sila ng ospital dahil......", hindi pa natapos ang pagsasalita ng kanyang kapitbahay ay tumakbo na siya sa pinakamalapit na ospital.
Pagkapasok niya sa ospital ay ang unang nakita niya ay ang kanyang inang umiiyak.
"Nay, si tatay?", hinihingal na tanong niya.
Walang sinagot ang kanyang ina subalit niyakap lamang siya nito habang umiiyak rin.
Imbis na puntahan ang kanyang ama ay tumakbo palabas si Kimberly dahil hindi niya matanggap ang mga nangyayari. Takbo siya ng takbo kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
Nakita niya lamang ang kanyang sarili na naka-upo sa parke habang patuloy na umaagis ang mga luha.
"Kimberly anak, proud ako sayo, maiiahon mo na ang ating pamilya at hindi na tayo maghihirap pa. Gamitin mo ng maayos ang pera anak. 'Wag na 'wag mong pabayaan ang nanay at ang mga kapatid mo."
Napalingon si Kimberly sa boses na iyon sa kanyang katabing swing. Mabilis siyang tumayo at umangkang yakapin ito ngunit sa pag kurap ng kanyang mga mata ay bigla itong naglaho.
Ilang taon ang lumipas ay unti-unti ng umaahon ang pamilya ni Kimberly, katulad ng palagi niyang hinihiling. Nakapagtayo sila ng negosyong ukay-ukay at sari-sari store. Nakapagtapos ng kursong Education si Kimberly dahil ito ang gusto ng kanyang ama para sa kanya. At ngayon ay pinapaaral niya ang kanyang mga kapatid.
Hindi ko maintindahan ang kaibigan ko sa kanyang nararamdaman, nanlamig ang kanyang buong kamay, habang naglalakad kami papunta sa isa naming kaibigan na si Nina. Dahil wala kaming masasakyan sa gabing iyon naglakad na lang kami dahil naiinis na si Ralph sa kakahintay ng aming masasakyan. Malapit na namin marating ang bahay ni Nina, may napansin si Ralph na kakaiba habang kami naglalakad.
Sabi niya, "May nakita ka?" Sabi ko wala naman, habang nanginig. "Bakit?" "Wala lang", habang patuloy sa paglalakad, doon na ako kinabahan. Noong narating na namin ang bahay ni Nina tumayo ang aming mga balahibo sa sobrang takot. Nataranta si Nina, "Oh! Anong nangyari?", sabi ni Nina at kami ay tulalang naka tingin sa kanya. Makaraan ng ilang minuto ikinuwento ni Ralph kay Nina at nakinig lang ako. Dumating ang oras na pinangako namin sa aming mga magulang, umuwi kami nga gabing iyon. Hinatid kami Nina sa kanyang sasakyan. Masaya kami nun dahil hindi na kami naglakad pauwi. Unang inihatid sa amin ay si Ralph sa kanilang bahay sunod naman ay ako, pagdating ko sa bahay natulog ako agad. Noong gabing iyon ay hindi pala nakatulog si Ralph sa kakaisip sa nangyari sa aming paglalakad kanina. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ganoong pangyayari. Napabangon siya sa kanyang pagkahiga ng may biglang kumatok, kinabahan siya dun, nagdalawang isip siya na buksan ang pintuan, binuksan niya ito nakita niya mama lang pala ang kumatok.
"Andiyan kana pala anak", sabi ng kanyang ina, oo ma kanina lang, sabay halik sa noo. Bigla siyang napaisip bakit ganon, dahil sa buong buhay niya hindi siya nakaranas ng ganoong pangyayari. Bakit daw nangyayari ito sa kanya. Kinaumagahan ay matagal siyang nagising kaya hindi na lamang siya pumasok sa klase. Pinuntahan ko siya sa bahay nila at doon niya sinabi sa akin ang kanyang nakikita at nararamdaman. May sumunod daw minsan sa kanya na isang multong babae. At hindi ko sinabi sa inyo baka matakot kayo sa paghatid sa akin kaya inilihim ko na lang yun. Noong araw na iyon sinabi niya sa kanyang mga magulang ang buong pangyayari. Kinabahan at natakot ang kanyang magulang para sa kanya. Makaraan ng ilang araw habang gumawa siya sa kanyang proyekto bigla itong lumitaw sa kanyang harapan mismo. Gulat na gulat, takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay sabay sabi sumama ka sa akin doon sa kaharian ng babae pinipilit niyang winawaksi ang kamay ng babae at bigla itong nawala nung dumating ang kanyang ina. Sinabi ng kanyang ina na ipapagamot siya sa isang albularyo o manggagamot pumayag naman si Ralph.
Hindi sila tumigil sa pagpapagamot kay Ralph dahil lumala na ang nangyari kay Ralph. Wala rin silang magawa kundi sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Ralph at huwag niya na itong gambalain pa. 'Di nagtagal dininig naman ng Diyos ang dasal ng kanyang buong pamilya. Hindi na ito muling nagpapakita sa kanya, namumuhay na ulit si Ralph at ang kanyang pamilya na masaya na wala ng kinakatakutan.
“Bunso, doon ka na lang mag-aaral sa malapit na paaralan,” ang mahinahon na sabi ng aking ina.
“Oo nga! Para mabantayan ka rin namin anak, Ano? ”, ang pag-aaproba ni papa.
Ako pala ang bunsong anak sa limang makakapatid kaya ang turing nila sa akin ay dyamante. Mag lalabintatlong taong gulang na ako ngunit ako’y musmos pa para sa kanila, ibig sabihin ay hindi pa rin namumulat sa aking isipan kung ano ang tunay na mundo.
“Ma? Nabalitaan kong magulo iyong eskuwelahang papasukan ko. Ayoko doon! Ayoko!”, sinabi ko iyon ng pasigaw at galit na galit.
“Ayos lang yan, Isang takbo lang namin ay nandyan na kami at tsaka, kung sa syudad ka’y hindi ka pa sanay,”ang sabi ng aking ina.
“Asus! Delikado sa syudad! Lalo pa’t hindi ka pa nakakatawid, madala ka pa sa mga sasakyan,” pabiro na sabi ng aking kuya.
Hindi na nagbago ang kanilang desisyon. Agad na nila akong pina-enroll ng walang pag-aalinlangan. Sa bilis ng pagbangon ng araw, Hindi ko na namalayan na pasukan na pala. Akalain ba’y tutungtong na ako sa sekondarya? Ito na yata ang pag-bukas ng bagong pahina ng aking buhay. Maayos naman ang unang pasok ko sa paaralan, hanggang tumagal ito ng isang buwan at mas laong dumami ang aking mga kaibiagan.
“Oyy! Sali tayo sa club?”, sabi ng aking kaklase.
“Oh, sige ba!”, sabi ko naman ng walang pag-aalinlangan. Masaya ako’t makakakilala ako ng mga bagong kaibigan.
Dahil na rin sa pagsasali ko sa mga club ay may nakilala akong mga bagong kaibigan. Isa rito si Rochelle isang taon ang pagitan ng edad namin pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya.
“Dito ka na sumabay sa amin kumain,” lumapit si Rochelle at niyaya ako.
“Sige, ate!”, ang saya ko noon. Marami talagang gustong maging kaibigan ko. Pinakilala niya ako sa mga kasama niyang kaibigan sina Angelie, Karen , at Jackelyn.
Wala akong ibang nasa isip sa mga panahong iyon kundi kasiyahan. Palagi na akong sumasabay sa kanilang kumain. Palagi lang kaming nagtatawanan, nagkwekwentuhan, at nagkukulitan. Talagang wala akong tinago sa kanila, pinakita ko talaga kung ano at sino ako.
Lumipas ang ilang buwan hindi ko akalain na babaliktad ang aking ginagalawang mundo. Hapon iyon nang naglalakad ako patungo sa aming palikuran. Nakita ko ang mga grupo ng mga babae na nagtatawanan at may tinuturo. “Ako ba? Ako ba yung tinuturo nila? Bakit nila ako pinagtatawanan?”, sabi ko sa sarili. Iyon ay nasa isip ko habang naglalakad. “Hala! Sinundan pa ako nila ng tingin,” sa isip ko nanaman. Simula sa araw na iyon hanggang sa nagdaang araw ganoon pa rin ang aking nasasaksihan at narinig. Ngunit sa mga araw na iyon nanatili pa rin akong masiyahin. Lahat ng iyon ay niwalang bahala ko lang pero hindi pa rin mawala sa aking isipan kung bakit sila ganoon sa akin.
Wala na. Wala na. Wala ng lumalapit sa akin, wala ng kumakausap sa akin, wala na rin ang saya ng aking nadarama. Hindi ko man alam kung bakit ngunit alam ko na may nagbago. Dumadami ang panahon ko sa pagiging mag-aaral sa sekondarya, kasabay ng dami ng estudyanteng kumukutya sa akin.
“Hahahahaha! Baliw! Baliw!”, ang tawanan ng dalawang babae.
“Siya ba yan? Nakakahiya naman siya. Parang bata umasta,” ang sabi ng isang babae.
“Parang hindi Hayskul. Akalain mo? Umiiyak habang tumatawa? Krung-Krung!”, ang sinasabi ng katabi niya habang sila ay nagtatawan.
Akala ko sa telebisyon ko lang makikita ang pangyayari na iyon, Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko iyon. Ang masakit pa doon ay kilala ko sila. Ay, Hindi! Masakit iyon dahil hindi ko lang sila kilala, kaibigan ko sila. Kaibigan na kasabay kong kumain araw-araw, kausap at katuwaan mo pag walang pasok. Malaking tanong ko sa sarili. “Bakit nga ba?”
Matagal-tagal ko na ring tiniis ang mga panlalait nila sa akin. Wala akong mapagsabihan lalo na at takot ang nangingibabaw sa akin. Pumapasok pa rin ako sa paaralan kahit ganoon. Sa katunayan bumababa na rin ang mga grado ko, naapektuhan siguro pati utak ko. Alas singko iyon ng hapon, uwian na ng lahat ng estudyante sa paaralan. Naglakad ako mag-isa papauwi sa amin. Hanggang sa hindi ko inaasahan may sumigaw na mga babae at napalingon ako. Sa paglingon ko ay kita ko ang mga maraming estudyante sa isang pampasaherong bus. Silang lahat ay nagtatawanan at nakatingin sa akin habang sumisigaw sina Rochelle at Karen ng “Baliw! Baliw!”, habang naka turo sa akin ang kanilang mga kamay.
Nagdilim ang aking paningin, gumulo ang pag-iisip. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, nang sa hindi ko napansin tumulo na pala ang aking luha at hinayaang pumatak ang tubig sa aking mga mata. Tumakbo ako habang ang ulo ay nakatungo sa baba.
“Oh…? Bakit ka umiiyak bunso? Magsalita ka,”ang pataranta na tanong ni mama sa akin. Ikwinento ko ang lahat ng pangyayari sa pamilya ko. Puno ng galit ang nadama nilang lahat sa oras na iyon. Parang gusto na nilang sabunutan ang mga babaeng nambully sa akin. Nakikita ko sa mga mata nila ang panggigigil at dama ko rin ang galit sa tono ng kanilang salita. Hindi nila akalain na iyon ang kinahantungan ng kanilang pinagkaingatang anak kaya naintindihan ko rin sila.
“Bukas na bukas. Pupunta ako sa paaralan mo. Hindi dapat pinapaglagpas ang ganitong pangyayari!”, galit na galit na sabi ni mama habang umiiyak ako sa takot.
Kinabukasan ay pumunta na ang aking ina sa paaralan, hindi ako sumama dahil natatakot ako. Ang alam ko lang ipinapunta sa Guidance counselor sina Rochelle, Karen, Jackelyn. Sila ang ipinatawag dahil sila ang unang nagkalat sa buong campus na ako ay maysakit sa pag-iisip. Kaya pala halos lahat ng mga estudyante ay tinitingnan ako. Hindi ko alam kung sila ba ay nagsisi at hindi ko rin alam kung totoo ba ang kanilang paghihingi ng tawad sa akin. Basta, ang alam ko lang ay ayoko ng Makita ang mukha nila ulit.
“Ma ayoko na. Lilipat na ako ng paaralan ma,” ang sabi ko kay mama.
“Patawad anak. Nagkamali kami,” ang pagsabi ni mama na parang naghihinayang at nakokonsensya sa kanyang desisyon.
Taon na rin ang nagdaan ngunit malinaw pa rin sa aking isip at puso ang bangungot ng nakaraan. Hindi lahat kaibigan, hindi lahat pinagtitiwalaan at higit sa lahat hindi sa lahat ng oras kaligayahan. Tunay nga na magulo ang mundo. Siguro ngayon ay nagising na ako.
“Ina, nagmamakaawa ako! Huwag kanang umalis.’’
“Anak, wala tayong kakainin kung hindi ako magtratrabaho.” Sagot ng aking ina habang dala-dala ang maleta. Walong taon pa lang ako ng namasukan ang aking ina bilang katulong. Siya ang nagbabantay ng anak nina Alejandro at Rosalinda pero di ko alam kung ano ang kanilang apelyedo.
“Gina, ikaw na ang bahala ni Mae ha.. Wag mo sana siyang pabayaan.” Umiiyak na sabi ni Ina.
“Opo, ate ako na ang bahala sa kanya.”sagot naman ng tiyahin.
Tumakbo ako sa aking kwarta pagkatapos kong yakapin si Ina. Nang pagsapit ng aking ikasampung kaarawan inaabangan ko si Ina dahil uuwi siya. Dumating na ang alas otso ng gabi, kinakantahan ako nina Tita at iba ko pang mga pinsan. Nang matapos ko nang hinipan ang mga kandila sa ibabaw ng cake pero may mali eh, bakas sa kanilang mukha ang lungkot. Nakita ko pa si Tita Gina na pinigilan niyang tumulo ang kanyang luha.
“Tita, ba’t ka umiiyak?.’’ Tanong ko sa kanya.
"Wala anak, masasagot lang ang iyong tanongkapag nabasa mo na ang sulat ng Ina mo.”sambit niya habang inaabot ang sulat sa akin.
“Hindi na po siya darating??.” Sabi ko.
Hindi na nagsalita ang aking tiyahin kaya binuksan ko nalang ang sulat.
Mahal kong Mae,
Bukas na ang iyong kaarawan kaya babati na ko na maligayang kaarawan sa iyo. Anak, alam kong masakit sa kalooban mo dahil wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ako. Natutuwa ako na inaalagaan ka nang maayos ng kapatid ko kaya magpakabait ka pa lalo. Huwag mo bigyan ng sakit sa ulo ang tiyahin mo. Anak, patawad baka hindi na ako makakadating sa kaarawan mo. May tumangkang patayin ako. Diba kilala mo si Rosalinda? Siya ang gusting pumatay sa akin, nagseselos siya sa akin dahil ang kanyang kaisa-isang anak eh, napalapit na angloob sa akin. Pilit ko mang ipatindi sa kanyang anak, pero hindi ehh.. ayaw parin niya sa kanyang Mommy dahil palagi siyang wala sa bahay ni minsan raw ay napabayaan siya ng kanyang Mommy dahil busy sila sa kanilang kompanya, kaya galit nag alit si Maam Rosalinda sa akin. Pipilitin ko ang lumaban anak para mabuhay ako pero baka sakaling papatayin niya ako ay hindi na ako makapag-paalam sa iyo. Patawad anak ko, mahal na mahal kita.
-Nagmamahal,
Ina
“Ina!!!!!!!!!!!.’’
Nagising ako na hingal na hingal, napaginipan ko si Mama ang mga pangyayaring hindi ko malimot-limot hanngang ngayon. Ako pala si Mae Aldepolla, dalawampu’t apat na taong gulang. Wala na ang mga magulang ko kaya nagsisilbing nanay ko nalang ngayon kaya nagbihis na ako.
“Mae, saan ka pupunta.”ani ng aking tiyahin.
“Nay,dadalawin ko muna ang puntod ni Ina.”sagot ko naman sa kanya.
“Sige anak mag-ingat ka,” sabi niya sa akin habang lumapit siya sa akin at hinalikan ako.
“Opo Nay,kayo rin.’’sabi ko habang tumatakbo papalayo.
“Uuwi ka nang maaga amamaya ha.’’pahabolna sabi ni tita.
Nasa puntod naako ngayon kaya sinindihan ko ang mga dala kong kandila at inayos ang mga bulaklak kong dala.
“Inay, kamusta ka na dito? Miss na miss nan a kita. Nga pala ma inaalagaan ako nang husto ni tita at nakapag-asawa na si tita. Seaman pala ang asawa niya pero hanngang ngayon wala pa silang anak.”
Maya-maya naisipan ko nang umuwi ng maaga dahil may trabaho pa ako bukas. Kasalukuyang nagtratrabaho ako sa isang bangko ngayon bilang accountant. Nakapagtapos ako ng accounting noong nas kolehiyo pa ako.
Kinaumagahan, gumising ako ng maaga at nagluto ng agahan. Pumasok na ako sa aking trabaho, nakita ko ang mga katrabaho ko.
“Magandang Umag Mae.” Bungad nila nito sa akin.
“Magandang umaga rin sa inyo.”tugon ko naman habang umupo sa upuan.
May dumating na magdedeposito, madalas ko siyang nakikita ditto halos araw-araw. Kapag tumitingin siya sa akin parang may pagnanasa. Okay naman siya matangkad, makinis ang balat at ito’y mayaman. Nang pagkatapos niyang magdeposito, palagi siyang nagmamadaling umalis. Tinawag ako ng isa ko pang katrabaho.
“Hoy Mae! Parang may iba sa kanya.”
“Bakit naman?.”
“Madalas kong mahuli siya na palaging nakatingin sayo.”
“Hahaha! Natural lang yan kasi may mata siya.”sagot ko sa kanya na may biro.
“Hindi eh! Parang may spark.”usisa naman niya.
“Bahala ka diyan! Magtrabaho ka na ng.”
Patapos na and araw kaya umuwi na ako. Pagdating ko ng bahay, tinabihan ako nang ulam ng tiyahin ko. Dalawa lang kami sa bahay kaya dapat maaga talaga ako umuwi galing trabaho para may kasama si tita. Nang matapos akong kumain pumunta na ako sa aking kwarto at natulog.
“Tring!tring!tring!.”
Pinatay ko na lang yung lalaki. Nang dumating ako sa opisina, nandito na pala silang lahat.
“Mae, may naghahanap sayo,”
“Sino?”
“Yung madalas na nagdedeposito rito.”sabi ng katrabaho ko na si Alfredo.
“Eh? Bakit?.”
“Aba, malay ko.” Pahabol ni Alfredo.
Pinuntahan ko nalang yung lalaki. Nnag pagkiat ko palang sa kanya kinikilig na talaga ako. Nang magkasalubong an gaming mata tinanong niya ako kung may free time ba ako pagkatapos ng trabaho ngayon. Kaya sinbi ko sa kanya na wala, diko alam kong bakit gumagaan yung pakikitungo ko sa kanya hindi parehas sa mga ibang lalaki. Nga pala ang pangalan niya ay si Patrick Alcantara.
5:00 pm, nakita ko na si Patrick sa labas ng bangko dinal ako sa mamahaling restaurant kaya nahiya akong pumili ng makakain dahil mahal talaga ito. Nag matapos kaming mag-order nagkwekwentohan kami at doon ko nalaman na magkaparehas kami ng gusto.
Lumipas and dalawang buwan, di ko akalain na nahulog na yata ako sa kanya. Sa loob ng dalawang buwan nakilala ko ang kanyang pamilya at sila ay mababait. Sa dalawang buwan ay nangligaw si Patrick sa akin kaya ngayon ay balak ko na siyang sagutin. Si Patrick yung tipong mabait, gentleman, matalino, hindi maarte at mayaman. Sa tuwing nagdadate kami ay palagi siyang nagbibigay ng bulaklak sa akin. Yung tiyahin ko naman ay botong-boto sa kanya. Nang paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Patrick at sumakay na ako sa kanyang sasakyan. Di ko alam kung saan niya ako dadalhin pero yung kalsadang dindaanan naming ay kabisadong-kabisado ko ito. Hindi siya kumikibo sa akin habang nagmamaneho siya. Hindi talaga ako nagkakamali dahil pumunta kami sa isang sementeryo at kung saan nakahimlay ang aking Ina. Napaisip nalang ako na habang nandirito na kami, ipakilala ko na si Patrick ni Ina.
Bumaba kami sa sasakyan, sinabi niya sa akin na bibisitahan naming yung nanay-nanayan niya at ipakilala niya daw ako. Nang naglakad na kaming dalawa ay natanaw ko na ang puntod ni Ina. Kaya kapag ang puntod ni Ina ang una naming madaanan, hihinto ako at ipakilala ko si Patrick sa aking Ina. Nang nasa mismong puntod na akmi ni Ina ay bigla siyang huminto at binigyan nito ng bulaklak kaya bigla siyang umimik.
“Nanay Emilda, ipinakilala ko po sa inyo si Mae Aldepolla siya nga pala yung girlfriend ko.”
“Patrick siya ba talaga ang nanay-nanayan mo?.”nagtataka kong sabi.
“Oo, bakit?.” Sabi ni Patrick habang nakakunot ang noo.
“Ina ko yan… eh!!.” Sabi ko.
“Paanong nangyari, Aldepolla ang apelyedo mo at ang apelyedo ng nanay ko ay Virtudazo.”
“Simula na namatay si Ina, kinupkop ako ng aking tiyahin at nung nag-asawa siya ay pinalitan niya yung apelyedo ko.”
“Ang liit talaga ng mundo akalain mo, Ina mo ang yaya ko noon.”sabi ni Patrick.
Nang narinig ko yun, bigla akong naguluhan nang nalaman ko na yaya ni Patrick si Mama bigla nalang kumulo ang aking dugo.
“Patrick, diba yaya mo siya? So yung Mommy mo ang pumatay ng nanay ko.”
“Huh? Hindi kita maitindihan?.”usisa niya
“Kaya pala pamilyar ang nanay at tatay mo dahil sila naman pala ang mga amo ni nanay noon sina Alejandro at Rosalinda, ikaw yung nag nag-iisang anak nila dahil sayo namatay ang aking ina.”
Tumakbo ako at iniwan si Patrick sa sementeryo. Umuwi ako sa bahay at sinabihan ko si tat lahat-lahat kaya hindi lubos makapaniwala si titan a sila pala yun. Palaging tumatawag si Patrick sa akin pero hindi ko siya sinasagot sa mga tawag. Pinuntahan ko ang bahay nila at nakasalubong ko ang mismong mommy ni Patrick.
“Tita, ba’t niyo po ito ginagawa? Pinilit koi tong kalimutan, pero hindi eh!! Pinagtagpo parin tayo ng tadhana!!.” Pasigaw kong sabi.
“Bakit? Iha? Anong nangyari??.”
“Diba ikaw ang pumatay sa aking ina na si Emilda Virtudazo.” Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha.
“Akala ko naman mabait kayo, pero hindi! Ang galing mo talagang magtago.”
Biglang dumating si Patrick at inawat ako.
“Isa ka pa! ayoko na sa iyo.”sabi k okay Patrick.
Hindi ko akalain na dumating ang aking Tita, kaya tinawag niya ako.
“Mae, Tama na! uuwi na tayo.” Ani ng tiyahin ko.
“Ayoko! Dapat siyang makulong, pinatay niya si nanay ehhh!!.”sagot ko ni tita.
“Gina, di ko akalain na magkikita pa tayo.”usisa ni Rosalinada.
Nabigla ako sa sa sinabi ni titan a hindi pala patay ang aking Ina. Lumayas si Mama kasama ang kapatid ni Rosalinda at nag-asawa ulit. Yung sulat na inabot ni Mama sa akin ay puro kasinungalingan. Ikwenento lahat ni tita sa akin. Nasalabas na ng bansa si Inaat kinalimutan na niya ako. Itinago ni tita ang lahat para di ako masaktan. Di ko na kinaya ang lahat ang katotohanan, napatakbo ako akong luhaan ang mga mata at hinabol ako ni Patrick.
“Beep,beep,beep.”
“Mae, okay ka lang?.” sabi ni Patrick.
Napahiga nalang ako at nakita kong duguan ang aking damit.
“Patrick, patawad di ko sinasadya sana mapatawad mo ako at ng mommy mo.”
“Mae,mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita Patrick.”
Tanging nadinig ko lang ang iyak ni Patrick, ang mga ingay ng mga sasakyan at bigla nalang ito nawala.
“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.
Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.
Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?
Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si Donna. Napasandal siya sa pader at walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.
“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi ipinaalam sa akin?”
Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang puso.
Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.
Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng umagang iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y magdiretso na sa ospital. Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga naipon? Sino na ang paglalaanan niya nito?
Alam ni Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na kailan lang ay halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging kalbaryo ang kanyang bawat araw. Magiging madilim ang kanyang gabi at pati na ang umagang darating. Matagal bago muling mabuo ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan.
sisilay muli ang napingasan niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.
Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Donna at halos hindi na nila na naging paksa ang kanyang karamdaman dahil tuluyan nang bumaba ang platelets ng nobya, senyales na pawala na ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa kinakasama. Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Donna sa trabaho bilang manager ng Logistics Department sa kompanyang pinapasukan nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph sakaling may dumating na magandang oportunidad.
Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna! Wala na ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan kahit sabihin pang bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng dengue victim.
“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo, nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata, sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang nurse ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin nito, bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo.
“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya, si Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya raw pong i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.
Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Anniversary nila kahapon.
Kinabukasan ay mayroong laro sa kanilang paaralan na basketbol. Isa siya sa pinakamagaling ngunit natalo pa rin sila kasi hindi siya nakapaglaro ng maayos ng dahil sa kaniyang paa. “Ano ba kasing nangyari sa paa mo Marko?! Tingnan mo, natalo tayo! Napahiya tayo, nakakainis!”, galit na sabi ng kanilang coach tumango na lang siya at hindi sumagot kasi alam niyang kasalanan niya din ito. Nagsialisan na ang mga manlalaro kaya dahan-dahan naman siyang naglakad pauwi sa kanila. Naabutan niya ang kaniyang nanay na nagwawalis sa labas ng bahay “nay!”, salubong niya sa kanyang ina at saka nag-mano. Hindi siya kinibo ng kanyang ina at tiningnan lamang siya nito mula ulo hanggang paa, kinabahan siya kaagad baka mahalata ang kaniyang paa “Bakit po nay?”, Tanong niya sa kaniyang nanay. “Tumalikod ka” utos ng kaniyang ina at saka dahan-dahan siyang tumalikod. Napakalapit siya ng mahigpit sa strap ng kanyang bag, mabilis ang tibok ng kaniyang puso nang biglang *PAAAAK* “Arrrrrrraaayyy!!”, napasigaw si Marko sa sakit. Nararamdaman niya ang pamumuo ng butil ng luha sa magkabilang gilid ng kaniyang mata. Unti-unti niyang hinabol ang kaniyang paghinga at maluha-luhang tumingin sa kaniyang nanay. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng kaniyang nanay “bakit niyo po ginawa yon?” kabadong tanong ni Marko. Sobrang sakit ng epekto ng epekto ng palo ng kanyang nanay dahil namamaga at pasa pa rin ang parte yon ng kaniyang katawan. “Hindi ba’t ikaw ang dapt kong tanungin niyan?” galit ng tanong ng kanyang nanay. “Gaano kahirap sa iyo ang mag-aral ng mabuti? Bakit kailangan mo pang manloko ng ganyan! Alam mo namang ikaw lang inaasahan namin! At kailan kapa natutong bumarkada?” galit na galit na ang nanay ni Marko. Iniwas niya ang kanyang paningin dito at dahan-dahang umupo sa lupa. “Hindi kailan man pumasok sa isip kong makukuha mo pang sumali sali sa frat frat! Dahil kahit usong-uso yan, akala ko’y hindi mo magagawang sumali sa ganyan! Bigyan mo nga ako ng dahilan kung bakit sa sumali as fraternity?!” taas tonong tanong ng kanyang nanay. “Gusto ko lang pong magkapera” sagot niya. Hindi nalang siya sinagot ng kanyang ina dahil pumasok na ito sa bahay nila. Sumasama si Marko kung may pinapabugbog ang kanilang lider at binabayaran naman sila. Hanggang sa isang gabi ay inabangan si Marko ng kaniyang mga kasamahan at saka siya pinagbugbog, dahil hindi na siya nagpapakkita sa mga ito. Swerte naman at may dumaan na mga pulis kaya nahuli ang kanyang mga kasamahan at dinala naman siya sa hospital. “Tingnan mo na ang pinasok mo, bakit ba kasi ginawa mo yon? Masaya naman tayo kahit hirap na hirap na tayo sa ating buhay ha? Kahit hindi ang totoo mong nanay ay hindi naman kita pinapabayaan ha?” sabi ng kaniyang nanay habang umiiyak. “Pasensya na po nay, hindi ko na po kasi kayang makita ang mga kapatid kong umiiyak dahil nagugutom, pasensya na po nay” sabi ni Marko, “Wag mo na uulitin 'yon. Kaya nating labanan ang pagsubok ng subok, kakayanin natin”, sabi ng kaniyang nanay habang pilit na ngumingiti.
"Kaya ko ito, nakaya niya nga eh!", ganyang mga kataga na lamang ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko kapag naalala kita, napakasakit isipin na ngayon masaya ka na sa piling ng iba, oh aking mahal, gabi-gabi kitang inaalala, mga matatamis na alaala natin noong ikaw ay nasa aking piling pa.
Mayo 29,2017,ang unang araw na ibinigay ka ng langit para sa akin. Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula noon. "Bes, feeling ko may gusto sayo si Carlo eh", sambit ni Claris. "Paano mo masasabi hoy? Eh ang tahimik ng lalaking yon?", sagot ko habang nagbibilang ng barya. "Ah basta! Alam mo 'yon diba, tayong mga babae ay malakas ang pandama", pangungulit na sagot ng aking matalik na kaibigan. Hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin dahil alam kong kapos na kami sa oras at dapat matapos na akong magbilang ng pera. Alas sais 'y medya na ng matapos akong magbilang ng pera, naligo ako ng mabilis at kumain na rin, nagsuot ako ng leggings at putting t-shirt. Pagdating sa kapilya ay naging maingay na kaagad dahil na rin siguro puro matatanda ang naroon at kami lamang ang mga bata. "Thea, okay na ba 'yong sa inyo?", tanong ko ni Ate Miya. "Opo ate, okay na,yong aming ipipresent nalang yong kulang", pagod kong sagot, habang naghihintay ng nakaramdam ako ng antok pero nabigla ako ng may biglang tumulak sa akin mula sa likod at iyon na nga dumating na si Carlo kasama ang kanyang kapatid na si Mary, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mala-anghel na mukha ni Carlo, ang lapad ng kaniyang mga ngiti sa akin. "Okay ka lang taba?", tanong ni Carlo na nagpapukaw sa atensyon ko. "Ah, eh oo kinakabahan lang ng konti, alam mo naman ayoko ng ganitong usapan tungkol sa pera", matamlay kong sagot pero parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Matagal ko ng gusto talaga si Carlo kaso kilala siya sa lugar namin na tahimik at magalang na binata kahit na ito'y mukhang masungit, hindi ko ba alam at parang sinusubukan ako para kasi sa akin, napaka misteryosong tao ni Caloy, bihira ko nga lang marinig magsalit yong lalaking yon. Hanggang sa lumipas ang panahon ay mas lalo pa kaming mas naging malapit dahil na rin sa halos araw-araw kaming magkasama ay palagi rin kaming tinutukso kaya palagi kaming iniiwan ng aming barkada. Sa pagdaan ng panahon ay unti-unti na akong nagiging komportable kasama si Caloy. Palagi ko na siyang hinahanap sa tuwing nagkakasiyahan ang barkada. Hindi mahirap mahalin si Caloy kaya naman agad nahulog ang aking loob sa kanya dahil na rin gusto ko siya. Hindi ko alam kung anong tawag sa amin noon sa relasyon namin, nag-aminan naman kami sa mga nararamdaman namin pero hindi kami higit pa sa kaibigan ang turingan namin pero wala kaming label, sa unang dalawang buwan ay hindi naging maganda ang ing relasyon dahil na rin siguro hindi pa namin kilala ang isa't-isa ng lubusan, may mga pagkakataon na nagseselos ako at hindi ko iyon masabi sa kaniya dahil ayaw ko namang isipin niya na praning ako at sinasakal ko siya. Mahal ko siya, oo mahal ko siya kaya gusto ko masaya siya.
Katulad ng ibang relasyon, away bati rin kami ni Carlo hanggang sa dumating na ang puntong napagod na akong intindihin siya. Noong gabing iyon, inaantay ko lang na mag-away kami dahil kapag nag-away kami ayon na ang senyales na hindi kami para sa isa't-isa. Noong mga sandaling wala na akong masabi ay inunahan niya ako sa pagsasalita, Thea, pwede na ba kitang ligawan?", nahihiyang tanong ni Carlo, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan, nag-uumapaw ang saya sa puso ko at walang pag-aatubili na sabihing oo, mahal ko siya at mahal niya ako.
Buwan na ang lumipas marami ng mga kaganapang nangyari sa aming mga buhay, tumagal kami at mas lalo kong nakilala kung sino talaga si Carlo.Maraming naging pagkukulang si Carlo sa akin lalong lalo na sa oras. Sa mga pagsubok na dumaan doon ko naisip na sa bawat oras ay pwede magbago ang lahat. Hindi ko maintindihan sa paglipas ng panahon lalo kaming tumatatag sa mga dumarating na pagsubok at nagiging komportable pero tila ba may malaking distansyaa aming dalawa. Legal na kami sa aming mga pamilya, perpekto na ang lahat kung iisipin.
Isang gabi, hindi ko na talaga kaya ang distansyang naglalayo sa aming dalawa at sinabi ko na sa kanya ang totoo. "Ahmm, Carlo napansin ko lang sa siyam na buwan natin bakit parang ang ilang mo sa akin?", matapang kong tanong kay Carlo. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba siya sa sinabi ko, hindi siya kumibo at umalis nalang siya bigla. Hindi siya nagpaparamdam sa akin noong gabing iyon. Buong gabi ako nag-iisip kung bakit ganyan siya, hindi man lang nagparamdam. Kinaumagahan, pag-gising ko ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Carlo na nagpapaliwanag sa kanyang sarili. Naging okay naman kami dahil nga mahal ko siya, pinatawad ko na agad.
Kinagabihan ay isang masakit na pangyayari ang sumira sa gabi ko, kaya pala okay lang siguro sayo na nag-aaway tayo, kaya pala natitiis mo ko sa tuwing nagtatampo ako. May iba ka na pala, ang taong pinakamamahal ko. Noong gabing iyon isang salita lamang ang kaya kong bigkasin, "Ang sakit, sobrang sakit!".
"Kaya ko ito, nakaya niya nga eh", ng bulong ko sa sarili ko habang nakahiga ako tuwing gabi. Paalam na Carlo, alam kong masaya ka na sa piling ng iba. Masakit man makita na masaya ka na sa piling ng iba pero mas masakit isipin na dati ako ang nagpapasaya sayo at yung niloko mo ako at pinaniwala mo kong mahal mo ako. Mahal kita Carlo pero pagod na ako.
Madilim. Tahimik at ligtas ang lugar na ginawang tagpuan ng parokyano ni Anoy at ni Anoy.
‘Oh eto, timba timba na yan. Wag niyong kalimutan ang pinag-usapan natin ha?’, sabay abot ng pera kay Anoy ng lalaking nakatakip ang bibig ng telang itim. Hindi malaman ni Anoy kung para saan ang pagtatakip ng telang iyon sa kanilang bibig. Marahil sa isip niya, ginagamit nila ito para takpan ang kanilang pagkakakilanlan. Siguro’y upang hindi sila makilala at para narin sa kaligtasan. Sa larangang ito, talo ang nagpapauto.
‘Bahala na.’, sambit ni Anoy sa kanyang isipan. Ang mahala mayroon na siyang maiuuwi sa mga gutom na sikmura ng mga batang naghihintay sa kanya. Bahala na kung ano ang kahihinatnan niya sa susunod na mangyayari. Alam niyang walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya sa gulong pinasok niya. Sa isip niya, kailangan niya itong gawin para sa mga batang pinangakuan niya ng tulong. Umalis na yung lalaki kahit hindi ito nakatanggap ng pagsang-ayon galing kay Anoy. Sa isip niya siguroy wala ng magagawa si Anoy dahil yun na ang napas-usapan nila. Walang magagawa si Anoy kundi tumupas sa usapan. Dahil kung hindi, marahil kabaong o kulungan ang kahahantungan niya. Napapikit si Anoy, marahil sa pagod at halo-halong emosyon. Maya maya’y umalis narin ito sa liblib na lugar na hindi naaabutan ng liwanag kaya madilim. Sinugurado muna ni Anoy na walang nagmamanman sa kanya bago umalis. Lingid sa kanyang kaalaman ang dalawang mata na kanina lang pala nakamasid sa kanya.
‘Nandito na si Kuya Anoy!’, sigaw ng batang si Renzo ng makita si Anoy na may dalang supot. Nagsitakbuhan naman ang limang bata sa dako ni Anoy at sinalubong ito ng matamis na ngiti.
‘Oh ano? Kamusta?’, ngiting bati ni Anoy sa mga bata.
‘Okay lang po kami Kuya, medyo nagugutom narin.’, nahihiyang sambit ni Renzo. Siya ang mas nakakatanda sa limang bata na inalagaan ni Anoy.
‘Syempre alam ko yun! Kaya nga may dala akong Jollibee dito oh!’, sabay abot ni Anoy ng dala niyang supot na galing pala sa Jollibee. Kinuha naman ito ng mga bata na may halong galak at saya dahil saw akas ay makakatikim na sila ng masarap na pagkain,. Dali-dali nila itong binuksan at pinagsaluhan. Nakangiti na lamang si Anoy habang pinagmamasdan sila. Kahit hindi niya ka ano-ano ang mga bata, alam niyang kaya niyang gawin lahat para mabuhay sila. Malapit ang loob ni Anoy sa mga batang ito dahil nakikita niya ang sarili sa mga batang ito. Bukod sa palaboy-laboy din siya sa kalsada noon, katulad ng mga batang ito ay kumakayod din siya para mabuhay. Halos lahat nan g hanap-buhay ay nasubukan na ni Anoy ngunit di siya pinapalad para magtagal. Kadalasan sa mga pinapasukan niya ay kinukutya siya sa kanyang kamangmangan. Kaya napilitan siyang kumapit sa patalim para may pangtustos sa araw-araw nilang gastusin. Sa kabila ng talamak na pagpapatay sa mga nagbebenta ng pinagbabawal na droga,hindi niya ito binitawan. Kahit di siya gumagamit, alam ni Anoy na maaring malagay sa panganoib ang buhay niya, pati narin ang buhay ng mga batang inaalagaan niya. Lalo na sa malaking transakyon na gagawin nila bukas. May palitang mangyayari bukas at alam ni Anoy na ikakapahamak niya ito. Lalo na’t mas mapanganib pa doon ang pinasok niya. Kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang isakripisyo ito, para sa kinabukasan ng mga batang inaruga niya at para makalabas sa impyernong matagal niya ng gusting takasan. Alam niyang nasa kulungan o kabaong ang kahihinatnan niya pero sa isip niya, ‘Bahala na ang Diyos, kung totoo man siya.’
Kaumagahan, umalis ng maaga si Anoy. Nag-iwan siya ng isang daan sa lamesa para sa pagkain ng mga batang naiwan sa bahay nila na isang bagyo lang ay guguho na. Matapos niyang daanan ang lugar na noon ay kinatatakutan niya bilang lumalabag sa batas, pumunta siya sa lugar kung saan kadalasan nagkikita ang mga parokyano at nagtutulak.
Nang makapasok si Anoy sa isang tagong silid. Binati siya ng isa niyang kasama na yaring tumitira pa ng pinagbabawal na droga. Niyaya pa siya nito ngunit umayaw siya. Napatuloy siya sa pagpasok hanggang makarating sa isa pang silid kung saan naglalagi ang tyinatawag nilang ‘drug lord’.
‘Boss, ito po yung nakarga ko kagabi. Pinalahanan niya po tayo sa gagaweing gtransaksyon mamayang gabi. Ano boss? Tuloy ba yun?’, tanong ni Anoy na parang kaswal lang na kausapang Boss nila, sabay lapag ng pera sa lamesang may mga droga pang nakalatag.
‘Syempre tuloy yun Anoy! At kailangan andun ka, alam mo naman ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa mga ganitong transaksyon.’, sabay halakhak ng Boss nila na kitang kita ang mga dyamanteng nakasabit sa katawan nito na puno ng tattoo.
Alas dose na ng madaling araw ng dumating ang isang itim na van ss lugar na pinagkasunduan nilang magkita. Pinagpapawisan na si Anoy sa kaba at takot dahil sa posibleng mangyari. Ito ang pikamalaking transakyon na gagawin nila at sa isip niya, ito na rin ang huli.
‘Mga boss, hindi ‘ata uso sa inyo ang pagdating sa napag-usapang oras. Mahigisambit t isang oras kaming naghihintay dito. Mabuti nalang at nakaabot kayo, aatras na dapat kami sa transakyon ngayon.’, unang bati ng Boss nila Anoy sa mga dumating na lalaking may takip ang bibig ng telang itim. Katulad ng nakausap ni Anoy noong nakaraang gabi. Naglabas bigla ng baril ang mga lalaking ito na ikinabigla ng Boss ni Anoy ng mga kasamahan nila.
‘Teka! Teka! Ano ang ibig sabihin nito?’, nakataas na kamay na sabi ng Boss ni Anoy. Naalarma ang mga kasamahan ni Anoy na bahadyang napaatras. Kinabahan na si Anoy. Napatingin siya sa dako nga lugar kung saan hindi inaabutan ng liwanag ng poste, kung saan nakatago ang mga taong kanina lang din nakamasid sa kanila. Tumutulo na ang pawis sa noon Anoy at sobrang lamig nito. ‘Kailangan kong magtiwala.’, sambit ni Anoy sa sarili.
Biglang nagsalita ang isang lalaking makakatransaksyon dapat nina Anoy.
‘Tumutupad kami sa usapan. Tumutupad kami sa kung ano ang napagkasunduan. Ang ayaw namin sa lahat ang mga traidor!’, galit na sambit ng lalaki sabay turo ng baril kina Anoy. Halos lumuwa na ang puso ni Anoy sa lakas ng kabig nito. Panagamba at takot ang nag uumpaw na emosyon kay Anoy sa kasalukuyan. Parang alam niya na kung ano ang kahihinatnan ng usapang ito at alam niyang hindi maganda ang mangyayari.
‘Teka lang! Anong pinagsasabi niyo?’, pagtatakang tanong ng Boss ni Anoy.
‘Bang!’ walang isang segundo ng makita ni Anoy ang nakahandusay na katawan ng Boss nila. Labis ang gulat ng kasamahan ni Anoy. Parang tumigil ang kanyang mundo. Biglang lumabas ang mga taong nakatago sa madilim na dako ng lugar. Mga pulis!
‘Itaas ang kamay! Mga pulis kami!’, sigaw ng isang pulis ngunit pumalag ang mga lalaking makakatransakyon dapat nina Anoy. Mabilis ang pangyayari, nakita na lamang ni Anoy ang pagpapalit ng bala ng dalawang panig, habang nagsitakbuhan ang mga kasaman ni Anoy. Palinga linga lamang si Anoy na parang hindi alam ang gagawin. Takbo. Kailnagn niyang tumakbo. Biglang sumagi sa isip ni Anoy na kailangan niyang kumilos para makatakas at mabuhay. Ngunit huli na ang lahat ng naramdaman niya ang pagbaon ng bala sa kanyang dibdib. Hindi maari. Walang isang segundo ng maramdamn ni Anoy ang paglapat ng kanyang likod sa lamig ng semento. Masakit. Masaki tang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Mamamatay na ba siya? Unti-unting nakikita ni Anoy ang mga ngiti ng mga batang tinuring niya ng kapatid, kasama na doon ang pait dahil alam niyang hindi niya na makikita pang muli ang mga ngiting iyon. Paano na ang pinangarap niyang bagong buhay? Paano na ang mga batang naghihintay sa kanya? Paano na ang pangarap niyang pagtakas sa impyernong kinagagalawan niya. Hanggang sa unti-unting dumilim ang pangin ni Anoy at wala na siyang nakita. Sobrang dili. Madilim.
Isang preskong hangin ang sumalubong kay Jane nang binuksan niya ang bintana. Naaaninag niya ang sikat ng araw sa may bandang silangan. Sadyang namiss na talaga niya ang mamuhay ulit sa bukirin, kung saan simple lamang ang pamumuhay. Isang taon na rin kasing hindi siya nakauwi kaya ngayong nagbakasyon siya ay dapat sulitin na rin niya. At isa pa, gusto na rin niyang magpahinga muna. Isang taon na rin kasi ang nakalipas at hindi parin mawala-wala sa kanyang isipan ang mga nangyari sa nakaraan.
“Ano na? Ano ang plano mo?”, malumanay na sabi ni Jane sa kanyang kasintahan na si Eric.
“Hindi ko alam, kaylangan ko rin itong pagkakataon na ito.”, sagot ni Eric nang nag-iisip.
“Alam ko naman na gusto mo eh.”, sabi ni Jane sabay lumungkot ang mukha.
“Sayang din kasi eh, alam mo na. Magbabakasakali nalang ako.”, paniguradong tugon ni Eric.
“Okay lang naman sakin eh.”, sabi ni Jane.
“Mabuti kung ganun, bukas makalawa aalis na ako.”, malungkot na sabi ni Eric.
“Mag-ingat ka nalang doon. Siguro makakasunod din ako.”, ngingiti-ngiting tugon ni Jane kay Eric habang nag-aayos ng mga gamit.
Matagal na niyang kasintahan si Eric. May trabaho naman silang dalawa dito sa probinsya pero konti lang ang sweldo. Nagkataon namang itong si Eric ay mayroong kaibigan at inalok siya na magtrabaho sa ibang bansa sapagkat doon ay mas malaki ang sweldo.
“Mag-ingat ka doon ha, mahal kita.”, maiyak-iyak na sabi ni Jane habang yakap si Eric.
“Oo naman, ikaw din mag-ingat ka. Mahal din kita.”, tugon ni Eric habang bitbit ang kanyang bag papunta sa loob.
Kumaway na si Jane kay Eric para sa isang paalam. Nakatyo parin siya doon at pinagmasdan si Eric hanggang sa ito’y mawala na sa kanyang paningin. Malungkot na naman siya, hindi niya mawari ang kalungkutan. Pero masaya naman siya sa kasintahan at makakakita rin ito ng magandang trabaho doon. Habang siya maiiwan lamang sa probinsya. Nangako siya na susunod siya doon at pagsisikapan niyang makapunta rin doon.
“Oh anak umalis na ba si Eric?”, tanong ng tatay ni Jane sa kanya ng dumating ito.
“Opo tay”, sagot ni Jane.
“Magiging maayos din siya dun’ huwag kang mag-alala.”, sabi ng Nanay niya sabay tapik sa kanyang balikat.
“Sana nga”, tugon na lamang ni Jane.
Ilang buwan ang nakalipas at si Eric mayroon nmg magandang trabaho. Hindi pa rin naman niya nakakalimutan magpadala sa kanyang pamilya at sumulat sa kanila at kay Jane. Kakaiba ang pamumuhay sa ibang bansa. Pinipilit na rin niyang makisabay at magtrabaho nang maayos.
“Jane, tingnan mo ito.”, patakbong sabi ni Emma kay Jane.
Si Emma ay ang matalik na kaibigan ni Jane.
“Ano ba to?”, sabi ni Jane na magkasalubong ang mga kilay.
“Tingnan mo kasi nang mabuti, gusto kasi ni Titan a magtrabaho ako sa doon sa ibang bansa. Tapos gusto niyans isama din kita.”, masayang sabi ni Emma kay Jane.
Nag-usap si Jane at ang kanyang mga magulang at pumayag naman sila. Kaya, nagpunta si Jane ng Hong Kong kasama si Emma. Masaya siya sapagkat nasa Hong Kong din kasi si Eric at malaki ang pag-asa na magkita at magkasama silang dalawa. Kaya nang dumating siya doon, nagkita talaga sila at simula noon magkasama silang nagtatrabaho at magkasabay na umuuwi. Nakapag-ipon na din sila ng malaking halaga at mas lalo silang nakatulong sa kanilang mga pamilya. Pero , isang araw may nangyari kay Eric.
“Hello, Jane pumunta ka ditto sa Hungwa Hospital.”, nagmamadaling sabi ni Emma.
“Bakit Em? Anong nang………….”, sabi ni Jane ngunit binabaan na siya ni Emma.
Kinabahan si Jane kaya pumunta siya sa ospital na sinasabi ni Emma. Nakita niya ito sa labas ng isa sa mga room doon.
“Emma, anong nangyari?’, tanong ni Jane na parang natatakot.
“Si.Si.Si., Eric. May nangyari sa kanya. Naaksidente siya ng dahil sa akin.”, sabi ni Emma habang umiiyak.
“Ano? Asan siya?”, tanong ni Jane na natataranta na.
“Nasa emergency room siya.”, tugon ni Emma kay Jane.
“Sorry Jane, nangyari to ng dagil sa akin”, umiiyak na sabi ni Emma.
“Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?”,tanong ni Jane na nalilito narin.
“Niligtas kasi ako ni Eric.”, sabi ni Emma.
“May nagtangkang sumagasa sa akin at siya ang sumagip sa akin.”, sabi niya kay Jane.
Walang naisagot sa Jane pero sa isip niya sana maging maayos si Eric.
Ilang minute pa ay lumabas ang doctor mula sa emergency room.
“I’m sorry, but we’ve done our best.”, malungkot na sabi ng doctor dala ang masamang balita na iyon.
“Hindi……..buhay pa si Eric!..”, sigaw ni Jane sabay pasok sa emergency room at nakita niyang duguan si Eric at wala na talagang buhay. Niyakap niya ito ng mahigpit at todo iyak ang kanyang ginawa.Sa kabila ng lahat, nagging masaya na nga silang dalawa, nangyari din ang mga pangyayaring iyon.
“Uuwi na ako sa amin ,Emma, huwag kang mag-alala hindi kita sinisisi sa lahat ng nangyari.”, sabi ni Jane sabay yakap kay Emma.
“Patawad parin Jane”., sabi ni Emma at nagyakapan ulit silang dalawa.
Umuwi narin si Jane sa probinsya, hindi niya tanggap ang pangyayari ngunit kailangan niya magingf matatag. Sa isang iglap lang pala ay mawawala ang lahat, ang lahat ng kasiyahan.
“Anak, kakain na tayo. Baba kana diyan.”, tawag ng kanyang Inay mula sa baba.
Doon lamang natauhn si Jane at sa kanyang pag-iisip saka sinagot ang kanyang Ina.
“Opo Nay, bababa nap o ako.”, sagot niya at dali-daling pumunta sa baba.
Nang makababa na siya ay nagsalo na sila sa kanilang agahan. Isa na namng bagong araw at bagong umaga ito para kay Jane dahil sa mga nangyari sa kanya. Sa lahat ng iyon, kailangan niyang harapin ang bagong simula sa kanyang buhay.
"Bes, kakayanin natin to" ang pangako ni Kris sa akin.
Andrew kitchenette, ang pinag tra-trabahoan namin Kris.
"Akala ko di tayo matatanggap kasi estudyante pa tayo" sabi ni kris habang naglilinis ng lamesa.
"Sabi ko sayo siba? Tatanggapin talaga tayo syempre pareho tayung cute haha" pabiro ko namang sagot sa kay Kris.
Si Kris ay matalik kong kaibigan kasama ko na siya mula elementarya kaya parang kapatid narin ang aming turingan. Pareho kaming ulila at naninirahan nalang sa aming mga ka mag anak. Isang biyaya si Kris sa akin dahil siya lang ang aking nasasandalan sa tuwing akuy may problema.
"Hoy, bes bakit ka tulala?" tanong niya sa akin.
" Ay, kasi ang dami pang bayarin sa paaralan at hindi ko pa nasisimulan ang thesis namin" sagot ko sa kanya.
" Oo nga natapos nyo na ba ang business plan ninyu?" tanong niya.
"Wala pa bes, hinihintay ko lang yung sahod natin dito wala kasi akung pambayad sa mga gastusin" sagot ko.
" Ako din eh, naki sabay pa ang pagkawala ng trabaho ni lolo sa pasada" malungkot na sabi niya.
"Mga iha! Mamaya na yan wag kayo di mag chimisan!" pasigaw na sabi sa amin ni Maam Trina.
Agad kaming bumalik sa aming kanya kanyang gawain. Sa gabi kami'y nagtatrabaho at sa umaga ay pumapasok. Dahil sa hirap ng buhay kailangan naming magkayud kalabaw para maka tapos ng pag aaral at maka tulong sa aming mga pamilya.
Kina umagahan naabutan ko si Kris sa may silid aklatan nagsusulat.
"Magandang umaga bes" bati ko kay Kris.
"Magandang ugma din bes" sagot niya habang hindi tumitingin sa akin.
"Para saan yang sinusulat mo at parang nagmamadali ka ng sobra?" Tanong ko sa kanya.
" Naka-tulog kasi ako kagabi bes hindi ko natapos itong proyekto natin sa history dahil ngayon ang deadline nito." Pasalaysay na sagot niya.
" Patay bes, paano yan naka limutan ko may proyekto pala tayo na ngayon dapat ipasa" nag aalalang sabi ko sa kanya.
" Okay lang yan bes makakaya natin to" sabi niya, habang inaabot ang isang supot ng bond papers.
" Pero bes! 7:58 na at first subject pa nating ngayon ang history" Nag-aalalang sagot ko.
"Riinnnnnnnggggggggggg" ulingaw-ngaw ng school bell.
"Tara na bes, eh explain nalang natin sa ating guro na nagtatrabaho tayo sa gabie" sabi ni Kris.
Dali-dali kaming pumasok sa history subject namin. At nakita naming tapos na halos lahat ng aming kaklasi sa aming proyekto.
"Ipasa sa harap ang mga natapos ninyung proyekto" sabi ni maam Janice.
Nanginginig kami sa takot kasi isang terror na guro si Maam Janice.
" Sino ang hindi pumasa kulang to ha!? Itaas ang kamay sa mga hindi pa nag pasa!!" Pagalit na sabi ni Maam Janice.
Kami lang dalawa ni Kris ang tumaas nang kamay. At nakita namin ang mga mata ni maam Janice na galit na galit.
"At kayo nanamang dalawa!? Ilang araw na kayung lumiliban sa klasi at hindi pa kayo pumapasa ng mga proyekto ninyu!? Pwede ko kaayung ibagsak sa pinag-gagawa ninyu" Galit na galit na sabi ni Maam Janice sa amin.
"Eh kasi maam nagtatrabaho po kami sa gabie" sagot ko sa kanya.
"Hahahahaha sa gabie? Kaya pala nakakita namin kayung dalawa sa may gilid ng bar" pagbibirong sabi ng mga kaklasi namin.
"Sa tapat po ng bar kami nagtatrabaho, sa may Andrew kitchenette" sagot ni Kris.
Nagtawanan ang aming mga kaklasi. Pero naka intindi naman ang aming guro at binigyan kami ng palugit.
Habang kami naglalakad pauli kumulo ang laman ng aming tiyan. Niyaya ako ni kris na mag meryinda pero, wala na akung pera.
"Bes isaw muna tayo" anyaya niya.
"Wala akung pera pang isaw bes" sagot ko.
"Ay aku din pala bes, itong isang daan pala ay para sa proyekto natin sa history, thesis, at tsaka sa project plan at para rin sa baon ko boung linggo" malungkot na sabi niya.
"Magkakasya pa kaya yan bes?" tanong ko.
"Eh pag kakasya bes para sa kinabukasan malapit na diba sahod natin?" tanong niya.
" Oo nga bes hinihintay ko din yun kasi hindi ko magagawa mga proyekto ko sa paaralan at wala din akung pagbaon" sagot ko.
Sumapit ang isang linggo pero hindi parin namin natanggap ang aming sahod. Apat na araw nadin ang pagliban ko sa klasi sa kadahilanan na wala akung pang baon. Tinatrabaho ko nalang ang mga araw na niliban ko sa paaralan. Napapadalas din ang pagliban ni Kris sa paaralan sa kadahilanang pareho kami ng sitwasyon. Di namin iniinda ang pagod kahit buong araw kaming magtrabaho minsan ay nakakatulog si Kris sa aming pinag tra-trabahoan ang palagi siyang pinapagalitan ni aming amo.
Pumasok kami sa araw ng lunes dahil pinapatawag daw kaming dalawa ni Kris dahil daw sa madalas naming pagaliban sa klasi at hindi pagpasa sa mga proyektong dapat ipasa sa oras. Dahil dun halos pinagalitan kami ng lahat ng mga guro namin lalong lalo na history bakit daw hindi kami ng pasa kahit binagyan na niya kami ng palugit. Sabi pa ng ibang guro sa amin na hindi daw kami makakagraduate sa mga pagliban namin sa klasi. At ang salitang hindi maka-paggraduate ay talaga ikina lungkot talaga ng aming mga damdamin. Para kaming nawalan ng pag-asang mabuhay.
Nang sumapit na ang gabi, pumunta na kami sa aming pinag tra-trabahoan. Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay lumapit sa amin ang may ari ng kitchenette.
"Mga iha pasensya na ha pero huling araw nyu na to sa pag tatrabaho" sabi ng may ari.
" Ha? Bakit po? Halos maubos na po ang lakas namin sa katatrabaho dito at yan po ang sasabihin ninyu? galit na sumbat ni Kris.
"Pasensya na talaga mga iha nagbabawas kasi kami ng mga trabahador dito sa kitchenette dahil dumadalang nalang ang mga costumer natin at wala na kaming ma-ipa sweldo sa inyu.
Nabigla kami sa kanyang sinabi, tila gumuho na talaga ang aming mundo sa mga pangyayari. Habang kami'y nalalakad papa-uwi dala dala ang aming mga unipormi. Napa-iyak nalang ako bigla.
"Huhuhu bes diku na kaya, wala na tayung trabaho wala na tayung pang baon nawala narin ang tiwala ng mga guro sa ating wala narin ang aking pag-asa bes ang pag-asang mabuhay " pa iyak na sinabi ko.
"Bes pagsubok lang to malalampasan lang natin to diba? Malakas tayo diba? Diba? tanong niya habang tumulo ang kanyang luha.
Niyakap ko nalang si Kris habang kami ay nag-iiyakan wala kaming paki sa mga taong dumadaan sa amin. Sa oras na yun wala kaming nadadama kundi kalungkutan. Humupa din ang aming pag-iyak at umupo sa may tindahan.
"Masyado na tayong pinapahirapan ng mundo bes" sabi ni Kris habang nakatulala.
"Oo nga bes tama ka gusto ko na atang mamatay" Sagot ko sa kanya. Hindi kumibo si Kris, at nag anyaya ako sa kanya sa umuwi dahil ginagabi na kami.
Nang ako ay nasa bahay na ay tila ba para akong dinadala ng aking isipan, gusto ko atang magpakamatay para mawala na ang lahat ng problema ko sa buhay. Wala na atang magandang mangyayari sa buhay ko.
Ako lang mag-isa sa aking kwarto at tulog na ang mga tao ng nakakita akung ng lubid na tila ba parang may tumutulak sa akin papalapit sa lubid habang akuy umiiyak. Ng hawak-hawak ko na ang lubid ay tila wala na ako sa aking sarili, at ng ipasok ko na ang aking ulo sa nakataling lubid, ang isa kong paa ay di na naka-apak sa upuan na tinatayuan ko.
"Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnngggggg" alingaw-ngaw ng aking cellphone. Kinuha ko at sinagot, nabitiwan ko ang cellphone sa aking narinig. Pulis ang aking nakausap kaya bigla akong tumakbo papunta sa bahay ni Kris.
Nakahiga, wala ng malay, nagpakamatay si Kris sa hindi ko maintindihang pangyayari. Di ko nakita na nasasaktan at nabibigatan na din sya sa lahat ng pangyayari, di ko man lang siya naitanong kung kaya pa niya, kung ok lang ba siya, siya kasi yung tipong tahimik lang pag nasasaktan yung tipong wala lang.
Ngayong nasa puntod na niya ako lahat ng pangyayari ay tila umulit-ulit sa aking isipan. Akala ko ba bes panghahawakan mo yung pangako mong "kakayanin natin to" pero nasaan ka na?
Sa isang silid may naguusap na magkaibigan na sina Alex at Ana.
"Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan ang katakot-takot kung karanasan ko nong nakaraan", sabi ko kay Ana.
"Ano ba yun lex?", pagtatanong ni Ana.
" Hindi pa ba kita nakukwentuhan noon?", sabi ko.
"Hindi pa!, e di dapat alam ko ngayon diba?, kung kinuwentuhan mo na ako", pilisopong sagot ni Ana.
"Halika, umupo ka rito at ikukuwento ko sayo", Paanyaya ko kay Ana.
Ilang taon na ang lumipas nakaranas ako ng kakilabot na karanasan nong lumipat kami sa Maynila ni kuya Troy, yung nasabi ko sayong na pag-rentahan namin na bording house. Nasa top floor yung napili namin ni kuya na kwarto kaya kinakailangang sumakay ng elevetor lalong-lalo na kapag pagod kang gumamit ng hagdan. Sa sobra bisi namin ni kuya Troy sa pagbili ng mga kgamitan para sa unit namin hindi namin napansain na may kalumaan na pala ang Elevator.
"Hala! Parang haunted ang elevator, ganon ba kaluma?", paghihinala ni Ana.
"Oo, parang ganon' na nga dahil minsan nangangamoy na ito ng kalawang", sabi ko kay Ana.
"Tapos anaong nangyari?", tanong niya.
"Teka lang ipagpapatuloy ko pa", wika ko.
Linggo noon, nang matapos na kami ni kuya Troy na magsimba. Pagkarating namin ay agad kaming natulog dahil sa buong lingong paglipat namin ng mga gamit kaya natulog nalang kami ni kuya buong maghapon dahil sa pagod. Nagising ako ng alas singko kaya agad akong bumangon dahil nakaramdam ako ng gutom. Sinilip ko muna ang kuya sobrang himbing ang tulog niya, balak ko sana siyang gisingin para magpaalam para bumili ng pagkain sa labas, hindi ko na lang siya ginising dahil alam kong pagod na pagod si kuya. Nang biglang bumagsak ang kaldero tumaginting ito, napasigaw ako sa gulat kaya ibinalik ko na lang ito sa lalagyan.
"Siguro hindi lang to nalagay ni kuya ng maayos", sabi ko sa sarili ko sabay ibinalik sa lalagyan ang kaldero.
Dala-dala ko na ang pera kaya lumabas na ako sa unit. Akmang sasakay na sana ako ng elevator may napansin ako sa tore kaya pinuntahan ko yon. Nakita ko don ang malaking akasya sa tapat na may madaming baging na nakabitin. Ayon nga sa storya ng mga kaklase ko tinitirhan daw ito ng iba't-ibang klaseng maligno.
"Friend! Nakakatakot naman", sabi ni Ana.
"Oo, lalo na pagnakita mo yon shalos di muna mahagilap ang puno dahil sa dilim na dulot ng mga baging,kapag nga nagiisa ako alex parang may sumusunod sa akin", kweto ko sa kanya.
Kaya hindi ko na lang yon pinansin at sumakay na ako ng elevator.
Nakababa na ako at nakabili na ng pagkain, kaya sumakay na ako ng elevator para balikab si kuya dahil alam kung gumising na siya at ayokong mag-alala siya. Pinindot ko na ang close button at ang numerong 5 para sa top floor, nong umandar na ito pinagmamasdan ko ang paligid nakaramdam ako ng takot sa kalumaan ng hitsura nito,parang gusto ko ng lumabas, lalo pa ng biglang bumukas ito sa 3rd floor at walang tao sa pagbukas nito patay sindi ang ilaw sa mga hallway ng pagsilip ko. Nanindig na ang mga balahibo ko dahan-dahang sumara ang elevator.
Nang magpatuloy itong umandar papuntang paitaas may biglang na naman akong naramdamang ihip ng hangin sa likod na lalong ikinatakot ko. Alam ko na sa sarili ko sa sandaling iyon na may kasama na ako sa loob at hindi ako nag-iisa. Gusto ko sanang tingnan ang naging kasama ko pero natatakot ako, nanlamig na ako sa takot kaya nanalangin na lang ako kaso may parang sumasambat sa akin.
Sa pagbukas ng elevator tumakbo ako pero parang may humahabol sa akin, dahil sa wala na ako sa isip ko aa pagtakbo nadapa ako. Naramdaman kong lumulutang na ako sa ere. Pinilit kong bumuka ang mga mata ko isang tao ang nakita ko ang bumubuhat sa akin at tinatawag ang pangalan ko.
"Alexa gising! Alexa! Ano ba ang nangyari sayo?" , sabi ng lalaki.
Pamilyar sa akin ang boses. Alam ko sa sarili ko na ang kuya ko yon dahil sa pamilyar ko ang boses nito ang kanyang mukha kaya tuluyanna akong nawalan ng malay.
Hindi na nila alam ang gagawin. Hindi na nila mapigilan ang dalawa sa kanilang pag-aaway. Hindi nila akalain na hahantong sa ganito ang lahat at di nila lubos naisip na dito matatapos ang kanilang pagkakaibigan. Marami ang umawat, natigil ang dalawa ngunit ang galit na kanilang nararamdaman ay nag iwan ng marka na kailanman ay hindi nila malilimutan.
Matalik na magkaibigan sina Ayen, Maixan, Jerboy, Barbie, Beking, at Badat. Wala silang itinatagong sikreto at lahat ay sinasabi nila sa bawat isa. Magkakalayo sila ng tirahan ngunit nang mag-aaral sila ng sekondarya ay napagdesisyunan nilang sa iisang bahay nalang umupa. Doon mas lalo nilang nakilala ang bawat isa. Sa hirap ay nagtutulungan sila at dinadamayan ang isa kung mayroon itong dinaramdam na problema. Isang buong araw nang hindi mananakit ang kanilang mga tiyan sa kakatawa, dahil kay Jerboy na tila may baong isang sakong joke kada araw, at naniniwala sa kasabihang " Bakla man ako sa inyong paningin akoy nakabubuntis parin. Ako nga pala si GeGe, nagmula sa langit bumaba sa lupa heto ang mukha", sabi niya habang kumikinding sa kanilang harapan. "Hoy!!, tumigil ka na nga bakla nandidiri ako sayo",pambabara naman ni Maixan. " Che, inggit kalang kasi masarap ang katawan ko, di tulad nang sayo laspang na nang mga jowa mo", sagot naman ni Jerboy. "Ikaw yung inggit! Bakla ka kasi, Hahahaha". " Tumigil na nga kayo para kayong mga bata", saway ni Ayen sa kanyang mga kaibigan. " Asus.. Makapagsalita naman to, bakit matanda kana ba? Hahahaha ", sabi naman ni Beking. " Baka ikaw iyong matanda Beking, wala kana kasing ngipin hahaha",pagtatanggol naman ni Badat kay Ayen. "Walang ngipin baka gusto mong kagatin kita",sagot ni Beking sabay buka ng bibig. "Hahaha... Hoy Beking wag kang nganga ng nganga diyan, nagmumukha kang chanak", sabi naman ni Barbie. Hanggang ang asaran nila ay nauuwi sa batuhan ng unan.
Hanggang isang araw bigla nalang nagbago si Ayen. Hindi na ito umuuwi sa bahay at hindi na pumapasik sa eskwelahan. Si Maixan naman ay nalulung sa kasintahan nito. Maging si Jerbiy, Barbie, Beking, at Badat ay naging abala sa kanilang pag-aaral. Unting-unti nang nasisira ang kanilang samahan. Lingid sa kaalaman nang lahat na nag-aaway pala si Ayen at Maixan. Nagkagulo ang dalawa at hindi alam nang apat kung sino sa kanila ang kakapihan. "Anu ba ba't bato nangyayari satin!!! Akala ko ba walang away-away? " tanong ni Barbie kay Jeboy. "Ewan ko nga din, kung bakit ito nangyayari kay Ayen at Maixan. Sila pa naman ang laging nagkakaintindihan",sagot ni Jerboy na batid pag-alala. "Alam mo kasalanan din siguro ni Maixan kaya sila nag-aaway", sabat ni Beking sa usapan. "Huwag ka ngang gumawa ng kwento Beking.. Hindi mo pa nga alam kung ano talaga ang nangyari", sagot ni Badat.
Lumipas ang mga araw at mas lumala pa ang away ni Ayen at Maixan, maging sa facebook nag-aaway parin ang dalawa. Sinubukan kausapin nang apat sina Ayen at Maixan ngunit isa ay ayaw makinig. " Pwedi pa naman siguro natin ayusin ito Maixan, kakausapin lang naman natin si Ayen eh",pang-aaya ni Barbie. "At bakit ko naman gagawin 'yon?, kasalanan ko ba na malaman sa iba na pumatol siya sa may asawa ? Ilang beses ko na ba siyang sinabihan na walang magandang maidudulot ang lalaking 'yon ayaw niyang makinig! Tapos pati tunay na asawa ay aawayin niya para makipaghiwalay sa kasintahan niya sa tingin niyo ba tama 'yon? " tanong ni Maixan". Alam ko namang hindi, pero kaibigan parin natin si Ayen, kailangan lang siyang pakinggan ", sahot naman ni Barbie. "Basta ayoko, hindi niyo ko mapipilit",pagmamatigas ni Maixan. "Pero Maixan hahayaan mo nalang ba na masira ang relasyong natin dahil sa mga isyung yan?, dagdag pa ni Barbie. "Basta ayoko!! Bahala na kayo",sagot ni Maixan sabay labas sa loob ng bahay.
Hindi na nagpigilan ni Maixan at Ayen ang galit sa isa't isa kaya ng nagkaharap sila sa pa-aralan ay nagkagulo ang dalawa. "Pumapangit talaga ang tanawin kapag nasa harapan mo ang traydor ano?", simula ni Ayen. "Traydor? Anong karapatan mong sabihan akong traydor bakit may ebidensya kaba na ako ang nagkalat sa baho mo?, sagot naman ni Maixan." Kailangan paba ng ebidensya? Eh.. Ikaw lang naman ang nakakaalam na kasintahan ko si Jerome. Alam mo nagsisi ako na naging kaibigan pa kita!",pahayag ni habang dinuduro si Maixan. "Kung nagsisi ka mas lalo naman ako. Hindi ko inakala na ganyan ka pala, pumapatol sa may mga asawa!! Ang sagwa mo Ayen, panu mo masisikmura na sumama sa lalaking may asawa at anak? Hindi kaba nandidiri sa sarili mo? Hindi mo manlang ba naisip na may pamilyang masisira dahil sa kalandian mo? Pok pok ka!! Malandi",mahabang lintaya ni Maixan. "Ako pok pok?", tanong ni Ayen sabay sampal kay Maixan. "Pok pok kana man talaga! Malandi, walang delikadesa ",sagot ni Maixan sabay sabunot Kay Ayen.
Halika
ni: Jenissa Orongan
Hindi ko maintindahan ang kaibigan ko sa kanyang nararamdaman, nanlamig ang kanyang buong kamay, habang naglalakad kami papunta sa isa naming kaibigan na si Nina. Dahil wala kaming masasakyan sa gabing iyon naglakad na lang kami dahil naiinis na si Ralph sa kakahintay ng aming masasakyan. Malapit na namin marating ang bahay ni Nina, may napansin si Ralph na kakaiba habang kami naglalakad.
Sabi niya, "May nakita ka?" Sabi ko wala naman, habang nanginig. "Bakit?" "Wala lang", habang patuloy sa paglalakad, doon na ako kinabahan. Noong narating na namin ang bahay ni Nina tumayo ang aming mga balahibo sa sobrang takot. Nataranta si Nina, "Oh! Anong nangyari?", sabi ni Nina at kami ay tulalang naka tingin sa kanya. Makaraan ng ilang minuto ikinuwento ni Ralph kay Nina at nakinig lang ako. Dumating ang oras na pinangako namin sa aming mga magulang, umuwi kami nga gabing iyon. Hinatid kami Nina sa kanyang sasakyan. Masaya kami nun dahil hindi na kami naglakad pauwi. Unang inihatid sa amin ay si Ralph sa kanilang bahay sunod naman ay ako, pagdating ko sa bahay natulog ako agad. Noong gabing iyon ay hindi pala nakatulog si Ralph sa kakaisip sa nangyari sa aming paglalakad kanina. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ganoong pangyayari. Napabangon siya sa kanyang pagkahiga ng may biglang kumatok, kinabahan siya dun, nagdalawang isip siya na buksan ang pintuan, binuksan niya ito nakita niya mama lang pala ang kumatok.
"Andiyan kana pala anak", sabi ng kanyang ina, oo ma kanina lang, sabay halik sa noo. Bigla siyang napaisip bakit ganon, dahil sa buong buhay niya hindi siya nakaranas ng ganoong pangyayari. Bakit daw nangyayari ito sa kanya. Kinaumagahan ay matagal siyang nagising kaya hindi na lamang siya pumasok sa klase. Pinuntahan ko siya sa bahay nila at doon niya sinabi sa akin ang kanyang nakikita at nararamdaman. May sumunod daw minsan sa kanya na isang multong babae. At hindi ko sinabi sa inyo baka matakot kayo sa paghatid sa akin kaya inilihim ko na lang yun. Noong araw na iyon sinabi niya sa kanyang mga magulang ang buong pangyayari. Kinabahan at natakot ang kanyang magulang para sa kanya. Makaraan ng ilang araw habang gumawa siya sa kanyang proyekto bigla itong lumitaw sa kanyang harapan mismo. Gulat na gulat, takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay sabay sabi sumama ka sa akin doon sa kaharian ng babae pinipilit niyang winawaksi ang kamay ng babae at bigla itong nawala nung dumating ang kanyang ina. Sinabi ng kanyang ina na ipapagamot siya sa isang albularyo o manggagamot pumayag naman si Ralph.
Hindi sila tumigil sa pagpapagamot kay Ralph dahil lumala na ang nangyari kay Ralph. Wala rin silang magawa kundi sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Ralph at huwag niya na itong gambalain pa. 'Di nagtagal dininig naman ng Diyos ang dasal ng kanyang buong pamilya. Hindi na ito muling nagpapakita sa kanya, namumuhay na ulit si Ralph at ang kanyang pamilya na masaya na wala ng kinakatakutan.
Pagising sa Totoong Mundo
ni: Pauline Faith P. Luz
“Oo nga! Para mabantayan ka rin namin anak, Ano? ”, ang pag-aaproba ni papa.
Ako pala ang bunsong anak sa limang makakapatid kaya ang turing nila sa akin ay dyamante. Mag lalabintatlong taong gulang na ako ngunit ako’y musmos pa para sa kanila, ibig sabihin ay hindi pa rin namumulat sa aking isipan kung ano ang tunay na mundo.
“Ma? Nabalitaan kong magulo iyong eskuwelahang papasukan ko. Ayoko doon! Ayoko!”, sinabi ko iyon ng pasigaw at galit na galit.
“Ayos lang yan, Isang takbo lang namin ay nandyan na kami at tsaka, kung sa syudad ka’y hindi ka pa sanay,”ang sabi ng aking ina.
“Asus! Delikado sa syudad! Lalo pa’t hindi ka pa nakakatawid, madala ka pa sa mga sasakyan,” pabiro na sabi ng aking kuya.
Hindi na nagbago ang kanilang desisyon. Agad na nila akong pina-enroll ng walang pag-aalinlangan. Sa bilis ng pagbangon ng araw, Hindi ko na namalayan na pasukan na pala. Akalain ba’y tutungtong na ako sa sekondarya? Ito na yata ang pag-bukas ng bagong pahina ng aking buhay. Maayos naman ang unang pasok ko sa paaralan, hanggang tumagal ito ng isang buwan at mas laong dumami ang aking mga kaibiagan.
“Oyy! Sali tayo sa club?”, sabi ng aking kaklase.
“Oh, sige ba!”, sabi ko naman ng walang pag-aalinlangan. Masaya ako’t makakakilala ako ng mga bagong kaibigan.
Dahil na rin sa pagsasali ko sa mga club ay may nakilala akong mga bagong kaibigan. Isa rito si Rochelle isang taon ang pagitan ng edad namin pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya.
“Dito ka na sumabay sa amin kumain,” lumapit si Rochelle at niyaya ako.
“Sige, ate!”, ang saya ko noon. Marami talagang gustong maging kaibigan ko. Pinakilala niya ako sa mga kasama niyang kaibigan sina Angelie, Karen , at Jackelyn.
Wala akong ibang nasa isip sa mga panahong iyon kundi kasiyahan. Palagi na akong sumasabay sa kanilang kumain. Palagi lang kaming nagtatawanan, nagkwekwentuhan, at nagkukulitan. Talagang wala akong tinago sa kanila, pinakita ko talaga kung ano at sino ako.
Lumipas ang ilang buwan hindi ko akalain na babaliktad ang aking ginagalawang mundo. Hapon iyon nang naglalakad ako patungo sa aming palikuran. Nakita ko ang mga grupo ng mga babae na nagtatawanan at may tinuturo. “Ako ba? Ako ba yung tinuturo nila? Bakit nila ako pinagtatawanan?”, sabi ko sa sarili. Iyon ay nasa isip ko habang naglalakad. “Hala! Sinundan pa ako nila ng tingin,” sa isip ko nanaman. Simula sa araw na iyon hanggang sa nagdaang araw ganoon pa rin ang aking nasasaksihan at narinig. Ngunit sa mga araw na iyon nanatili pa rin akong masiyahin. Lahat ng iyon ay niwalang bahala ko lang pero hindi pa rin mawala sa aking isipan kung bakit sila ganoon sa akin.
Wala na. Wala na. Wala ng lumalapit sa akin, wala ng kumakausap sa akin, wala na rin ang saya ng aking nadarama. Hindi ko man alam kung bakit ngunit alam ko na may nagbago. Dumadami ang panahon ko sa pagiging mag-aaral sa sekondarya, kasabay ng dami ng estudyanteng kumukutya sa akin.
“Hahahahaha! Baliw! Baliw!”, ang tawanan ng dalawang babae.
“Siya ba yan? Nakakahiya naman siya. Parang bata umasta,” ang sabi ng isang babae.
“Parang hindi Hayskul. Akalain mo? Umiiyak habang tumatawa? Krung-Krung!”, ang sinasabi ng katabi niya habang sila ay nagtatawan.
Akala ko sa telebisyon ko lang makikita ang pangyayari na iyon, Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko iyon. Ang masakit pa doon ay kilala ko sila. Ay, Hindi! Masakit iyon dahil hindi ko lang sila kilala, kaibigan ko sila. Kaibigan na kasabay kong kumain araw-araw, kausap at katuwaan mo pag walang pasok. Malaking tanong ko sa sarili. “Bakit nga ba?”
Matagal-tagal ko na ring tiniis ang mga panlalait nila sa akin. Wala akong mapagsabihan lalo na at takot ang nangingibabaw sa akin. Pumapasok pa rin ako sa paaralan kahit ganoon. Sa katunayan bumababa na rin ang mga grado ko, naapektuhan siguro pati utak ko. Alas singko iyon ng hapon, uwian na ng lahat ng estudyante sa paaralan. Naglakad ako mag-isa papauwi sa amin. Hanggang sa hindi ko inaasahan may sumigaw na mga babae at napalingon ako. Sa paglingon ko ay kita ko ang mga maraming estudyante sa isang pampasaherong bus. Silang lahat ay nagtatawanan at nakatingin sa akin habang sumisigaw sina Rochelle at Karen ng “Baliw! Baliw!”, habang naka turo sa akin ang kanilang mga kamay.
Nagdilim ang aking paningin, gumulo ang pag-iisip. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, nang sa hindi ko napansin tumulo na pala ang aking luha at hinayaang pumatak ang tubig sa aking mga mata. Tumakbo ako habang ang ulo ay nakatungo sa baba.
“Oh…? Bakit ka umiiyak bunso? Magsalita ka,”ang pataranta na tanong ni mama sa akin. Ikwinento ko ang lahat ng pangyayari sa pamilya ko. Puno ng galit ang nadama nilang lahat sa oras na iyon. Parang gusto na nilang sabunutan ang mga babaeng nambully sa akin. Nakikita ko sa mga mata nila ang panggigigil at dama ko rin ang galit sa tono ng kanilang salita. Hindi nila akalain na iyon ang kinahantungan ng kanilang pinagkaingatang anak kaya naintindihan ko rin sila.
“Bukas na bukas. Pupunta ako sa paaralan mo. Hindi dapat pinapaglagpas ang ganitong pangyayari!”, galit na galit na sabi ni mama habang umiiyak ako sa takot.
Kinabukasan ay pumunta na ang aking ina sa paaralan, hindi ako sumama dahil natatakot ako. Ang alam ko lang ipinapunta sa Guidance counselor sina Rochelle, Karen, Jackelyn. Sila ang ipinatawag dahil sila ang unang nagkalat sa buong campus na ako ay maysakit sa pag-iisip. Kaya pala halos lahat ng mga estudyante ay tinitingnan ako. Hindi ko alam kung sila ba ay nagsisi at hindi ko rin alam kung totoo ba ang kanilang paghihingi ng tawad sa akin. Basta, ang alam ko lang ay ayoko ng Makita ang mukha nila ulit.
“Ma ayoko na. Lilipat na ako ng paaralan ma,” ang sabi ko kay mama.
“Patawad anak. Nagkamali kami,” ang pagsabi ni mama na parang naghihinayang at nakokonsensya sa kanyang desisyon.
Taon na rin ang nagdaan ngunit malinaw pa rin sa aking isip at puso ang bangungot ng nakaraan. Hindi lahat kaibigan, hindi lahat pinagtitiwalaan at higit sa lahat hindi sa lahat ng oras kaligayahan. Tunay nga na magulo ang mundo. Siguro ngayon ay nagising na ako.
Maling Akala
ni: Jeziel Mae A. Caduyac
“Anak, wala tayong kakainin kung hindi ako magtratrabaho.” Sagot ng aking ina habang dala-dala ang maleta. Walong taon pa lang ako ng namasukan ang aking ina bilang katulong. Siya ang nagbabantay ng anak nina Alejandro at Rosalinda pero di ko alam kung ano ang kanilang apelyedo.
“Gina, ikaw na ang bahala ni Mae ha.. Wag mo sana siyang pabayaan.” Umiiyak na sabi ni Ina.
“Opo, ate ako na ang bahala sa kanya.”sagot naman ng tiyahin.
Tumakbo ako sa aking kwarta pagkatapos kong yakapin si Ina. Nang pagsapit ng aking ikasampung kaarawan inaabangan ko si Ina dahil uuwi siya. Dumating na ang alas otso ng gabi, kinakantahan ako nina Tita at iba ko pang mga pinsan. Nang matapos ko nang hinipan ang mga kandila sa ibabaw ng cake pero may mali eh, bakas sa kanilang mukha ang lungkot. Nakita ko pa si Tita Gina na pinigilan niyang tumulo ang kanyang luha.
“Tita, ba’t ka umiiyak?.’’ Tanong ko sa kanya.
"Wala anak, masasagot lang ang iyong tanongkapag nabasa mo na ang sulat ng Ina mo.”sambit niya habang inaabot ang sulat sa akin.
“Hindi na po siya darating??.” Sabi ko.
Hindi na nagsalita ang aking tiyahin kaya binuksan ko nalang ang sulat.
Mahal kong Mae,
Bukas na ang iyong kaarawan kaya babati na ko na maligayang kaarawan sa iyo. Anak, alam kong masakit sa kalooban mo dahil wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ako. Natutuwa ako na inaalagaan ka nang maayos ng kapatid ko kaya magpakabait ka pa lalo. Huwag mo bigyan ng sakit sa ulo ang tiyahin mo. Anak, patawad baka hindi na ako makakadating sa kaarawan mo. May tumangkang patayin ako. Diba kilala mo si Rosalinda? Siya ang gusting pumatay sa akin, nagseselos siya sa akin dahil ang kanyang kaisa-isang anak eh, napalapit na angloob sa akin. Pilit ko mang ipatindi sa kanyang anak, pero hindi ehh.. ayaw parin niya sa kanyang Mommy dahil palagi siyang wala sa bahay ni minsan raw ay napabayaan siya ng kanyang Mommy dahil busy sila sa kanilang kompanya, kaya galit nag alit si Maam Rosalinda sa akin. Pipilitin ko ang lumaban anak para mabuhay ako pero baka sakaling papatayin niya ako ay hindi na ako makapag-paalam sa iyo. Patawad anak ko, mahal na mahal kita.
-Nagmamahal,
Ina
“Ina!!!!!!!!!!!.’’
Nagising ako na hingal na hingal, napaginipan ko si Mama ang mga pangyayaring hindi ko malimot-limot hanngang ngayon. Ako pala si Mae Aldepolla, dalawampu’t apat na taong gulang. Wala na ang mga magulang ko kaya nagsisilbing nanay ko nalang ngayon kaya nagbihis na ako.
“Mae, saan ka pupunta.”ani ng aking tiyahin.
“Nay,dadalawin ko muna ang puntod ni Ina.”sagot ko naman sa kanya.
“Sige anak mag-ingat ka,” sabi niya sa akin habang lumapit siya sa akin at hinalikan ako.
“Opo Nay,kayo rin.’’sabi ko habang tumatakbo papalayo.
“Uuwi ka nang maaga amamaya ha.’’pahabolna sabi ni tita.
Nasa puntod naako ngayon kaya sinindihan ko ang mga dala kong kandila at inayos ang mga bulaklak kong dala.
“Inay, kamusta ka na dito? Miss na miss nan a kita. Nga pala ma inaalagaan ako nang husto ni tita at nakapag-asawa na si tita. Seaman pala ang asawa niya pero hanngang ngayon wala pa silang anak.”
Maya-maya naisipan ko nang umuwi ng maaga dahil may trabaho pa ako bukas. Kasalukuyang nagtratrabaho ako sa isang bangko ngayon bilang accountant. Nakapagtapos ako ng accounting noong nas kolehiyo pa ako.
Kinaumagahan, gumising ako ng maaga at nagluto ng agahan. Pumasok na ako sa aking trabaho, nakita ko ang mga katrabaho ko.
“Magandang Umag Mae.” Bungad nila nito sa akin.
“Magandang umaga rin sa inyo.”tugon ko naman habang umupo sa upuan.
May dumating na magdedeposito, madalas ko siyang nakikita ditto halos araw-araw. Kapag tumitingin siya sa akin parang may pagnanasa. Okay naman siya matangkad, makinis ang balat at ito’y mayaman. Nang pagkatapos niyang magdeposito, palagi siyang nagmamadaling umalis. Tinawag ako ng isa ko pang katrabaho.
“Hoy Mae! Parang may iba sa kanya.”
“Bakit naman?.”
“Madalas kong mahuli siya na palaging nakatingin sayo.”
“Hahaha! Natural lang yan kasi may mata siya.”sagot ko sa kanya na may biro.
“Hindi eh! Parang may spark.”usisa naman niya.
“Bahala ka diyan! Magtrabaho ka na ng.”
Patapos na and araw kaya umuwi na ako. Pagdating ko ng bahay, tinabihan ako nang ulam ng tiyahin ko. Dalawa lang kami sa bahay kaya dapat maaga talaga ako umuwi galing trabaho para may kasama si tita. Nang matapos akong kumain pumunta na ako sa aking kwarto at natulog.
“Tring!tring!tring!.”
Pinatay ko na lang yung lalaki. Nang dumating ako sa opisina, nandito na pala silang lahat.
“Mae, may naghahanap sayo,”
“Sino?”
“Yung madalas na nagdedeposito rito.”sabi ng katrabaho ko na si Alfredo.
“Eh? Bakit?.”
“Aba, malay ko.” Pahabol ni Alfredo.
Pinuntahan ko nalang yung lalaki. Nnag pagkiat ko palang sa kanya kinikilig na talaga ako. Nang magkasalubong an gaming mata tinanong niya ako kung may free time ba ako pagkatapos ng trabaho ngayon. Kaya sinbi ko sa kanya na wala, diko alam kong bakit gumagaan yung pakikitungo ko sa kanya hindi parehas sa mga ibang lalaki. Nga pala ang pangalan niya ay si Patrick Alcantara.
5:00 pm, nakita ko na si Patrick sa labas ng bangko dinal ako sa mamahaling restaurant kaya nahiya akong pumili ng makakain dahil mahal talaga ito. Nag matapos kaming mag-order nagkwekwentohan kami at doon ko nalaman na magkaparehas kami ng gusto.
Lumipas and dalawang buwan, di ko akalain na nahulog na yata ako sa kanya. Sa loob ng dalawang buwan nakilala ko ang kanyang pamilya at sila ay mababait. Sa dalawang buwan ay nangligaw si Patrick sa akin kaya ngayon ay balak ko na siyang sagutin. Si Patrick yung tipong mabait, gentleman, matalino, hindi maarte at mayaman. Sa tuwing nagdadate kami ay palagi siyang nagbibigay ng bulaklak sa akin. Yung tiyahin ko naman ay botong-boto sa kanya. Nang paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Patrick at sumakay na ako sa kanyang sasakyan. Di ko alam kung saan niya ako dadalhin pero yung kalsadang dindaanan naming ay kabisadong-kabisado ko ito. Hindi siya kumikibo sa akin habang nagmamaneho siya. Hindi talaga ako nagkakamali dahil pumunta kami sa isang sementeryo at kung saan nakahimlay ang aking Ina. Napaisip nalang ako na habang nandirito na kami, ipakilala ko na si Patrick ni Ina.
Bumaba kami sa sasakyan, sinabi niya sa akin na bibisitahan naming yung nanay-nanayan niya at ipakilala niya daw ako. Nang naglakad na kaming dalawa ay natanaw ko na ang puntod ni Ina. Kaya kapag ang puntod ni Ina ang una naming madaanan, hihinto ako at ipakilala ko si Patrick sa aking Ina. Nang nasa mismong puntod na akmi ni Ina ay bigla siyang huminto at binigyan nito ng bulaklak kaya bigla siyang umimik.
“Nanay Emilda, ipinakilala ko po sa inyo si Mae Aldepolla siya nga pala yung girlfriend ko.”
“Patrick siya ba talaga ang nanay-nanayan mo?.”nagtataka kong sabi.
“Oo, bakit?.” Sabi ni Patrick habang nakakunot ang noo.
“Ina ko yan… eh!!.” Sabi ko.
“Paanong nangyari, Aldepolla ang apelyedo mo at ang apelyedo ng nanay ko ay Virtudazo.”
“Simula na namatay si Ina, kinupkop ako ng aking tiyahin at nung nag-asawa siya ay pinalitan niya yung apelyedo ko.”
“Ang liit talaga ng mundo akalain mo, Ina mo ang yaya ko noon.”sabi ni Patrick.
Nang narinig ko yun, bigla akong naguluhan nang nalaman ko na yaya ni Patrick si Mama bigla nalang kumulo ang aking dugo.
“Patrick, diba yaya mo siya? So yung Mommy mo ang pumatay ng nanay ko.”
“Huh? Hindi kita maitindihan?.”usisa niya
“Kaya pala pamilyar ang nanay at tatay mo dahil sila naman pala ang mga amo ni nanay noon sina Alejandro at Rosalinda, ikaw yung nag nag-iisang anak nila dahil sayo namatay ang aking ina.”
Tumakbo ako at iniwan si Patrick sa sementeryo. Umuwi ako sa bahay at sinabihan ko si tat lahat-lahat kaya hindi lubos makapaniwala si titan a sila pala yun. Palaging tumatawag si Patrick sa akin pero hindi ko siya sinasagot sa mga tawag. Pinuntahan ko ang bahay nila at nakasalubong ko ang mismong mommy ni Patrick.
“Tita, ba’t niyo po ito ginagawa? Pinilit koi tong kalimutan, pero hindi eh!! Pinagtagpo parin tayo ng tadhana!!.” Pasigaw kong sabi.
“Bakit? Iha? Anong nangyari??.”
“Diba ikaw ang pumatay sa aking ina na si Emilda Virtudazo.” Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha.
“Akala ko naman mabait kayo, pero hindi! Ang galing mo talagang magtago.”
Biglang dumating si Patrick at inawat ako.
“Isa ka pa! ayoko na sa iyo.”sabi k okay Patrick.
Hindi ko akalain na dumating ang aking Tita, kaya tinawag niya ako.
“Mae, Tama na! uuwi na tayo.” Ani ng tiyahin ko.
“Ayoko! Dapat siyang makulong, pinatay niya si nanay ehhh!!.”sagot ko ni tita.
“Gina, di ko akalain na magkikita pa tayo.”usisa ni Rosalinada.
Nabigla ako sa sa sinabi ni titan a hindi pala patay ang aking Ina. Lumayas si Mama kasama ang kapatid ni Rosalinda at nag-asawa ulit. Yung sulat na inabot ni Mama sa akin ay puro kasinungalingan. Ikwenento lahat ni tita sa akin. Nasalabas na ng bansa si Inaat kinalimutan na niya ako. Itinago ni tita ang lahat para di ako masaktan. Di ko na kinaya ang lahat ang katotohanan, napatakbo ako akong luhaan ang mga mata at hinabol ako ni Patrick.
“Beep,beep,beep.”
“Mae, okay ka lang?.” sabi ni Patrick.
Napahiga nalang ako at nakita kong duguan ang aking damit.
“Patrick, patawad di ko sinasadya sana mapatawad mo ako at ng mommy mo.”
“Mae,mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita Patrick.”
Tanging nadinig ko lang ang iyak ni Patrick, ang mga ingay ng mga sasakyan at bigla nalang ito nawala.
Wala na Siya
ni: Rasheed Wallace Suello
“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.
Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.
Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?
Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si Donna. Napasandal siya sa pader at walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.
“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi ipinaalam sa akin?”
Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang puso.
Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.
Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng umagang iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y magdiretso na sa ospital. Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga naipon? Sino na ang paglalaanan niya nito?
Alam ni Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na kailan lang ay halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging kalbaryo ang kanyang bawat araw. Magiging madilim ang kanyang gabi at pati na ang umagang darating. Matagal bago muling mabuo ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan.
sisilay muli ang napingasan niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.
Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Donna at halos hindi na nila na naging paksa ang kanyang karamdaman dahil tuluyan nang bumaba ang platelets ng nobya, senyales na pawala na ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa kinakasama. Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Donna sa trabaho bilang manager ng Logistics Department sa kompanyang pinapasukan nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph sakaling may dumating na magandang oportunidad.
Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna! Wala na ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan kahit sabihin pang bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng dengue victim.
“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo, nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata, sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang nurse ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin nito, bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo.
“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya, si Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya raw pong i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.
Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Anniversary nila kahapon.
Ang Buhay
ni: Sheila Mae Penaso
Iika-ikang naglalakad pauwi si Marko, nakita niya ang kaniyang bunsong kapatid na si Nelie sa labas ng kanilang bahay. “oh bunso anong gingawa mo dito sa labas? Nasaan si nanay?” tanong ni Marko. “Nag-aaway na naman po kasi sila ni tatay”, sagot ni Nelia. “Teka diyan ka muna bunso” tugon ni Marko. “Ah kuya, meron kabang dalang pagkain? Nagugutom na kasi ako, hindi kami nakapg tanghalian eh” malungkot na sabi ni Nelie. Nangingilid ang luha ni Marko sa kaniyang narinig. “Heto bunso oh”, sabay abot sa tinapay at saka pumasok na sa loob ng bahay. “Diba sabi ko naman sa iyo na iwan mo na kami! Hindi ka namin kailangan, bumalik ka na sa unang asawa mo!” sigaw ng kanyang tatay. “Ano kaba Diego, huwag ka ngang sumigaw, maririnig ka ng mga bata” malumanay na sagot ni Helda sa tatay ni Marko. Sinamahan ni Marko ang kaniyang nanay papunta sa sasakyan ng dyip upang magdispatser. Singkwenta pesos lang ang kanilang naiuwi at tanging tuyo lang ang nabili nila. Pagdating nila sa bahay ay agad na naghain si Marko. Tahimik lang silang kumakain kasam ang kanyang anim na magkakapatid.
Kinabukasan ay mayroong laro sa kanilang paaralan na basketbol. Isa siya sa pinakamagaling ngunit natalo pa rin sila kasi hindi siya nakapaglaro ng maayos ng dahil sa kaniyang paa. “Ano ba kasing nangyari sa paa mo Marko?! Tingnan mo, natalo tayo! Napahiya tayo, nakakainis!”, galit na sabi ng kanilang coach tumango na lang siya at hindi sumagot kasi alam niyang kasalanan niya din ito. Nagsialisan na ang mga manlalaro kaya dahan-dahan naman siyang naglakad pauwi sa kanila. Naabutan niya ang kaniyang nanay na nagwawalis sa labas ng bahay “nay!”, salubong niya sa kanyang ina at saka nag-mano. Hindi siya kinibo ng kanyang ina at tiningnan lamang siya nito mula ulo hanggang paa, kinabahan siya kaagad baka mahalata ang kaniyang paa “Bakit po nay?”, Tanong niya sa kaniyang nanay. “Tumalikod ka” utos ng kaniyang ina at saka dahan-dahan siyang tumalikod. Napakalapit siya ng mahigpit sa strap ng kanyang bag, mabilis ang tibok ng kaniyang puso nang biglang *PAAAAK* “Arrrrrrraaayyy!!”, napasigaw si Marko sa sakit. Nararamdaman niya ang pamumuo ng butil ng luha sa magkabilang gilid ng kaniyang mata. Unti-unti niyang hinabol ang kaniyang paghinga at maluha-luhang tumingin sa kaniyang nanay. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng kaniyang nanay “bakit niyo po ginawa yon?” kabadong tanong ni Marko. Sobrang sakit ng epekto ng epekto ng palo ng kanyang nanay dahil namamaga at pasa pa rin ang parte yon ng kaniyang katawan. “Hindi ba’t ikaw ang dapt kong tanungin niyan?” galit ng tanong ng kanyang nanay. “Gaano kahirap sa iyo ang mag-aral ng mabuti? Bakit kailangan mo pang manloko ng ganyan! Alam mo namang ikaw lang inaasahan namin! At kailan kapa natutong bumarkada?” galit na galit na ang nanay ni Marko. Iniwas niya ang kanyang paningin dito at dahan-dahang umupo sa lupa. “Hindi kailan man pumasok sa isip kong makukuha mo pang sumali sali sa frat frat! Dahil kahit usong-uso yan, akala ko’y hindi mo magagawang sumali sa ganyan! Bigyan mo nga ako ng dahilan kung bakit sa sumali as fraternity?!” taas tonong tanong ng kanyang nanay. “Gusto ko lang pong magkapera” sagot niya. Hindi nalang siya sinagot ng kanyang ina dahil pumasok na ito sa bahay nila. Sumasama si Marko kung may pinapabugbog ang kanilang lider at binabayaran naman sila. Hanggang sa isang gabi ay inabangan si Marko ng kaniyang mga kasamahan at saka siya pinagbugbog, dahil hindi na siya nagpapakkita sa mga ito. Swerte naman at may dumaan na mga pulis kaya nahuli ang kanyang mga kasamahan at dinala naman siya sa hospital. “Tingnan mo na ang pinasok mo, bakit ba kasi ginawa mo yon? Masaya naman tayo kahit hirap na hirap na tayo sa ating buhay ha? Kahit hindi ang totoo mong nanay ay hindi naman kita pinapabayaan ha?” sabi ng kaniyang nanay habang umiiyak. “Pasensya na po nay, hindi ko na po kasi kayang makita ang mga kapatid kong umiiyak dahil nagugutom, pasensya na po nay” sabi ni Marko, “Wag mo na uulitin 'yon. Kaya nating labanan ang pagsubok ng subok, kakayanin natin”, sabi ng kaniyang nanay habang pilit na ngumingiti.
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana
ni: Joan Lopena
"Kaya ko ito, nakaya niya nga eh!", ganyang mga kataga na lamang ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko kapag naalala kita, napakasakit isipin na ngayon masaya ka na sa piling ng iba, oh aking mahal, gabi-gabi kitang inaalala, mga matatamis na alaala natin noong ikaw ay nasa aking piling pa.
Mayo 29,2017,ang unang araw na ibinigay ka ng langit para sa akin. Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula noon. "Bes, feeling ko may gusto sayo si Carlo eh", sambit ni Claris. "Paano mo masasabi hoy? Eh ang tahimik ng lalaking yon?", sagot ko habang nagbibilang ng barya. "Ah basta! Alam mo 'yon diba, tayong mga babae ay malakas ang pandama", pangungulit na sagot ng aking matalik na kaibigan. Hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin dahil alam kong kapos na kami sa oras at dapat matapos na akong magbilang ng pera. Alas sais 'y medya na ng matapos akong magbilang ng pera, naligo ako ng mabilis at kumain na rin, nagsuot ako ng leggings at putting t-shirt. Pagdating sa kapilya ay naging maingay na kaagad dahil na rin siguro puro matatanda ang naroon at kami lamang ang mga bata. "Thea, okay na ba 'yong sa inyo?", tanong ko ni Ate Miya. "Opo ate, okay na,yong aming ipipresent nalang yong kulang", pagod kong sagot, habang naghihintay ng nakaramdam ako ng antok pero nabigla ako ng may biglang tumulak sa akin mula sa likod at iyon na nga dumating na si Carlo kasama ang kanyang kapatid na si Mary, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mala-anghel na mukha ni Carlo, ang lapad ng kaniyang mga ngiti sa akin. "Okay ka lang taba?", tanong ni Carlo na nagpapukaw sa atensyon ko. "Ah, eh oo kinakabahan lang ng konti, alam mo naman ayoko ng ganitong usapan tungkol sa pera", matamlay kong sagot pero parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Matagal ko ng gusto talaga si Carlo kaso kilala siya sa lugar namin na tahimik at magalang na binata kahit na ito'y mukhang masungit, hindi ko ba alam at parang sinusubukan ako para kasi sa akin, napaka misteryosong tao ni Caloy, bihira ko nga lang marinig magsalit yong lalaking yon. Hanggang sa lumipas ang panahon ay mas lalo pa kaming mas naging malapit dahil na rin sa halos araw-araw kaming magkasama ay palagi rin kaming tinutukso kaya palagi kaming iniiwan ng aming barkada. Sa pagdaan ng panahon ay unti-unti na akong nagiging komportable kasama si Caloy. Palagi ko na siyang hinahanap sa tuwing nagkakasiyahan ang barkada. Hindi mahirap mahalin si Caloy kaya naman agad nahulog ang aking loob sa kanya dahil na rin gusto ko siya. Hindi ko alam kung anong tawag sa amin noon sa relasyon namin, nag-aminan naman kami sa mga nararamdaman namin pero hindi kami higit pa sa kaibigan ang turingan namin pero wala kaming label, sa unang dalawang buwan ay hindi naging maganda ang ing relasyon dahil na rin siguro hindi pa namin kilala ang isa't-isa ng lubusan, may mga pagkakataon na nagseselos ako at hindi ko iyon masabi sa kaniya dahil ayaw ko namang isipin niya na praning ako at sinasakal ko siya. Mahal ko siya, oo mahal ko siya kaya gusto ko masaya siya.
Katulad ng ibang relasyon, away bati rin kami ni Carlo hanggang sa dumating na ang puntong napagod na akong intindihin siya. Noong gabing iyon, inaantay ko lang na mag-away kami dahil kapag nag-away kami ayon na ang senyales na hindi kami para sa isa't-isa. Noong mga sandaling wala na akong masabi ay inunahan niya ako sa pagsasalita, Thea, pwede na ba kitang ligawan?", nahihiyang tanong ni Carlo, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan, nag-uumapaw ang saya sa puso ko at walang pag-aatubili na sabihing oo, mahal ko siya at mahal niya ako.
Buwan na ang lumipas marami ng mga kaganapang nangyari sa aming mga buhay, tumagal kami at mas lalo kong nakilala kung sino talaga si Carlo.Maraming naging pagkukulang si Carlo sa akin lalong lalo na sa oras. Sa mga pagsubok na dumaan doon ko naisip na sa bawat oras ay pwede magbago ang lahat. Hindi ko maintindihan sa paglipas ng panahon lalo kaming tumatatag sa mga dumarating na pagsubok at nagiging komportable pero tila ba may malaking distansyaa aming dalawa. Legal na kami sa aming mga pamilya, perpekto na ang lahat kung iisipin.
Isang gabi, hindi ko na talaga kaya ang distansyang naglalayo sa aming dalawa at sinabi ko na sa kanya ang totoo. "Ahmm, Carlo napansin ko lang sa siyam na buwan natin bakit parang ang ilang mo sa akin?", matapang kong tanong kay Carlo. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba siya sa sinabi ko, hindi siya kumibo at umalis nalang siya bigla. Hindi siya nagpaparamdam sa akin noong gabing iyon. Buong gabi ako nag-iisip kung bakit ganyan siya, hindi man lang nagparamdam. Kinaumagahan, pag-gising ko ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Carlo na nagpapaliwanag sa kanyang sarili. Naging okay naman kami dahil nga mahal ko siya, pinatawad ko na agad.
Kinagabihan ay isang masakit na pangyayari ang sumira sa gabi ko, kaya pala okay lang siguro sayo na nag-aaway tayo, kaya pala natitiis mo ko sa tuwing nagtatampo ako. May iba ka na pala, ang taong pinakamamahal ko. Noong gabing iyon isang salita lamang ang kaya kong bigkasin, "Ang sakit, sobrang sakit!".
"Kaya ko ito, nakaya niya nga eh", ng bulong ko sa sarili ko habang nakahiga ako tuwing gabi. Paalam na Carlo, alam kong masaya ka na sa piling ng iba. Masakit man makita na masaya ka na sa piling ng iba pero mas masakit isipin na dati ako ang nagpapasaya sayo at yung niloko mo ako at pinaniwala mo kong mahal mo ako. Mahal kita Carlo pero pagod na ako.
"Kinalimutan ng Pag-asa"
ni: Khrystal Colen Trangia
‘Oh eto, timba timba na yan. Wag niyong kalimutan ang pinag-usapan natin ha?’, sabay abot ng pera kay Anoy ng lalaking nakatakip ang bibig ng telang itim. Hindi malaman ni Anoy kung para saan ang pagtatakip ng telang iyon sa kanilang bibig. Marahil sa isip niya, ginagamit nila ito para takpan ang kanilang pagkakakilanlan. Siguro’y upang hindi sila makilala at para narin sa kaligtasan. Sa larangang ito, talo ang nagpapauto.
‘Bahala na.’, sambit ni Anoy sa kanyang isipan. Ang mahala mayroon na siyang maiuuwi sa mga gutom na sikmura ng mga batang naghihintay sa kanya. Bahala na kung ano ang kahihinatnan niya sa susunod na mangyayari. Alam niyang walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya sa gulong pinasok niya. Sa isip niya, kailangan niya itong gawin para sa mga batang pinangakuan niya ng tulong. Umalis na yung lalaki kahit hindi ito nakatanggap ng pagsang-ayon galing kay Anoy. Sa isip niya siguroy wala ng magagawa si Anoy dahil yun na ang napas-usapan nila. Walang magagawa si Anoy kundi tumupas sa usapan. Dahil kung hindi, marahil kabaong o kulungan ang kahahantungan niya. Napapikit si Anoy, marahil sa pagod at halo-halong emosyon. Maya maya’y umalis narin ito sa liblib na lugar na hindi naaabutan ng liwanag kaya madilim. Sinugurado muna ni Anoy na walang nagmamanman sa kanya bago umalis. Lingid sa kanyang kaalaman ang dalawang mata na kanina lang pala nakamasid sa kanya.
‘Nandito na si Kuya Anoy!’, sigaw ng batang si Renzo ng makita si Anoy na may dalang supot. Nagsitakbuhan naman ang limang bata sa dako ni Anoy at sinalubong ito ng matamis na ngiti.
‘Oh ano? Kamusta?’, ngiting bati ni Anoy sa mga bata.
‘Okay lang po kami Kuya, medyo nagugutom narin.’, nahihiyang sambit ni Renzo. Siya ang mas nakakatanda sa limang bata na inalagaan ni Anoy.
‘Syempre alam ko yun! Kaya nga may dala akong Jollibee dito oh!’, sabay abot ni Anoy ng dala niyang supot na galing pala sa Jollibee. Kinuha naman ito ng mga bata na may halong galak at saya dahil saw akas ay makakatikim na sila ng masarap na pagkain,. Dali-dali nila itong binuksan at pinagsaluhan. Nakangiti na lamang si Anoy habang pinagmamasdan sila. Kahit hindi niya ka ano-ano ang mga bata, alam niyang kaya niyang gawin lahat para mabuhay sila. Malapit ang loob ni Anoy sa mga batang ito dahil nakikita niya ang sarili sa mga batang ito. Bukod sa palaboy-laboy din siya sa kalsada noon, katulad ng mga batang ito ay kumakayod din siya para mabuhay. Halos lahat nan g hanap-buhay ay nasubukan na ni Anoy ngunit di siya pinapalad para magtagal. Kadalasan sa mga pinapasukan niya ay kinukutya siya sa kanyang kamangmangan. Kaya napilitan siyang kumapit sa patalim para may pangtustos sa araw-araw nilang gastusin. Sa kabila ng talamak na pagpapatay sa mga nagbebenta ng pinagbabawal na droga,hindi niya ito binitawan. Kahit di siya gumagamit, alam ni Anoy na maaring malagay sa panganoib ang buhay niya, pati narin ang buhay ng mga batang inaalagaan niya. Lalo na sa malaking transakyon na gagawin nila bukas. May palitang mangyayari bukas at alam ni Anoy na ikakapahamak niya ito. Lalo na’t mas mapanganib pa doon ang pinasok niya. Kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang isakripisyo ito, para sa kinabukasan ng mga batang inaruga niya at para makalabas sa impyernong matagal niya ng gusting takasan. Alam niyang nasa kulungan o kabaong ang kahihinatnan niya pero sa isip niya, ‘Bahala na ang Diyos, kung totoo man siya.’
Kaumagahan, umalis ng maaga si Anoy. Nag-iwan siya ng isang daan sa lamesa para sa pagkain ng mga batang naiwan sa bahay nila na isang bagyo lang ay guguho na. Matapos niyang daanan ang lugar na noon ay kinatatakutan niya bilang lumalabag sa batas, pumunta siya sa lugar kung saan kadalasan nagkikita ang mga parokyano at nagtutulak.
Nang makapasok si Anoy sa isang tagong silid. Binati siya ng isa niyang kasama na yaring tumitira pa ng pinagbabawal na droga. Niyaya pa siya nito ngunit umayaw siya. Napatuloy siya sa pagpasok hanggang makarating sa isa pang silid kung saan naglalagi ang tyinatawag nilang ‘drug lord’.
‘Boss, ito po yung nakarga ko kagabi. Pinalahanan niya po tayo sa gagaweing gtransaksyon mamayang gabi. Ano boss? Tuloy ba yun?’, tanong ni Anoy na parang kaswal lang na kausapang Boss nila, sabay lapag ng pera sa lamesang may mga droga pang nakalatag.
‘Syempre tuloy yun Anoy! At kailangan andun ka, alam mo naman ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa mga ganitong transaksyon.’, sabay halakhak ng Boss nila na kitang kita ang mga dyamanteng nakasabit sa katawan nito na puno ng tattoo.
Alas dose na ng madaling araw ng dumating ang isang itim na van ss lugar na pinagkasunduan nilang magkita. Pinagpapawisan na si Anoy sa kaba at takot dahil sa posibleng mangyari. Ito ang pikamalaking transakyon na gagawin nila at sa isip niya, ito na rin ang huli.
‘Mga boss, hindi ‘ata uso sa inyo ang pagdating sa napag-usapang oras. Mahigisambit t isang oras kaming naghihintay dito. Mabuti nalang at nakaabot kayo, aatras na dapat kami sa transakyon ngayon.’, unang bati ng Boss nila Anoy sa mga dumating na lalaking may takip ang bibig ng telang itim. Katulad ng nakausap ni Anoy noong nakaraang gabi. Naglabas bigla ng baril ang mga lalaking ito na ikinabigla ng Boss ni Anoy ng mga kasamahan nila.
‘Teka! Teka! Ano ang ibig sabihin nito?’, nakataas na kamay na sabi ng Boss ni Anoy. Naalarma ang mga kasamahan ni Anoy na bahadyang napaatras. Kinabahan na si Anoy. Napatingin siya sa dako nga lugar kung saan hindi inaabutan ng liwanag ng poste, kung saan nakatago ang mga taong kanina lang din nakamasid sa kanila. Tumutulo na ang pawis sa noon Anoy at sobrang lamig nito. ‘Kailangan kong magtiwala.’, sambit ni Anoy sa sarili.
Biglang nagsalita ang isang lalaking makakatransaksyon dapat nina Anoy.
‘Tumutupad kami sa usapan. Tumutupad kami sa kung ano ang napagkasunduan. Ang ayaw namin sa lahat ang mga traidor!’, galit na sambit ng lalaki sabay turo ng baril kina Anoy. Halos lumuwa na ang puso ni Anoy sa lakas ng kabig nito. Panagamba at takot ang nag uumpaw na emosyon kay Anoy sa kasalukuyan. Parang alam niya na kung ano ang kahihinatnan ng usapang ito at alam niyang hindi maganda ang mangyayari.
‘Teka lang! Anong pinagsasabi niyo?’, pagtatakang tanong ng Boss ni Anoy.
‘Bang!’ walang isang segundo ng makita ni Anoy ang nakahandusay na katawan ng Boss nila. Labis ang gulat ng kasamahan ni Anoy. Parang tumigil ang kanyang mundo. Biglang lumabas ang mga taong nakatago sa madilim na dako ng lugar. Mga pulis!
‘Itaas ang kamay! Mga pulis kami!’, sigaw ng isang pulis ngunit pumalag ang mga lalaking makakatransakyon dapat nina Anoy. Mabilis ang pangyayari, nakita na lamang ni Anoy ang pagpapalit ng bala ng dalawang panig, habang nagsitakbuhan ang mga kasaman ni Anoy. Palinga linga lamang si Anoy na parang hindi alam ang gagawin. Takbo. Kailnagn niyang tumakbo. Biglang sumagi sa isip ni Anoy na kailangan niyang kumilos para makatakas at mabuhay. Ngunit huli na ang lahat ng naramdaman niya ang pagbaon ng bala sa kanyang dibdib. Hindi maari. Walang isang segundo ng maramdamn ni Anoy ang paglapat ng kanyang likod sa lamig ng semento. Masakit. Masaki tang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Mamamatay na ba siya? Unti-unting nakikita ni Anoy ang mga ngiti ng mga batang tinuring niya ng kapatid, kasama na doon ang pait dahil alam niyang hindi niya na makikita pang muli ang mga ngiting iyon. Paano na ang pinangarap niyang bagong buhay? Paano na ang mga batang naghihintay sa kanya? Paano na ang pangarap niyang pagtakas sa impyernong kinagagalawan niya. Hanggang sa unti-unting dumilim ang pangin ni Anoy at wala na siyang nakita. Sobrang dili. Madilim.
"Bagong Simula"
ni: Jessa Mae Vilano
“Ano na? Ano ang plano mo?”, malumanay na sabi ni Jane sa kanyang kasintahan na si Eric.
“Hindi ko alam, kaylangan ko rin itong pagkakataon na ito.”, sagot ni Eric nang nag-iisip.
“Alam ko naman na gusto mo eh.”, sabi ni Jane sabay lumungkot ang mukha.
“Sayang din kasi eh, alam mo na. Magbabakasakali nalang ako.”, paniguradong tugon ni Eric.
“Okay lang naman sakin eh.”, sabi ni Jane.
“Mabuti kung ganun, bukas makalawa aalis na ako.”, malungkot na sabi ni Eric.
“Mag-ingat ka nalang doon. Siguro makakasunod din ako.”, ngingiti-ngiting tugon ni Jane kay Eric habang nag-aayos ng mga gamit.
Matagal na niyang kasintahan si Eric. May trabaho naman silang dalawa dito sa probinsya pero konti lang ang sweldo. Nagkataon namang itong si Eric ay mayroong kaibigan at inalok siya na magtrabaho sa ibang bansa sapagkat doon ay mas malaki ang sweldo.
“Mag-ingat ka doon ha, mahal kita.”, maiyak-iyak na sabi ni Jane habang yakap si Eric.
“Oo naman, ikaw din mag-ingat ka. Mahal din kita.”, tugon ni Eric habang bitbit ang kanyang bag papunta sa loob.
Kumaway na si Jane kay Eric para sa isang paalam. Nakatyo parin siya doon at pinagmasdan si Eric hanggang sa ito’y mawala na sa kanyang paningin. Malungkot na naman siya, hindi niya mawari ang kalungkutan. Pero masaya naman siya sa kasintahan at makakakita rin ito ng magandang trabaho doon. Habang siya maiiwan lamang sa probinsya. Nangako siya na susunod siya doon at pagsisikapan niyang makapunta rin doon.
“Oh anak umalis na ba si Eric?”, tanong ng tatay ni Jane sa kanya ng dumating ito.
“Opo tay”, sagot ni Jane.
“Magiging maayos din siya dun’ huwag kang mag-alala.”, sabi ng Nanay niya sabay tapik sa kanyang balikat.
“Sana nga”, tugon na lamang ni Jane.
Ilang buwan ang nakalipas at si Eric mayroon nmg magandang trabaho. Hindi pa rin naman niya nakakalimutan magpadala sa kanyang pamilya at sumulat sa kanila at kay Jane. Kakaiba ang pamumuhay sa ibang bansa. Pinipilit na rin niyang makisabay at magtrabaho nang maayos.
“Jane, tingnan mo ito.”, patakbong sabi ni Emma kay Jane.
Si Emma ay ang matalik na kaibigan ni Jane.
“Ano ba to?”, sabi ni Jane na magkasalubong ang mga kilay.
“Tingnan mo kasi nang mabuti, gusto kasi ni Titan a magtrabaho ako sa doon sa ibang bansa. Tapos gusto niyans isama din kita.”, masayang sabi ni Emma kay Jane.
Nag-usap si Jane at ang kanyang mga magulang at pumayag naman sila. Kaya, nagpunta si Jane ng Hong Kong kasama si Emma. Masaya siya sapagkat nasa Hong Kong din kasi si Eric at malaki ang pag-asa na magkita at magkasama silang dalawa. Kaya nang dumating siya doon, nagkita talaga sila at simula noon magkasama silang nagtatrabaho at magkasabay na umuuwi. Nakapag-ipon na din sila ng malaking halaga at mas lalo silang nakatulong sa kanilang mga pamilya. Pero , isang araw may nangyari kay Eric.
“Hello, Jane pumunta ka ditto sa Hungwa Hospital.”, nagmamadaling sabi ni Emma.
“Bakit Em? Anong nang………….”, sabi ni Jane ngunit binabaan na siya ni Emma.
Kinabahan si Jane kaya pumunta siya sa ospital na sinasabi ni Emma. Nakita niya ito sa labas ng isa sa mga room doon.
“Emma, anong nangyari?’, tanong ni Jane na parang natatakot.
“Si.Si.Si., Eric. May nangyari sa kanya. Naaksidente siya ng dahil sa akin.”, sabi ni Emma habang umiiyak.
“Ano? Asan siya?”, tanong ni Jane na natataranta na.
“Nasa emergency room siya.”, tugon ni Emma kay Jane.
“Sorry Jane, nangyari to ng dagil sa akin”, umiiyak na sabi ni Emma.
“Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?”,tanong ni Jane na nalilito narin.
“Niligtas kasi ako ni Eric.”, sabi ni Emma.
“May nagtangkang sumagasa sa akin at siya ang sumagip sa akin.”, sabi niya kay Jane.
Walang naisagot sa Jane pero sa isip niya sana maging maayos si Eric.
Ilang minute pa ay lumabas ang doctor mula sa emergency room.
“I’m sorry, but we’ve done our best.”, malungkot na sabi ng doctor dala ang masamang balita na iyon.
“Hindi……..buhay pa si Eric!..”, sigaw ni Jane sabay pasok sa emergency room at nakita niyang duguan si Eric at wala na talagang buhay. Niyakap niya ito ng mahigpit at todo iyak ang kanyang ginawa.Sa kabila ng lahat, nagging masaya na nga silang dalawa, nangyari din ang mga pangyayaring iyon.
“Uuwi na ako sa amin ,Emma, huwag kang mag-alala hindi kita sinisisi sa lahat ng nangyari.”, sabi ni Jane sabay yakap kay Emma.
“Patawad parin Jane”., sabi ni Emma at nagyakapan ulit silang dalawa.
Umuwi narin si Jane sa probinsya, hindi niya tanggap ang pangyayari ngunit kailangan niya magingf matatag. Sa isang iglap lang pala ay mawawala ang lahat, ang lahat ng kasiyahan.
“Anak, kakain na tayo. Baba kana diyan.”, tawag ng kanyang Inay mula sa baba.
Doon lamang natauhn si Jane at sa kanyang pag-iisip saka sinagot ang kanyang Ina.
“Opo Nay, bababa nap o ako.”, sagot niya at dali-daling pumunta sa baba.
Nang makababa na siya ay nagsalo na sila sa kanilang agahan. Isa na namng bagong araw at bagong umaga ito para kay Jane dahil sa mga nangyari sa kanya. Sa lahat ng iyon, kailangan niyang harapin ang bagong simula sa kanyang buhay.
“Uling”
ni: Jedidiah Quime
Agayan
March 6, 2008 ang huling araw na kasama ko ng kompleto ang
pamilya ko. Biglaan nalang kasi ang pangyayari di ko na halos maalala ang mga
naganap nong gabing yun, halos sinisi ko lahat ng pangyayari sa sarili ko.
March 6, 2008 alas 6
pa ng umaga ay nagsimula na akong mang trip sa mga ka boarders namin "Buksan
niyo ang pinto !! May sunog!" Sigaw ko para magising silang bigla.
Nagsilabasan silang lahat at tila yung iba'y may dala dala pang mga
importantent papeles, yung iba galit na galit halos kape nila e naitapon sa
takot, natawa ako dun habang hawak2 ko ang lalagyan ng mga uling na nagbabaga,
na syang ginamit ko upang umusok sa mga kwarto nila haha nakakatawang isipin
diba? Kaya ganon nalang iniwan ko yung lalagyan at bumalik sa kwarto naming
magpamilya. Mahirap lang kami at nakatira sa isang apartment ng halos magkasiksikan
ang mga kwarto, meron akong 5 kapatid ang mga magulang koy parehong walang
trabaho naka depende nalang silang lahat sa aking trabaho.
March 6, 2008 ng alas dose umaga ng naglalakad nako papasok
sa trabaho ko ng bilang may masamang nangyari sa gusaling tinitirahan namin.
May sunog at halos natakpan na ng usok ang langit, tumakbo ako pabalik sa
kwarto na tinitirahan namin ngunit sa unang palapag pa lamang ay tila di ko na
kaya, nasa pang apat na palapag ang kwarto namin, "yan lang bang kaya
niyong gawin?" Maiyak-iyak kong sinigaw sa mga taong nanunood nalang sa
pangyayari. Nang umabot nako sa palapag namin ay halos ikamatay ko na ang grabi
ng usok at ang init ng apoy ang dibdib koy halos di na tumitibok ng makita ko
silang lahat sa isang kwarto nakahigo ang mga magulang ko at ang mga kapatid
koy nagsihagkan nalang, para silang niluto at napagod na halos di ko na
makilala at ikinahilo ko ang pangyayari.
March 7, 2008 ng hapon pagkatapos ng pangyayari ako'y
nagising, sabay ng aking pag gising alam kong wala ng ang aking pamilya at
tapos na din ang sunog walang natirang buhay sa gusaling tinirahan namin. Sa
pag iimbestiga ng mga pulis sa pangyayari ang sunog ay nag mula sa isang
lalagyan ng uling na nagbabaga.
“Pangako”
ni: Angelica Namoc
Andrew kitchenette, ang pinag tra-trabahoan namin Kris.
"Akala ko di tayo matatanggap kasi estudyante pa tayo" sabi ni kris habang naglilinis ng lamesa.
"Sabi ko sayo siba? Tatanggapin talaga tayo syempre pareho tayung cute haha" pabiro ko namang sagot sa kay Kris.
Si Kris ay matalik kong kaibigan kasama ko na siya mula elementarya kaya parang kapatid narin ang aming turingan. Pareho kaming ulila at naninirahan nalang sa aming mga ka mag anak. Isang biyaya si Kris sa akin dahil siya lang ang aking nasasandalan sa tuwing akuy may problema.
"Hoy, bes bakit ka tulala?" tanong niya sa akin.
" Ay, kasi ang dami pang bayarin sa paaralan at hindi ko pa nasisimulan ang thesis namin" sagot ko sa kanya.
" Oo nga natapos nyo na ba ang business plan ninyu?" tanong niya.
"Wala pa bes, hinihintay ko lang yung sahod natin dito wala kasi akung pambayad sa mga gastusin" sagot ko.
" Ako din eh, naki sabay pa ang pagkawala ng trabaho ni lolo sa pasada" malungkot na sabi niya.
"Mga iha! Mamaya na yan wag kayo di mag chimisan!" pasigaw na sabi sa amin ni Maam Trina.
Agad kaming bumalik sa aming kanya kanyang gawain. Sa gabi kami'y nagtatrabaho at sa umaga ay pumapasok. Dahil sa hirap ng buhay kailangan naming magkayud kalabaw para maka tapos ng pag aaral at maka tulong sa aming mga pamilya.
Kina umagahan naabutan ko si Kris sa may silid aklatan nagsusulat.
"Magandang umaga bes" bati ko kay Kris.
"Magandang ugma din bes" sagot niya habang hindi tumitingin sa akin.
"Para saan yang sinusulat mo at parang nagmamadali ka ng sobra?" Tanong ko sa kanya.
" Naka-tulog kasi ako kagabi bes hindi ko natapos itong proyekto natin sa history dahil ngayon ang deadline nito." Pasalaysay na sagot niya.
" Patay bes, paano yan naka limutan ko may proyekto pala tayo na ngayon dapat ipasa" nag aalalang sabi ko sa kanya.
" Okay lang yan bes makakaya natin to" sabi niya, habang inaabot ang isang supot ng bond papers.
" Pero bes! 7:58 na at first subject pa nating ngayon ang history" Nag-aalalang sagot ko.
"Riinnnnnnnggggggggggg" ulingaw-ngaw ng school bell.
"Tara na bes, eh explain nalang natin sa ating guro na nagtatrabaho tayo sa gabie" sabi ni Kris.
Dali-dali kaming pumasok sa history subject namin. At nakita naming tapos na halos lahat ng aming kaklasi sa aming proyekto.
"Ipasa sa harap ang mga natapos ninyung proyekto" sabi ni maam Janice.
Nanginginig kami sa takot kasi isang terror na guro si Maam Janice.
" Sino ang hindi pumasa kulang to ha!? Itaas ang kamay sa mga hindi pa nag pasa!!" Pagalit na sabi ni Maam Janice.
Kami lang dalawa ni Kris ang tumaas nang kamay. At nakita namin ang mga mata ni maam Janice na galit na galit.
"At kayo nanamang dalawa!? Ilang araw na kayung lumiliban sa klasi at hindi pa kayo pumapasa ng mga proyekto ninyu!? Pwede ko kaayung ibagsak sa pinag-gagawa ninyu" Galit na galit na sabi ni Maam Janice sa amin.
"Eh kasi maam nagtatrabaho po kami sa gabie" sagot ko sa kanya.
"Hahahahaha sa gabie? Kaya pala nakakita namin kayung dalawa sa may gilid ng bar" pagbibirong sabi ng mga kaklasi namin.
"Sa tapat po ng bar kami nagtatrabaho, sa may Andrew kitchenette" sagot ni Kris.
Nagtawanan ang aming mga kaklasi. Pero naka intindi naman ang aming guro at binigyan kami ng palugit.
Habang kami naglalakad pauli kumulo ang laman ng aming tiyan. Niyaya ako ni kris na mag meryinda pero, wala na akung pera.
"Bes isaw muna tayo" anyaya niya.
"Wala akung pera pang isaw bes" sagot ko.
"Ay aku din pala bes, itong isang daan pala ay para sa proyekto natin sa history, thesis, at tsaka sa project plan at para rin sa baon ko boung linggo" malungkot na sabi niya.
"Magkakasya pa kaya yan bes?" tanong ko.
"Eh pag kakasya bes para sa kinabukasan malapit na diba sahod natin?" tanong niya.
" Oo nga bes hinihintay ko din yun kasi hindi ko magagawa mga proyekto ko sa paaralan at wala din akung pagbaon" sagot ko.
Sumapit ang isang linggo pero hindi parin namin natanggap ang aming sahod. Apat na araw nadin ang pagliban ko sa klasi sa kadahilanan na wala akung pang baon. Tinatrabaho ko nalang ang mga araw na niliban ko sa paaralan. Napapadalas din ang pagliban ni Kris sa paaralan sa kadahilanang pareho kami ng sitwasyon. Di namin iniinda ang pagod kahit buong araw kaming magtrabaho minsan ay nakakatulog si Kris sa aming pinag tra-trabahoan ang palagi siyang pinapagalitan ni aming amo.
Pumasok kami sa araw ng lunes dahil pinapatawag daw kaming dalawa ni Kris dahil daw sa madalas naming pagaliban sa klasi at hindi pagpasa sa mga proyektong dapat ipasa sa oras. Dahil dun halos pinagalitan kami ng lahat ng mga guro namin lalong lalo na history bakit daw hindi kami ng pasa kahit binagyan na niya kami ng palugit. Sabi pa ng ibang guro sa amin na hindi daw kami makakagraduate sa mga pagliban namin sa klasi. At ang salitang hindi maka-paggraduate ay talaga ikina lungkot talaga ng aming mga damdamin. Para kaming nawalan ng pag-asang mabuhay.
Nang sumapit na ang gabi, pumunta na kami sa aming pinag tra-trabahoan. Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay lumapit sa amin ang may ari ng kitchenette.
"Mga iha pasensya na ha pero huling araw nyu na to sa pag tatrabaho" sabi ng may ari.
" Ha? Bakit po? Halos maubos na po ang lakas namin sa katatrabaho dito at yan po ang sasabihin ninyu? galit na sumbat ni Kris.
"Pasensya na talaga mga iha nagbabawas kasi kami ng mga trabahador dito sa kitchenette dahil dumadalang nalang ang mga costumer natin at wala na kaming ma-ipa sweldo sa inyu.
Nabigla kami sa kanyang sinabi, tila gumuho na talaga ang aming mundo sa mga pangyayari. Habang kami'y nalalakad papa-uwi dala dala ang aming mga unipormi. Napa-iyak nalang ako bigla.
"Huhuhu bes diku na kaya, wala na tayung trabaho wala na tayung pang baon nawala narin ang tiwala ng mga guro sa ating wala narin ang aking pag-asa bes ang pag-asang mabuhay " pa iyak na sinabi ko.
"Bes pagsubok lang to malalampasan lang natin to diba? Malakas tayo diba? Diba? tanong niya habang tumulo ang kanyang luha.
Niyakap ko nalang si Kris habang kami ay nag-iiyakan wala kaming paki sa mga taong dumadaan sa amin. Sa oras na yun wala kaming nadadama kundi kalungkutan. Humupa din ang aming pag-iyak at umupo sa may tindahan.
"Masyado na tayong pinapahirapan ng mundo bes" sabi ni Kris habang nakatulala.
"Oo nga bes tama ka gusto ko na atang mamatay" Sagot ko sa kanya. Hindi kumibo si Kris, at nag anyaya ako sa kanya sa umuwi dahil ginagabi na kami.
Nang ako ay nasa bahay na ay tila ba para akong dinadala ng aking isipan, gusto ko atang magpakamatay para mawala na ang lahat ng problema ko sa buhay. Wala na atang magandang mangyayari sa buhay ko.
Ako lang mag-isa sa aking kwarto at tulog na ang mga tao ng nakakita akung ng lubid na tila ba parang may tumutulak sa akin papalapit sa lubid habang akuy umiiyak. Ng hawak-hawak ko na ang lubid ay tila wala na ako sa aking sarili, at ng ipasok ko na ang aking ulo sa nakataling lubid, ang isa kong paa ay di na naka-apak sa upuan na tinatayuan ko.
"Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnngggggg" alingaw-ngaw ng aking cellphone. Kinuha ko at sinagot, nabitiwan ko ang cellphone sa aking narinig. Pulis ang aking nakausap kaya bigla akong tumakbo papunta sa bahay ni Kris.
Nakahiga, wala ng malay, nagpakamatay si Kris sa hindi ko maintindihang pangyayari. Di ko nakita na nasasaktan at nabibigatan na din sya sa lahat ng pangyayari, di ko man lang siya naitanong kung kaya pa niya, kung ok lang ba siya, siya kasi yung tipong tahimik lang pag nasasaktan yung tipong wala lang.
Ngayong nasa puntod na niya ako lahat ng pangyayari ay tila umulit-ulit sa aking isipan. Akala ko ba bes panghahawakan mo yung pangako mong "kakayanin natin to" pero nasaan ka na?
"Lumang Elevator"
ni: Jenelyn B. Buma-at
Sa isang silid may naguusap na magkaibigan na sina Alex at Ana.
"Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan ang katakot-takot kung karanasan ko nong nakaraan", sabi ko kay Ana.
"Ano ba yun lex?", pagtatanong ni Ana.
" Hindi pa ba kita nakukwentuhan noon?", sabi ko.
"Hindi pa!, e di dapat alam ko ngayon diba?, kung kinuwentuhan mo na ako", pilisopong sagot ni Ana.
"Halika, umupo ka rito at ikukuwento ko sayo", Paanyaya ko kay Ana.
Ilang taon na ang lumipas nakaranas ako ng kakilabot na karanasan nong lumipat kami sa Maynila ni kuya Troy, yung nasabi ko sayong na pag-rentahan namin na bording house. Nasa top floor yung napili namin ni kuya na kwarto kaya kinakailangang sumakay ng elevetor lalong-lalo na kapag pagod kang gumamit ng hagdan. Sa sobra bisi namin ni kuya Troy sa pagbili ng mga kgamitan para sa unit namin hindi namin napansain na may kalumaan na pala ang Elevator.
"Hala! Parang haunted ang elevator, ganon ba kaluma?", paghihinala ni Ana.
"Oo, parang ganon' na nga dahil minsan nangangamoy na ito ng kalawang", sabi ko kay Ana.
"Tapos anaong nangyari?", tanong niya.
"Teka lang ipagpapatuloy ko pa", wika ko.
Linggo noon, nang matapos na kami ni kuya Troy na magsimba. Pagkarating namin ay agad kaming natulog dahil sa buong lingong paglipat namin ng mga gamit kaya natulog nalang kami ni kuya buong maghapon dahil sa pagod. Nagising ako ng alas singko kaya agad akong bumangon dahil nakaramdam ako ng gutom. Sinilip ko muna ang kuya sobrang himbing ang tulog niya, balak ko sana siyang gisingin para magpaalam para bumili ng pagkain sa labas, hindi ko na lang siya ginising dahil alam kong pagod na pagod si kuya. Nang biglang bumagsak ang kaldero tumaginting ito, napasigaw ako sa gulat kaya ibinalik ko na lang ito sa lalagyan.
"Siguro hindi lang to nalagay ni kuya ng maayos", sabi ko sa sarili ko sabay ibinalik sa lalagyan ang kaldero.
Dala-dala ko na ang pera kaya lumabas na ako sa unit. Akmang sasakay na sana ako ng elevator may napansin ako sa tore kaya pinuntahan ko yon. Nakita ko don ang malaking akasya sa tapat na may madaming baging na nakabitin. Ayon nga sa storya ng mga kaklase ko tinitirhan daw ito ng iba't-ibang klaseng maligno.
"Friend! Nakakatakot naman", sabi ni Ana.
"Oo, lalo na pagnakita mo yon shalos di muna mahagilap ang puno dahil sa dilim na dulot ng mga baging,kapag nga nagiisa ako alex parang may sumusunod sa akin", kweto ko sa kanya.
Kaya hindi ko na lang yon pinansin at sumakay na ako ng elevator.
Nakababa na ako at nakabili na ng pagkain, kaya sumakay na ako ng elevator para balikab si kuya dahil alam kung gumising na siya at ayokong mag-alala siya. Pinindot ko na ang close button at ang numerong 5 para sa top floor, nong umandar na ito pinagmamasdan ko ang paligid nakaramdam ako ng takot sa kalumaan ng hitsura nito,parang gusto ko ng lumabas, lalo pa ng biglang bumukas ito sa 3rd floor at walang tao sa pagbukas nito patay sindi ang ilaw sa mga hallway ng pagsilip ko. Nanindig na ang mga balahibo ko dahan-dahang sumara ang elevator.
Nang magpatuloy itong umandar papuntang paitaas may biglang na naman akong naramdamang ihip ng hangin sa likod na lalong ikinatakot ko. Alam ko na sa sarili ko sa sandaling iyon na may kasama na ako sa loob at hindi ako nag-iisa. Gusto ko sanang tingnan ang naging kasama ko pero natatakot ako, nanlamig na ako sa takot kaya nanalangin na lang ako kaso may parang sumasambat sa akin.
Sa pagbukas ng elevator tumakbo ako pero parang may humahabol sa akin, dahil sa wala na ako sa isip ko aa pagtakbo nadapa ako. Naramdaman kong lumulutang na ako sa ere. Pinilit kong bumuka ang mga mata ko isang tao ang nakita ko ang bumubuhat sa akin at tinatawag ang pangalan ko.
"Alexa gising! Alexa! Ano ba ang nangyari sayo?" , sabi ng lalaki.
Pamilyar sa akin ang boses. Alam ko sa sarili ko na ang kuya ko yon dahil sa pamilyar ko ang boses nito ang kanyang mukha kaya tuluyanna akong nawalan ng malay.
"Kaibigan "
ni: Regine M. Eballena
Hindi na nila alam ang gagawin. Hindi na nila mapigilan ang dalawa sa kanilang pag-aaway. Hindi nila akalain na hahantong sa ganito ang lahat at di nila lubos naisip na dito matatapos ang kanilang pagkakaibigan. Marami ang umawat, natigil ang dalawa ngunit ang galit na kanilang nararamdaman ay nag iwan ng marka na kailanman ay hindi nila malilimutan.
Matalik na magkaibigan sina Ayen, Maixan, Jerboy, Barbie, Beking, at Badat. Wala silang itinatagong sikreto at lahat ay sinasabi nila sa bawat isa. Magkakalayo sila ng tirahan ngunit nang mag-aaral sila ng sekondarya ay napagdesisyunan nilang sa iisang bahay nalang umupa. Doon mas lalo nilang nakilala ang bawat isa. Sa hirap ay nagtutulungan sila at dinadamayan ang isa kung mayroon itong dinaramdam na problema. Isang buong araw nang hindi mananakit ang kanilang mga tiyan sa kakatawa, dahil kay Jerboy na tila may baong isang sakong joke kada araw, at naniniwala sa kasabihang " Bakla man ako sa inyong paningin akoy nakabubuntis parin. Ako nga pala si GeGe, nagmula sa langit bumaba sa lupa heto ang mukha", sabi niya habang kumikinding sa kanilang harapan. "Hoy!!, tumigil ka na nga bakla nandidiri ako sayo",pambabara naman ni Maixan. " Che, inggit kalang kasi masarap ang katawan ko, di tulad nang sayo laspang na nang mga jowa mo", sagot naman ni Jerboy. "Ikaw yung inggit! Bakla ka kasi, Hahahaha". " Tumigil na nga kayo para kayong mga bata", saway ni Ayen sa kanyang mga kaibigan. " Asus.. Makapagsalita naman to, bakit matanda kana ba? Hahahaha ", sabi naman ni Beking. " Baka ikaw iyong matanda Beking, wala kana kasing ngipin hahaha",pagtatanggol naman ni Badat kay Ayen. "Walang ngipin baka gusto mong kagatin kita",sagot ni Beking sabay buka ng bibig. "Hahaha... Hoy Beking wag kang nganga ng nganga diyan, nagmumukha kang chanak", sabi naman ni Barbie. Hanggang ang asaran nila ay nauuwi sa batuhan ng unan.
Hanggang isang araw bigla nalang nagbago si Ayen. Hindi na ito umuuwi sa bahay at hindi na pumapasik sa eskwelahan. Si Maixan naman ay nalulung sa kasintahan nito. Maging si Jerbiy, Barbie, Beking, at Badat ay naging abala sa kanilang pag-aaral. Unting-unti nang nasisira ang kanilang samahan. Lingid sa kaalaman nang lahat na nag-aaway pala si Ayen at Maixan. Nagkagulo ang dalawa at hindi alam nang apat kung sino sa kanila ang kakapihan. "Anu ba ba't bato nangyayari satin!!! Akala ko ba walang away-away? " tanong ni Barbie kay Jeboy. "Ewan ko nga din, kung bakit ito nangyayari kay Ayen at Maixan. Sila pa naman ang laging nagkakaintindihan",sagot ni Jerboy na batid pag-alala. "Alam mo kasalanan din siguro ni Maixan kaya sila nag-aaway", sabat ni Beking sa usapan. "Huwag ka ngang gumawa ng kwento Beking.. Hindi mo pa nga alam kung ano talaga ang nangyari", sagot ni Badat.
Lumipas ang mga araw at mas lumala pa ang away ni Ayen at Maixan, maging sa facebook nag-aaway parin ang dalawa. Sinubukan kausapin nang apat sina Ayen at Maixan ngunit isa ay ayaw makinig. " Pwedi pa naman siguro natin ayusin ito Maixan, kakausapin lang naman natin si Ayen eh",pang-aaya ni Barbie. "At bakit ko naman gagawin 'yon?, kasalanan ko ba na malaman sa iba na pumatol siya sa may asawa ? Ilang beses ko na ba siyang sinabihan na walang magandang maidudulot ang lalaking 'yon ayaw niyang makinig! Tapos pati tunay na asawa ay aawayin niya para makipaghiwalay sa kasintahan niya sa tingin niyo ba tama 'yon? " tanong ni Maixan". Alam ko namang hindi, pero kaibigan parin natin si Ayen, kailangan lang siyang pakinggan ", sahot naman ni Barbie. "Basta ayoko, hindi niyo ko mapipilit",pagmamatigas ni Maixan. "Pero Maixan hahayaan mo nalang ba na masira ang relasyong natin dahil sa mga isyung yan?, dagdag pa ni Barbie. "Basta ayoko!! Bahala na kayo",sagot ni Maixan sabay labas sa loob ng bahay.
Hindi na nagpigilan ni Maixan at Ayen ang galit sa isa't isa kaya ng nagkaharap sila sa pa-aralan ay nagkagulo ang dalawa. "Pumapangit talaga ang tanawin kapag nasa harapan mo ang traydor ano?", simula ni Ayen. "Traydor? Anong karapatan mong sabihan akong traydor bakit may ebidensya kaba na ako ang nagkalat sa baho mo?, sagot naman ni Maixan." Kailangan paba ng ebidensya? Eh.. Ikaw lang naman ang nakakaalam na kasintahan ko si Jerome. Alam mo nagsisi ako na naging kaibigan pa kita!",pahayag ni habang dinuduro si Maixan. "Kung nagsisi ka mas lalo naman ako. Hindi ko inakala na ganyan ka pala, pumapatol sa may mga asawa!! Ang sagwa mo Ayen, panu mo masisikmura na sumama sa lalaking may asawa at anak? Hindi kaba nandidiri sa sarili mo? Hindi mo manlang ba naisip na may pamilyang masisira dahil sa kalandian mo? Pok pok ka!! Malandi",mahabang lintaya ni Maixan. "Ako pok pok?", tanong ni Ayen sabay sampal kay Maixan. "Pok pok kana man talaga! Malandi, walang delikadesa ",sagot ni Maixan sabay sabunot Kay Ayen.
Comments
Post a Comment