Dula
"Panaginip"
ni: Daveson E. Torculas
Tagpo 1 (Sa Kwarto)
Malik: Ale, ale, nasaan ako? Ale, ale... Inay, inay! Bakit ang dilim? Tulong, tulong... Tulungan ninyo ako. Aaah...
Lantana: Anak, anak! Gising. Anong nangyari saiyo? Parang takot na takot ka!
Malik: Inay, masama po ang napanaginipan ko parang wala po akong makita. Parang totoo po talaga Inay.
Lantana: Anak, huminahon ka. Panaginip lamang iyon, walang panaginip na totoo. Oh siya, uminom ka na lang ng tubig para mahimasmasan ka.
Malik: Sige Inay. Salamat po!
Lantana: Matulog ka na ulit. Maaga pa ang pasok mo bukas.
Malik: Opo Inay.
Tagpo 2 (Sa Kusina)
Lantana: Anak, gising ka na! Mahuhuli ka na sa iyong klase.
Malik: Opo Inay. Bababa na po ako.
Lantana: Bilisan mo na diyan. Nakahanda na ang pagkain.
(Malik, bumaba patungong kusina)
Malik: Magandang umaga po, Inay!
Lantana: Magandang umaga din, anak! Sige na, kumain ka na diyan.
(Malik, kumain ng agahan)
Malik: Inay, alis na po ako. Paalam!
Lantana: Paalam anak! Mag-ingat ka palagi. Mahal na mahal kita!
Malik: (sumigaw) Mahal na mahal din kita Inay!
Tagpo 3 (Sa Silid-Aralan)
Malik: Magandang umaga po, Ginang Valdez!
Gng. Danahon: Magandang umaga din saiyo, iho!
Malik: Ma'am, mayroon po sana akong itatanong? Kung puwede lang po sana.
Gng. Lantana: Ano iyon iho?
Malik: Totoo po ba ang panaginip?
Gng. Lantana: Iho, ang panaginip ay resulta lamang ng iyong pagkaantok o matinding pagod o puwede ring katha lamang ito ng iyong imahinasyon kapag ikaw ay natutulog.
Malik: Ganoon po ba ma'am? Maraming salamat po.
Gng. Lantana: Sige iho, walang anuman!
Tagpo 4 (Sa Bulwagan)
Lito: Ano bang nangyari sa'yo parang wala ka sa sarili mo?
Malik: Wala ito! Okay lang ako.
Lito: Bahala ka diyan. Sige, paalam! Punta muna ako sa canteen, nagugutom kasi ako.
Malik: Ikaw ang bahala. Dito na lang ako, maghihintay kay Inay. Paalam!
*Pagkalipas ng isang oras
Malik: Ang tagal naman ni Inay baka hindi niya na ako susunduin ngayon. Makaalis na nga.
Malik: Manong, paalam! Alis na ako.
Mang Ramir: Ikaw lang mag-isa?
Malik: Opo, wala po kasi si Inay.
Mang Ramir: Sige, mag-ingat ka sa daan.
Tagpo 5 (Sa Daan)
*Abala ang mga tao sa mga gawain sa kalsada. May nagtitinda sa bangketa at mga naghihintay ng masasakyan.
Malik: Bakit hindi pa rin ako mapakali? Ano bang nangyari sa akin? Parang ang lahat ng ito ay nangyari na sa nakaraan. Naguguluhan na talaga ako sa mga pangyayari. Bahala na nga, ang mahalaga makakauwi na ako sa amin.
Tagpo 6 (Sa Paaralan)
Lantana: Manong, wala na po bang tao sa loob?
Mang Ramir: Wala na po, Misis!
Lantana: May nakita ba kayong bata dito kanina, mataba at tsaka pandak?
Mang Ramir: Oo, Misis pero umalis na siya. Matagal-tagal kasi siyang naghintay dito mga isang oras yata iyon. Ikaw ba iyong nanay niya?
Lantana: Oo eh! Sige, alis na ako baka mahabol ko pa ang batang iyon.
(May kinuha sa bag at biglang nahulog ang larawan ng kanyang anak)
(Paalis na ang ina)
Manong Ramir: Misis, may nahulog parang saiyo iyan.
Lantana: (Kinuha ang larawan at tiningnan; kinabahan) Salamat! Alis na ako.
Tagpo 7 (Sa Daan)
Malik: (Kakanta) Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa, wala na nga wala.
Malik: Hay, salamat! Nasaulo ko na ang sinabi ni Ma'am. May maitatanghal na ako bukas para sa paligsahan. (Muling uulitin ang kanta)
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig...
*Habang kumakanta tumawid siya sa daan.
Malik: Sa tinubuang....
(May humaharuros na sasakyan at nasagasaan ang bata)
(Simulang nagkagulo ang mga tao)
Tao 1: Ang bata!
Tao 2: Tulungan natin siya. Tumawag kayo ng ambulansya para maagapan kaagad.
Tao 3: Nakakaawa ang bata. Sino kaya ang Ina nito?
(Nagkagulo nang nagkagulo ang mga nang dumating naman ang ina nito)
Lantana: Ano kaya ang pinagkakaguluhan nila? Puntahan ko nga.
(Dumaan siya sa nakapalibot na mga tao at biglang humagulhol ng iyak)
Lantana: Anak ko, anak ko! Anong nangyari saiyo? Sinong may gawa nito sa iyo? Anak ko, gising ka naman ouh! Huwag ka namang ganyan. Tayo na ngang dalawa ang magkaramay, iiwan mo pa ako. Anak...
(Patuloy ang pag-iyak ng ina, nang dumating naman ang mga kinatawan ng medisina)
Nars 1: Misis, kami na po ang bahala sa anak niyo.
(Kinuha ang katawan ng bata papuntang ambulansya)
Tagpo 8 (Sa Hospital)
(Habang dinadala ang bata sa ICU)
Lantana: (Hawak-hawak ang kamay ng anak) Anak, lumaban ka. Hindi puwedeng mawala ka sa buhay ko. Di ba, marami pa tayong mga pangarap. Anak...
Nars 1: Misis, kami na po ang bahala. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya. Hanggang dito ka na lang po.
Lantana: (Sumigaw at Umiyak ng husto) Anak...
*Habang ang ina ay naghihintay sa labas, abala naman ang mga doktor sa operasyon ng bata.
(Lumabas ang doktor sa ICU)
(Dali-dali namang lumapit ang ina)
Lantana: Dok, kumusta na po ang aking anak?
Dr. Marangal: Misis, magandang balita! Ligtas na po ang iyong anak pero kailangan pa po naming bantayan ang kanyang kondisyon.
Lantana: Maraming salamat po Dok! Sana po gawin po ninyo ang lahat, mabuhay lang ang anak ko.
Dr. Marangal: Huwag kang mag-alala Misis. Ligtas ang anak niyo sa aming mga kamay.
Lantana: Maraming salamat po talaga Dok!
Dr. Marangal: Sige Misis! Puntahan ko muna ang iyong anak at puwede ka na ring pumasok.
Tagpo 9 (Sa Silid ng Hospital)
Lantana: (Habang hinahaplos ang kamay ng anak) Anak, alam mo maraming naghihintay saiyo dito, mga kaibigan, ang iyong mga guro, at ang iyong mga pinsan. Alam ko na anak! Pagkagising ng pagkagising mo maghahanda ako ng iyong paboritong pritong manok.
(Gumalaw ang hintuturo ng bata at unti-unting bumuka ang mata nito)
Lantana: Anak, anak... (Masaya niyang tinawag ang Doktor) Dok, dok, gising na po ang anak ko.
Dr. Marangal: Misis, parang may mali.
Lantana: Ano po iyon Dok?
Dr. Marangal: Parang wala siya sa kanyang sarili. Masyadong malikot.
Lantana: Baka po Dok may kailangan siya. Puwede po bang kunin ang kanyang oxygen mask?
Dr. Marangal: Puwede naman dahil base sa kanyang statistika, okay na ang kanyang oxygen percentage.
(Kinuha ang oxygen mask)
Malik: Nasaan ako? Bakit ang dilim? Bakit wala akong makita? Inay, inay tulungan niyo ako. Inay...
Lantana: Anak, huminahon ka! Nandito lang ako sa tabi mo. Dok, anong nangyari sa anak ko? Bakit wala siyang makita?
Dr. Marangal: (Naguguluhan) Misis, hindi ko po alam pero titingnan ko po ngayon ang kanyamg mga mata.
Lantana: (Nagalit) Ano? Bakit wala kang alam? Sabi mo okay na at ligtas na ang anak ko, pero anong nangyari?
Dr. Marangal: Misis, huminahon ka muna. Titingnan ko muna siya ngayon. Puwede po ba kayong lumabas muna?
Lantana: Sige po, pero sana naman po ngayon Dok mayroon na po kayong eksaktong impormasyon ukol sa kalusugan ng anak ko at pasensiya na rin po sa inasal ko kanina.
Dr. Marangal: Naiintindihan ko po Misis ang iyong pinagdadaraanan. Sige po, Misis!
(Lumabas ang Ina at sinimulan ng doktor na tingnan ang lahat ng anggulo ng mata ng bata)
(Matapos ang masusing pag-eeksamin ng doktor lumabas ito mula sa silid ng bata)
Lantana: Ano po ang resulta, Dok?
Dr. Marangal: Samahan mo ako sa aking opisina at doon tayo mag-usap.
(Sumama ang ina sa doktor)
Tagpo 10 (Sa Opisina ng Doktor)
Dr. Marangal: Misis, umupo muna kayo.
Napag-alaman ko pong maysakit na dinadala ang iyong anak bago pa man nangyari ang aksidente. Ang mga nasabi mo noon na panaginip ng iyong anak ay bahagi lang iyon ng kanyang sakit na mas lalong lumala ng siya ay naaksidente.
Lantana: Dok, diretsuhin niyo nga ako! Ano po ba talaga? Ano ang sinasabi mong sakit na napakasigla at napakatalino ng aking anak. Tapos ganoon na lamang ang mangyayari. Hindi po iyan kapani-kapaniwala, hindi iyan totoo.
Dr. Marangal: Pasensiya na po Misis, pero iyan ang katotohanan. May habambuhay na pagkabulag ang iyong anak. Iyan din ang resulta ng isa pang doktor na espesyalista sa mata.
Lantana: Hindi iyan totoo, Dok! Hinding-hindi iyan mangyayari sa anak ko. (Umiyak)
Dr. Marangal: Huminahon po kayo Misis. Naiintindihan ko po kayo pero kailangan nating tanggapin ang mga pangyayari. Masakit man ito kailangan tuloy pa rin ang pag-ikot ng buhay natin. Misis, pasensiya na pero ginawa na po namin ang lahat sa abot ng aming makakaya.
Lantana: Alam ko po, Dok. Masakit man pero kailangan kong matutunang tanggapin ang mga bagay-bagay.
Dr.Marangal: Pero misis, sa sinabi ko kaninang habambuhay na pagkabulag ay may pag-asa pang makakita kung...
Lantana: (Napalitan ng lungkot ang kasiyahan) Ano po iyon Dok?
Dr. Marangal: May kakilala akong napakaeksperto sa operasyon at pag-eeksamin ng mata, si Dr. Benjamin Collins. Siya ay kilala sa USA na kung saan nagtratrabaho sa napakatanyag na hospital doon.
Lantana: Magandang balita iyan, Dok! Pero wala po kasi kaming pera pang-opera sa anak ko. (Lumungkot)
Dr. Marangal: Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa inyo papunta ng USA at pauwi sa Pilipinas at para naman sa operasyon si Dr. Benjamin Collins ay may mga programang tumutulong sa mga batang may problema sa mata at kasali na dito ang operasyon.
Lantana: Maraming salamat po talaga Dok. Malaki talaga ang utang na loob ko po saiyo.
Dr.Marangal:Walang anuman. Nakita ko kasi saiyo na napakahalaga ang iyong anak sa mundong iyong ginagalawan.
Lantana: Napakahalaga talaga po ang anak ko dahil kami na lang dalawa ang magkaramay ngayon at hindi ko po kayang mawala siya sa akin. Maraming salamat po talaga Dok! Alis na po ako.
*Pagkalipas ng dalawang buwan.
Tagpo 11 (USA)
Lantana: Anak, nandito na tayo. Malapit muna ulit masilayan ang ganda ng mundo. Huwag kang mag-alala matatagumpayan natin ang pagsubok na binigay ng Panginoon. Maging matatag at manalig lang tayo sa Kanya dahil alam nating hindi tayo pababayaan ng Diyos. (Napapaluha)
Malik: Opo Inay, alam mo po masayang-masaya po ako dahil ikaw ang aking ina. Inang may lakas-loob na sanggain ang mga problema at may pagmamahal sa kahit kanino man. Palagi po akong nananalangin sa Panginoon na bigyan po tayo ng bagong pag-asa na masilayan muli ang mukha ng mundo. Mahal na mahal ko po kayo Inay! (Napapaluha)
(Dumating ang Doktor na si Dr. Benjamin Collins)
Dr. Collins: Good morning to both of you! Are you from the Philippines?
Lantana: Good morning Doc! Yes, we are from the Philippines.
Dr. Collins: I am glad that you are here. I hear a lot from you from Dr. Santiago and it is so interesting that's why I want to help you.
Lantana: Thank you so much, Doc! It means a lot from us.
Dr. Collins: You're welcome! So, let's start?
Lantana: Sure, Doc!
*Pagkalipas ng ilang buwan
Tagpo 12 (Pilipinas)
Lantana: Anak, buksan muna ang iyong mga mata. Nandito na tayo sa atin. May sorpresa ako saiyo.
(Binuksan ang mga mata ng bata)
Malik: (Napaiyak) Inay, maraming salamat po talaga. Ngayong araw na ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
(Yumakap sa kanyang Ina)
Lantana: Sige, punta muna ako sa kusina, dito ka lang at magmuni-muni ka anak.
Malik: Opo Inay.
(Pumunta ang ina sa kusina)
(Pumunta naman sa labas si Malik at lumanghap ng sariwang hangin at tumingin sa itaas)
Malik: Panginoon, salamat sa bagong pag-asang Inyong inihandog sa akin. Pag-asang masilayan muli ang mundong puno ng pagmamahal at malasakit. Maraming salamat po sa pagkakataong maging anak ng aking ina. Hindi ko po ito sasayangin at habang buhay na pasasalamatan ang mga taong Iyong ibinigay upang ako'y tulungan. Maraming salamat po!
Lantana: Anak, tayo na.
"Sana"
ni: Mary Coleen Ingking
Unang tagpo
TAGAPAGSALAYSAY: Nag uusap ang magkaibigan sa paaralan.
RODA: Oy mga bakla gagraduate na tayo. Mamimis ko kayo.
(Pabirong umiiyak)
AMY: Wag kang mag alala bakla, parehong paaralan lang naman ang papasukan natin.
RODA: Tayo! Eh paano naman sila?
LORENZO: Asus, oa mo naman! Para tayong mabubulag niyan! Magkikita parin tayo oy!
(Aakbay kay Amy)
AMY: Oy wag ka nga! Ang chancing mo!
(Sabay kuha ng kamay ni Lorenzo sa kanyang balikat)
KINA: Ayan Lorenzo, hindi pa nga kayo ang chancing mo na. Ay wag mo na yang sagutin dai!
AMY: Oo nga eh. Ano bastedin na ba kita?
(Haharap kay Lorenzo)
LORENZO: Oy grabi naman kayo. Wag naman Amy alam mo namang totoo itong naratamdaman ko para sayo.
KINA: Asus! Yan tayo eh!
AMY: Hahahahahahaha tama na nga yan! Asan na nga ba yung love birds?
RODA: Speaking of..... Ayan na! Tentenenen! Mabuhay ang bagong kasal!
KYLA: Hoy Rodulfo Makas kung umaga at Roda kung gabi. Mag hunos dili ka nga!
RODA: Grabi ka naman sa akin dai
(nagtawanan ang magkaibigan)
CHRISTIAN: Oy brad, kumusta? Kumusta kayo ni Amy?
KINA: Ay wa mo ng itanong, palagi naman yang okay sa pagtsatsansing eh!
CHRISTIAN: Naku! La ka na talagang pag-asa brad!
(Tatawa)
KIMA: Oy si Shane oh!
KYLA: Eh ano namang paki natin sa kanya?
Amy: Grabi ka naman Kyla, kahit papano ay naging kaibigan naman natin siya.
KYLA: Eh tayo ba, tinrato niya ba tayong kaibigan? Hindi diba?
AMY: Ano ba Kyla, isang pagkakamali lamang iyon.
KYLA: Isa? Tinraydor niya ang ating kaibigan! Kung hindi dahil sa kanya e hindi sana nag abroad si Ashley. Hindi niya sana tayo iniwan.
(FLASHBACK)
ASHLEY: Guys may sasabihin ako sa inyo.
SHANE: Ano iyon?
KYLA: Oo nga, pwede ka namang mag share sa amin eh.
ASHLEY: Nahihiya ako.
SHANE: Ano ba wag kang mahiya, para naman tayong hindi magkaibigan niyan.
KYLA: Korek ka jan girl!
ASHLEY: Kasi eh....
KYLA: Sige na wag ka ng mahiya.
ASHLEY: Buntis ako
(Umiyak)
SHANE: Ano?! Ano ka ba naman Ashley! Ano ba yang pinasok mo?
(Napagayo)
KYLA: Sino ba ang ama Ashley?
ASHLEY: Si Andrew. Kapitbahay namin. (Humagulhol) Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paniguradong papatayin ako mg daddy ko.
SHANE: Ayan! Kasalanan mo yan! Magdusa ka! Nakakahiya ka!
(Nag walk-out)
(Hinabol ni Kyla si Shane)
KYLA: KYLA: Ano ba Shane? Baliw ka ba? Imbis na tulungan natin siya ay pinalala mo pa ang sitwasyon! Anong klaseng kaibigan ka?
SHANE: Ah basta! Hindi ko talaga matanggap! Palibhasa napakakati ng babaeng yun!
KYLA: Kung makapagsalita ka parang di mo yan kaibigan ah!
SHANE: Hindi talaga! Hindi na ngayon! Nakakahiya siya!
(Nag walk-out)
KYLA: Kung hindi sana niya kinalat ang sitwasyon ni Ashley, edi hindi sana siya mag abroad dahil sa kahihiyan. Nandito pa sana siya kasama natin.
RODA: Bakla tama na nga yan! Na se-stress ang kilay ko sayo eh!
KINA: Oo nga, walang papatunguhan itong pag-uusap natin.
CHRISTIAN: Tara na nga! Umuwi na tayo!
Pangalawang Tagpo
(Sa bahay nina Kyla)
MRS CONAG: O nandito na mga baby ko! Kumusta sa school?
KINA: Mommy naman, hindi na nga kami baby.
KYLA: Im out! 'Yoko na makipag-usap kay mommy hahahahaha love you my, bihis muna ako.
KINA: Oh sya, mag bihis ka na rin baby nana.
KINA: Mommy!
(Pumunta sa kwarto)
(Tumunog ang cellphone)
KINA: Ano na naman Roda sa gabi?!
RODA: Fi ba pwedeng hello muna? Grabi ka naman dai! (Tumawa) Di kasi may offer sana ako sayo. Pero teka, nandyan ba ang kambal mo? Hindi niya ito pwedeng marinig.
KINA: Wala, nasa kwarto ako. Ano ba 'yon?
RODA: Alam mo namang okay na tayo nina Shane diba? Yung kambal mo nalang na sintigas ng muscles ko sa paa ang hindi okay diba?
KINA: Oh ano ngayon?
RODA: Eh ayun na nga. Diba gusto na nating magkaayos sila? Ang plano ay mag sesleep-over tayo sa bahay nina Amy. Huwag mong sabihin sa kambal mong maganda na pupunta rin si Shane at hindi rin namin sasabihin kay Shane na pupunta rin si Kyla.
KINA: Tapos? Paano sila magkakaayos 'nun?
RODA: Ano ka ba, madali lang yun! Ikukulong natin sila sa isang kwarto para makapag-usap sila. Iyan lang naman ang kulang sa kanila upang magkapatawaran sila.
KINA: Ay bakla? May kwenta ka rin naman pala kahit minsan.
RODA: Oo naman, sa ganda kong ito?
(Tinawag si Kina ng kanyang mommy)
MRS CONAG: Nana! Halika na, kakain na tayo! Daanan mo si lala!
KINA: Opo mommy!
KINA: O sige na bakla! Ayoko mg makipag-usap sa taong katulad mo!
(Nagtawanan ang dalawa)
RODA: Sige babooosh!
(Pumunta si Kina sa kwarto ng kambal)
KINA: Hoy!
KYLA: Ano?
KINA: Ba't magkaparehas tayo ng mukha?
KYLA: Gagu ka ah!
KINA: (tumawa) Ay oo nga pala, mag sesleeep-over tayo bukas kina Amy.
KYLA: Boung barkada.
KYLA: Ayos yan sige!
KINA: Oo nga pala.....
KYLA: Ano na naman?!
KINA: Ba'y ka galit? Ayaw mo kumain?
KYLA: Syempre gusto! Tara na nga!
(Tumawyo na at lumabas)
KINA: Iyan tayo eh! Takaw mo talaga!
(Bumaba ang dalawa)
NRS CONAG: Bakit ba ang tagal niyo?
KAMBAL: Siya kasi eh!
(Turo sa isa't-isa)
MRS CONAG: Oh sya baka mag away na naman kayo! Kumain na nga tayo.
(Umupo na sila at kumain)
KINA: Ay oo nga pala mommy, mag sesleep-over pala kami bukas kina Amy.
MRS CONAG: Tanungin niyo daddy niyo.
KYLA: Sige na daddyyyy pleaseeee
MR CONAG: Sa bahay lang ba kayo ni Amy?
KINA: Hindi pa po namin alam daddy, tatawag nalang kami kung anong plano.
MR CONAG: Oh sige, tatawag kayo ha?
KINA: Opo daddy yeheeey!
(Kinabukasan)
(Tumunog ang telepono ni Kina)
RODA: Ballaaaaaaa!
KINA: Punyeta ka Rodulfo Makas! Ang aga pa eh!
RODA: Anong maaga sa alas onse ng umaga? Bilisan niyo jan magpaplano pa tayo sa outing para bukas. Wala ng satsat pa, gora na! Magkita tayo sa mall.
(Pinatay ang telepono)
KINA: Gagung baklang yun!
(Bumangon at pumunta sa kwarto ni Kyla)
KINA: Hoy pangit kong kambal, gumising ka na! Mag paplano pa daw tayo para sa outing.
KYLA: Oo nga pala, tinext ako ni bakla kagabi.
(TAGAPAGSALAYSAY: Pagkatapos mag imapake at maligo, bumaba na ang kambal.
KYLA: Mommy pupunta na kaming mall, doon kami magkikita nina Roda. Mag o-puting din daw po kami bukas. Uuwi po kami bukas ng hapon galing outing.
MR CONAG: Oh sige, mag ingat kayo ha, wag kalimutang tumawag. Eto pera niyo oh.
KINA: Salamat daddy!
(Humalik sa mga magulang)
Ikatlong Tagpo
(Sa mall)
LORENZO: Ang tagal niyo naman! Kanina pa kami dito!
KYLA: Dorry naman noh! Pero ba't ba tayo dito nagkita?
LORENZO: Kasi nga mamimili muna tayo para sa outing. Asan ba jowa mo?
KYLA: Papunta na yon.
RODA: Nandyan na oh!
CHRISTIAN: Hi babe.
(Hahalik sa pisngi ni Kyla)
RODA: Jusko tara na nga! Lalanggamin tayo nito.
(Namili na ng mga gamit)
KYLA: Mag oouting talaga tayo? Saan?
RODA: Gusto ko mag island hopping!
LORENZO: Masaya yun!
RODA: Alam nyo naisip ko mag change plan nalang tayo. Diretso nalang tayo sa resort ngayon, doon na tayo mag sesleep-over.
KYLA: Ano?
RODA: Oo tatawagan ko muna si Amy.
(Dumating si Amy)
RODA: Ay nandito kana pala. Tatawagan na sana kita.
KYLA: Guys, huwag nalang kaya? Masama ang kutob ko eh! Parang may mangyayari.
AMY: Oy huwag kang mag biro ng ganyan! Tara na nga! Nasa labas na ang van namin.
(Habang papuntang resort)
KINA: (Pabulong na kina-usap si Roda) Asan si Shane?
RODA: Nandoon na sa resort.
KINA: Ah o sige.
(Pagdating sa resort)
AMY: Nakapag book na ako ng room. Room 53 tayo. Pwede bang ikaw na muna doon Kyla? Aayusin muna namin ang mga gamit. Medyo gabi na rin eh.
KYLA: Oh sige.
(Binuksan ni Kyla ang kwarto)
SHANE: Ang tagal niyo na.......
KYLA: Ba't ka nandito?
SHANE: Inimbita nila ako
(Biglang sumirado ang pinto)
KYLA: Naisahan tayo ng mga gagu
(Katahimikan)
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi nakapag tiis si Shane kaya siya ang na unang magsalita.
SHANE: Uhmmmm sorry.
(Tiningnan lamang siya ni Kyla)
SHANE: Inaamin ko, kasalanan ko at pinagsisisihan ko iyon . Sana mapatawad mo ako.
SHANE: Wala ka bang sadabihin ky? Sorry na oh.
TAGAPAGSALAYSAY: Walang masabi si Kyla ngunit bigla lamang tumulo ang luha nito.
(Niyakap si Shane)
KYLA: Oo na, hindi na tayo mga bata para patagalin pa ito. Namiss kita eh!
(Tumatawa habang umiiyak ang dalawa)
SHANE: Namiss din kita bess!
(Nagyakapan muli)
(pumasok ang buong barkada)
RODA: Sa wakas at nagkaayos na rin kayo. Makakalbo na ako sa pag-iisip sa inyo eh!
CHRISTIAN: Bagay iyon sayo bakla (tumawa)
RODA: Ang gandang kalbo ko naman?
(Nagtawanan ang buong barkada)
(Kinaumagahan)
LORENZO: Lez goo naaaaaa!
RODA: Yohoooo! Makakasakay na rin ako ng bangka sa wakas!
KAMBAL: Ako rin!
SHANE: Tara naaaa! Ay pero teka, bago ang lahat picture muna tayo.
(Nagpicture)
SHANE: Ayan smiileeeee
KINA:: Patingin! Oy ang ganda ko dyan ah!
LORENZO: Oh tara na nga!
(Sumakay na ng bangka)
KYLA: Guys una na ako ah, gusto ko ng lumangoy eh!
CHRISTIAN: Susunod ako babe!
RODA: Ako rin!
(Tumalon na si Kyla)
TAGAPAGSALAYSAY: Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa umaahon si Kyla.
SHANE: Guys ba'y mapula pula ang dagat? Teka, asan na ba si Kyla?
CHRISTIAN: Hala oo nga sinabi ko palang susunod ako. Teka sisisirin ko.
TAAPAGSALAYSAY: Sa pagsisid ni Christian ay nakita niya ang walang buhay na si Kyla. Nabagok ito sa bato at hindi na lumutang dahil sa oxygen na dala nito. Dali-dali niya itong kinuha at umahon sila.
CHRISTIAN: Guys tulungan niyo ako!
(Dali-dali tinulungan nila si Christian)
(Nagsimula ng umiyak ang kambal ni Kyla na si Kina)
KINA: Anong nangyari sa kanya?
(Nagpanik)
TAGAPAGSALAYSAY: Tila ang bilis ng pangyayari sa magkaibigan. Para bang isang alon na humampas sa kanila ng katotohanan)
MRS CONAG: Ha?! Anong nangyari sa anak ko?!
SHANE: Kung kaylan okay na kami..... (Umiiyak) Sana.... Sana......
"Saglit"
ni: Joan Lopena
Don Pantaleon: Agnes ito nga pala ang dalawa kong apo na galing States, ito si Mark at si Vince.
Agnes: Ay naku! Walang duda , ang gugwapong lalaki nitong mga apo mo, itong isa kasing tanda lang ng anak kung panganay.
Don Pantaleon: Balak ko ngang pag-aralin si Vince sa paaralan kung saan nag aaral si Same para magkasama n asana slang dalawa, osige na mamaya na natin to ituloy sa bahay na kayo maghapunan at may kaunti kaming selebrasyon doon.
*Sa bahay ng mga Lazaro*
Don Pantaleon: Pasok kayo dito Agnes, kay gaganda naman talaga ng lahi niyo. Ito ba ang panganay mo? Kay ganda nagmana sa ina at itong bunso mo ay lalaki pala mana nman sa ama.
Agnes: Maraming salamat po, masyado niyo naman kaming pinupuri na.
Don Pantaleon: Oh, sige na pasok na kayo doon tayo sa hardin naman kakain nakaayos na ang pagkain roon.
*Sa lamesa habang kumakain*
Don Pantaleon: Same, magpaenroll na kayo si Vince bukas ha? Para hindi na kayo ppila ng mataas doon.
Same: Opo tito no worries po.
Don Pantaleon: Huwag na kayong magkahiyaan at kayo din ang makakasama sa mga susunod na buwan.
*kinaumagahan*
Same: Magandang umaga po tito asan po si Vince?
Don Pantaleon: Andoon sa kusina hija, puntahan mo nalng doon at sabayan mo narin siya kumain doon, at pagakatpos ninyong kumain ay magpahatid nalang kayo papunta sa paaralan.
Same: Maraming salamat po tito.
*sa paaralan pagkapasok nila*
Vince: Pumunta na tayo doon sa registrar, ikaw naman taga dito eh, sigurado ako mas alam mo ito.
Same: Malamang paaralan ko ito.
Vince: Pagkatapos natin dito punta tayo sa resort namin Same nagpaalam na ako kay lolo alam niya na at pinagpaalam na din kita kay mama mo kaya wala ka nang aabalahin tanging oo mo nalang.
Same: Hay naku Vince kung akala mo eh, makukuha mo ako sa mga paganyan ganyan mo hindi, pero sige na nga.
Vince: Tingnan mo na sasama kadin pala eh, papilit ka pa ha?
*PAGDATING SA RESORT*
Vince: Nagdala kaba ng damit?
Same: Hindi, ‘wag mo sabihing….
Vince: Oo Same maliligo tayo ano ka ba? Ito ang highlights sa resort namin.
*sabay tumalon ang dalawa sa pampang*
Same: Whoooo! Ang lamig ng tubig ang sarap!
Vince: Buti na nga at tayo pa ang naliligo ditto kaunti lang kasi ang guest.
Same: Oo nga.
Vince: Dito ka lang ha, at aakyat ako tatalon pa ako.
Same: Sigurado ka? Oh, sige mag- ingat ka.
*nakaakya na sa taas si Vince at nag aambang tatalon na ito ng… madulas ito at nabagok ang ulo*
Same: “Vince!!!!!!... Diyos ko po!
*may mga awtoridad na dumating pero ‘di na nila naabutang buhay si Vince*
"Libro"
ni: Jeziel Mae A. Caduyac
Tagpo 1: Paaralan
Papalapit na ang bakasyon kaya Marso palang ay hinahandaan na nang magkaibigan na sina Monica, Nina at Nica. Magkababata sina Monica at Nica kaya magkaibigan sila hanggang ngayon. Kasalukuyang nag-aaral ang tatlong magkaibigan sa Pribadong paaralan sa San Vergara at magkaklase pa sila. Nag-uusap silang tatlo kung ano ang gagawin nila sa papalit na bakasyon.
Monica: Guys! Malapit na ang bakasyon mag outing tayo.
Nina: Ay nako! Game ako dyan basta camping tayo ha!?
Nica: Oo nga, magandang ideya yan camping tayo! Omg excited na ako!
Monica: Sige, pero kailan tayo magcacamping?
Nica: Sa unang araw ng Abril kasi di na ako makapaghintay.
Nina: Tingnan mo nga naman masyadong excited! Tsss!
Monica: Sige, ngayong Abril ha! Mark your calendar girls!
Jella: Tingnan mo nga nag-uusap na naman ang mga sipsip nating kaklase.
Myca: Ayy! Ang dapat sa kanila di irespeto ehh. Kaya sumipsip sa guro para tumaas ang mga grades.
Nina: Hoy! Myca at Jella unang-una sa lahat hindi kami mga sipsip kung tutuusin nga ay kayo ang mga sipsip.
Monica: Oo nga! Maypabigay pang snack tuwing biyernes sa mga guro.
Jella: Nagmamagandang loob lang kami. Hindi yun sipsip.
Nica: Kaya hindi lumalaki grades nyo puro kasi kayo cellphone sa tuwing nasa silid-aralan tayo. Tapos late pang pumasa ng project.
Monica: Palibhasa ehh. Inggit lang kayo kasi yung sa amin ay malalaki dahil mga matalino kami at responsible.
Myca: Tse! Tara na nga Jella umalis na tayo. (naglalakad pa layo sa kanilang tatlo)
Monica: Hahaha!! Mga pikon talaga (tiningnan sina Myca at Jella)
Nina: Girls huwag ninyong kalimutan yung camping natin ha?
Monica at Nica: Oo naman!!
Tagpo 2: Bahay ni Nina
Lumipas ang dalawang linggo. Ang magkaibigan ay napagdesisyonan na doon sila matulog sa bahay ni Nina para kinabukasan ay pupunta na sila sa kabundukan at mag camping. Gabi na kaya nasa kwarto na sina Monica,Nina at Nica. Napag-usapan nila kung saan ang pupunta ng bundok.
Nica: Saang lugar ang pupuntahan natin bukas?
Nina: Oo nga! Saan? (napaisip at kumunot ang noo)
Monica: May alam akong bundok kung saan palaging pinupuntahan ng mga tao.
Nica: Saan naman?
Monica:Sa La Trinidad! Makikita mo ang magagandang tanawin kapag magbubukang liwayway na.
Nina at Nica: Talaga?
Nina: Excited na talaga ako, di na ako makakatulog nito! (tumatalon sa tuwa)
Monica: Oo totoo. Hindi kayo maghihinayang doon.
Nina: Ayy oo nga pala.. inaayos ko na ang mga dadalhin ko bukas at ang mga pagkain. Siguradong wala na kayong naiwan sa bahay ninyo? (tinuro sina Nina at Nica)
Monica at Nica: Wala na! Ready na yung mga gamit namin.
Monica:Guys, meron akong nalaman na nakakatakot na bundok. Sinusumpang bundok! Pero ang sabi nila ay sinumpang bundok daw iyon.
Nica: Hala! Nakakatakot naman yan. (kinuha yung unan at yinakap)
Nica: Bakit isinumpa yung bundok?
Monica: Noon daw may mag nobya at nobyo na nagtanan. Pero nung hindi pa sila nagtanan ehh.. 'yung lalaki may ibang babae at hindi lang yun pinaglaruan pa nito ang babae. Hindi alam ng nobya na may ibang babae ang lalaki. Pero dumating yung panahon na di na matiis ng lalaki ang itinatago nitong kabastardohang ginawa nya sa babae. Nang sinabi nito lahat sa kanya ay galit na galit ang babae dahil pinaglaruan daw siya. Nang nalaman ng nobya ang ginawa ng kanyang nobyo ay humingi nang patawad ang lalaki sa nobya kaya napatawad niya lang ito dahil labis niyang minahal ang kanyang nobyo. Noong panahon na yun ay nagtanan ang dalawa at pumunta sa bundok nang nalaman ng babae na nagtanan ang dalawa ay hinanap niya ito pero hindi alam ng mag nobya at nobyo na mangkukulam ang babae. Kaya nahanap sila sa bundok sa paraan ng kulam, pinuntahan niya ito at pinatay sila. May sabi-sabi raw na may anak ang mag kasintahan at itinakas ang bata para hindi madamay sa gulo. Kaya yun ang nangyari.
Nica: Nakakatok naman niyan.. Huwag mo na ngang tapusin ang kwento natatakot na talaga ako!
Monica: Huli ka na Nica tapos ko nang ikwento ang lahat-lahat. (Tumatawa sina Monica at Nina)
Nina: Matulog na tayo oyy!! Maaga pa tayo bukas.
Nica: Oo nga! Halika na tulog na tayo! (humiga na siya sa kama)
Monica: Good night!
Nica at Nina: Good night din!
Tagpo 3: Kagubatan
Kinabukasan ay gumising sila nang maaga at naghanda ng kanilang mga gamit na kinakailangang dalhin. Sumakay na sila ng sasakyan ni Nina at hinatid sila sa driver. Nang dumating na sila sa La Trinidad ay tuwang-tuwa ang magkaibigan dahil sa malamig ang simoy ng hangin at sa magagandang tanawin. Nang malapit na ang mag dapit hapon napag- isipan nila na maghanap ng kahoy para sa gagamiting pangluto ng pagkain at bonfire. Iniwan nila ang malaking tent kung saan kasya silang tatlo at iniwan ang mga gamit doon pero isinarado iyon at nagsimula na silang maghanap nang kahoy.
Nica: Sigurado kayo na kapag iwanan natin tong mga gamit na ito ay hindi mananakawan? (tinitingnan ang mga gamit na dala)
Monica: Hindi tayo mananakawan kasi nakakandado naman ang tent.
Nica: ahh sige tara na, maghanap na tayo ng kahoy para hindi tayo maaabutan ng gabi. (sinimulan ang paglalakad)
Nasa kalagitnaan na sila ng gubat at parami-rami na ang kahoy nilang nakuha. Napag-isipan na nilang umuwi pero sila ay naligaw sa kalagitnaan ng gubat.
Nina: Hala! Kanina pa tayo naglalakad pabalik pero parang naligaw tayo! (nag simulang kinabahan)
Monica: Tara na! hahanapin natin ang ruta pabalik. (nagpatuloy ng lakad)
Nagpatuloy sila ng lakad ngunit may nakita silang malaking bahay sa kagubatan kaya pinuntahan nila ito para makahingi ng tulong sa kanila.
Nica: Girls! May malaking bahay doon ohh! (tinuro ang malaking bahay)
Nina: Tara! Hihingi tayo ng tulong (tumakbo)
Monica: Ano ito? Parang inabanduna na itong bahay.
Nica: Oo nga, madaming alikabok.
Nica: Pumasok tayo baka may tao doon.
Monica at Nina: Sige!
Sa pagpasok nila…
Monica: Tama nga ako! inabandona na itong bahay.
Nica: Ano yun? (tinuro ang hagdanan)
Nina: Oo nga! (nagtataka)
Monica:Ano yan? (lumapit sa hagdanan)
Aba! Isang libro (binuksan niya ito)
Nina: Bakit may latin dito?
Nica: May tagalog din ohh.!(tinuro ang isang pahina)
Monica: Mga sumpa ang nakalagay nito! (nagsimulang kabahan)
Nica: Hala! may nahulog! (kinuha ang nahulog na larawan)
Monica: Picture ng sanggol. Teka may nakasulat sa likod. (tinignan nila ito)
Nina: Mahal kong anak? (tiningnan ulit ang picture)
Nica: Bakit may picture ako dito?
Monica: Ikaw to ang nasa picture?
Nica: Oo! (nagsimulang umiyak)
Monica: Di ba ‘t sabi mo sa akin nung bata pa tayo na inampon kalang?
Nica: Oo, ampon lang ako
(Flashback)
Lola: Nica, may ipagtatapat ako sa iyo. Sana hindi ka magagalit sa akin.
Nica: Ano po yun lola?
Lola: Ampon ka lang anak. Nakita ka sa amin sa isang bundok.
Nica: Ho?
Lola: Patawad anak
Nica: Bakit ngayon nyo lang sinabi?
Lola: Baka kasi iiwan mo ako. (umiiyak)
Nica: Hindi po lola, di kita iiwan dahil ikaw ang nagpalaki sa akin. Kaya wag kanang umiyak.(pinunasan ang mga luha)
(End of Flashback)
Monica: Baka yung may-ari nito ng libro ay ina mo.
Nina: Teka lang! (binasa ang sulat sa likod) Niloko ako ng isang lalaki kaya dapat kong puntahan ang magkasintahan at papatayin ko sila.
Nica: hala! Pamilyar ito! Monica diba ito yung ikwenento mo sa amin kahapon?
Monica: Oo nga! Ito pala ang sinusumpang bundok. Pero sabi nila na ito yung madalas na puntahan ng mga tao.
Nica: Tara na! bilis umalis na tayo.
May biglang humarang sa kanila sa pintuan. Kaya laking gulat nila ito.
Babae: Sino kayo bakit kayo nandito? Bakit nyo binasa yung naka sulat sa libro ko?
Monica: Hindi po namin sinasadya. Paumanhin po.
Nina: Siya ang may-ari sa libro! (nagtatakang sabi)
Nica: Bakit nasa inyo yung picture ko noong sanggol pa ako? Sino ka ba?
Babae: Ikaw yung sanggol na nasa picture?
Nica: Oo ako nga! (pasigaw niyang sabi)
(Biglang lumapit ang babae kay Nica)
Babae: Anak ko! Ikaw na pala ito ang laki mo na.! niyakap niya ito)
Nica: Anak?
Babae: Bakit kayo naparito?
Nina: Nag camping kami dito pero naligaw kami. Ay! Ako nga pala si Nina. (inabot yung kamay sa babae)
Monica: Ako nga pala si Monica.
Babae: Pamilyar yung mukha mo. May kaparehas kang mukha. (napaisip ito)
Monica: Talaga ho?
Babae: Ikaw yung anak nina Mark at Mona
Monica: Ho? Ampon lang ako pero hindi ko yan kilala.
Babae: Sila yung magkasintahan at si Mark yung kasintahan ko pero iniwan niya ako. Ako ang pumatay sa kanila! Aba! Nagka anak pala sila.
Monica: Di po kita maitindihan.
(Kinuha ng babae ang kutsilyo para patayin si Monica.)
Babae: Anak! Tulungan mo ako ditto papatayin natin si Monica ang kanyang ina ang sumira sa ating pamilya.
Nica: Wala akong nanay na mamamatay tao! Tara na takbo!
Babae: Ahh ganun ba?
Nina: Aray! Bitawan mo ako! (hinila ang buhok niya)
Pinatay ng babae si Nina at napatakbo sina Monica at Nica. Nagkahiwalay ang dalawa sa kagubatan. Pero na abotan ng babae si Monica.
Babae: Huli ka!
Monica: Parang awa huwag mo ako papatayin!
(Bigla nalang may sumaksak sa likod ng babae at si Nica ang sumaksak sa kanyang nanay.)
Babae: Ba’t ginawa mo yun anak?
Nica: Ayoko sa iyo! Tara na Monica! Takbo!
Noong panahon na 'yun ay nakauwi sila ng maayos sa kanilang bahay pero umiiyak sila dahil patay na si Nina kaya tinawagan nila ang mga pulis at ambulansya. Sinisisi ang kanilang mga sarili dahil namatay ang kanilang kaibigan na si Nina.
"Hindi Nalang
Sana Nagtagpo"
ni: Pauline Faith P. Luz
( Unang Tagpo:
Sa paaralan. Punong-puno ng mga estraktura kasabay ng mga estudyanteng
naglalakad. Si Lisa at ang kaniyang kaibigan ay papasok na sa loob ng papasukan
na Unibersidad. Maglalakad silang dalawa at nagmamasid sa buong kapaligiran.)
Lisa: Ang daming estudyante sa
university hindi pa ako sanay sa maraming tao.
Rose:
Bahala na. Alam mo bang bihira lang ang makapasok dito? Kaya swerte na tayo.
Nagpatuloy silang naglakad. Hinanap nila ang kanilang
mga pangalan na nakapaskil sa bulletin board upang malaman kung saan sila
napapabilang.
Lisa: Hindi tayo magkaklase? Akala
ko pa naman may kasama ako. Paano na kaya ako?
Ako
nalang mag-isa.
Rose: Sayang nga eh! Pero
ayos lang yan. Magkatabi naman ang room natin. Good luck to us!
Lisa: Sige.
Papasok na ako. (tahimik na pumasok sa
room.)
Titser: Ang aga mo naman iho? Hindi dapat
ganyan sa unang pasukan.
(Naglakad ng deretso ang lalaki at parang walang
nangyari. At ang mga babae ay tumingala sa kanyang kagwapuhan.)
Aeron: May nakaupo ba dito?
Lisa: (nakayuko) May nakikita ka bang hindi ko nakikita?
Aeron: Pilosopo ka ha! Lumingon ka dito. Huwag kang
bastos!
( Napalingon si Lisa. Magagalit na sana
siya ngunit natunganga siya ng saglit.)
Lisa: Ae…ron?
Ikaw ba yan? Ako ito si Taba!
Aeron:
Lisa? Ang tagal na ng huli tayong nagkita.
Lisa: Kamusta naman ang gwapo
kong kababata? Kamusta naman sa States?
Aeron: Ang natutunan ko lang doon ay
magsalita ng Ingles pero mas pipiliin ko pa ang tumira dito sa Bayan ko.
(Nahinto ang usapan.)
Rose: Omg!
Sino siya Lisa? Pinalitan mo naba ako? Ang dali mo naman makahanap ng iba.
Lisa: Ano ka ba! Siya ‘yong
sinasabi ko sayong kababata ko.
Rose: (kinikilig) Ah! Ang first love mo?
( Iniba ni Lisa ang usapan.)
Lisa: Ano
kain tayo?
Rose: Hindi
ako makakasama sa inyo uuwi na kasi ako agad.
Lisa: Sige. Ingat ka Rose.
(Umalis si Rose at Nagpatuloy sa
paglakad si Lisa at Aeron.)
Aeron:
Patawad ha dahil nasaktan kita dati.
( Mag-iisip ng matagal si Lisa at
magbabalik sa nakaraan na pangyayari.)
Lisa: (umiiyak) Wala na si papa. Bakit
siya pinatay? Wala naman siyang kaaway?
Aeron:
Huwag ka ng umiyak. Nandito lang ako Lisa ako na ang magiging superhero mo.
(Pinunasan niya ang luha ni Lisa
at pinangiti niya ito.)
Lisa: Promise?
Aeron:
Oo mamatay man!
(Pagkatapos ng flashback)
Lisa: Walang
tigil talaga ang iyak ko noong umalis ka. Bakit kasi hindi ka nagpaalam na
pupunta ka pala sa ibang bansa? Alam mo bang ilang beses ako kumatok sa bahay
niyo. Hinihintay kita palagi na bumalik ka pero hindi ka na talaga bumalik.
Aeron: Hindi ko na sinabi sayo kasi biglaan
ang pag-alis namin.
Lisa:
Huwag na natin balikan ang panahon na iyon. Ang importante kasama ko na ang
kababata ko.
Aeron: Tara na. Kain na tayo.
Lumipas
ang taon at nasa apat na taon na sila sa kolehiyo.
(Tagpo 2: Mag-uusap sila sa hardin sa
loob ng paaralan.)
Aeron: Matagal
ko itong hinanda para sabihin ko to sayo. Ito na yata ang tamang oras na
sabihin sayo na mahal kita at gusto kong makasama kita panghabangbuhay.
Lisa:
Hindi mo na ako iiwanan ulit?
Aeron:
Sasamahan kita kahit saan ka man magpunta.
Lisa:
Kahit mamatay man ako.
Aeron:
Oo naman. Magkatabi pa nga tayo eh.
( Niyakap ni Lisa si Aeron)
(Tagpo 3: Sa bahay ni Aeron kausap niya si Mr.
Madrigal ang kanyang ama.)
Mr. Madrigal: Nasa tamang edad
kana anak kaya you need to know our family business. Dahil balang araw ikaw na ang magtataguyod
dito.
( Ipinaliwanag na ng kaniyang
ama ang kanilang negosyo.)
Aeron:
(puno ng galit) Droga? Sa
droga mo ako binubuhay? Hindi ko ito kayang gawin pa.
Mr. Madrigal: Anak ganyan rin ako dati pero tignan mo ako
ngayon. Tignan mo ang nakapaligid sayo anak. Nabigyan kita ng marangyang buhay.
Aeron: (sumigaw)
Tama na pa! Mas pipilin kong mamatay sa gutom kaysa mabuhay sa droga!
Mr. Madrigal: Mapapahamak si Lisa kung
hindi ka susunod sa akin. Siya ang isusunod ko sa mga magulang niya! (bigla niya itong nasabi)
(Natulala ng saglit si Aeron sa
narinig.)
Aeron: Ikaw? Ikaw ang pumatay sa magulang
ni Lisa? Paano mo nagawa iyon pa? Wala kang puso! Kaya pala biglaan ang
pagpunta natin sa States noon dahil tatakas ka sa kasalanan mo!
Mr.Madrigal: Wala akong magagawa kundi
alisin ang mga hadlang sa atin anak.
Aeron: Lubayan mo si Lisa. Susunod ako sa
lahat ng ipapagawa niyo sa akin. Huwag mo lang sasaktan ang mahal ko.
Muling nawala si Aeron ng tatlong taon upang
maprotektahan si Lisa kahit masakit man sa kaniyang kalooban. Napuno na ng
galit ang puso ni Lisa dahil ang buong alam niya ay iniwan na naman siya ni
Aeron na nag-iisa.
(Tagpo 4: Sa kalsada. Papasok si Lisa at tatawid sa
kalsada.Walang masyadong tao dahil maghahating gabi na)
(beeeppp…..)
Lisa:
(sisigaw) ahhhhhh…..Hoy! Bumaba ka
dyan sa kotse mo! Muntik mo na akong masagasaan ha! (malakas na papaluin ang kotse.)
(Lumabas
ang lalaki sa sinasakyang kotse.)
Aeron:
(matamlay ang pagsabi) Lisa
(Tumulo
ang luha ni Lisa at tumakbo. Hinila siya ni Aeron sa tabi ng kalsada.)
Aeron:
Patawad pero…
Lisa: Tama na! Pakiusap ko sayo tama na
Aeron. Ayoko ng mamatay ng paulitulit. Ayoko ng Makita pa kita.
Aeron:
Maiintindihan mo rin ako balang
araw. Pataw…(naputol ang sasabihin)
Lisa: Patawad? Pasensya? Pangako? Sawang-sawa na ako
sa mga salita mo Aeron. Duwag ka! Duwag! Kung mahal mo ako. Ipaglaban mo naman
ako. Totohanin mo lahat ng sinasabi mo Aeron.
( Bumitaw si Lisa sa kamay
ni Aeron at umalis.)
(Tagpo 5 : Sa Building.
Nagtratrabaho si Lisa sa JD company na ang nag mamayari ay ang ama ni Aeron na
si Mr. Madrigal.)
Secretary: Ms. Lisa paki hatid to sa opisina ni Mr.
Madrigal.
Lisa:
Sige po.
Secretary: Teka lang. Make sure that knock the door
before you enter. Magagalit si Mr. Madrigal kung papasok ka lang agad.
(Kakatok
na sana si Lisa ngunit narinig niya na may kausap pa ito)
Kaibigan ni Aeron: Mas marami na po kaming
napapadala na Droga sa ibang bansa ni Aeron.
Mr. Madrigal: Siguraduhin na malinis ang trabaho niyo.
Nagulat si Lisa sa mga narinig niya. Hindi siya maka
alis man lang sa tinatayuan niya at Nahulog pa ang daladala niyang mga papel.
Hanggang sa binuksan na ng kaibigan ni Aeron ang pintuan at nakita niya ang mga
papel sa sahig at ang babaeng tumatakbo.
Kaibigan ni Aeron: May nakarinig po sa ating
usapan. Ano po ang gusto mong gawin sa
kaniya?
Mr. Madrigal: (Galit na galit) Tawagin mo si Aeron. Meron tayong liligpitin
mamaya. Siguraduhin mong siya lang ang tao mamaya sa opisina.
Matagal natapos ang kaniyang trabaho at
siya lang ang na iwan. Nag-ayos na siya ng mga gamit niya dahil papauwi na
siya. Hangang sa Nagdilim lahat ng paligid niya.
(Tunog ng naglalakad)
Lisa: (kinakabahan)
Sino yan? May tao ba?
Papatakbo
na sana siya ngunit hinila siya sa likod at nadama niya ang ilang saksak sa
kanyang likuran.
(Nagbukas ang ilaw)
Aeron: (natulala at mapapaiyak) Lisa? Lisa?
Bakit ko ito nagawa! Gumising ka gumising ka!
(papasok ang ama ni Aeron. Makikita ni Aeron
ang ama niya at susugurin niya ito.)
Aeron: (tinutok
ang patalim sa kaniyang ama) Dahil sayo to pa! Ginawa mo akong halimaw! Sinira mo buhay
ko.
Hindi niya kayang patayin ang kaniyang ama kaya
binatawan niya ang kaniyang patalim at niyakap ang duguan na katawan ni Lisa.
Aeron: (umiiyak) Galit na galit ako sa
sarili ko. Tama ka naging duwag ako Lisa.
( Hiniga niya ng maayos si lisa at aalis ng
parang wala sa sarili. Lalakad siya patungo sa pinaka mataas na palapag ng
building.)
Aeron:
(kinakausap ang sarili habang nakatayo sa itaas at nakatingin sa
langit.) Sana makita mo itong mga
bituin sa langit Lisa. Gusto na kitang makapiling Lisa. Naalala mo ba noong
nasa hardin tayo.
Flashback
( Nag-uusap sa hardin)
Lisa: Hindi mo na ako iiwanan ulit?
Aeron: Sasamahan kita
kahit saan ka man magpunta.
Lisa: Kahit
mamatay man ako.
Aeron: Oo naman.
Magkatabi pa nga eh!
(Iaabot ni Lisa
ang kamay niya)
Puno
ng katahimikan ang gabing iyon hanggang sa nabalot ng ingay ng ambulansya at
sigawan ang buong kapaligiran.
"Ang Pagbabago"
ni: Jenissa Orongan
Ang buhay nila ay masaya noong nakahanap ng magandang trabaho ang kanilang ama na si Mario. Kahit anong gusto nila mabibigay na niya ang gusto ng mga anak.
Mario: Mga anak mag-aral kayo ng mabuti, para sa inyong kinabukasan. Angela:Oo tay, gagawin namin anv lahat tay.
Edgar: Pangako yan tay,nay.
Nina: Tama yan mga anak (masayang sabi )
Nina: Angela......,tawagin mo ang tatay at kapatid mo na kakain na tayo.
Angela: Opo nay, tay... bunso...,kain na daw tayo sabi ni nasty.
Edgar: Wow! ang sarap naman ng ulam nay.
Mario: Upo na kayo.
Mario: Pagkatapos niyong kumain, gagawin niyo ang assignment at pagkatapos matulog kayo ng maaga
Angela: Opo tay.
Kinaumagahan, naghahanda na ng almusal ang kanilang nanay.
Nina: Mga anak kain na kayo baka mahuli sa klase.
Angela: Opo nay,tawagin ko lang si Edgar.
Pagkatapos nilang kumain nagpaalam na ang magkapatid
Angela: Bye nay, (nakangiting sabi )
Edgar: Bye po nay
Nina: Ingat kayo mga anak.
Sa paaralan
Angela: Bes, good morning, (sabay yakap )
Ana: Good morning din bes
Ana:Anong pag-uusapin natin ngayon bes?
Angela: Wala bes
Sa bahay ni Ana
Ana: Upo ka muna bes.
Angela: Saan ang magulang mo bes?
Ana: At! anditp na pala sila mama bes.
Tumawag si Mario kay Angela.
Mario: Nak saan ka ngayon?
Angela: Tay, andito po ako kina Ana. Mario: Uwi ka ng maaga ha.
Angela: Opo tay.
Umuwi si Angela sa kanilang bahay na masaya
Angela: Anong selebrasyon? (gulat na sabi )
Edgar: May trabaho na si tatay ate.
Angela: Totoo po tay? (habang nakangiti )
Mario: Oo anak.
Masaya sila sa gabing iyon, kinaumagahan nagtungo ang pamilya ni Mario sa simbahan.
Mario: Bilisan niyo diyan baka mahuli tayo.
Nina: Mga anak bilisan niyo daw diyan.
Angela: Saglit lang nay.
Pagkatapos nun umuwi na sila agad, Unti-unti na silang bumabangon ang kanilang pamilya.
Angela: Tay, pwede po bang pabili ako ng bagong sapatos.
Mario: Oo anak, bukas
Angela: Salamat po tay (sabag yakap sa kanyang tatay )
Mario: Wala yan anak.
Makaraan ng ilang taon, nakabili sila ng magandang bahay.
Edgar: Ate, may magandang bahay na tayo.
Angela: Oo nga bunso.
Angela: Kaya bunso mag-aral tayo ng mabuti.
Edgar: Opo ate, dahil dahil gusto ko makatulong din kina tatay at nanay.
Mario: Maganda ba mga anak?
Angela: Oo tay ang ganda po.
Edgar: Tay, super ganda talaga
Masaya sila sa kanilang bahay at makaraan ng ilang buwan ay nagkasakit ang kanilang amazing. Nag- usap si Angela at Edgar.
Edgar : Ate anong gagawin natin may sakit na si tatay.
Angela: Hindi ko pa alam bunso,(nakasimangot )
Angela: kahit anong mangyayari hindi tayo hihinto sa pag- aaral, baka magalit si tatay.
Edgar: Oo ate (habang umiiyak )
Unti-unti na silang naghihirap, noong araw na namatay ang kanilang tatay.
Nina: Mga anak wala na ang tatay niyo doon muna kayo sa lolo at lola niyo.
Angela: Bakit po nay?
Nina: Maghahanap mo na ako ng trabaho, kukunin ko kayo kung makahanap ako ng magandang trabaho. Angela: Opo nay, nay kung saan man kayo magpunta sana mag-ingat kayo palagi.
Nina: Oo mga anak (habang umiyak na niyakap ang kanyang mga anak.
Makaraan ng ilang taon Masaya sila sa kanilang lolo Lito at lola Lourdes. Laging nagpapadala ng pera ang kanilang ina para sa kanilang pag-aaral..Minsan bumibisita ang kanilang nanay sa kanila.
Isang araw sa lugar ng De Lapaz naririto si Maria at ang kanyang masugid na manliligaw na si Louell nag kwekwentuhan tungkol sa parating na kasiyahan.
UNANG TAGPO
sa ilalim ng puno ng akasya
Louell: Maria? Excited ka na ba sa darating na kasiyahan mamaya?
Maria: Oo, Louell excited na ako.
Louell: Eh? Dadalo ka ba sa sayawan?
Maria: ‘Yun nga ang problema eh, baka kasi hindi ako makapunta ayaw kasi nila inay na mag walwal ako.
Louell: Anong walwal?
Maria: Walwal ba! ‘Yung sayaw ka lang ng sayaw pero hindi mo alam na hindi mo na pala kontrolado ang iyong mga ginagawa.
Louell: Ah, ‘yun ba ‘yun? Eh, ano naman kung mag walwal ka? Ang importante sumaya ka! ‘Di ba? ‘Yun naman ang pinakaimportante?
Maria: Kahit na, kilala mo naman siguro ang pamilya ko diba? Ayaw nila sa kahihiyan.
Louell: Kahihiyan? Kailan pa naging kahiya-hiya ang pagsasaya?
Maria: Basta! ‘Yun ang sabi nila kaya wala tayong magagawa.
Louell: ‘Wag kang magalala gagawa ako ng paraan.
Maria: Ano na namang kalokohan ang gagawin mo?
Louell: Basta ako bahala, ipangako mo lang na ako ang partner mo sa sayawan.
Maria: Basta ‘wag kang gagawa ng kagimbal-gimbal ha!
Louell: Kagimbal-gimbal? OA mo naman! Basta ako bahala.
Maria: Sige! Pagkakatiwalaan kita! Oh, ano? Una na ako ha! Baka kasi hinahanap na ako nila nanay, at mag aayos pa kami para sa kasiyahan mamaya, paalam Louell!
Louell: Sige ingat ka eh, kamusta mo nalang ako sa aking magiging manugang.
Maria: Hahaha palabiro ka talaga! Pasigaw na tugon ni maria habang naglalakad papalayo.
IKALAWANG TAGPO
Nagsimula na ang kasiyahan, naroroon si Maria kumikinang sa ganda habang nakatunganga sa gilid ng bulwagan, darating si Louell at magugulat pagkakita niya kay Maria.
Maria: Magandang gabi Louell! (magandang bati ni Maria) Buti nalang at pinayagan ako nila inay na dumalo sa sayawan.
(Hindi parin maalis sa utak ni louell ang pagkagulat.)
Louell: Maria? Maria? Ikaw ba talaga yan?
Maria: Ano ka ba!? Syempre ako to!
Louell: Hindi ako makapaniwala! Ang ganda mo talaga! Naaalala ko sayo ang mga napanood ko sa t.v. kahapon!
Maria: Ano? Ano nanaman ang pinagsasabi mo diyan?
Louell: ‘Yun bang mga nagsusuot ng mga magagandang gown yung mga miss uni.. Ano nga ‘yun?
Maria: Ah, ‘yung miss universe? Grabe ka naman! Hindi naman! Wala lang ako sa kalingkingan nila.
Louell: Anong wala? Kahit ano pa sabihin mo hindi mag babago ang paningin ko sayu ngayung gabing ito!
Maria: Tumahimik ka nga! Ayan na naman yang mga banat mong corny! Hali ka na nga! Sumayaw na tayo!
Habang magkapares na sumasayaw ang dalawa, hindi mapigilan ni louell ang matameme habang tinititigan si maria.
Louell: Ang ganda mo talaga. (pabulong na sinabi ni louell kay maria)
Maria: ‘Yan ka na naman! ‘Wag mo nga akong bolahin!
Louell: Hindi kailanman naging pambobola ang magsabi ng katotohanan.
Nagpatuloy ang gabi ng kasiyahan hanggang sa dumating na ang takdang oras para umuwi si maria.
Maria: Oh, pAano ba yan Louell, kailangan ko nang umuwi, nilimitahan kasi ako ni nanay na hanggang alas 10 lang ako ng gabi.
Louell: (nakatulalang nakatitig kay maria) Ay, ang aga naman! Sige na nga baka pagalitan ka pa ni future nanay ko! Hatid na kita para batid nila na nasa mabuti kang mga kamay habang nagsasaya!
Maria: Mabuti ka diyan! Eh, wala ka ngang ibang ginawa kundi titigan ako!
Louell: Siyempre! Tinititignan kong mabuti ang itsura ng aking magiging asawa!
Maria: Asawa? Oa mo rin no! Hindi pa nga kita sinasagot, asawa na agad nasa isip mo.
Louell: Hindi naman, naghahanda lang.
Maria: Sige na tayo na! Baka mapagalitan pa ako lagpas alas dyes (10) na!
Louell: Sige tara.
Habang naglalakad sila sa ilalim ng makinang na mga tala at maliwanag na buwan papauwi, biglang nagtanong si maria.
IKATLONG TAGPO
Sa daan patungo kanila Maria, may nakaabang na isang Ambo na masama ang tingin sa dalawa, at binastos si Maria.
Ambo: Hi chix, ganda mo naman pwede ba akin ka nalang gustong-gusto kitang lapain.
Louell: Ano pare? Gusto mo itong kamao ko ang lapain mo?
Maria: Tama na Louell ‘wag mong patulan.
Louell: Eh, ang bastos niya. Payag ka ba dun?
Ambo: Bakit pare? Kakasa ka?
Louell: Bakit pare? Nang hahamon ka?
(Sinuntok ni Ambo si louell, gumanti naman si louell, nagsuntukan ang dalawa habang si maria naman ay umiiyak sa takot, takot nab aka anong mangyari kay louell.)
Maria: Tama na! Tama na!
(Nagkataon namang may nag rorondang barangay tanod at agad pinigilan ang kaguluhan, agad-agad na ipinaintindi ni maria ang nangyari at dinampot si ambo papunta sa opisina at nag patuloy sa paglalakad ang dalawa papauwi)
Maria: Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?
Louell: Oo, okay lang ako e kahit galos nga wala hahaha
Maria: Bakit mo naman pinatulan?
Louell: Eh, binastos ka e! Alangan naman pabayaan ko lang bastusin ka!
(pumasok sa isip ni maria ang pangyayari at nasabi sa sarili na “ handing mag sakripisyo si louell para sa kapakanan niya. Kaya may gagawin siya para masuklian ito.)
Maria: Maraming salamat sa pagpapahalaga, louell? May tanong lang ako, Gusto mo ba talaga ako?
Louell: Oo gusto kita! Gustong-gusto kita. At handa akong masaktan mapasagot lang kita.
Maria: Iniisip ko kasi, grabe yung ipinaparamdam mo sakin, hindi ako katulad ng inaakala mo. Para akong na wiwirdo tuwing iniisip ko kung paano mo ako nagustuhan
Louell: Ano naman ang wirdo dun?
Maria: May ibang bahagi ang pagkatao ko, tulad nang: tumutulo laway ko habang natutulog, malakas ako kumain, malakas ako humilik, isa lang akong ordinaryong babae, at baka yung gusto mo ay nasa imahinasyon mo lang.
Louell: Hindi ako hilig mag pantasya.
(Napangiti si maria sa sinagot ni louell dahil alam niya ang ibig sabihin nito.)
Maria: Isipin mong mabuti, gusto mo ba talaga ako?
Louell: Oo nga!
Maria: Para ka talagang gago! Hindi mo nga yan pinag isipan nang matagal. Pag-isipan mo muna bago mo sabihin sakin.
Louell: (nag-iisip at tinatanong ang sarili) Anong ibig niyang sabihin? Sinusubukan niya bang e turn-off ako sa magandang paraan?
(natakot si louell, sa hinabahaba ng panahon hindi niya inakalang isang babae ang magpapa lambot ng pride niya.)
Louell: (sinasabi sa sarili na) Sa susunod na tanungin mo ako nang ganyan hinding hindi na ako magpipigil, hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon.
(nagpatuloy na nag lakad ang dalawa habang nakatingin sa mga bituin. Nang may biglang sumilip na bulalakaw.)
Maria: Bulalakaw! Louell! Mag wish ka! Dahil sa pagkakaalam ko magkakatoo daw ang wish mo sa bulalakaw.
Nag wish na si louell pati si maria nang biglaan tinanong ni maria si louell.)
Maria: Anong wish mo?
Louell: Wish ko? Wish ko na sana sagutin mo na ako, matagal-tagal narin kasi akong nanliligaw sayo e.
Maria: Ah yun ba. Haha
Louell: Bakit? Ikaw? Anong wish mo?
Maria: Gusto mo malaman?
Louell: Siyempre! Tinatanong nga kita diba?
Maria: Gusto mo talaga?
Louell : Oo nga!
Maria: Wish ko na sana hindi mo sayangin ang Oo ko.
Louell: Anong Oo? Hindi ko maintindihan.
Maria: Oo louell, oo sinasagot na kita!
Louell: Talaga ba? Talaga ba Maria? Sinasagot mo na ako?
Maria: Oo.
Louell: Maraming salamat lord! Maraming salamat sa bulalakaw dahil tinupad niya ang pangarap ko!
(agad-agad niyakap ni louell si maria at hinalikan sa pisngi.)
Hindi nagtagal nakarating na ang dalawa sa kanilang paroroonan, sa labas ng pintuan ni maria ay nakaabang ang kanyang nanay na nakangiti nang makita na si louell ang humatid sa kanya.
IKA-APAT NA TAGPO
Sa harap ng bahay nila maria kasama ang kanyang nanay na si Aleng Meding.
Aleng Meding: Buti naman at hinatid mo ‘to papauwi louell, maraming salamat at hindi mo pinabayaan ang anak ko.
Louell: Walang ano ‘yun nay, este Aleng Meding, alangan naman po na pabayaan kong maglakad mag-isa ang mahal ko, este si maria.
Aleng Meding: Palabiro talaga tong batang ‘to, o sige na umuwi ka na at gabi na, mag ingat ka papauwi.
Louell: Sige po, paalam po, paalam Maria.
Maria: Paalam louell, kita nalang tayo bukas sa paaralan.
Louell: Sige.
Pumasok na sa bahay nila si Aleng Meding at si Maria, nag lakad na rin si Louell papauwi habang nakangiti at nakatingala sa langit at nag sasabing “maraming salamat po panginoon sa napakagandang biyaya na ipinagkaloob mo sa akin. Nakauwi na si louell at agad agad pumasok sa kanyang kwarto. Humiga at muli nag dasal at nagpasalamat sa panginoon sa biyayang natanggap, wakas.
TAGPO 1 ( SA HACIENDA)
Habang abala si Teteng na mag asikaso sa hacienda, napansin niya na may nakatingin sa kanya. Hindi niya alam na ito ang anak ng mayaman na si Senyorita Luzviminda.
Teteng:Parang kanina ka lang nakatingin sa akin ah! Sino ka ba?(pagalit na sabi niya)
(Hindi parin nagpakita si Luzvinminda)
Teteng:Kung hindi ka lalabas diyan, tatamaan ka talaga sa palakol na hawak ko!(pasigaw na sumbat niya)
(Nagpakita si Luzviminda at tila hindi nakagalaw ang binata)
Luzviminda:Ano kaba Teteng? Labis na nasiyahan lang akong panoorin ka kase ang galing nang paghawak mo nang palakol!(pahimbing na sabi niya)
Teteng:Ipagpaumanhin mo napo Senyora! Akala kop o kase kung sino ang nakatingin sakin.(palungkot na tinig). Nadala lang ako sa problema ko kaya nagkaganito ako.(Tumulo ang luha)
Luzviminda:Ano ba ang problema mo?Baka may maitutulong ako.(sabay lapit kay Teteng)
Teteng:Aba! Wag napo! Nakakahiya naman sa inyo. Baka pagalitan pa ako ni Don Rascual!(sabay punas nang mga luha sa mata)
Luzviminda:'Wag kang mag alala! Ako bahala sayo.(Sabaw hawak sa likod ni Teteng)
“Habang isinalaysay ni Teteng ang mga problema niya, labis na naawa si Senyora sa kanya at n ag-abot nang pera sa binata”
Luzviminda:Eto oh Teteng, may muni akong handog para sayo, sana namay makatulong yan sa nanay mo.
Teteng:Salamat po Senyora! Malaking tulong saamin to! (masayang-masaya si teteng)
Luzviminda:Sige Teteng! Hanggang sa muli! Samahan moko sa gubat para mamasyal bukas! Aalis na ako baka mahuli ako ni Don Rascual. Salamat sa oras mo! Paalam!(Masiyahing sagot habang patakbo na siya).
TAGPO 2 (SA KAGUBATAN)
“Sa muli nilang pagkikita ay para bang matagal na silang nagkasama. Komportable na sila sa isa’t-isa. Labis na masaya silang magkasama. Hanggang sa umabot sila sa lawa”.
Luzviminda:Teteng ang ganda ng tubig! Ang sarap mamingwit at maligo!(labis na saya ang nadarama)
Teteng:Oo nga senyora! Kung gusto mo ikuha kita nang isda at samahan kitang maligo sa lawa?(sabay hawak sa kamay ni Luz)
Luzviminda:Eh kung gayon, ano pang hinihintay natin? Tara!(magkasabay silang tumalon sa lawa)
“Habang naliligo sila, ay para bang may naramdaman sila na tila kakaiba at hanggang sa nagkatitigan lang at nagkalapit ang kanilang mga labi”
Luzviminda:Teteng may sasabihin ako sayo’(seryosong tono)
Teteng:Ba’t nalulungkot ka? Ano ba yon?(Nag aalala)
Luzviminda:May gusto ako sayo Teteng, pero alam ko na kapag nalaman ito ng Papa, tiyak na mapapagalitan ka at parang madadamay pa ang trabaho mo.(Sabay iyak)
Teteng:(Nabigla sa narinig niya kay Senyora)Ano? Akala ko hindi mo kayang magkagusto sa tulad kong mahirap lang. Matagal na kitang gusto Senyora pero wala akong magagawa kasi nga Isa lamang akong dukha.(Umiyak si Teteng sabay talikod ni Luz)
“Biglang hinatak ni senyora ang braso ni Teteng at hinalikan ito sa labi. Hindi nila alam na may nakakita sila na isang hardinero sa kanilang hacienda at agad namang isinuplong ito kay Don Rascual.”
Teteng:Bakit mo ginawa yun? Baka may nakakita sa atin?(nagulat siya)
Luzviminda:Pasensya na Teteng sadyang hindi ko lang napigilan ang sarili ko(nagsisi siya)
“Tumakbo si Luzviminda dulot nang nagawa niya at nahihiya siya kay Teteng.”
TAGPO 3 (BALIK SA HACIENDA)
“Nang makatanggap si Don Rascual sa sumbong ng hardinero, umigting ang galit niya sa binata."
Don Rascual:Ano? Nagawa nang isang kutong lupa na iyon ang halikan ang isang amo niya? Lagot sakin ang binatilyong iyon!
Hardinero:Nakita kop o talga ng dalawang nakamulat kong mata!
Don Rascual: Humanda sa akin yan! Pupuntahan ko muna ang Senyorang iyon!(Patungo sa kwarto nang senyora)
“Habang papunta si Don Rascual sa kwarto, napansin niya na basang-basa ang sahig nito kaya labis na nagalit ang Don.”
Don Rascual: (agad na pumasok si Don na walang pahintulot sa senyora at sinampal agad ito)
Don Rascual:Saan ka nanggaling?! Totoo bang kasama mo ang isang kutong lupa na batang iyon? Nahuli kayo nan gating hardinero na nagkahalikan kayo sa lawa! Bakit mo nagawa ang bagay na iyon? Alam mob a na ikahihiya nang angkan natin iyan!!
Luzviminda:(Humagulhol na lamang sa pag-iyak) Pero Papang! Gusto kop o si Teteng. Kahit naman isa lang syang mahirap eh may busilak na puso naman siya. Hindi ko siya minahal nang dahil sa pera! Puso at ugali ang importante papang!(walang hintong pag-iyak)
Don Rascual: Ah basta! Kapag nakita ko kayo na magkasama na naman, papatayin ko ang batang yan!Ililibing ko siya nang buhay! Tandaan mo yan Senyora!(Banta sa kanya sabay isara ang pinto)
“Pagkatapos non’, agad na tinawagan niya si Teteng para makipagkita sa dating tagpuan. Sa Kagubatan”.
KINABUKASAN….
TAGPO 4 (SA KAGUBATAN)
“Nagkita sila sa kagubatan at napag-usapan nila ang nangyari kahapon. Agad namang nagsorry si Luz dahil sa nangyari.”
Luz:Napagalitan ako kahapon dahil isinumbong tayo sa hardinero.
Teteng: Sabi ko na nga ba eh na may nakakita sa atin!
Luz:Teteng kung pwede ba’y tulongan moko na itakas mula sa Hacienda, ayoko na doon kasi nga parang wala akong kalayaan. Gusto ko nang sumama sa iyo(Nagmamakaawa)
Teteng:Pasensya kana Senyora pero dumito ako para itigil na natin ito. Gusto man kita mas alam ko na mas nakakabuti sa atin ito at mas lalo na sa iyo. Ayokong masaktan kita pero ito ang tama(Nalungkot sila)
Luz:Ano kaba naman Teteng! Ipaglaban mo naman ang pagmamahalan natin! Akala ko ba mahal moko? Ngunit hindi mo man lang kaya akong ipaglaban?(umiiyak na siya)
Teteng:Gusto ko mang ipaglaban ka ngunit wala akong magagawa. Wala akong pero na panggamit para mabuhay tayong dalawa. Wala akong bahay na matitirhan natin kaya wala din akong magagwa kasi nga wala akong kapangyarihan.(Umiyak)
“Hinalikan ni Luz si Teteng ngunit hindi alam nila na pinagmamatyagan sila ni Don Rascual . Sa labis nagalit niya inilabas niya agad ang kanyang baril. Unti unting lumapit si Don Rascual ngunit Tumakbo na si Teteng patungo sa tinatayuan ni Don Rascual. Agad na nagulat si Teteng at hindi makagalaw.”
Don Rascual:Walang hiya kang bata ka! Nakipagkita ka pa rin at wlang hiya ka pang humalik? Anong klaseng basura ka ba?(Sabay tutok nang baril sa ulo ni Teteng)
Teteng:Ginawa ko na ang gusto mo! Nilayuan ko na si Senyora(umiyak siya)
Don Rascual:Oo nga! Hindi mo na sha masisilayan kase nga mawawala kana sa mundong ito.(Sabay putok nang baril sa ulo ni Teteng)
BANG BANG BANG!
“Narinig ni Luz an gang putok ng baril at agad na pinuntahan ito. Sa kasamaang palad, nakita na niya si Teteng na wala nang buhay. Labis na nagdalamhati si Luz sa nangyari at parang wala nang pag-asang mabuhay si Luz. Umuwi na sa bahay si Luz na walang tamang pag-iisip at kumuha nang lubid at itinali sa taas.”
Luz:Wala nang saysay ang buhay kong ito kung wala kana Teteng. Sayo ko lamang natagpuan ang pag-ibig na hangad ko ngunit binawi naman kaagad. Sa labis na pagmamahal ko sa iyo ay sasama na ako sa mundong iyan. Mahal na mahal kita Teteng. Hintayin mo ko diyan(Sabay talon sa upuan at nagbigti)
Tagpuan 1: Paaralan
Tagapagsalaysay: Masayang nagkukwentuhan sina Zack at Dexter sa kanilang silid aklatan ito ang unang araw ng pasukan nila sa kolehiyo.
Zack: Dex, sana maganda ang simula ng ating araw sa kolehiyo.
Dexter: Oo nga eh, ang daming magaganda sa campus na 'to.
Zack: Ay naku, talaga tung kaibigan ko bagay talaga sa ang tawagin ng "Pambansang Pakboy".
Dexter: Sobra ka naman Zack! Magbabago na ako 'yan ang pangako ko sa sarili ko.
Tagapagsalaysay: Nakita ni Dexter sina Rebecca at Jessy na kaklase niya sa hayskul.
(Papasok sina Rebecca at Jessy sa eksena)
Dexter:(pasigaw na sasabihin) Bekang at Jessang tumingin kayo dito.
(Napa-tingin sina Jessy at Rebecca nina Dexter at Zack)
Jessy: Oy! Becay si Dexter oh tinatawag tayo.
Rebecca: Tara puntahan natin?
(Lalapit sina Rebecca a Jessy sa kina-upuan nina Dexter at Zack)
Dexter: Kumusta na kayo dito din pala kayo mag-aaral?
Jessy: Bakit Dex bawal?
Dexter: Taray naman!
Rebecca: Tama na 'yan! Pwede kami makiupo Dex?
Dexter: Walang problema 'yan! Dito ka sa tabi ng kaibigan ko. Ay, oo nga pala Rebecca,Jessy ang matalik na kaibigan ko, kababata Zack Paul Balaba.
Jessy: Hi , Zack baguhan ka dito?
Zack: Oo nga eh, sana 'di natin pagsisihan ang paglipat natin. Sino pala 'tung magandang katabi ko?
Dexter: Hoy! Rebecca wag kanang mahiya diyan!
Zack: (I-aabot ang kamay kay Rebecca) Zack Paul Balaba pala ikaw? Ano ang pangalan mo binibini?
Rebecca: (kikiligin) Rebecca Faith Dantes pala nagagalak akong makilala ka (naki pagkamayan kay Zack)
Dexter: Parang may naamoy akung kakaib dito aa?
Jessy: Kinakagat na 'ata ako ng langgam dito.
Rebecca: Sobra naman kayo!
Tagapagsalaysay: dahil sa pagkakilalang yun, naging malapit na kaibigan sina Zack at Rebecca palagi na silang sabay kumakain at umuwi. Kalaunan humantong sa pagkakaibigan, mahirap ang pinagdaan ni Zack para makuha ang matamis na oo ni Rebecca. At lumipas ang tatlong buwan ay naging opisyal na ang kanilang pagmamahalan.
Zack: Salamat Rebecca hindi mo ako binigo.
Rebecca: Nakita ko naman ang paghihirap mo makuha lang ang oo ko.
Zack: Ina-anyaya pala tayo ng mommy na maghapunan sa bahay mamaya.
Rebecca: Nahihiya ako Babe.
Zack: Sige na Babe para naman makilala nila ang babaeng mapapangasawa ko. ( pabirong sabi ni Zack)
Rebecca: Sige na nga, pero 'wag muna 'yan asawa asawa na 'yan ang aga pa natin para diyan.
Tagapagsalaysay: Natuloy ang nasabing pagpakilala ni Zack kay Rebecca sa kanyang mga magulang .
Zack: Kalma ka lang babe ha? Mabait naman sila.
Rebecca: Oo Babe kakayanin ko to para sa atin. (Papasaok sila sa bahay nila Zack)
Rebecca: (magmamano) Magandang gabi po tita, tito.
Mommy ni Zack: Pagpalain kang Maykapal iha.
Zack: Si Rebecca po dad, mom.
Daddy ni Zack: Nagmana ka talaga sa akin anak.
Mommy ni Zack: Umupo na kayo dito, baka lumamig pa 'tung pagkain.
Rebecca: Sige po tita, salamat.
Zack: Mom, dad kakasagot pa lang po sa akin kahapon ni Rebecca.
Daddy ni Zack: Buti sinagot ka? (Pabirong sabi ng daddy niya)
Mommy ni Zack: BOto naman ako sa pag-iibigan ninyung dalawa. Pero sana lagyan niyo ng limitasyon ang relasyon ninyo 'wag kayo masyadong magmadali. Mga bata pa kayo marami pa kayong magagawa sa buhay.
Rebecca: Makaka-asa po kayo tita.
Zack: 'Di ka namin bibiguin mom.
Tagapagsalaysay: Mula noon naging malapit si Rebecca sa pamilyang Balaba. Tumagal ang kanilang relasyon ng halos tatlong taon. Pero 'di nila inaasahan ang mga pangyayari.
Zack: Ihahatid na kita Babe ha? 'Wag masyadong magpuyat ikakasama ng na katawan mo 'yan.
Rebecca: Salamat Babe, baka hindi ako makatext o maka-chat mamaya hanggang bukas Babe? Sa susunod na araw na kasi kami magdedefend sana maintindihan mo.
Zack: Ikaw pa Babe, basta kumain ka lang ng mabuti at kung may problema ka wag kang mag-usisang magtext o tumawag sakin.
Rebecca: Salamat Babe? Ang bait mo talaga. Matulog ka ng maaga ha? 'Wag ka nang gumala maaga ka pa bukas. Salamat sa paghatid ingat sa pag-dradrib!
Tagapagsalaysay: Sinunod ni Zack ang bilin ni Rebecca hindi ito nag-text o nag-chat kay Rebecca. Nakatanggap ng tawag si Zack sa isang hindi rehistradong numero sa kanyang cellphone.
(Mag-riring ang cellphone ni Zack at sasagutin niya ito)
"Riiiiiiinnnnnnnnggggg, rinnggggggggggg" alingawngaw ng kanyang cellphone.
Zack: Ang ingay-ingay naman ng cellphone na 'to! Hello? Sino to?
Dexter: Zacky! Saan ka? Nakalimutan muna ata?
Zack: Sino 'to?
Dexter: Si Dexter 'to!
Zack: Oy Dex! Bakit napatawag ka? Pasensya ka na hindi kasi naka rehistrado ang numero mo.
Dexter: Langya ka talaga Zacky! Nasaan ka? Kaarawan ko ngayon!
Zack: Ano ngayon? Ay oo nga pala! Maligayang kaarawan Dex!
Dexter: Hindi sapat 'yan! Punta ka dito sa Rianezz bar, dito ako ang handaan ng kaarawan ko.
Zack: Naku, Dex baka magalit si Rebecca sa akin 'pag nalaman niyang gumala pa ako.
Dexter: Ngayon lang naman 'to Zack!
Tagapagsalaysay: Napasyahan ni Zack na pumunta sa nasabing imbitasyon pero hindi ito nagpaalam kay Rebecca sa kadahilanang baka madistorbo niya ito.
Zack: Sige Dex! Pupunta ako! Wag mo na lang ipagsabi kay Rebecca baka maabala pa 'yun marami 'yun ginagawa ngayon at hindi din ako nagpaalam.
Dexter: sige, basta pumunta ka lang! Hinhintayin ka namin.
Tagapagsalaysay: pumunta si Zack sa nasabing bar.
Tagpuan (2): BAR
Zack: Maligayang kaarawana Dex! Pasensya hindi ako nakahanda ng regalo. Ako na lang bahala sa ibang gastusin sa inumin.
Tagapagsalaysay: Lumalim ang gabi at madami na din ang nainum nila. Sayaw dito, sayaw doon. Inum dito, inum doon hanggang sa nag-umaga.
Zack: Uuwi na ako Dex! Baka hanapin ako ni Rebecca ( sinasabi habang lasing na lasing na)
Dexter: Sumama ka na lang sa amin Zack, lasing na lasing ka na!
Mga kaibigan ni Dexter: Oo nga! Hindi ka hahanapin ni Rebecca maraming ginagawa 'yun.
Zack: Sige, inaantok na rin ako.
Tagapagsalaysay: Sumama si Zack sa mga kaibigan nila Dexter. Dahil sa malapit lang din ang bahay ng isa sa kaibigan nito. Kina umagahan nagising si Zack sa isang kwarto na may kasamang babae walang damit at umiiyak.
Zack: Sino ka? Nasaan sila Dexter? Bakit tayo lang dalawa dito?
Julia: Hindi ko rin alam (umiiyak na sinasabi)
Zack: Bakit ka nakahubad? Ano? Sumagot ka! ( pasigaw na sinabi ni Zack)
Julia: Wala akong ideya (umiiyak)
Zack: Kung may nangyari man! 'Wag na 'wag mong tangkain na ipag-kalat! Gusto ko kalimutan mo lahat ng nangyari kagabi!
Tagapagsalaysay: Umalis si Zack at iniwan si Julia. Sa kanyang pag-uwi nakita niya ang kanyang cellphone maraming tawag at text galing kay Rebecca dahil naiwan ang kanyang cellphone sa bahay.
Rebecca: Babe?
Babe?
Bakit hindi ka sumasagot?
Babe? punta ka sa bahay diku pala kaya ito lahat.
Papatulong sana ako babe?
Tulog ka na siguro? Sige babe, goodnight kakayanin ko 'to! Hindi ako matutulog, himbing kasi ng tulog mo kahit tumawag ako hindi kita magising. Kita nalang tayo bukas, mahal na mahal kita Babe.
Tagapagsalaysay: Tumulo ang luha ni Zack habang binababasa ang mga text ni Rebecca. Wala siyang magawa aksidente ang lahat ng nangyari. Nilihim niya kay Rebecca tungkol ng gabing 'yun. Hanggang sa tumagal sila ng apat na taon ni Rebecca pinili niya gawing lihim iyon para hindi masaktan si Rebecca.
Tagpuan (3): Bahay
Manang Lina:( kumakatok sa pintuan ni Zack)
Zack! May nahahanap sayo.
Zack: Sino daw po sila manang?
Manang Lina: Kaibigan mo raw, pinapasok ko na lang at naghihintay na siya sa baba.
Zack: Sige po manang baba na.
Tagapagsalaysay: Sa pagbaba ni Zack nakita niya ang babaeng nakasama niya nung isang taon sa kaarawan ni Dexter.
Zack: Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?
Julia: (napa-hawak sa kanyang malaki na tyan) Zack kasi.
Zack: Ano? Ibig sabihin niyan?
Julia: Mangaganak na ako susunod na linggo.(habang umiiyak)
Zack: Ano paki ko kung manganganak ka?
Julia: Anak natin 'to Zack.
Zack: Anong mudos 'to Julia?
Julia: Naalala mo 'yung kaarawan ni Dexter? Nabungga yun Zack.
Zack: Paano 'to? (napapa-iyak na sinabi ni Zack)
Tagapagsalaysay: Walang magawa si Zack kundi tanggapin ang katotohanan. Pinagpasyahan nilang dalawa na ilihim ito kahit kanino man. Tutostusan naman ni Zack ang mga pangangailangan ng bata. Nanganak si Julia at lumaki ng malusog ang bata. Palihim na pumupunta si Zack sa bahay nila Julia at nanatiling lihim pa rin ito sa pagitan nila Zack at Rebecca. Bumili si Zack ng ibang cellphone para gamit pangtext at tawag kay Julia pero iniiwan lang niya ito sa kanilang bahay. Napansin na ni Rebecca ang palaging pag uwi ni zack sa bahay.
Napagpasyahan niyang tikuyin kung anong meron sa kanilang bahay at bakit palagi itong umuuwi. Siniguro niyang oras ng pasukan ito Zack para hindi siya mabuko nito.
(Nag-doorbell)
Manang Lina: Wala si Zack ngayon Rebecca pumasok hindi ba kayo nagkita?
Rebecca: Inutusan niya po ako manang may naiwan po siya sa kwarto niya. Klase kasi siya ngayon hindi siya makalabas.
Manag Lina: Ay sige iha, pumasok ka.
Tagapagsalaysay: Pumasok si Rebecca sa kwarto ni Zack. Hinaloghog niya ang mga gamit nito hanggang sa may nakita siyang cellphone sa ilalim ng unan nito. Binuksan niya ito, at doon niya nalaman kung bakit palaging umuwi si Zack. Parang nabagsakan siya ng mundo ng nabasa niya lahat ng txt ni Julia nakita din niya nag mga larawan ng anak ni Zack. Umiyak ng sobra Rebecca ng dumating si Zack.
Zack: Babe? Ba't ka nandito?
Rebecca: Matagal na pala?
Zack: Anong matagal babe?
Rebecca: Limang taon na tayo Zack? Pero bakit? (Habang umiiyak)
Zack: (niyakap si Rebecca) Babe ano pinagsasabi mo?
Rebecca: (pinakita ang cellphone na hawak-hawak) Nabasa at nakita ko lahat Zack.
Zack: Hayaan mo akong magpaliwanag babe (habang uwiiyak)
Rebecca: Limang taon akong naging tanga Zack!
Zack: Aksidente lahat ng pangyayari babe hindi ko siya mahal, lasing kami nung nangyari yun. Tinutustusan ko lang sila dahil naawa ako sa bata. Babe makinig ka sa akin mahal kita ikaw ang mahal ko ikaw.
Rebecca: Naiintindihan ko Zack, papalayain kita kahit masakit kakayanin ko mas nangangalingan ng ama ang bata.
Paalam Zack! (Paiyak niyang sabi)
(Sa paaralan, nag-uusap ang dalawang magkaibigan)
Sandro: Pre, musta yung grado mo?
Marko: Ok lang naman pre, kaso maraming blanko di ko maintindihan, pumapasok naman ako palagi sa klase diba? (napakamot sa kanyang ulo)
Sandro: Ok lang yan pre bawi ka nalang sa susunod na semester payr lang.
Nang matapos mag usap ang dalawa ay umuwi si Marko sa kanilang bahay at nakausap nito ang kanyang ina.
Tinay: Oh anak, kumusta ang pag-aaral mo? Balita ko daw may mga grado kang bagsak at 'yung iba blanko pa?
Marko: Oo nay, pasensya babawi nalang ako sa susunod na semester nay, pangako po 'yan.
Tinay: Nak, alam mo 'di mo kailangan mangako, alam kong magagawa mo iyan.
Marko: Pasensya po talaga ma, wala lang po talaga akong oras para makapag-aral, 'yung may-ari pa ng pinagtatrabahoan ko ay lilipat na din ng lugar, hayst ewan ko kung saan ako makakakuha ng pera para sa susunod na semester.
Tinay: Sige lang anak susubukan kong ilipat ka kung hindi na natin kakayanin ang gasto, ok lang ba?
Marko: Ok lang po nay, pero sana nga hindi.
Ilang araw ang nagdaan ay enrollment na naman ng mga estudyante nagkita ang dalawang magkaibigan.
Sandro: Oh pre? Balita ko daw lumipat ka ng paaralan so ano na? Ok ka lang ba? Si liza alalang-alala sayo.
Marko: Pasensya na pre ha? Pakibantay na lang sa kanya siguro nga baka paminsan minsan nalang kami magkikita.
Sandro: NakU ok lang pre, pero baka magkadebelopan kami nyan ha? Joke biro lang pre.
Marko: Ahh sige mauna nako (napaduko)
Habang naglalakad si marko ay nakita nya si liza ang kanyang kasintahan.
Liza: Oh ano na ba? Kumusta ka na? Ok lang ba pag aaral mo? 'Bat 'di ka na nag rereply sa mga text ko? Sawa ka na ba?
Marko: Beh, alam mo naman diba? Wala na akong cellphone, ibinenta ko na sa kaibigan ko para may pang bayad ako sa dati kong paaralan, beh tiis lang oh.
Liza: Ok, pero magsipag ka sa bagong paaralan mo ha? Balita ko maraming magaganda 'don, public school pa naman 'yun, baka maging gangster ka na din, iwas ka sa gulo ha?
Marko: Oo naman beh, ikaw din ingat ka. Sige sabayan nalang kita sa pupuntahan mo.
Liza: Eh, wag na. Maabala pa kita. Sige na beh mauna na ako.
Ilang buwan ang lumipas ng hindi na muling nagkita ang dalawa at si marko ay patuloy na nagsisipag sa pagaaral.
(Sa paaralan nag uusap si Marko at kanyang guro.)
Guro: Oh marko, parang may problem ka ata.
Marko: Ano po 'yun sir? Di po ba ako pasado?
Guro: Hindi naman sa ganyan pero kailangan mo pang makuha ang grado mo sa dati mong paaralan para maging ganap na estudyante ka na dito.
Marko: Ah sige ho sir, pupunta po ako doon bukas.
Kinabukasan sa dating paaralan ni marko ay nakita niya ang kanyang guro na si karla.
Karla: Oh nandito pala ang paborito kong estudyante.
Marko: Ma’am pwede ko po bang makuha ang grado ko? Kasi hanggang ngayon 'di pa po kasi ako ganap na estudyante sa bagong school na pinag-aaralan ko.
Karla: Aba hindi pwede 'yan.
Marko: Bakit ho?
Karla: 'Di ka nakapasa tapos kukunin mo dahil lumipat ka ng paaralan?
Marko: Ma'am hindi po iyun ang ibig sabihin ng paglipat ko ng paaralan, wala na po akong pangtustos sa tuition sa paaralan, 'di na po kasi ako nag pa-partime job.
Karla: Eh ano ngayon?
Marko: Ma’am please po? Nagmamakawa na po ako.
Karla: Oh sige pero bagsak na grado ang ibibigay ko sayo.
Marko: Ma'am wag naman po.
Karla: Eh, wala akong magagawa jan, 'yan lang yung tinanim mo yan lang din ang aanihin mo.
Marko: Sige ho Ma'am kung ayan ang gusto niyo. (maiyak iyak siyang nagsasalita)
Nang naglalakad na siya sa lugar ng kanyang dating paaralan para maglibot ay nakita niya ang kanyang kaibigan ang kanyang dating kasintahan sabay ang dati niyang mga kaklase.
Dating kaklase 1: Uy, Marko pumayat ka ata ng kunti.
Dating kaklase 2: Oo nga kaya pala iniwanan ka ni Liza.
Marko: Ano ba ang pinagsasabi ninyo?
Dating kaklase 3: Uy awkward. HAHAHA.
Liza: Ano ba guys? Marko hali ka nga mag-usap tayo. ( hinila si marko palayo) Bakit ka nandito? Kamusta ka na?
Marko: Ok lang ako. Pero ano bang pinagsasabi nila? Tayo pa diba? 'Di lang talaga ako makabisita sa dami ng mga gawain ko sa paaralan, nagpapartime din ako sa mga kamag-anak ko. Sana hindi totoo 'yung mga pinagsasabi nila, sabihin mo sa'kin, 'di 'yun totoo diba? (maiyak-iyak na nagsasalita)
Liza: Pasensya na talaga Marko, pero di ko nakikita ang sarili ko sayo, lalo na nung wala ka nang oras makipagkita sa akin, sorry pero masyado pa tayong bata para sa mga bagay na 'to.
Dating kaklase 3: Uy, ayan na pala si Sandro.
Dating kaklase 1 at 2: Uy, awkward.
Sandro: Uy pre? Kumusta? (hinawakan ang kamay ni liza)
Marko: Ano 'to pre?
Sandro: Ginawa ko lang yung sinabi mo pre. Wala ka sa mga panahon na kailangan ka niya, sino ang nandoOn? Ako pre ako, sa panahon na wala siyang kausap nandoon ako pre. Wala ka 'di naman sa 'di kita iniisip bilang kaibigan pero sa nakikita ko wala ka na atang pake kay liza, halos wala ka na ngang balita sa amin. Tapos…
Marko: (sinuntok si sandro) Pre ano ba? Pinagkatiwalaan kita tapos yan lang gagawin mo sakin? (napaiyak)
Liza: Tara na babe, umalis na tayo dito ( sinubukang hinila ang kamay ni sandro paalis)
Marko: Sige para sa ika ililigaya niyo, ako na ang aalis sana maligaya kayong dalawa pasensya na kong nagskandalo pa ako dito.
Umalis si Marko at nagsimulang maglakad pauwi sa kanilang bahay.
(Sa bahay)
Marko: Nay, ayoko na.
Tinay: Anong ibig mong sabihin anak? Bagsak ka na naman?
Marko: Hindi po nay, sawa na akong mabuhay, wala akong kwentang tao.
Tinay: 'Wag kang magsalita ng ganyan anak, kung nagkakaproblema ka mas nagkakaproblema ako. 'Wag mo naman sanang ipakita sa akin na nahihirapan ka dahil mas nahihirapan ako (umiiyak na nag sasalita)
Marko: Pasensya na po nay kung isa akong pabigat sa inyu. Alam ko pong tayo nalang dalawa ang magkaramay pero sa ipinapakita ko para ko na rin atang ipinapalabas na nag iisa po kayo pasensya po nay, kung nagiging mahina ako. (umalis at pumasok sa kwarto)
Marko: Wala akong kwentang tao, tinatalikuran ako ng mga bagay na mahal ko, wala akong oras sa paaralan, sa aking ina, puro ako trabaho masyado kong inibig ang sarili ko ayo ko na (nakikipag usap sa kanyang sarili)
Habang si Marko ay nakikipag usap sa kanyang sarili ay nagsimulang ipasok ang kanyang ulo sa tali na ibinitay niya at nagsimulang nagpakamatay, tinanggal ang kanyang paa mula sa upuang kanyang ikinatatayoan.
Pagkatapos ng ilang buwan at malaman ito ng kanyang mga dating kaklase ay ikinahiya nila ito sa kanilang sarili, sa kanyang guro naman na si Karla ay nagretiro sa pagiging guro sa labis na konsensya. At si Sandro naman ay tumigil sa pag aaral dahil sa kanyang natanggap na balita tungkol sa kanyang matalik na kaibigan. Si Liza naman na dati niyang kasintahan ay di na lumalabas ng bahay simula noong marinig din ang balita tungkol kay marko. At ang kanyang nanay na si Tinay ay nagiisa na lang walang kasama walang karamay sa lahat ng bagay palaging tulala at naghahanap na makakausap.
Kaya kung isa ka sa gustong magpakamatay dahil sa mga problema dinadala mo, 'wag kang susuko isipin mo ang mga tao nagmamahal sayo, mga taong binibigyan halaga ka. Mahalin mo ang sarili mo at higit sa lahat magtiwala ka sa Diyos, isuko mo lahat ng dinadala mo sa Kanya, 'di ka Niya pababayaan.
Tagpo 1 (Sa bench)
Nasa may bench si Mika at ang dalawa niyang kaibigan na si Jane at Kate. Nag-uusap sila sa may bench tungkol sa birthday ni Mika.
Mika: Exited na talaga ako sa upcoming birthday ko. (Gigil na sabi niya)
Jane at Kate: Kami din! (Sabay na tawa ng dalawa)
Jane: I will make handa my damit na talaga. O tingnan niyo kung sino ang naglalakad. (Turo niya kay Ellen)
Kate: Ow nandiyan na naman ang weirdo na babae. (Irita niyang sabi)
Biglang tatayo si Kate at sasabihin s adalawa ang plano niya.
Kate: Girls, may plano ako.
Mika: Ano ba ang gagawin natin sa kanya?
Kate: We will tripped her. Aapakan ko paa niya nakakainis rin kasi siya.
Mika: Sige sige. Jane, ikaw ang unang lumapit.
Jane: (lalapit kay Ellen)
Si Ellen naglalakad papalapit sa kanilang direksyon.
Jane: Hi Ellen ang weird na babae. (sabi niya sabay hawak sa buhok niya)
Ellen: (hindi sumagot)
Jane: Ano ba 'yang dala mo? (iritang boses na sabi nito kay Ellen)
Ellen: Ano na naman ba ang kailangan mo?
Kate: Ikaw! (sabi nito at lumapit narin kae Ellen)
Mica: Hahahah… Look at you, ang weird na weird mo talaga. Mag-ayos ka nga. (sabay turo kay Ellen)
Biglang dumating si Lily at nakita niya si Ellen.
Lily: Ellen! (sigaw niya at saka lumapit)
Ellen: (tumango lamang sabay lingon kay Lily)
Lily: Ano naman ba ang kaylangan ninyo sa kanya?
Mica: Wala. Bye! See you nalang sa room(sabay alis nang tatlo)
Tumunog ang bell nang school at nagsilakaran na ang mga estudyante.
Tagpo 2 (Sa silid-aralan)
Lily: Ellen, huwag mo nang pansinin yang tatlong yan. Inggit lang yan sayo. (paniguradong sabi niya kay Ellen)
Ellen: Oo naman , balewala lang 'yan sa akin.(ngi-ngiti sa Ellen)
Lily: Sige pupunta muna ako sa upuan ko. (sabay alis)
Ellen: Sige.
Biglang lalapit si Mark kay Ellen.
Mark : Hi friendship, kamusta na? (tatabi kay Ellen)
Ellen: Andiyan kana pala bakla, okay lang naman.
Mark: Hahahahah. Asan na yung bulaklak friend natin? (tingin sa direksiyon ni Lily)
Ellen: Nandoon oh.(turo kay Lily)
Mark: (tumingin sa pwesto ni Lily)
Mark: Busy ang bruha. Sige pupunta nako sa seat ko. (aalis)
Ellen: Okay.
Dadating sila Mica at ang kanyang dalawang kaibigan.
Mica: Hi, weirdo. Hay, magkatabi na naman tayo. (naiirita)
Tumingin lamang si Ellen sa kanya at hindi nagsalita.
Mika: Ano ba? Kinakausap kita.
Ellen: Ano ba? Puwede ba Mika tigil-tigilan mo ako. (mahinahon ang tono)
Mika: Aba, matapang kana pala ngayon?
Hindi na pinansin pa ni Ellen si Mika sapagkat naiinis na siya .
(Tutunog ang bell at noon break na)
Mark: Friendships, kain na tayo. (lalapit sa dalawa)
Lily: Oo na bakla. (kakapit kay Mark)
Ellen: Tara na, wala na tayong mauupuan doon. (naunang maglakad)
Pumunta ang tatlo sa canteen at nakakita ng mauupuan doon.
Peter: Hi, Ellen. Pwede bang tumabi? Pwede ba akong makisalo sa inyo. (lumapit)
Mark: OO naman. (sabay sulyap kay Ellen)
Ellen: Sige doon ka ohh. (turo sa may gitnang upuan)
Lily: Huwag ka diyan. Doon ka sa tabi ni Ellen. (turo sa harapang upuan)
Ellen: Ahh. Sige dito ka nalang.
(lalapit si Peter saka uupo)
Peter: Kumusta naman kayo? (titingin sa tatlo)
Hindi nagsalita sina Mark at Lily, gusto nilang si Ellen ang sumagot kay Peter.
Ellen: Okay naman kami. Ikaw ba? (titingin kay Peter)
Peter: Okay lang din naman. (susubo sa pagkain)
Sa kabilang lamesa nandun sila Mika, Jane at si Kate. Nakita nila ang dalawa.
Kate: 'Yung kapatid mo oh. Kausap na naman si weirdo.
Jane: Oo nga. Nakakainis yang bababeng yan.
Mica: Hay, ano ba yang kapatid ko. Hindi ako papayag.
Balik ang eksena sa kinaroroonan nila Ellen at Peter. Umalis sila Mark at Lily.
Peter: Hayyyy alam mo ba naiinis ako sa kapatid ko
Ellen: May kapatid ka pala?
Peter: Oo ampon siya. Pero itinuring ko pa rin siyang kapatid.
Ellen: Babae ba siya?
Peter: Oo, huwag na natin siyang pag-usapan. May lakad ka ba ngayong Sabado?
Ellen: Bakit? Parang wala.
Peter: Ah ganun ba. Sige mamaya nalang kita sasabihan.
Ellen: O sige.
Umalis na si Peter at iniwan na lamang si Ellen doon na nagtataka. Pagkatapos ng araw ding iyon, umuwi na si Ellen sa kanila.
Tagpo 3 (sa bahay nila Ellen)
Pumasok si Ellen at natagpuan ang nanay niya na umiiyak sa loob ng bahay nila.
Ellen: Mano po nay. (mamano sa nanay)
Ellen: Bakit po kayo umiiyak? May problema po ba?
Nanay Edna: Anak, may importante akong sasabihin. Kaylangan mong malaman ang totoo.
Ellen: Ano po ba yun nay? (nagtataka)
Nanay Edna: Kasi anak, ang totoo niyan may kapatid ka. Hindi ko lang nagawang sabihin sa iyo.
Ellen: Ha?! Ano po?! (nagulat)
Nanay Edna: Totoo anak. Iniwan ko siya sa bahay amponan noon. Patawarin mo ako kung tinago koi to sa iyo. (iiyak)
Ellen: Kasing edad kop o ba siya?
Nanay Edna: Isang taon lang ang agwat ninyong dalawa. Babae rin siya.
Ellen: 'Wag kang mag alala nay. Tutulungan kitang hanapin siya.
Nanay Edna: Sana Makita natin siya anak. (iiyak)
Pumunta sa loob ng kwarto ang kaniyang inay dahil may kinuha ito at paglabas ng inay niya ay may dala-dala itong larawan.
Nanay Edna: Ito, may palatandaan ako sa kapatid mo. May birthmark siya sa likod niya. Ito yung larawan niya oh (ibibigay ang larawan)
Ellen: Ano pa po yung ibang palatandaan nay?
Nanay Edna: Malapit na rin angf kaarawan niya. At saka inampon daw siya pero hindi ko alam kung sino ang umampon sa kanya. (lulungkot ang mukha)
Ellen: Hahanapin po talaga natin siya.
(Kinabukasan)
Tagpo 4 (sa mansion nina Mika)
Emcee: Magandang gabi sa lahat. Okay lang ba kayo diyan? So lets all welcome our debutant Mika.
(lalabas si Mika at maglalakad sa hagdanan)
Mga bisita: (Palakpakan)
Mika: Salamat at pumunta kayong lahat. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. I was surprised. Salamat talaga. First kay Lord, to my friends and specially to my parents. (maarteng sabi niya)
(Nagpalakpakan ulit ang lahat)
Emcee: And now, help me welcome the brother of Mika.
Peter: Magandang gabi sa lahat. Salamat at nakapunta kayo ditto. Alam kung nabigla kayong lahat sa nalaman ninyo. Pero totoo, si Mika ay kapatid ko. So, happy birthday sa mahal kong kapatid. Mahal kita.
Palakpakan ang lahat nang matapos siya. Bongga ang party ni Mika. Nandun din sina Ellen,Mark at Lily.
Tagpo 4 (sa bahay-ampunan)
Pumunta sina Ellen sa ampunan kasama ang kanyang inay.
Ellen: Magandang araw ho, sister. (ngingiti)
Sister: magandang araw din. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Biglang papasok si Mika. Nabigla si Ellen.
Mika:Goodmorning sister (bati kay sister)
Sister: Goodmorning din iha.
Mika: Nagulat nang makita si Ellen
Ellen:(hindi pinansin si Mika)
Nanay edna: Ito po 'yung mga palatandaan may birthmark siya sa likod tapos ito yung petsa na ipinanganak ko siya. Ito po yung isa niyang litrato (ibibigay ang litrato)
Sister: Kilala ko ito, si Mika ito. (turo kay Mika)
Nagulat ang dalawa sa nalaman nila. Pati narin si Mika.
ellen: Ikaw ang kapatid ko? (iiyak)
Nanay edna: (yumakap kay MIKA)
Mika: (hindi makapaniwala)
Ellen:(hindi pinansin si Mika)
Nanay Edna: Ito po yung mga palatandaan may birthmark siya sa likod tapos ito yung petsa na ipinanganak ko siya. Ito po yung isa niyang litrato (ibibigay ang litrato)
Sister: Kilala ko ito, si Mika ito. (turo kay Mika)
Nagulat ang dalawa sa nalaman nila. Pati narin si Mika.
Ellen: Ikaw ang kapatid ko? (iiyak)
Nanay Edna: (yumakap kay MIKA)
Mika: (hindi makapaniwala)
Nagyakapan nang maghigpit silang tatlo habang umiiyak.
Tagpuan 1
Bogart: Hoy! Gumising ka at umalis ka sa teritoryo ko (galit na sabi ni Bogart).
Eboy: (walang imik na bumangon at umalis)
Kaya bumangon nalang si Eboy at umalis na, kung saan pupunta na naman siya sa kabilang kalye para mamalimos.
Eboy: Ate! Ate! Palimos po! Mamalimos po, wala pa po akong agahan ate! Kuya! Mamalimos po! Pambili ko po ng pagkain (sabay binuka ang palad)
Mga tao: (ang iba nagbibigay habang ang iba dedma)
Bogart: kamusta kaibigan! Magkano ang kita natin ngayon? (Nakangiting sabi ni Bogart na mukhang may binabalak na masama)
Eboy: Anong ginagawa mo dito Bogart?
Bogart: (Napakibit balikat) Ah! wala lang naman nagbaba sakali lang kung may bayra ka riyan na maiibigay mo sa akin.
Eboy:Wala pa akong pera eh!
Bogart: Anong wala! Kanina ka pa dito tapos wala kang pera! Nagbibiro ka ba? (Hinablot at sabay kinuha ang pera sa bulsa ni Eboy)
Eboy: Wag naman yan bogart! (Napaiyak na sabi niya) 'wag mong kunin yan, hindi pa ako kumakain Bogart.
Bogart: Akala ko ba wala kang pera? Hehehe, salamat ha ( sabay tapik kay Eboy at ngumisi)
Walang nagawa si Eboy kundi umiyak na lang siya, namimilipit na siya sa gutom ang tanging magagawa na lang niya ay mamalimos ulit. kaya pumunta na siya sa palengke.
(Tagpuan 2)
Pumunta si Eboy sa palengke.
Tindera 1: O, Eboy andito ka pa pala. Anong iyo? Bibili ka ba? ( nagaayos sa mga paninda niya)
Eboy: Hindi po! ( habang tumitingin sa pagkain)
Tindera 2: (pinagmamasdan ang gutom na si Eboy) Eboy o, para sayo alam kung hindi ka pa kumakain.
Eboy:( Ngumiti sabay kinuha ang pagkain) Salamat po!
Umalis si Eboy papuntang kalye sa kanyang tinuturing na bahay. Nang may bigla siyang nakabanggaang mayamang babae.
Mayamang Babae: Ano ba? Pulubi ka! Ba't ka ba paharang-harang sa daan(nakaekis ang mga kilay at tinuturo si Eboy)
Eboy: (tumingin lang at di kumibo at umalis)
Mayamang babae:( kinuha ang wallet at napansing nawawala ito) OH MY GOD!! nawawala ang wallet ko ( sigaw nito)
Eboy:(napatingin lang sa bandang nagkakagulo)
Mayamang babae: (Galit na galit at sinusugod si Eboy) hoy! magnanakaw halika rito, ibalik mo ang wallet ko. Nasan ang pera ko (hinahawakan ng mahigpit si Eboy).
Eboy:( napatingin at natatakot, pinipilit na kumakawala) Hindi ko po alam!
Mayamang Babae: Sinungaling ka! Halika rito at ipakukulong kita (sabay hila kay Eboy)
Eboy:( kumawala at tumakabo na takot na takot)
Mayamang babae: Help!help! yung magnanakaw nakawala (tili nito)
Mga tao:( Hinahabol si Eboy)
Patuloy pa rin sa pagtatakbo si Eboy na di alam ang patutunguhan ng makita niya ang mga taong humahabol sa kanya, lalo pa ng makita niya ang mayamang babae binilisan niya ang takbo. Akmang patawid na siya ng kalsada ay may biglang humahrurot na sasakyan. Lumagapak ito at sa sandaling iyon na tahimik ang kalye.
Eboy:(nakahandusay sa kalsada ng walang malay)
Mga tao: (napatigil sa paghahabol)
Ang mga tao sa kalye ay nagsitinginan sa batang nakahandusay na walang malay. Habang ito'y puno ng sugat at may dugong lumabas sa kanyang ilong at baba.
Mga tao: tumawag tayo ng ambulansya?( sabay kuha ng selpon)
Mayamang babae: Dapat lang sa kanya yan! Magnanakaw kasi(walang pusong sabi sabay nagkibit balikat)
Estudyante: Ali! Ali!( kinukuha ang atensyon ng mayamang babae)
Mayamang babae: O, ano ba!( galit nitong sabi)
Estudyante: Ito po ang wallet niyo nakita ko po kanina, nalaglag kasi yan sa palengke kaya pinulot ko kaso pagtingin ko po sa paligid nawala kayo, kaya hinanap kita ali! ( pagpapaliwanag nito sabay abot sa wallet)
Mayamang babae:( Napatulala at napatingin sa batang patay na isinakay sa ambulansiya.
Mga tao: (tumingin lang)
Nakonsensya ang mayamang babae sa nangyari, napagbintangan niya ang inosenteng si Eboy na magnanakaw.
*SA KWARTO
Cess: hayss unang araw na ng pasukan bukas. Nabitin ako sa bakasyon!
Engrid: Eksayted na nga ako eh, magkikita na kami ni Anton. Sana magkaklase kami!
Lisa: Oh, Cess iha, umuwi ka na, gumagabi na. may pasok na kayo bukas. Sumabay ka nalang sa iyong ama papauwi na rin siya sa inyo.
Cess: Opo, papauwi na po ako Tita. Sige Engrid! Magkita nalang tayo bukas.
Engrid: Sige Cess. Mag-iingat kayo sa pag-uwi.
*PAGDATING SA BAHAY NINA CESS
Manang Cel: Oh anak,yung sapatos mo, handa na ba? Ihanda mo na ang mga gamit mo para bukas.
Cess: Handa na po ang lahat inay.
Bert: Matulog kana anak, maaga ka pang gigising bukas. Gisingin mo na din ang mga kapatid mo bukas.
*KINAUMAGAHAN SA PAARALAN
Engrid: Cess,dito! Punta na tayo sa gym, magfaflag ceremony na eh. Naglakad ka lang ba?
Cess: Oo, kami ng mga kapatid ko.
Engrid: Sana sumabay nalang kayo sa akin eh. Hala, nandoon si Anton oh, ang gwapo talaga!
Cess: Oh ayan kana naman. Anton ka ng Anton! Haha
*PAGKATAPOS NG FLAG CEREMONY
Cess: Sige Engrid, pasok na ako. Sayang naman, hindi tayo magkaklase pero sabay pa rin tayong kakain mamaya ah
Engrid: Oo naman, siyempre!
*SA SILID-ARALAN
Anton: Wala bang nakaupo dito sa tabi mo?
Cess: ah, wala.
Anton: Ako nga pala si Anton. Anong pangalan mo?
Cess: Ako si Cess (Sabay ngiti)
*SA CANTEEN
Engrid: Ang swerte mo naman Cess, kaklase mo si Anton.
Cess: Mabuti pa't kumain na tayo. Nagugutom na ako eh
Engrid: Hahaha ako din!
*PAGKALIPAS NG ISANG BUWAN
Engrid: Cess, napapansin ko lang, ba't parang close na kayo ni Anton?
Cess: Magkatabi kasi kami eh kaya madalas kami nag-uusap
Engrid: Ah sige, mauna na ako sa'yo.
*Napansin ni Cess na hindi na masyadong sumasabay at pumapansin si Engrid sa kanya
*SA BAHAY NILA ENGRID
Cess: Engrid, nagluto si nanay ng puto dinalhan kita.
Engrid: Okay, ilagay mo lang diyan.
Cess: Dali kainin mo na habang mainit pa
Engrid: Ilagay mo lang diyan! Meron pa akong ginagawa
Cess: Anong problema, Engrid? Sabihin mo sa akin.
Engrid: Wala, wala akong problema. Umuwi ka na nga
Cess: Sabihin mo sakin kung anong problema, Engrid.
Engrid: Anong problema? Ikaw! Ikaw ang problema ko, alam mo ba yon?!
Cess: Ha? Inano kita, Engrid?
Engrid: Noon ko pa kayo napapansin ni Anton eh, palaging nag-uusap,nagtatawanan at magkasabay. Anong meron sa inyo, Cess?
Cess: Magkaibigan lang kami, Engrid!
Engrid: Sigurado ka? Baka higit pa kayo diyan. Palagi akong nagkukwento sa iyo pero ikaw maski isa wala kang sinabi sa akin.
Cess: Ano namang sasabihin ko? Magkaibigan lang naman talaga kami. Alam kong matagal mo na siyang gusto at isa pa, wala akong panahon para sa mga ganyan Engrid.
Engrid: (hindi umimik at nakatitig lang kay Cess)
Cess: Matagal na tayong magkaibigan Engrid, hanggang dito nalang ba 'yon? Ihihinto na ba natin ang ating pagkakaibigan ng dahil lang sa lalaki?
Engrid: Pasensya na Cess nadala lang talaga ako sa aking emosyon. Akala ko kasi naglilihim ka na sa aki eh.
Cess: Huwag mo ng ulitin yong hindi ako pinapansin ah? Ang hirap kaya 'tsaka tigilan mo na nga yang Anton2 mo, walang kayo kung makaasta ka parang may kayo ah? Mag-aral muna tayo bago na iyang bagay na yan.
Engrid: Haha grabe ka ah! Oo na, titigilan ko na. Pasensya na talaga.
Sa isang bangketa naghihintay si Lana, sa kanyang kaibigan na sina Mark at Jane, habang siya ay naghihintay nagmuni-muni siya sa mga taong masayang nagtatawanan kasama ang kanilang mahal sa buhay. Habang siya ay nagmuni-muni sumagi sa kanyang isipan ang pananakit sa kanyang ina.
Flashback
Lana:(habang na namimilipit sa sakit) Arayy..nay tama na po.. Ang sakit.
Aling Rosa: (madiin ang hawak sa braso ni lana at galit kung magsalita) Masakit? Talagang masasaktan ka dahil kulang pa 'yan ang ipaparanas ko sa'yo!
Lana: Bakit? Nay ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo? (Umiiyak na sabi)
Aling Rosa: Ikaw, wala kang kasalan pero yung tatay mo meron. At ano pa ang magagawa ko sa tatay mo gayung wala na sa siya mundo! Kaya sayo ko nalang ibuntong ang galit ko. (may diin ang bawat salita).
Lana: B-bakit ho! Ano po ba ang nagawang kasalan ng ama ko?
Aling Rosa: Wala ka na dun.. ( sabay sampal kay Lana at tulak sa semento)
Dahil sa sobrang pag-iisip ni Lana hindi niya namalayan na dumating na pala ang kanyang mga kaibigan.
Jane: Hoy! Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon? (sabay upo sa tabi ni lana)
Mark: Oo nga kanina pa kami dito, at siya ka ano ba talaga problema mo?
Lana: (sabay iling) Wala ito guyss, at...
Jane: (sabay bara sa sinabi ni lana) Oh my god!.. Bakit may pasa ka sa braso?
Mark: Anong nangyari sayo? (sabay sabi at shick ang mukha habang nakita ang pasa ni Lana)
Dahil sa wala ng magagawa si lana, kaya na pilitan siya na sabihan sa kanila.
Jane: Grabe naman 'yang nanay mo, napakahayop talaga! (may pag-alalang sabi).
Mark: 'Yan ang sabi ko sayo friend, sa simula pa lang ng nakita ko ang iyong step mother or should i say iyong ina, masama na talaga ang kutob ko sa kanya, baka may binabalak lang siya sa inyong mag-ama. Kung ako sayo friend lumayas kana lang sa inyo.
Lana: 'Yon na nga kung bakit ko kayo pinapunta dito dahil, kailangan ko ng bahay para paglipatan ko.
Jane: 'Wag kang mag-alala friend. Tulungan ka namin na makahanap ng apartment na matitirhan mo. (sabay akbay)
Lana: Salamat talaga friend kong hindi dahil sa inyo, iwan ko na nalang kung saan ako pupulutin ngayon.
Matapos ang kanilang pag uusap ay umuwi agad si lana, baka kasi maabutan siya nito at sigurado siya na bugbog naman ang kanyang mapapala kapag maabutan siya, dahil nung umalis siya wala ito sa bahay.
Lana: (sabay sara sa pintuan ng gate at napapitlag siya ng marinig ang boses ng kanyang ina)
Aling Rosa: Bakit ngayon ka lang? (pasigaw na sabi at sabay hawak sa buhok)
Lana: Eh.. Kasi n-nay galing po ako sa kaibigan ko. ( nanginginig na sabi niya at habang umiiyak).
Aling Rosa: Ilang ulit ko bang sinasabi sayo na huwag kang aalis ng bahay ha!. (Sabay hila papasok sa loob ng bahay).
At nagsimula naman ang pambubugbug kay Lana, hanggang sa hindi na nakayanan sa kanyang katawan ay nawalan siya ng malay at pero sige pa rin ang pangbubugbog ng kanyang ina. Tumigil lang ito ng nawalan na ng buhay si Lana.
Labis ang pagsisi ni Aling Rosa dahil sa ginawa niya sa kanyang anak, walang oras na hindi niya sinisisi ang kanyang sarili.
“Gabi ng Kasiyahan”
ni: Louell Ampo

"Walang Hanggan"
ni: Rasheed Wallace Suello

"Paalam Rebecca"
ni: Angelica Namoc

Ang Marka ni Marko
ni: Jedidiah Quime I. Agayan

"Sa Kabila ng Lahat"
ni: Jessa Mae Vilano

"Sa Kabila ng Mundong Kaalaman"
ni: Jenelyn B. Buma-at
Bogart: Hoy! Gumising ka at umalis ka sa teritoryo ko (galit na sabi ni Bogart).
Eboy: (walang imik na bumangon at umalis)
Kaya bumangon nalang si Eboy at umalis na, kung saan pupunta na naman siya sa kabilang kalye para mamalimos.
Eboy: Ate! Ate! Palimos po! Mamalimos po, wala pa po akong agahan ate! Kuya! Mamalimos po! Pambili ko po ng pagkain (sabay binuka ang palad)
Mga tao: (ang iba nagbibigay habang ang iba dedma)
Bogart: kamusta kaibigan! Magkano ang kita natin ngayon? (Nakangiting sabi ni Bogart na mukhang may binabalak na masama)
Eboy: Anong ginagawa mo dito Bogart?
Bogart: (Napakibit balikat) Ah! wala lang naman nagbaba sakali lang kung may bayra ka riyan na maiibigay mo sa akin.
Eboy:Wala pa akong pera eh!
Bogart: Anong wala! Kanina ka pa dito tapos wala kang pera! Nagbibiro ka ba? (Hinablot at sabay kinuha ang pera sa bulsa ni Eboy)
Eboy: Wag naman yan bogart! (Napaiyak na sabi niya) 'wag mong kunin yan, hindi pa ako kumakain Bogart.
Bogart: Akala ko ba wala kang pera? Hehehe, salamat ha ( sabay tapik kay Eboy at ngumisi)
Walang nagawa si Eboy kundi umiyak na lang siya, namimilipit na siya sa gutom ang tanging magagawa na lang niya ay mamalimos ulit. kaya pumunta na siya sa palengke.
(Tagpuan 2)
Pumunta si Eboy sa palengke.
Tindera 1: O, Eboy andito ka pa pala. Anong iyo? Bibili ka ba? ( nagaayos sa mga paninda niya)
Eboy: Hindi po! ( habang tumitingin sa pagkain)
Tindera 2: (pinagmamasdan ang gutom na si Eboy) Eboy o, para sayo alam kung hindi ka pa kumakain.
Eboy:( Ngumiti sabay kinuha ang pagkain) Salamat po!
Umalis si Eboy papuntang kalye sa kanyang tinuturing na bahay. Nang may bigla siyang nakabanggaang mayamang babae.
Mayamang Babae: Ano ba? Pulubi ka! Ba't ka ba paharang-harang sa daan(nakaekis ang mga kilay at tinuturo si Eboy)
Eboy: (tumingin lang at di kumibo at umalis)
Mayamang babae:( kinuha ang wallet at napansing nawawala ito) OH MY GOD!! nawawala ang wallet ko ( sigaw nito)
Eboy:(napatingin lang sa bandang nagkakagulo)
Mayamang babae: (Galit na galit at sinusugod si Eboy) hoy! magnanakaw halika rito, ibalik mo ang wallet ko. Nasan ang pera ko (hinahawakan ng mahigpit si Eboy).
Eboy:( napatingin at natatakot, pinipilit na kumakawala) Hindi ko po alam!
Mayamang Babae: Sinungaling ka! Halika rito at ipakukulong kita (sabay hila kay Eboy)
Eboy:( kumawala at tumakabo na takot na takot)
Mayamang babae: Help!help! yung magnanakaw nakawala (tili nito)
Mga tao:( Hinahabol si Eboy)
Patuloy pa rin sa pagtatakbo si Eboy na di alam ang patutunguhan ng makita niya ang mga taong humahabol sa kanya, lalo pa ng makita niya ang mayamang babae binilisan niya ang takbo. Akmang patawid na siya ng kalsada ay may biglang humahrurot na sasakyan. Lumagapak ito at sa sandaling iyon na tahimik ang kalye.
Eboy:(nakahandusay sa kalsada ng walang malay)
Mga tao: (napatigil sa paghahabol)
Ang mga tao sa kalye ay nagsitinginan sa batang nakahandusay na walang malay. Habang ito'y puno ng sugat at may dugong lumabas sa kanyang ilong at baba.
Mga tao: tumawag tayo ng ambulansya?( sabay kuha ng selpon)
Mayamang babae: Dapat lang sa kanya yan! Magnanakaw kasi(walang pusong sabi sabay nagkibit balikat)
Estudyante: Ali! Ali!( kinukuha ang atensyon ng mayamang babae)
Mayamang babae: O, ano ba!( galit nitong sabi)
Estudyante: Ito po ang wallet niyo nakita ko po kanina, nalaglag kasi yan sa palengke kaya pinulot ko kaso pagtingin ko po sa paligid nawala kayo, kaya hinanap kita ali! ( pagpapaliwanag nito sabay abot sa wallet)
Mayamang babae:( Napatulala at napatingin sa batang patay na isinakay sa ambulansiya.
Mga tao: (tumingin lang)
Nakonsensya ang mayamang babae sa nangyari, napagbintangan niya ang inosenteng si Eboy na magnanakaw.
"Pagkakaibigan"
ni: Sheila Mae Penaso
*SA KWARTO
Cess: hayss unang araw na ng pasukan bukas. Nabitin ako sa bakasyon!
Engrid: Eksayted na nga ako eh, magkikita na kami ni Anton. Sana magkaklase kami!
Lisa: Oh, Cess iha, umuwi ka na, gumagabi na. may pasok na kayo bukas. Sumabay ka nalang sa iyong ama papauwi na rin siya sa inyo.
Cess: Opo, papauwi na po ako Tita. Sige Engrid! Magkita nalang tayo bukas.
Engrid: Sige Cess. Mag-iingat kayo sa pag-uwi.
*PAGDATING SA BAHAY NINA CESS
Manang Cel: Oh anak,yung sapatos mo, handa na ba? Ihanda mo na ang mga gamit mo para bukas.
Cess: Handa na po ang lahat inay.
Bert: Matulog kana anak, maaga ka pang gigising bukas. Gisingin mo na din ang mga kapatid mo bukas.
*KINAUMAGAHAN SA PAARALAN
Engrid: Cess,dito! Punta na tayo sa gym, magfaflag ceremony na eh. Naglakad ka lang ba?
Cess: Oo, kami ng mga kapatid ko.
Engrid: Sana sumabay nalang kayo sa akin eh. Hala, nandoon si Anton oh, ang gwapo talaga!
Cess: Oh ayan kana naman. Anton ka ng Anton! Haha
*PAGKATAPOS NG FLAG CEREMONY
Cess: Sige Engrid, pasok na ako. Sayang naman, hindi tayo magkaklase pero sabay pa rin tayong kakain mamaya ah
Engrid: Oo naman, siyempre!
*SA SILID-ARALAN
Anton: Wala bang nakaupo dito sa tabi mo?
Cess: ah, wala.
Anton: Ako nga pala si Anton. Anong pangalan mo?
Cess: Ako si Cess (Sabay ngiti)
*SA CANTEEN
Engrid: Ang swerte mo naman Cess, kaklase mo si Anton.
Cess: Mabuti pa't kumain na tayo. Nagugutom na ako eh
Engrid: Hahaha ako din!
*PAGKALIPAS NG ISANG BUWAN
Engrid: Cess, napapansin ko lang, ba't parang close na kayo ni Anton?
Cess: Magkatabi kasi kami eh kaya madalas kami nag-uusap
Engrid: Ah sige, mauna na ako sa'yo.
*Napansin ni Cess na hindi na masyadong sumasabay at pumapansin si Engrid sa kanya
*SA BAHAY NILA ENGRID
Cess: Engrid, nagluto si nanay ng puto dinalhan kita.
Engrid: Okay, ilagay mo lang diyan.
Cess: Dali kainin mo na habang mainit pa
Engrid: Ilagay mo lang diyan! Meron pa akong ginagawa
Cess: Anong problema, Engrid? Sabihin mo sa akin.
Engrid: Wala, wala akong problema. Umuwi ka na nga
Cess: Sabihin mo sakin kung anong problema, Engrid.
Engrid: Anong problema? Ikaw! Ikaw ang problema ko, alam mo ba yon?!
Cess: Ha? Inano kita, Engrid?
Engrid: Noon ko pa kayo napapansin ni Anton eh, palaging nag-uusap,nagtatawanan at magkasabay. Anong meron sa inyo, Cess?
Cess: Magkaibigan lang kami, Engrid!
Engrid: Sigurado ka? Baka higit pa kayo diyan. Palagi akong nagkukwento sa iyo pero ikaw maski isa wala kang sinabi sa akin.
Cess: Ano namang sasabihin ko? Magkaibigan lang naman talaga kami. Alam kong matagal mo na siyang gusto at isa pa, wala akong panahon para sa mga ganyan Engrid.
Engrid: (hindi umimik at nakatitig lang kay Cess)
Cess: Matagal na tayong magkaibigan Engrid, hanggang dito nalang ba 'yon? Ihihinto na ba natin ang ating pagkakaibigan ng dahil lang sa lalaki?
Engrid: Pasensya na Cess nadala lang talaga ako sa aking emosyon. Akala ko kasi naglilihim ka na sa aki eh.
Cess: Huwag mo ng ulitin yong hindi ako pinapansin ah? Ang hirap kaya 'tsaka tigilan mo na nga yang Anton2 mo, walang kayo kung makaasta ka parang may kayo ah? Mag-aral muna tayo bago na iyang bagay na yan.
Engrid: Haha grabe ka ah! Oo na, titigilan ko na. Pasensya na talaga.
"Ang Pabango"
ni: Khrystal Colen Trangia
TAGPO 1 (sa palasyo) (Nakaupo si Haring Elnido sa kanyang upuan
habang nag-iisip ng malalim. Dumating ang kawal, nakasunod ang matanda may
dalang baston at bolang crystal.)
Kawal: Mahal na Haring
Elnido, nandito nap o si Tandang Lala. (luluhod)
(Napatingin ang Hari sa dako ni
Tandang Lala, umalis ang kawal, lumapit si Tandang Lalas a Hari.)
Hari: Tandang Lala,
nangyari na ang kinatatakutan ko. Dapat nakinig ako sayo noon pa. (nanggigilid
ang luha)
Tandang Lala: Huminahon ka
Mahal na Hari. Noong hindi mo ako pinaniwalaan ay nakita ko na sa aking
pangitain. Alam kong pag
sinabi ko sayo ang nakita ko sa bolang crystal na ito ay hindi ka maniniwala.
Pero ginawa ko pa rin. Bakit? Dahil ang mga tao dito sa mundo ay nakatakdang
sumunod sa utos ng kapalaran.
Hari: Pero kung nakinig
sana ako sayo tatlong taon na ang nakalipas hindi sana mangyayari ang sunod
sunod na pagpatay ditto sa ating kaharian. Ngayon ay nalilito ako kung paano
solusyonan ito. Kung paano ko siya madadakip. Masyado na siyang
makapangyarihan. (nakahawak sa kanyang sentido)
Tandang Lala: Ang
pagsiklab ng kasamaan ay kailanma’y hindi mapipigilan. Yun ang daloy n gating
kaparan. Pero ito ang iyong tandaan mo Mahal na HAri, kailanman ang kasamaan ay
hindi magwawagi.
Hari: Ano ang dapat kong
gawin?
Tandang Lala: Ang
pagkasunod-sunod na pagpatay sa mga babae tuwing bilog ang buwan ay may
kahulugan. Anim pa lang ang napatay niya hindi ba?
Hari: Anim at kadalasan sa
kanila ay nakikitang nakahubad ngunit hindi naman nababahiran ng dugo. Sabin g
awtoridad, maaring namatay sila sa pagkalunod. Wala naming bahid na
panggagahasa. Ano ang ibig niyang ipahiwatig? Ano ang kailangan niya?
Tandang Lala: Unang kita
ko pa lang kay Amedla tatlong taon na ang nakalipas, ay nakitaan ko na siya ng
ambisyon. Masyadong mataas ang kanyang mga pangarap. Mahusay siya sa lahat ng
gawain… (napatigil dahil sinapawan ng Hari)
Hari: Kaya ko siya
nagawang pagkatiwalaan. Tinuring ko siyang aking kanang kamaysa lahat ng mga
desisyon ko na makakatulong sa kaharian. Kita niyo naman ang pagsagana n gating
kaharian hindi ba? Ngunit hindi ko alam na hindi ko pa pala siya kilala.
Tandang Lala: Yun ang
dahilan kung bakit di mo ako pinaniwalaan noon, hindi ba? Hindi mo kayang
tangapin na kaya ka niyang pagtaksilan sa kabila ng iyong pagtitiwala at
kabaitan sa kanya.
(Napailing ang hari, dumatinng
si Reyna Astra kasama ang kanilang anak na si Esha)
Esha:
Ama tignan niya, gumawa kami ng koronang bulalaklak ni Inang. (tinuro ang ulo)
Hari: Ang ganda naman
niyan anaka. Ito nga pala si Tandang
Lala. Bumati ka.
Esha: Magandang araw
Tandang Lala. (nagmano sa matanda)
Tandang Lala:
Napakagandang nilala. Halika, lumapit ka sa akin.
(lumapit si Esha sa matanda,
biglang umilaw ang bolang crystal, nagulat ang lahat)
Tandang Lala: May
pangitain (nilapit ang bola sa kanyang mata)
(Ilang Segundo ang nakalipas,
dahan dahang ibinaba ni Tandang Lala ang bola at napatingin kay Esha)
Tandang Lala: Mahal na
Haring Elnido, kailangan kitang makausap ng masinsinan. (lumingon sa dako ni
Haring Elnido)
Reyna Astra: Aalis nalang
muna kami. Halika na Esha. (pinalapit si Esha)
Esha: Paalam Ama, Paalam
tandang Lala. (kumapit sa kamay ng Ina, umalis)
Hari: Ano? Ano ang iyong
nakita?
Tandang Lala: Pabango.
Kadalasang ginagamit ng mga maharlika upang maging halimuyak ang kanilang bango
ngunit iba ang pabangong ginagawa ni Amedla. Pinaghahalo nito ang iba’t ibang
natural na bango sa nakukuha niya sa mga babaeng pinapatay niya. At maging
kapangyarihan lamang ito sa tuwing ginagawa ang pagpatay tuwing bilog ang
buwan.
Hari: Ano bang klaseng
pabango ito para kailangan niyang pumatay?
Tandang Lala: (tumalikod
sa hari) Makapangyarihan. Sa sobrang talino ni Amedla hindi nakapagtatakang
natuklasan niya nag tungkol doon.
Maaring maghasik ng kadiliman kapag ngaamit sa kasamaan. Delikado ang pabangong
ito kung nasa kamay ni Amedla.
Hari: Paanong naging
makapangyarihan ang pabangong ito?
Tandang Lala: Sino man ang
makakasinghot nito ay mapapasailalim sa sino man ang nagsuot nito. Wala kang
ibang gawin kundi sumunod sa utos ng nagsusuot.Kaya kung mapapasakamay ito ni
Amedla, siguradong kasamaan ang maghahari sa mundo.
Hari: Ano?! Kaya pala
umabot sap unto na kailangan niyang pumatay.
Tandang Lala: Likas na matalino
si Amedla, ngunit sa kabila ng yun ay nababalot siya ng ambisyon. Ambisyong
sakupin ang mundo. Ngunit wag kang mag alala Hari, sapagkat hindi niya pa
makukumpleto ang pabango dahil may kulang sa sangkap niya. Ayon sa Libro ng
Kaalaman, mabubuo lamang ang pabango kung makumpleto nito ang labindalawang
natural na bsngo na galing da mga babaeng dalaga.
Hari: (tatayo) Kung gayon,
hindi siya titigil sa pagpatay hangga’t hindi niya nakukumpleto ang msangkap.
Anim pa ang napatay niya, may susunod pa. Kung ganun, kailangan kong ipagsabi
ito sa nakakarami. (nagtangkang umalis ngunit pinigilan)
Tandang Lala: May mas
dapat kang unahin Mahal na Hari.
Hari: Ano? Kailangan
kong sabihan ang mga tao para bigyan
sila ng babala. Kailangan malagay sa ligtas ang mga babaeng ay natural na
bango.
Tandang Lala: Pagakatapos
ng anim na buwan lalabas ang bilog na buwang. May oras ka pa. Pero masyadong
malakas si Amedla, gagawin niya ang lahat matunton lamang ang mga ito. Pero may
mas manganganib Haring Elnido.
Hari: Sino?
Tandang Lala: Ang iyong
anak.
Hari: Ano?! Bakit?
(nagulat)
Tandang Lala: Nakita ko sa
aking pangitain kanina lang ng lumapit ang iyong anak sa akin. Anag anak mo ang
kukumpleto sa sangkap, nasa kanya nag huling sangkap. Kailangan mo siyang
protektahan laban kay Amedla. Kailangan mo gawin ang lahat para hindi siya
makuha ni Amedla. Ang kaligtasan ng iyong anak ay kaligtasan ng mundo.
Hari: Paano nangyari yun?
Bakit isa ang anak ko ang sa mga may natural na bango?
Tandang Lala: Huminahon ka
Hari., likas na maganda ang iyong anak. Likas na natural ang kanyang bango. Ang
mahalaga ay maitago mo siya. Nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ng mundo.
Hari: Ngunit bata pa lang
ang aking anak, ayoko siyang mawala.
Tandang Lala: Kaya nga ay
kailangan mo siyang itago, habang hindi pa alam ni Amedla ang tungkol sa kanya.
Hari: Paano Tandang Lala?
Ano ang dapat kong gawin?
Tandang Lala: Masyadong
makapangyarihan si Amedla. Matutunton at matutunton niya si Esha. Sabi sa Libro
ng Kaalaman, ang mga taong nagbabalak gumawa ng makapangyarihang pabango ay may
matalas na pang amoy kaya madali nilang natutonton an gang sino man na may
natural na bango.
Hari: Paano ko maitatago
si Esha kung naamoy nman siya ni Amedla? (naguguluhan)
Tandang Lala: Hindi niya
susubukang moyin ang mga taong sa unang tingin niya pa lang ay wala ng natural
na bango. Sa unang tingin ay hindi mo iisiping may natural na bango.
Hari: Ano ang ibig mong
sabihin?
Tandang Lala: Kadalasan sa
mga taong may natural na bango ay nangagaling sa maharlikang dugo. Kung
mabubuhay sa simpleng pamumuhay ang anak mo, hindi maiisip ni Amedla na may
natural siyang bango.
Hari: Ang ibig mong
sabihin… (naguguluhan)
Tandang Lala: Oo, Mahal na
Hari. Kailangan nating baguhin ang pamumuhay ni Esha. Kailngan niyang limaking
isang ordinaryong tao na nanggaling sa mahirap na angkan, nang sa ganun hindi
siya matunton ni Amedla.
Hari: Hindi maaari!
Mawalay sa amin an gaming anak!
Tandang Lala: Wala ng
ibang paraan. Hari ka, kailangan mong isipin ang kapakanan ng nakakarami.
Kailangan mong magsakrapisyo para sa ikakabuti ng lahat.
Hari: Ngunit…
Tandang Lala: Hindi lang
maligligtas ang anak mo, pati ang mundo. Isipin mo, kapag natunton ni Amedla si
Esha makukumpleto ang sangkap ‘pag nangyari yun, sasakupin ni Amedla ang
sangkatauhan gamit yun. Mahal na Hari, alam kong malaking sakripisyo ito pero
wala akong maisip na ibang paraan. Hindi mo gugustuhin kung nakita mo lang ang
nangyari sa anak mo sa aking pangitain. (Napailing ang Hari) Aalis na ako.
Ipatawag mo nalang ako kapag nakapag isip ka na. (umalis ang matanda,naiwan ang
Hari)
TAGPO 2 (sa kwarto ng Hari at Reyna)
Reyna: Ano?! Hindi maaari!
Mawawalay ang anak natin sa atin. Gugustuhin mo ba yun? (pasigaw na sambit)
Hari: Kahit ako man ay
hindi gusto ang gagawin kong nito… (napatigil)
Reyna: Gayun naman pala,
hindi natin to pweding gawin! Parang sinasabi mo na rin na itatakwil natin ang
sariling anak. (paiyak)
Hari: Kailangan mong
maintindihan ang gagawin ko mahal. Wala ng ibang paraan. Ang gagawin kong ito
ay para sa kaligtasan ng ating anak. Mas lalong mapanganib kong makuha siya ni
Amedla.
Reyna: Gawin mo ang lahat
para madakip si Amedla. Kung maari ay libutin mo ang mundo, dalhin mo ang lahat
na mahuhusay mong mandirigma para madakip siya. Wag lang ang anak natin Elnido.
(paiyak at nangungusap)
Hari: Kung ganun lang
kadali ang lahat matagal ko na sa nang ginawa Mahal ngunit masyadong malakas si
Amedla. Kailangan nating protektahan ang ating anak, nakasalalay din sa kanya
ang kaligtasan n gating kaharian. Sana maintindihan mo iyon Mahal.
Reyna: (tumalikod sa hari,
yumuko at napaiyak) Tatlong taon pa lamang ang ating anak Elnido. Ang bata niya
pa para mawalan ng magulang at lumaki sa kasinungalingan.
Hari: (lumapit sa reyna at
pinatahan) Wag kang mag alala Mahal, ipapadala ko si Ravana para tatayong tiyahin
niya. Kukunin natin siya ulit pag maayos na ang lahat. Maibabalik siya sa atin
kapag nadakip na si Amedla. (hinahagod ang likod ni Amedla)
Reyna: (yumakap sa asawa)
Ang anak natin Elnido. (humagulhol)
Hari: Mahirap sa akin ang
gagawin ngunit kailangan. Pasensya na. (yinakap ang asawa at umiyak narin)
TAGPO 3 ( sa silid ni Esha)
(mahimbing na natutulog si Esha, nasa silid si Tandang
Lala, Haring Elnido, Reyna Astra at Ravana)
Reyna: (lumapit sa
natutulog na anak at hinalikan ang noo) mahal na mahal ka naming anak, wag kang
mag alala, babalik ka sa amin. (pabulong, paiyak)
(hindi nila alam
na bahadyang nagising ang anak at narinig ang kanilang pag uusap)
Hari: Gusto kong maging
malinaw sa inyo na ang mangyayari ngayong gabi ay hindi dapat malalaman ng
kahit na sino man bukod sa mga taong nasa silid na ito. Ito ay mananatiling
atin atin lang para sa kaligtasan ng sekretong ito. Maliwanag? (seryoso,
napatingin kay Ravana)
Ravana: (tumango)
Masusunod mahal na Hari (yumuko)
Hari: Ravana, ikaw lang
ang mapagkakatiwalaan sa sitwasyong ito. Isa kang magiting na mandirigma, alam
kong malalagay sa mabuting kamay ang anak ko. Ngunit kailangan mong
magkunwaring tiyahin niya at gagawin mo ang lahat para sa kaligtasan niya.
Maipapangako mo ba iyon?
Ravana: Makakaas kayo
Kamahalan. (tumayo)
Tandang Lala: (lumapit sa
kama ng bata, may inilabas sa kanyang bulsa) Ito ang Batong Alsander, ang
batong ito ay siyang hahawak sa lahat ng ala ala na mayroon kay Esha ngayon.
(tumingin sa reyna) Hindi na kayo ma aalala ni Esha o kahit na anong ala ala na
mayroon siya ngayon.
Reyna: (tumingin sa anak)
Para sa kabutihan niya. Pero ipapangako niyong gagawin niyo ang lahatb madakip
lang si Amedla at maibabalik ang anak ko sa tunay niyang buhay.
(mangiyakngiyak)
Hari: Wag kang mag alala
Mahal. Babantayan parin natin siya sa tagong paraan.
Tandang Lala: Sisimulan ko
na ang orasyon.
(umalis ang
Reyna sa kama, lumapit ang matanda sa natutulog na bata, inilapat ang batong
malapd sa noo ng bata)
Tandang Lala: (nagsalita
sa griyegong orasyon) (pagkalipas ng ilang segundo biglang umilaw ang bato,
nawalan ngb mala yang bata)
Tandang Lala: (nilayo ang
bato sa noo ng bata, pinakita sa Hari at Reyna) Nandito sa batong ito ang ala
ala na kasama kayo. Itatago ko ito sa Kweba ng Kamuron. Doon ito maglalagi at
natitiyak kong walang makakatunton nito. Kung mapapasakamay ito ni Esha sa di
inaasahang pagkakataon, babalik at babal;ik sa kanya ang lahat ng ala alng
nakakubli sa batong ito. Ngayon ay natutulog siya at bukas ay gigising siyang
ordinaryong tao. Makikilala siya bilang Sophia, nakatira sa isang kubo sa gitna
ng gubat kasama ang kanyang tiyahin.
(Yinakap ng hari ang reyna
na umiiyak)
"Nasa Huli ang Pagsisisi"
ni: Regine Eballena
Flashback
Lana:(habang na namimilipit sa sakit) Arayy..nay tama na po.. Ang sakit.
Aling Rosa: (madiin ang hawak sa braso ni lana at galit kung magsalita) Masakit? Talagang masasaktan ka dahil kulang pa 'yan ang ipaparanas ko sa'yo!
Lana: Bakit? Nay ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo? (Umiiyak na sabi)
Aling Rosa: Ikaw, wala kang kasalan pero yung tatay mo meron. At ano pa ang magagawa ko sa tatay mo gayung wala na sa siya mundo! Kaya sayo ko nalang ibuntong ang galit ko. (may diin ang bawat salita).
Lana: B-bakit ho! Ano po ba ang nagawang kasalan ng ama ko?
Aling Rosa: Wala ka na dun.. ( sabay sampal kay Lana at tulak sa semento)
Dahil sa sobrang pag-iisip ni Lana hindi niya namalayan na dumating na pala ang kanyang mga kaibigan.
Jane: Hoy! Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon? (sabay upo sa tabi ni lana)
Mark: Oo nga kanina pa kami dito, at siya ka ano ba talaga problema mo?
Lana: (sabay iling) Wala ito guyss, at...
Jane: (sabay bara sa sinabi ni lana) Oh my god!.. Bakit may pasa ka sa braso?
Mark: Anong nangyari sayo? (sabay sabi at shick ang mukha habang nakita ang pasa ni Lana)
Dahil sa wala ng magagawa si lana, kaya na pilitan siya na sabihan sa kanila.
Jane: Grabe naman 'yang nanay mo, napakahayop talaga! (may pag-alalang sabi).
Mark: 'Yan ang sabi ko sayo friend, sa simula pa lang ng nakita ko ang iyong step mother or should i say iyong ina, masama na talaga ang kutob ko sa kanya, baka may binabalak lang siya sa inyong mag-ama. Kung ako sayo friend lumayas kana lang sa inyo.
Lana: 'Yon na nga kung bakit ko kayo pinapunta dito dahil, kailangan ko ng bahay para paglipatan ko.
Jane: 'Wag kang mag-alala friend. Tulungan ka namin na makahanap ng apartment na matitirhan mo. (sabay akbay)
Lana: Salamat talaga friend kong hindi dahil sa inyo, iwan ko na nalang kung saan ako pupulutin ngayon.
Matapos ang kanilang pag uusap ay umuwi agad si lana, baka kasi maabutan siya nito at sigurado siya na bugbog naman ang kanyang mapapala kapag maabutan siya, dahil nung umalis siya wala ito sa bahay.
Lana: (sabay sara sa pintuan ng gate at napapitlag siya ng marinig ang boses ng kanyang ina)
Aling Rosa: Bakit ngayon ka lang? (pasigaw na sabi at sabay hawak sa buhok)
Lana: Eh.. Kasi n-nay galing po ako sa kaibigan ko. ( nanginginig na sabi niya at habang umiiyak).
Aling Rosa: Ilang ulit ko bang sinasabi sayo na huwag kang aalis ng bahay ha!. (Sabay hila papasok sa loob ng bahay).
At nagsimula naman ang pambubugbug kay Lana, hanggang sa hindi na nakayanan sa kanyang katawan ay nawalan siya ng malay at pero sige pa rin ang pangbubugbog ng kanyang ina. Tumigil lang ito ng nawalan na ng buhay si Lana.
Labis ang pagsisi ni Aling Rosa dahil sa ginawa niya sa kanyang anak, walang oras na hindi niya sinisisi ang kanyang sarili.
Comments
Post a Comment